Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PG • 64

Busy'ng busy ang lahat dahil may changes sa shoot nila. They need to double the time para mas mabilis nilang maihabol mga natirang scenes na nadelay dahil sa mga hindi magandang panahon  noong mga nakaraang araw.

"Mams T, paki kuha nung wardrobe ni Alden sa van. Hindi ito ang mga dapat na susuotin niya ngayon eh." Tarantang sabi ni Loida sa PA ni Alden. Pati na kasi siya na pre-pressure na din kaya isa-isa niyang chineck ulit ang mga kailangan nito para mas mapadali at mas mabilis ang lahat.

Tumakbo naman palabas si mams T para kunin ang mga yon.

Timing din na nagka 15mins break si Alden kaya nakasalubong pa niya si Loida na papalabas din para sagutin ang tumatawag sa kanya. Mukhang pansin niya ang ka busyhan ng lahat kaya agad nalang siyang pumasok sa tent. Magpapahinga nalang muna siya saglit.

Pero bago paman siya nakapikit ay may pumasok. Si Olga. Well, tent din naman nila yon pero tinawag siya kaya napaupo siya ng maayos.

"Yes po?"

Bigla siyang na weirdohan sa mukha ni Olga. Ngumingisi kasi ito na para bang may kung ano siyang tinatago.

"May girlfriend ka pala."

Napalunok si Alden. Paano niya nalaman?

"Going on a date na pa disguise pa, huh?" Mas lalo pa siyang ngumisi. "Hmm, sumisekreto kana din pala."

Hindi halos makapagsalita si Alden sa kinauupo-an niya. Gusto lukotin at punitin ang hawak niyang magazine dahil sa sinabi ni Olga sa kanya. Ano anh alam niya? Shit.

"I saw you last night." Umupo siya sa isang mono block chair at humalukipkip. "With her." Umangat  ulit ang isang labi niya. "Totoo pala yung mga issues noon. You have a secret lover. Is she the one who once called a 'basher'? Before naging lover mo?"

Nagtagpo ang mga kilay ni Alden. Hanggat maari ay hindi muna siya magsasalita baka isa lang itong patibong. Fini-fishing lang siya nito para magsalita.

"Ano bang sinasabi mo? Nakita? Ako? With? Busy ako kagabi." Busy namab talaga ako, with her.

Tumawa siya ng marahan sa sinabi ni Alden. "Kunwari kapa. Alam na kita, huy!" Pang-asar niya.

"Kung sinusundan mo ako... humanda ka, I'll sue you."

Agad namang tumayo si Olga na para paring kalmado pero mas lumalaki ang mata. "Try me... makikita mo ang kaya kong gawin."

Kalmado pa rin si Alden na nakatitig sa kanya kahit sa loob ay kumukulo na ang dugo niya. Kailangan niyang ipakita na hindi importante ang pinagsasasabi ng babae na nasa harap niya para ma protektahan si Maine. "What do you want? You're talking nonsense here. Nagpapahinga ako eh." Pero hindi maalis sa tonada niya ang pagkainis.

"O, well... just a small favor for my alaga."

Alam na this. "Kahit ano pa yan... I will not do it." Madiin na pagsagot ni Alden sa kanya. She don't need to explain it to him. Alam naman niya kung anong sasabihin nito. Sa araw-araw ba naman niyang naririnig na pinagtutulakan nito ang alaga niya sa kanya.

"Kahit kapalit nito ang privacy niyo nang non-showbiz girlfriend mo?"

Huminga nang malalim si Alden at tumayo siya. Di porket may hawak siyang ebidensya ay pwede na siyang ma blackmail nito. "Sino ka ba para manghimasok sa personal kong buhay? Ikaw ba ang naglagay sa kung anong kinatatayu-an ko ngayon? Baka nakalimutan mo... You all owe me everything."

Humalukipkip ulit si Olga. "Lumalaki na ang ulo ni pambansang bae. Hmmm, mukhang magandang headline to, ah."

"Manager na ginagawang bugaw ang alaga niya... hmmm, mukhang magandang headline din to, ah." Tugon niya din.

Umigting ang panga ni Olga. Patigasan sila ng titig ni Alden. Para bang nagsusukatan sila kung sino ang unang susuko buti nalang at dumating si Loida at mams T dala-dala ang mga damit nansusuotin ni Alden. Lumabas si Olga at hindi na siya bumalik pa doon sa loob hanggang matapos ang shoot nila.

"Hello De!" Magiliw na bati ni Maine mula sa phone. "Kamusta araw mo? 2 days nalang at matatapos na shoot niyo."

"Oo nga eh. Konting tiis nalang. Magkasama ulit tayo palagi." Mahinahon naman niyang sagot. Pagod siya sa buong araw at kailangan niya ang happy pill niya kaya pagkatapos nang shoot ay agad siyang umalis sa set at tinawagan si Maine.

"Yay! Yan kana naman eh." Halata sa boses ni Maine na kinikilig siya pero agad lang na pawi ito nang tahimik lang ang naging tugon ni Rj sa kanya. Madalas kasi ay humahagikhik na ito sa kabilang linya pag ganito ang kanilang usapan. "De, okay ka lang? Pagod ka?"

"Medyo pero nakausap naman na kita kaya ayos na ako." Halata pa din sa tonada ng boses niya ang pagkapagod.

"Hmm, mukhang sobrang pagod ang boyfriend ko ah."

"May mga nangyari lang talaga kanina kaya extra pagod ang dagdag sa akin ngayon... pero wag kang mag-alala, I'll be fine. Kausapin mo lang ako ng kausapin..."

Napanguso naman si Maine. "Hmm, okay."

Nag-usap sila nang matagal hanggang sa naging maayos ang mood ni Rj. Mas nag usap pa sila nang matagal hanggang sa kailangan nang ibaba ni Maine ang tawag para makapagpahinga na si Rj.

Inaliw nalang ni Rj ang sarili niya sa paglalaro sa phone hanggang sa may natanggap siya na text message.

From: +6391723*****
Hi Den, can we talk? I just need someone to talk with. Para na akong sasabog ngayon eh. Wala akong malapitan. Mariana here.

"Hello Maine?"

"S-sir? G-good evening po."

"Can we talk? May icla-clarify lang kasi ako tungkol doon sa diamond executive offer mo para sa pinsan ko? I just want to make sure na maganda ang kalalabasan nang pag invest ko nang pera para sa kanya."

Napatayo agad si Maine. Omg! She offered his cousin the highest membership rank at si sir D ang nakikipag deal sa kanya dito para ibigay sa pinsan niya.

"Sure sir!"

"Okay. Meet tayo sa TGIF. Mag dinner nalang din tayo."

"Alden, parang may iba kasi siyang pinagkakaabalahan ngayon. Tita Olga told me na baka may ibang babae daw talaga si Dong. Nakakainis na! Tumatalab ang mga sinasabi ni tita para pagdudahan ko si Dong eh." Hagulhol ni Mariana sa kabilang linya. Matapos kasi mabasa ni Alden ang txt message... tinawagan niya agad ang kaibigan para sana i.decline ang offer pero hagulhol ang bumungad sa kanya. "I am so tired of this! Gusto ko lang naman kasi maging masaya bakit hindi ba pinagkakaloob sa akin ito?"

He sighed. Hindi naman kasi siya ganon ka manhid para di maramdaman ang hinagpis ng kaibigan. "Okay. Kumalma kana. Let's meet. TGIF tayo magkita. Let's talk about your problem there. Ang hirap sa phone."

•••
OMG! Let's meet at TGIF too guys! Charot.
Good day. 😊

Ps. Kamusta na pala ang MAICHARD?
Usap tayo  sa mga ganap please.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro