PG • 63
Lumipas ang mga araw at mas lalong lumala ang nararamdaman ni Rj. Lalo na dahil hindi na sila nagkikita ni Maine dahil din sa ka hectic ng mga schedule nilang dalawa.
Napapadalas na din ang kita ni Maine at ni sir D dahil umaattend ito sa mga seminars ni Maine. Well, the good thing is hindi naman tinatago ni Maine kay Rj yon. Panay update pa din naman ito sa kanya at siya din... pero yon na nga, bothered siya presensya ni sir D.
Pabagsak siyang umupo sa sofa na nagdulot naman ng tunog kaya napatingin ang iilang mga staff sa kanya. Hindi din naka iwas kay Mariana ang ginawa ni Rj.
"Hey, okay lang? Water ka muna oh." Inabotan niya ito.
"Thanks." Tipid niyang sagot.
"May problema kaba? Ang seryoso ata natin ngayon ah."
"Ha? N-no, I'm fine. Don't worry. Medyo kulang lang siguro to ng tulog pero okay naman ako. Ipapahinga ko lang muna to saglit."
Nakuha naman agad ni Mariana ang pinapahiwatig nito na iwan siya. "Okay but if you need someone, pwede mo akong makausap." She smiled.
"Salamat." Nginiti-an niya ito bago siya pumikit. Masyado na din ata siyang pagod sabayan pa ng selos na nararamdaman niya kaya naaapektohan na ang mood niya.
•
"So... let's meet on Saturday, again? Same time?" Usal ni Dong kay Maine. Kakatapos lang nang pag-uusap nila. As usual, tungkol business lang ang pinag-uusapan nila. Sinigurado din yon ni Maine.
"Uhm, kasi ano... may lakad ako on Saturday sir, eh. Pwede uhm... yung isang kasamahan ko nalang po. If it's okay with you?" Suhestyon niya. Totoo din naman kasi talaga. Sa weekend kasi may plano sila ni Rj na mag di-dinner date dahil free din ang schedule niya.
"Ah, hmm, okay. Ipa message mo lang yung kasamahan mo. Walang kaso yun sa akin."
"Okay po, sir D. Salamat."
•
Nabulabog ang katahimikan sa loob ng tent nila Rj nang biglang pumasok si Olga at si Mariana na halos magsisigawan na ito sa harap nila.
"Engot ka kasi eh! Alam mo namang fresh na fresh pa yang issue na yan tapos pinatulan mo pa. Ugh! Ewan ko talaga sayo Mariana! Sakit ka sa ulo."
Si mams T na nag aayos ng mga gamit ni Rj at si Loida na may kung anong kinukulikot sa phone ay parehong nabaling ang atensyon sa deriksyon nang dalawa. Pati na din si Rj ay nagising dahil sa ingay nila.
Nasa iisang tent na kasi sila ngayon dahil request yon ni Olga.Wala namang nagawa si Rj dahil inapprove naman yon ng direktor nila.
"Tita, can you stop shouting? Nakakahiya oh? May mga kasama tayo dito?!" Saway ni Mariana.
"Wala akong pake! Ikaw bata ka ang tigas talaga ng ulo mo. Ilang beses ko ba sinabi sayo na wag kang paapekto diyan sa lumalabong relasyon niyo ng walang kwentang boyprend mo?! Ha?!"
Nagkatinginan lang ang tatlo sa kanila. Si Loida naman ay nagpakita ng ngisi kay mams T na parang naghihiwatig na pareho silang iniisip.
"Eh kasi naman, nakakainis na eh! Madalas na kasi yon na nag cocomment sa account ko. Nakakairita na! She's acting as if she knew everything." Rason ni Mariana sabay irap sa manager.
"Haay! Ewan ko nalang talaga sayo babae ka! Bakit ba kasi di nalang tong si Alden ang magustuhan mo? Di hamak na mas mabai...—"
"O shut up! Shut up! Alam mo bang rinding-rindi na ako sa mga pinagsasabi mo! Palagi mo nalang tinutulak si Alden sa akin. Puro Alden! Alden! Hindi mo man lang tinanong kung gusto din ako ni Alden? O, alam ko, hindi ako magugustuhan ni Alden dahil may iba naman siyang gusto."
Nanlaki ang mata ni Olga. Mukhang gulat na gulat siya sa sinabi ni Mariana.
Napatakip naman ng bibig si Mariana sabay tingin kay Alden. Sinabihan kasi siya ni Alden na hindi ito ipagsabi kahit kanino kaya bigla siyang natakot nang mapatingin ang aktor sa kanya.
"S-sorry." Yon lang ang tanging nasambit niya sabay hila sa manager palabas ng tent.
Tumayo naman si Loida, bakas sa mukha niya ang pagkainis sa nangyari. "Nakakaloka! Talagang sa harap pa talaga natin sila nag away ano?"
"Sinabi mo pa. Tsaka, Rj? Sinabi mo kay Mariana na may girlfriend ka? Bakit? Baka kulitin siya nung Olga para sabihin sa kanya ang sekreto." Dagdag ni Mams T.
"Isa ka din eh! Sakit ka sa ulo. Pinagbigyan ko na nga yang lihim mong relasyon... ikaw naman ang nagpapahamak sa sarili mo." Segunda ulit ni Loida sa kanya.
"Guys, chill lang, okay? Mapagkakatiwalaan si Mariana kaya wag kayong mangamba." Sagot naman niya sa mga ito.
"Gaano ka nakakasiguro na hindi niya ipagsasabi? Ha? Haaay nako Richard!" Napahilot si Loida sa sentido niya.
"Kung hindi ko kasi sasabihin sa kanya baka mag expect siya na pwede kami. Ayoko ng ganon. Baka madala kasi siya sa mga sinasabi ng manager niya at lalong lalo na sa komplikadong sitwasyon nila ng boyfriend niya. Alam niyo namang trabaho lang tayo dito. Naninigurado lang ako."
In short, binabakuran ko sarili ko.
"Haaay, dami mong sinasabi bata ka! Basta ha? Pag ikaw talaga sasabit... ewan ko nalang talaga sayo." Inirapan siya ni Loida at lumabas sa tent.
Napaling-lingo lang siya sabay tawa sa reaksyon ng manager niya. Alam niya kasing hindi din siya matitiis non pagnagka bulilyaso na ang lahat. Maldita-malditahan lang yon pero alam niyang mahal siya non at po-protektahan siya kahit ano man ang mangyari.
•
Mabilis lumipas ang mga araw at Sabado ng gabi na. Date time na and it means disguise time na naman.
Maine is wearing glasses at pinakapalan niya din ang kilay niya para mas lalo siyang di mahalata. Nagsuot din siya ng mahabang skirt at long sleeve. Nagmukha siyang Maria Clara sa modernong panahon. Paniguradong pagtatawanan siya ng mga tao pero isa lang ang nasa isip niya sa mga oras na yon... basta ba makasama lang niya si Richard ay gagawin niya ang lahat.
"Hi!" Natatawang bati ni Maine pagkabukas niya ng pinto.
"O? Betty La Fea tayo tonight?" Pigil tawa din si Rj matapos niyang tingnan ang kabuohan ng girlfriend niya.
"Yeah." Kinagat niya ang ibabang labi niya para di siya matawa sa pinagagagawa niya. "And too unfair to see your boyfriend wearing his normal outfit tapos ako nagpapakapangit para lang po ma i-date."
Humagalpak sa kakatawa si Rj sabay hawak sa magkabilang pisngi niya at hinalikan siya nito sa labi ng mabilis. Mabilis lang yon pero dumoble din ang bumilis nang tibok ng puso niya
Pero bago man siya matulala ng husto... may inangat si Rj sa harap niya. Isang paper bag.
"I have mine too. Pagamit ng CR ha? Magbibihis lang ako."
Makalipas ng ilang sandali. Napuno ng tawanan ang loob ng condo unit ni Maine dahil sa hitsura nilang dalawa.
Rj is wearing high-waisted slacks with suspender at nag long-sleeve pa. Nagsuot din siya ng eye-glasses at nagsuot din siya ng fake na balbas para mas di siya mahalata ng mga tao na makakasalamuha nila.
"Ano ba yan?" Namama-os na sa kakatawa si Maine.
"Eh, I guess na hulaan ko ang susuotin mo ngayon. Na match yung outfit natin oh. Hashtag couple goals." Kinindatan niya ito.
"Ewan ko sayo. Tara na nga."
"Let's go!"
Ikinawit naman ni Maine ang kamay niya sa braso ni Rj at naglakad sila pababa at papuntang parking lot.
•
"Kuya, pakisundan ang SUV na yon."
"Okay ma'am Olga."
•••
Hello guys! Sorry nagkasakit ako at kinailangan ko ang mahaba-habang pahinga. Bed rest for almost 1 week. Ang saklap! Pero thank God at medyo okay na ako ngayon.
Belated Happy Birthday pala kay Menggay! 💕
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro