Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PG • 55

"Diyan, sa parteng yan! Maraming isda diyan. Grabi, ang saya. We feed those fishes." Turo ni Maine sa picture na tinitignan ng dalawang ate niya.

"Pagkatapos ng lunch niyo saan kayo tumungo?" Dagdag ni Nikki.

"Uhm, nag lakadlakad kami sa dalampasigan tapos naligo kami sa dagat buong hapon."

"Ah, kaya pala after nung Amanpulo niyo medyo nag tan siya ng kunti."

"Yeah. Medyo mainit talaga kasi doon. Di natambalan ang sunblock. Hehehe"

"Pero gwapo pa din naman siya." Kumento ni Leen sa kanya. "Pero mabalik tayo... syempre gumabi na diba? Doon kayo nagpalibas ng isang gabi diba? Share mo naman kung ano pa ang mga ginawa niyo."

Napakagat naman ng labi si Nikki para pigilan ang ngiti.

"Uhhmmm... bi." Napaisip siya. "Uh, kumain kami doon sa isa sa mga magandang resto. Ang ganda, Christmas lights at mga kandila lang ang nagpapailaw sa buong lugar. Teka may picture kami diyan eh. Akin na muna yan, titignan ko."

"Ah, oh." Inabot naman ni Leen ang phone at nakangalumbaba ulit siya sa mesa. "Tuloy mo lang ang kwento."

"So ayon na nga... nagkwentuhan kami hanggang di na namin namalayan ang oras. Pasado Alas nwebe na pala. Bumalik na kami sa room nami...-"

"OMG! Room niyo?"

"Iisa kayo ng room?"

"Isang bed?"

"Magkatabi?"

"Dios ko! May mangyari??!"

Tinadtad na siya ng mga tanong ng mga kapatid niya.

"Ghad! Isa isa lang naman. Tinadtad niyo na ako ng tanong eh. Kalma lang."

"So ano nga?!"

"Ganito kasi yun..."

• Amanpulo Night •

"Hahahaha di na natin namalayan na magsasara na pala yung resto. Tayo nalang pala ang hinihintay nila na makaalis bago sila magsara. Hahaha"

"Napasarap kasi ang kwentuhan natin." Sagot ni Rj sa kanya.

"True. Hahaha" Pinagbuksan naman siya ni Rj ng pinto at pumasok silang dalawa sa silid.

Nang makita nila ang isang malaking kama sa harap halos pareho silang napabuntong hininga.

"Uh? Uhm... mag ano... magpapahang...-"

"CR lang ako." Sabat ni Maine sa kanya. Inunahan na siya nito para di masyadong awkward para sa kanilang dalawa.

She went inside habang si Rj naman ay nagtungo sa balkonahe.

Yaaan, Rj. Ang tanga tanga mo kasi. Bakit isang room lang ang nireserve mo?! Eh alam mo naman na mag sti.stay kayong dalawa ng isang gabi? Ano nalang ang iisipin niya? Maypa "I respect, respect you" kapa namang nalalaman kanina tapos ikaw din pala ang nagpapalapit ng temtasyon! Uugh! Stupid.
Kinukusot-kusot ni Rj ang palad niya.
You need to do something! Dagdag nito sa sarili.

"Hey, why are you still here? Pasok na tayo. Medyo malamig na kasi." Hindi niya namalayan na nasa tabi na pala niya si Maine.

"H-ha? Uhm.  Sige. Pumasok kana.  Mamaya na ako." Tipid na sagot nito.

"Okay, mamaya na din ako." Napatingin tuloy si Rj sa kanya. "Alam mo, sobrang nag enjoy ako today. Salamat ha? Kung wala ka, malabo ko sigurong ma i.experience ang lahat ng to."

"Ako din naman." He added. "Hindi ko maiisip na gawin to kung wala ka dito sa akin." Dahan dahan niyang inakbayan si Maine at mas nilapit pa niya ito sa gilid niya. Ang bango mo.

"Mabango talaga kasi ang bodywash nila." She giggled. Nanlaki naman ang mata ni Rj. Napalakas pala niya ito ng sabi.

"S-sorry."

"Ano ka ba! Okay lang no. Atleast kahit sa amoy ko man lang na a.attract ka." She pouted as she looked at him.

"Huy ha. Attracted naman talaga ako sayo. Sadyang ano..."

"Ano?" She asked as she moved in front of him and wrapped her arms around his neck.

"Sadyang nagpip...-" he sighed. "Maine naman."

"Bakit? Grabi, pati ba naman ganito bawal?" She smirked.

"Hindi naman sa bawal pero syempre nagpipigil ako dib...- shit! Maine, pinapatay mo ako sa mga tingin mong ganyan. Stop it." Nag iwas siya ng tingin kay Maine.

Napatawa tuloy si Maine sa mga reaksyon ni Rj sa kanya at bumitaw nalang na siya sa pagkakahawak sa kanya. "Alam mo De, ikaw lang ata ang lalaking gustong ma solo ang girlfriend nila pero nihawak at tingin bawal. Sige na, pasok na ako."

"Maine, akala ko ba napag usapan na natin to kanina."

"Yeah. Yeah. Kaya nga o. Papasok na ako para makatulog na. Para di ka na rin maprapraning diyan. Goodnight."

End •

"Wuuhaaaat? Tangina, yun lang? Sa haba haba ng kwento mo yun lang?! Walang nangyari? Walang momol man lang?" Pasigaw na sabi ni Leen sa kanya.

"The hell ate, upo ka nga. Nakakahiya ka. Pinagtitinginan tayo ng mga tao dito." Hinila siya ni Maine paupo.

Si Nikki naman tatawa tawa sa gilid. "Ibang klaseng nilalang pala yang Alden Richards na yan no? Hahaha di madaling natitinag. Hahaha"

"Ate naman, wag mo nga akong pagtawanan." She pouted. "Alam niyo ba matapos ng gabing yun na realize ko talaga na malaki ang respeto niya sa akin."

"Weh? Hahaha alam mo ba Maine sa isang relasyon kailangan ng pampadagdag anghang sa pagsasama ang kunting halik dito, lambing-lambing doon. You should have known that. Hindi yung pinipigilan niyo ang init na nararamdaman niyong dalawa sa isa't isa."

"But he said he respect you guys." Ngumuso siya ulit. Pabaling baling ang tingin niya sa dalawa. Si Nikki ay nakatingin sa kanya ng taimtim habang si Leen naman ay may kung anong kinulikot sa phone niya at ibinigay niya kay Nikki.

Napansin ni Maine ang pag-iba ng mukha ng manganay na kapatid niya. "Dios ko! Ibang klase, dahil nirerespeto niya kami kaya ayaw ka niyang halikan at yakapin? Eh, so sa iba pwede? Like co-stars niya pwede niyang ganyanin? Gaya nito?"

Inilantad ni Nikki ang phone niya sa pagmumukha ni Maine at tumambad doon ang video ni Rj na may ka beso at kayakap. Bakas sa mukha ng video na masayang niyakap at hinalikan ni Rj ang dalagang pamilyar sa kanya.

"S-sino yan?" Patay malisya niyang sabi sa mga kapatid niya.

"Sino pa ba? Eh di ang boyprend mong nirerespeto kami, ika nga." Sarkastikong sabi ni Leen sa kanya.

"Aheee, parang beso at yakap lang naman." Agad namang kumento ni Maine sa kanila. "Oh? Anong klaseng mga titig yan? Akala ko ba fan niya kayo? Hahay, baka kasamahan lang sa trabaho. Kayo talaga."

"Fan nga kami pero ayaw din naman namin makakita ng ganyan lalo na ngayon na syota siya ng kapatid namin." Nikki crossed her arm as she looked at her intently.

"Kalma lang kayo, kilala ko yang kasama niya. Co-worker lang. Nasabi niya na yan sa akin kaya wala kayong dapat ikabahala." She lied to them. Hindi naman niya talaga kilala ang babaeng kasama ni Rj sa video pero kailangan niyang pagtakpan ito para makaiwas sa mga pang uusisa ng kapatid niya.

Kinagabihan, halos di makatulog si Maine sa kakaisip doon sa ipinakita ng mga kapatid niya sa kanya. Tinubu-an siya ng kunting hiya at pagsisi dahil sa mga naikwento niya sa kapatid niya. Napaisip siya na kung hindi nalang niya sana kwenento lahat siguro hindi nila mapupuna ang mga kilos ni Rj sa labas pero sa kabilang dako ng isip niya... may namumuo ring tampo.
Bakit sa labas pwede niyang gawin yun sa iba pero sa akin parang ang hirap para sa kanya na hawakan at halikan man lang ako? Mahal ba talaga niya ako?
Haay, pero di naman niya siguro ako dadalhin sa Amanpulo kung di niya ako mahal.  Yun nalang muna ang panghahawakan ko.

Pambansang Bae, Alden Richards at ang Queen Sweetheart ng Masa, Mariana Opena spotted sa isang sikat na café. Is this the end of the MysteryGirl/McdoGirl? At hello #DenMar na ba tayo?

Yun ang bumungad kay Maine.

What the! Ano to?!

•••
Again, just like my other stories. Trust me. 😊
Anyway, Na miss ko kayong lahat.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro