PG • 61
"Hello ma'am, thank you at pinaunlakan niyo ang invitation namin. Hindi talaga ako nagkamali na piliin ka as our speaker and lecturer for this event." Bati nang isang doktora na nag organize ng seminar kung saan si Maine ang kinuha nilang speaker. It has something with her networking pero mas deeper ang pagtatalakay nito.
"Nako, walang ano man po. It's my pleasure to be your guest on this event." Tugon naman niya dito na may ngiti.
"And because of that, our major sponsors would like to ask you to join us in our lunch. Would it be okay with you po ba?"
Walang pag-alinlangan namang pinaunlakan ulit ito ni Maine. Wala naman na kasi siyang gagawin pagkatapos kaya pupuntahan nalang niya ang alok ng doktora.
Pagkadating nila doon ay hindi siya makapaniwala na marami palang artista at mga medical doctors ang nandoon para salubungin siya at bigyang pugay ang ginawa niya sa seminars. Hindi niya akalain na ganon ang pagtanggap sa kanya ng mga ito...
"Miss Maine, This is one of our major sponsor. Si Mr. Dong Dantes. Isa siya sa mga interesado sa mha produkto natin kaya nag sponsor siya sa event nato."
Halos hindi makagalaw si Maine sa kinatatayu-an niya nang binaling ni Dong ang atensyon niya dito tapos nginiti-an siya at inilahad ang kamay.
"It's nice to meet you Miss Maine." Panimula nito.
Shit ang gwapo. "Uhm, H-hello din po. It's nice to meet you din."
"Would you mind if I seat here? Mukhang wala namang nakaupo dito sa tabi mo."
Walang ibang sinabi si Maine kundi ang tumango. Hindi niya kasi alam kung ano ang sasabihin niya sa aktor na nasa harap niya ngayon. Aktor na mala adonis ang kagwapohan at kakisigan.
Huy gaga! Tumino ka nga. May boyprend kang bobita ka at artista din. Kaloka ka!
"Uh, You seems so familiar. Have we met before?"
Oo, Dios ko. Sa panaginip beshy! Charot.
"H-hindi pa ata eh."
"Ah, okay. Anyway, I am so interested with your products. Kahit hindi mo na ako tanungin na open-minded ba ako... I would really love to discuss everything about this. Would you give me your calling card para kung magka chance ulit na maka free time ako... tatawagan kita para mapag-usapan natin ito?" Magalang niyang sabi sabay ngiti.
Omg! "Sure." Buong ngiti niyang tugon dito.
•
"Omg, Deeeeeeeee!" Tili ni Maine sa kabilang linya nang makauwi na siya. Tinawagan niya kasi agad si Rj para ikwento ang kaganapan sa araw na yon.
Tumawa naman si Rj. "Hmm, mukhang masaya ka ngayon ah. Kamusta ang seminar?"
"Nako, ang dami kong kwento sayo. Alam mo bang super successful ng lecture ko kanina? Hindi ko akalain na ganon ka positive ang feedback ng mga tao at ang mas matindi, hindi lang basta basta ang mga taong yun... doctors, artista at iba pang mga malalaking tao sa buong mundo."
Mas humagikhik si Rj sa kwento niya. "Buong mundo talaga ha."
"Oo, hahaha basta. Feel ko lang sikat sila sa buong mundo dahil ang sososyal nila tignan eh. Hindi ko nga akalain na papaunlakan nila ang gaya ko... di hamak na isang networker lang naman ak...—"
"Hey don't say that. Wag mong maliitin ang sarili mo. Nakaka offend."
Napatawa naman si Maine. "At talagang ikaw pa ang ma o-offend De?"
"Oo naman, hindi kaya ganon ang tingin ko sayo. You are more precious than anything else for me kaya wala kang karapatang maliitin ang sarili mo sa pandinig ko."
Hindi naman agad nakasagot si Maine. A-ako? T-totoo?
"Hey? Are you still there Me?"
"H-ha? Oo, oo. Andito pa din ako. Sorry, nagulat lang ako."
"Bakit? May nasabi ba akong masama?"
"H-ha? Wala. Uhm, parang ano lang... you seems so surreal. Teka, totoo kaba talaga? Bakit ang ano... haaay basta!"
Tumawa ulit si Rj. "Hay nako, masanay kana Me. Ano ka ba. Ilang buwan na tayo tapos parang gulat na gulat ka pa din pag bumabanat ako."
"Eh kasi naman kasi... hindi ka nang o-orient. Parang nag ha-hyperventilate ang lahat ng internal organs ko sa kilig kaya tuloy na spe-speechless ako. Kainis ka!" Maarte niyang tugon dito.
"Masanay kana kasi. Hahaha"
"Ewan ko sayo."
"Hahahaha okay, so ituloy muna kwento mo."
Huminga siya nang malalim at itinuloy ang kwento. "Tapos may isang artista kanina na hiningi ang contact number ko kasi interesado siya sa mga products ko. Diba? Ang galing. And guess who? Si Dong Dagxksmwggays"
"Ha? Sino?"
"Si Doagakdgsbamalhsycks"
"H-hello? Hello? Me? Are you still there? Medyo choppy ka kasi. Hell...—"
"Wala masyadong signal kaya di mo maririnig ng maayos. Tawagan mo nalang ang loveydabs mo pagkarating natin sa city." Pangiti-ngiting sambat ni Mariana. Nasa iisang sasakyan kasi sila ngayon at pauwi pa lang galing sa taping.
Ibinaba nalang ni Alden ang phone niya at nakipagkwentohan kay Mariana.
•
"Hello? Good evening."
"Hello, is this Maine Mendoza?" Malamig ang boses mula sa kabilang linya.
"Yes, speaking. Sino to?"
"This is Dong Dantes. Can we meet tonight? Somewhere near your place lang para di kana mahirapan. I can't wait to talk about your products na kasi."
Napakurap-kurap si Maine dahil sa gulat. O my gulay! Si Dong Dantes!!! Wooooah!
"Uhm, s-sure. I'll just text you my address. I mean, yung address ng café. May maganda kasing café na malapit dito m. Uhm, yung hindi masyadong ma tao."
"Cool. Okay. See you."
•
"Mams, mauna na kayo ha? Ihatid niyo nalang sila Olga at Mariana para tapos ang usapan." Pabulong na sabi ni Rj. Kanina pa kasi nagpaparinig si Olga na wala na daw silang masasakyan dahil umuwi na ang personal driver nila. Ayaw din daw nilang mag taxi.
"Kainis! Bakit ba kasi nakisabay ang mga yan. May sarili namang sasakyan tapos ngayon... tayo pa ang piniperwesyo." Reklamo ni Mams T.
"Hayaan na natin mams. Sige na ha? Bababa ako. I need to see Maine, ilang araw na din kasi kaming hindi nagkita eh."
"Okay sige, ipapa sundo nalang kita kay manong Naldo mamaya. Magtxt ka lang."
"Okay po."
"Uhm, Alden?" Sambat ni Olga. "Sorry kung nakaka iisturbo kami ha? Pero pwede mo bang ihatid si Mariana sa kanila? Mag tataxi nalang ako pauwi."
"Nako! Hindi kayo nakakaisturbo." Sarkastikong sagot ni Loida. "Kayo pa ba?"
"Ahehehe, so okay na na ihahatid ng alaga mo si Mariana?"
"Hindi." Diin ni Loida. "Kami ang maghahatid. Ipapauwi na namin tong alaga namin. Medyo pagod nato eh. Ginawa ba namang taga bitbit ng gamit nang iba diyan kanina kahit may PA naman?"
"Tita..." saway ni Alden.
"Bumaba kana. Pumunta kana doon sa bitamina mo. Kami na bahala sa mga to."
"Saan siya pupunta? Sasabay nalang kami kay Alden." Sabi naman ni Olga.
"Hindi. Dito lang kayo."
At sa isang hudyat... lumabas na si Alden si van at pumara ng taxi papuntang condo ni Maine. His happy pill.
•••
May mga bago tayong karakter sa kwento. Hehehe Sana magustuhan niyo pa din. 😊
May sasabihin ako eh... nakalimutan ko. Uugh! Sa susunod nalang. HAHAHAHA
Happy Friday to all. God bless us 😊🙏🏻
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro