Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PG • 59

"Shhhh, tahan na." Hinaplos ni Alden ang likod ni Mariana habang umiiyak naman ng husto ang dalagang nakayakap sa kanya. "He's not worth your tears." Dagdag pa niya.

Nasa loob kasi siya ng tent kung saan ang siya nagpapahinga nang pumasok si Mariana doon at umupo malapit sa kanya. Bigla itong humagulhol na parang bata kaya agad siyang nataranta. Nalaman niya na nag-away pala sila ng long-term boyfriend niya na si Dong Dantes na artista din sa kabilang istasyon.

"Hindi niya ako naiintindihan eh. Bakit ganon" Hagulhol pa rin niya.

"Siguro dahil nag expect siya na dadalo ka talaga."

"Alam naman niya ang schedule ko eh. Bakit siya ganon? Ang unfair niya!"

Dalawang linggo na ang lumipas mula nung inanonsyu ang tambalan nilang dalawa ni Mariana Opena at magkakaroon sila ng pelikula. Marami ang nag aabang sa tambalan nilang dalawa di lang dahil first time ito sa career ni Alden... dahil din patok sa masa ang tambalan nila kahit ilang beses palang nila itong nakitang magkasama. May chemistry daw kasi.

Para kay Alden, maganda din ito para matapos na din ang pag usisa ng mga fans niya sa probado niyang buhay lalong-lalo na sa relasyon nila ni Maine dahil ayaw niyang mapahamak ito.

"Ayoko na, ako nalang palagi ang umiintindi sa aming dalawa! Ayoko na." Hindi naman alam ni Alden kung ano ang gagawin niya para mapatahan ito lalo na nung niyakap siya bigla ng dalaga.

Lingid naman sa kaalaman nilang dalawa na may mga nagmamasid pala sa paligid nila at minamanmanan ang mga galaw nila.

Hindi naman mapakali si Maine dahil ang madalas na partner niya na si Joan ay hindi sinasagot ang tawag niya, may mga naka schedule pa silang seminars at demo sa mga susunod na araw pero di niya alam kung ano ang gagawin niya kung wala ang partner niya dahil naghati-hati sila ng topic sa lectures at hindi sapat ang oras niya kung aaralin pa niya mismo ang parte ni Joan.

Ano kaya ang nangyari sa kanya? Hindi naman yun ganon eh.

Patuloy pa din ang pagtawag niya pero wala talagang sagot ni isa.

Alden Richards at Marian Opena, nagyakapan sa loob ng tent. Bakit kaya?

"Ang bilis kumalat ng chismis ano?" Pangiti-ngiting sabi ng manager ni Mariana na si Olga kay Loida. "Pero okay lang, magandang scoop naman."

Napakamot ng batok si Loida, hindi niya kasi alam kung paano mag react kay Olga. Bilin kasi ni Alden na bawal sabihin sa iba ang totoong istado niya ngayon na may girlfriend na siya baka kasi gawin itong pa-in para mapasunod sila sa kung anong gusto nila kapalit ng pagtago kay Maine bilang marelasyon ni Alden.

Buti nalang at dumating si Alden at si Mariana, kakatapos lang nila sa isang iksena.

"Uy, good that you're here! Look at this." Galak na sabi ni Olga sa alaga niya. Pag-uusapan na naman kayo nito bibi girl."

Kumunot ang noo ni Alden. "Ano yan?"
Pabulong na tanong niya kay Loida.

"Ay nako, may nakapag video sa inyo kanina na nagyakapan." Anito.

"Ha? Ganon ba?" Kinuha niya ang pagkain sa may table at umupo ng komportable.

"Geeez, nako! Mag tre-trending na naman ito." Komento ulit ni Olga. "Alam niyo di talaga ikakaila ang chemistry niyong dalawa. Bakit di nalang kaya mag kayo? Puro problema lang kasi ang dulot ni Dong sayo, anak eh. Nakakaawa ka naman. Di gaya nitong si Alden na malinis at wala masyadong issue sa buhay." Dagdag pa niya.

"Tita Olgs naman." Saway ni Mariana dito.

"Bakit? Okay naman talaga ah? Walang sabit sa
at wala masyadong issue dito sa industriya tapos sikat pa. Saan kapa ba hahanap?" Humagikhik siya. Hinila naman siya ni Mariana palabas ng tent. Halatang hiyang-hiya na siya sa mga sinabi ng manager niya sa harap nila Alden.

"Kapaaal!" Ibinagsak ni mams T ang bitbit na mineral water sa mesa. "Ano yun? Ibinubugaw ang alaga niya sayo? Goosh! Kairita!"

Hindi naman mapigilan ni Alden ang matawa sa sinabi ng PA niya. "Ikaw talaga mamsy. Kalma lang."

"Anong kalma? Kita mong pilit niyang dinidikit ang alaga niya sayo eh. Nako, hindi na ako magtataka kung mabisto ang gawain niya."

"Gawaing ano mams?" Tanong ni Loida.

"Na siya ang may pakana ng mga behind the seens pictures at videos ng dalawa para mapag-usapan. Duuh." Maarte niyang tugon sa dalawa.

"Sinasabi ko na nga ba. Usapan namin na hayaan ang dalawa eh. Siya lang pala ang pakialamera. Trying hard para sumikat ng husto ang alaga." Paratang ni Loida sa galaw ni Olga.

"Sinabi mo pa. Haaay, nakakainis ha. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Gagamitin na naman tong alaga nati...—huy! Anong nginingiti ngiti mo diyan?"

Hindi pala ito nakikinig sa pinag-uusapan at panay ngiti lang habang nasa phone lang ang atensyon niya. Katxt na kasi niya si Maine.

Alden: miss na din kita Me. 😘 Yung kiss ko.

Maine: hala! Lumalabis kana. Haha

Alden: nakaka adik eh.

Maine: halaa siya! Ang landi.

Alden: sayo lang. haha

Maine: may lumalabas na naman na chika tungkol sa inyo ni Marian.

Alden: oo nga eh. Tsssk.

Maine: ano nangyari doon?

De ❤️ Calling...

"Hi Me."

"Uy, hello."

"Wag kang maniwala sa nga chismis ha? Hindi naman kasi yun totoo. Uhm, yung yakap... totoo yun pero wala lang yun. Nagka problema kasi siya tapos ako yung nilapitan niya. Hindi ko naman alam kung ano ang irereact ko sa kanya kaya niyakap ko nalang siya. Wala lang yun ha? Wag kang maniwala sa mga sabi-sabi." Depensa ni Rj.

"Wag kang mag-alala. Naniniwala ako sayo. Gusto ko lang malaman kung ano talaga ang totoong nangyari." Para alam ko din kung ano ang irarason ko sa mga kapatid ko.

Narinig niya ang pagbuga ng hininga si Rj sa kabilang linya. "Haaay, akala ko magagalit o magtatampo ka."

"Hindi noh. As long as magsasabi ka lang ng totoo sa akin wala tayong problema. Ipagpatuloy mo sana yan, De."

"Oo naman. Sa mundong ginagalawan ko ngayon... ang pagiging totoo ko sayo ang isa sa mga pinakaimportante para mas tumibay at lumago ang pag-iibigan natin."

"Naks, lalim nun ah." Napahagikhik si Maine.

"Uy, seryoso ako dito eh. Pinagtatawanan mo lang ako."

Humalakhak si Maine sa kabilang linya. "Haay, Ikaw lang talaga ang nagpaganda ng araw ko ngayon. Alam mo ba yun?"

"Bakit may problema kaba?"

"Eh kasi si Joan eh. Hindi ko ma contact tapos marami pa kaming kailangan paghandaan sa mga upcoming seminars namin. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko ngayon." Halata sa boses niya ang pagkalungkot at pangamba.

"Hindi man lang ba siya nagpasabi sayo na aalis man lang or ano? Baka nawala ang phone o di kaya nagbakasyon."

"Haaay, hindi ko din alam eh. Sana nga ganon lang."

"Hayaan mo muna yun. Wait, packup na kami after this last scene. Ice cream tayo after?"

Napangiti si Maine. "I'd love that!"

"I love you more."

•••
Woah! I miss this! I miss you all! 💕

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro