Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PG • 58

She wanted to go with him pero hindi pumayag si Rj sa gusto niya. She wanted to know kung ano ang pag uusapan nila... but he wanted to talk to her former friend, alone.

He messaged Shella through her IG at halos mangisay sa kilig ang dalaga sa ginawa nito. Sino ba ang hindi? She's a fan.

"Magandang gabi, I am sorry I'm late."

"O-okay lang." she smiled at him. Para siyang na starstruck sa pagmumukha nito.

"Isiningit ko lang sa schedule ko ang meet-up nato... alam mo naman ata siguro kung ano ang totoo kung pakay diba?" He said.

Tumango naman si Shella.

"Uhm, to start with... gusto ko lang malaman kung bakit ginawa mo yun kay Maine?"

Humugot ng hininga si Shella. Napaigting din ang mga panga niya. "Haha, she's really special to you ano? Pinaglaanan mo talaga to ng oras. Alam mo, nagsasayang ka lang. Why dont you just sign all my magazines and posters..." inilahad niya ang mga ito sa harap ni Rj.

"C'mon, I can do that later. Sagutin mo muna ang tanong ko."

"For your information mister Alden Richards, yang babaeng tinutulungan mo ang may problema. Why don't you ask her first kung bakit kami nagka ganito? Kung bakit ko siya siniraan at kung bakit kinamuhi-an ko siya hanggang ngayon." Madiin na sabi ni Shella.

"Alam ko na ang lahat."

"Alam mo naman pala eh. Now, talking about her is all nonsense kaya permahan mo na lahat ng to and let's take a selfie din para may ipapakita ako sa mga friends ko." She said, giggling.

"Ayoko." He said.

"What?"

"Ayoko." Balik na sabi ni Alden. "Ang mga tinuturing ko na fans ay hindi naninira ng sarili nilang kapwa. Siguro alam mo yon dahil na mention sakin ni Maine na member ka sa isa sa mga sikat na fans club ko. Palagi kong nireremind ang mga taga hanga ko na hindi mangialam at manira ng iba... and you fail to do that rule. So di mo deserve na ma treat ka ng ganito."

Kumunot ang noo ni Shella. Iniisip niya kung gino-good time lang ba siya ni Alden Richards pero nang makita niya na seryoso talaga ang pagmumukha nito alam niyang hindi.

"My God, hahahaha ang haba naman talaga ng hair ng Maine Mendoza'ng yun. Tsssk haha pinagtatanggol pa siya ng isang Alden Richards." Pailing iling na sabi ni Shella.

"Kahit sino din naman ang gumagawa ng ganito aa kapwa don't deserve a good treatment from me." Sagot nj Alden.

"Ang suplado mo pala."

"Hindi rin." Sabi ni Alden sa kanya. "Just returning the favor? Respect begets respect kung baga." He smirked.

Umigting ulit ang panga ni Shella. Akala niya kasi magiging malumanay ang pag-uusap nila ni Alden pero kulang nalang siya ipagtabuyan sa harap nito.

"Alam mo mister Alden Richards, bakit di mo sa kanya sabihin yan? Mukhang siya ang dapat pagsabihan niyan eh. 'I am also returning the favor'." Supladang sabi ni Shella.

"Miss, Hindi ako pumunta dito para makipagtalo sayo... pero matigas ang ulo mo kaya kita napagsalitaan ng masama." He sighed. "Girlfriend ko na si Mai...—"

"I knew it! So totoo pala."

Tumikhim si Alden bago nagpatuloy. "At ayaw ko siyang makita na nasasaktan. Ang ipinunta ko sana dito ay ang humingi sayo ng pabor na patawarin mo na si Maine at mag-ayos kayo... pero simula palang ng pag-uusap natin alam ko na kung ano ang totoo mong naramdaman. Well, ganito talaga siguro ang buhay no? Everything and everyone changes as time goes by. Sige, ganito nalang... hindi ka na pwedeng lumapit kay Maine kahit kailan. Okay? Ni anino at amoy mo ay ayaw ko ng makita at maamoy... she don't deserve a friend like you at hindi niya deserve na magkandarapa sayo kaya wag na wag ka ng magpakita aa kanya. Tandaan mo yan. Kaya kong punuin ang pagkukulang mo bilang kaibigan." He stood up. He walked away at hindi na siya nagpaalam.

Pinagbuksan siya ni Maine ng pinto sa gabing iyon na may malapad na ngiti. "Kamusta ang pag uusap niyo? Is she going to talk to me? Magkikita ba kami? Kailan?" Binombahan niya ito ng mga tanong.

Niyakap niya ito at hindi nagsalita. Nasasaktan siya para kay Maine. Alam niya kung gaano nito kamahal ang kaibigan pero sa pananaw niya... hindi na makakabuti na magpatuloy ito dahil ayaw na ni Shella sa kanya.

"Wag mo na siyang kita-in." Nagulat si Maine sa sinabi niya kaya napakalas ito mula sa pagkakayakap.

"H-ha? Bakit?"

"Hindi naman siya deserve na maging friend mo eh. Iniisip niya lang ang kung anong makakabinipisyo siya..."

"Pero she's my frie...—"

"Noon yun, iba na siya ngayon kaya don't mind her na. Marami naman kaming nagmamahal sayo."

She pouted. "Kayo lang naman ng mga kapatid ko ang nagmamahal sakin eh. Dami ko kayang basher."

"Oyst! Don't say that. Nakaka offend naman. Di pa ba enough ang pagmamahal namin at naghahanap kapa sa iba?"

"Uy di naman ganun."

"Di naman pala ganun... nako, just don't mind the bashers. Mga walang magawa yan sa buhay kaya naninira."

"Huy ha! Mas nakaka offend ka. Productive ako sa buhay nung basher mo ako. Hahaha"

Napatawa na din si Rj. He forgot, she was once a basher. Isang basher noon na naging sobrang mahal na niya ngayon.

"Oo nga pala. Anyway, do you want anything? Labas tayo?"

"Lalabas? Tayo? Nako, wag na. Baka may makakilala pa satin tapos dudumugin na naman tayo."

"Di yan. Ready kaya ako." Pinakita niya ang bag pack na dala niya.

"Ano yan?" Usisa ni Maine.

"Tignan mo to." Binuksan niya ito at kinuha ang nasa loob nito.

Halos malagutan na si Maine ng hininga sa kakatawa. Di niya talaga lubos maisip na maiisipan ito ng boyfriend niya.

Matapos niyang mag ayos ay lumabas na siya sa CR. Nang makita naman siya ni Rj agad itong yumuko sa harap niya sabay sabi'ng...

"Good evening sister Maine, happy halloween."

"Nawa'y sumalangit ang yung kabaliwan Rj! Hahahahahaha" Humagalpak silang dalawa sa kakatawa habang tinitignan ang kabuohan ni Maine.

"Pero Me medyo halata ka pa eh. Wait, dagdagan natin yang mukha mo."

Nilagyan niya ito ng nunal sa pisngi.

"Okay na. Labas na tayo. Hahaha" wika ni Maine sa kanya.

"Wait." Hinila siya ni Rj. "Ikikiss ko muna ang sister Maine ko." He pouted.

"Haaalaa!"

•••

Hahahaha yung pag talk ni Alden kay Shella... its like talking also with unti-Maine at maka Alden lang in reality. Hahaha kung ganun siguro ang treatment ni Alden sa kanila sigurong tatawa at bebelatan ko ang mga hanash/may HD kay Alden hahaha 😜

Lets not always be serious with everything... lagyan natin ng kunting kwela hehehe

Have a great midweeek guys ❤️
Love you all!

Ps. Sana tuloy tuloy na ang update natin no? Hehe

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro