Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PG • 56

"Hello?"

"I miss you." Pambungad niya kay Maine. Matapos kasi ng Palawan weekend nila... hindi na ulit nasundan pa ang pagkikita nila dahil na din sa mga hectic schedule nilang dalawa kaya puro tawag, text o di kaya minsan video call kung wala masyadong katao tao sa paligid nila.

"Haaay, I miss you too."

"O, bakit parang sad ang Maine ko?"

"Hindi naman." Tipid niyang sagot.

"Talaga? Halata kaya. Bakit nga?"

"Wala nga sabi." Medyo nairitang sagot ni Maine sa kanya.

"Okay, sorry. So kamusta ang araw mo?" He asked.

"Okay lang. Busy."

"Ah, ako di mo ako tatanungin?"

"Di na. Alam ko naman na busy ka ngayong araw. Shooting at guesting diba?" And meeting Mariana Opena at the café with matching beso at hug pa.

Gusto niya sanang idagdag yun pero hindi na niya mabuka ang bibig niya.

"Haay, tama at nag meet din kami ni Mariana, kilala mo? Siya yung makakasama ko sa pelikula na ipapalabas this year. Naalala mo yung naikwento ko sayo? Matutuloy na siya Me. Ang saya ko."

Ah masaya. "Wow, that's great." Parang walang kagalakan na sabi ni Maine.

Kaya napatahimik si Rj sa kabilang linya. Nag isip siya ng husto. Hindi naman kasi ganito ang pag uusap nila sa phone. Kahit pagod sila pareho sa mga trabaho nila... may excitement pa din mula sa mga boses nila pag nag uusap.

"Hey, sabihin mo nga. May problema ka ba? Pansin ko kasi na parang wala kang gana na makipagkwentuhan sa akin."

"H-ha? Wala to. Pagod lang siguro ako."

"Kahit naman pagod ka di ka ganito kung makipag usap sa akin." Kumento ni Rj.

"Pagod lang talaga ako." Tinuldokan niya ito.

"Okay sige. Pahinga ka na lang. Tatawag nalang ulit ako bukas."

"Okay."

"I love you M...-"

Hindi na pinatapos ni Maine si Rj at binaba niya na ang linya niya. Humiga na siya sa kama pero tumunog ulit ang phone niya.

He called again.

"Di mo pa ako pinatapos sa sasabihin ko sayo." Reklamo ni Rj.

"Okay, say it. Antok na ako."

"Grabi naman, ako lang ba ang magsasabi? Hindi ka din mag a.iloveyou sa akin?"

"Okay. I love you. Okay na?"

"Labas sa ilong na pagkasabi, eh."

"Ano ba Rj! Ang kulit mo. Magpapahinga na ako. Kung ikaw hindi ka pagod ngayong araw dahil na overwhelmed ka sa pakikipag kita mo sa Mariana Opena na yun... ibahin mo ako. Pagod ako." Tangina. Nasabi ko.

"O bakit nasali si Mariana dito? Hmmmp. Don't tell me...-"

"HINDI!" madiin na pagsabat ni Maine. "Ako nagseselos."

"Hmmm? Talaga ba? Eh, bakit parang pagalit ka kung sumagot?"

"Ikaw kasi. Ang kulit mo. Gagawan mo pa ako ng storya." Char, diba tama naman talaga siya?

"Okay, eh kung ganon bakit nasali si Mariana sa usapan?"

She sighed. Ang kulit talaga. Ugh. Not tonight please. "Matutulog na ako."

"Maine, pag di mo sasabihin sa akin ang rason susugod ako diyan sa condo mo. Kahit magagalit si tito gagawin ko talaga."

Edi sige. Charot, hindi ko nga kayang sabihin ito ngayon dahil naiinis pa ako. Pwedeng ipagpabukas nalang? Kainis to. "Can we talk tomorrow?"

"Why not tonight?"

"Ang kulit mo talaga! Pagod nga ako diba? Pagod."

"Hindi ka nga kasi pagod. Alam ko, nararamdaman ko. Hindi ka naman ganito eh. Ano nga kasi?"

"Bahala ka, ibababa ko nat...-"

"Kilala mo ako Maine. Makulit ako, oo pero pag alam kung may problema... hindi ko to pinapatagal." Seryosong sabi nito kaya napakagat ng ibabang labi si Maine. "Now, tell me. Ano to? Dahil ba sa akin? Dahil ba kay Mariana? Ano? Tell me. Handa naman akong mag explain. Wag lang natin ipagpabukas to."

"Fine, asan ka ba?"

"Nasa puso mo."

"Kainis! Makikipag usap ka or ano?" Hihiritan pa talaga ng kakulitan.

"Ito naman, nagpapa cute lang."

"Malapit ka lang ba dito? Puntahan mo ako dito sa condo. Mabilis lang ha? Baka may makakakilala pa sayo isumbong kapa kay tatay."

"Okay, be there in 10mins. Papunta na din naman ako diyan kanina pa." Nanlaki ang mata ni Maine. Tinawanan lang siya ni Rj bago ito binaba.

Ilang saglit lang ay dumating na din siya. "Hi Me. Ice cream?" Itinaas niya ang kamay niya sabay pakita nung supot na may lamang ice cream.

"Mag uusap tayo hindi kakain." Maarteng tugon ni Maine sa kanya.

"Okay." He sighed. Mukhang hindi nga niya ito masusuyo sa ngayon ng pagkain kaya pumasok nalang siya sa loob ng condo ng tahimik. Umupo siya sa couch at sinundan niya si Maine ng tingin hanggang makaupo sa harapan niya.

"Now what is the problem?"

Tinignan siya ni Maine sa mukha. "Its nothing big."

"Its nothing big pero apektado ang pakikitungo mo sa akin? How's that? It bothers me, alam mo ba yun? Now, sabihin mo sa akin ng harap harapan. I know its about me."

"I-its about how you treat others and how you tr-treat me." Yumuko si Maine at pinaglalaru-an niya ang kanyang mga daliri. "Ang unfair lang kasi. I saw how you stood up and greet that Mariana Opena with a kiss and hug tapos sa akin... na girlfriend mo pinagkakaitan mo ng ganyan."

Umupo ng maayos si Rj. "Hindi naman sa pinagbabawalan kita ng ganyan sa mga kasamahan mo sa industriya pero ano kasi... nakakatampo lang." dagdag ni Maine.

Napabuntong hininga si Rj pero hindi pa din ito nagsalita at panay pa din ang titig niya kay Maine. Ilang saglit silang tahimik at nakiramdam sa isa't isa.

"Sorry kung parang OA yung rason ng pagtatampo ko ha? Sabi ko naman kasi sayo its nothing eh. Wait, kukuha lang ako ng jui...-" hinila siya ni Rj papunta sa kandungan niya. "Aar-jaa...-"

Inilapit naman ni Rj ang ulo niya sa balikat ni Maine at marahan niya itong hinalikan. "Sorry. I am so sorry Me."

Hinawakan naman ni Maine ang mukha niya. "Okay lang. Maliit lang to na bagay. Akalain mo yun? Nagtatampo ako dahil sa hindi mo paghalik at pagyakap sa akin? Ang pangit diba? Hahaha"

"Hey, don't say that. Lahat ng bagay sayo at nararamdaman mo matters to me. I am so sorry. Naging insensitive na tuloy ako sayo."

"Okay na. Wag kanang mag sorry. I forgive you na. Okay lang naman siguro na may kunting kiss at yakap diba? Di naman siguro ikakasama natin yun? Tsaka kung ikinakatakot mo na mapunta ito sa mas mainit at malalim pa na koneksyon... feeling ko makakaya naman ata nating pigilan yun? What do you think?"

Naramdaman ni Maine na tumango si Rj kaya napangiti ito at dahan dahan siyang humarap sa kanya.

"I love you De."

"And I love you too Me. Hindi ko lang talaga alam kung ano ang sasabihin ko ngayon. Sobrang nakaka guilty lang talaga. Shocks! Nakakainis lang. nagpapakilig ako ng mga tao pero sariling girlfriend ko di ko alam kung paano pakiligin."

"Huy! Stop it na. Okay na tayo diba? Shhh."

"Paano ako babawi? Gusto kong makabawi."

Dahan dahang hinawakan ni Maine ang kwelyo niya at mas inilapit pa niya ang mukha nito. "Kiss. That would be enough for m...-" bago pa siya makapagsalita ay isiniil na siya nito ng halik.

Dios ko. Sherep!

•••
Mesherep ba Maine? Nyahahaha nako!!

Anyway, enjoy sa mga nasa book launching ng ating Menggay ngayon. God bless po at ingat! 💗

100k reads na po tayo at 10k votes. Maraming salamat po sa lahat na patuloy na nagbabasa at nag i.enjoy sa story nato. Thank you po talaga. Mahal ko kayo! Isa kayo sa mga rason kung bakit nagpapatuloy pa din ako. 😊

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro