Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PG • 53

She prepared herself inside the CR habang si Rj naman ay naghintay nalang sa kanya sa labas

Halos napalundag naman si Maine sa saya nang malaman niyang sadakay sila dalawa ng yacht dahil first time niyang maka experience na sumakay nito.. Nawala tuloy sa isip niya ang kaharutan na pinaplano niya... sa halip napalitan ito ng excitement at saya dahil sa mga sorpresa ni Rj sa kanya.

"Maine? San ba kayo? Bakit wala kayong update na dalawa?" Tanong ng ate Leen niya nang tumawag ito sa kanya.

"Secret. Hahaha basta mag-usap nalang tayo pag-uwi namin. Tsaka nag deactivate ako sa mga accounts ko sa socmed. Alam mo naman siguro ang issues diba?"

"Oo, sobrang gulat nga namin nang malantan ang pagmumukha mo sa social media. Pati si Jerald napatawag tuloy sa amin kung totoo ba yung kumakalat na issue. We told him the truth since family friend natin siya at close friend din naman siya ni Alden. We promised to do something about it. Mag enjoy ka muna diyan kasama ni Alden ha? Kami muna ang mag iimbestiga kung sino ang nagpapalaganap ng mga kasinungalingang to."

"Wow, kailan pa kayo naging secret agent ate? Hahahaha pero salamat ha? Andiyan talaga kayo para sa akin. Don't worry, okay lang din naman ako dito. Andito naman si Rj to help me."

"Okay, sige. Mag ingat kayo diyan. Ingatan mo din sarili mo."

"Salamat ate. Kayo din diyan."

"Pero kunting chika lang, saan ba talaga kayo? Tsaka sino sino ang mga kasama niyo? Balita ko umuwi na dito ang glam team niya at ibang staff na kasama niyong nagpunta diyan?"

"Andito pa si mams T at yung handler niya na si Sam kaya wala kayong dapat ikabahala."

"Ano? Kasama niyo pala sila? Paano yan? Di kayo makapag solo niyan? Tssssk."

"Huy! Ate! Hahaha ang harot ha!"

"Hala, bolahin mo ang lola mong duling! If I know gumagawa ka ng paraan diyan para i.seduce si Alden. Hahaha balita ko pa naman di mahilig sa harot yan tsaka galit nga daw yan sa mga pa public display of affection. Conservative ang boylet mo! Hahaha kaya goodluck sayo sisteret!"

"Hala, dami mong sinasabi. Tsaka bakit ako ang lumalabas na maharot dito?" ikaw naman talaga. "Malay niyo may tinatagong harot pala to na kahit maraming tao di na maitatago." Ngumisi siya.

"Yun ay kung meron. Hahaha sige na nga, may gagawin pa ako. Balitaan mo kami ha? Tsaka tawagan mo sina tatay at nanay mamaya. Ikaw lang bukambibig ng dalawa na yun dito sa bahay eh. Sige na, enjoy"

Pagkababa niya sa phone... humugot siya ng malalim na hininga. Makalabas na nga. Kung ano ano pa kasi tong naiisip ko.

"Maine, are you done? Ready na yung...- Goodness." Halos mapaatras naman si Rj nang makita niya si Maine na palabas galing cr.

(mainedcm |IG)

"Uhm, okay na ba? Tara?" She smiled at him. Habang si Rj naman ay napaawhang pa ang bibig at para bang na istatwa sa nakita niya. "De? Okay ka lang?" Nako Nicomaine! Mukhang epekteb. Wahahaha

"H-ha? Y-yeah. Uhm, may ano ka pala." Turo niya sa navel pierce nito. Hindi pa din ito ngumingiti.

Mali. Baka na turn-off siya. Tsssk. "Uh, oo. Nung ano... uhm, college pa ako nito."

"Ah, medyo matagal na pala." Ganun pa din ang mukha niya. "Masakit ba ang pagka ano niyan?"

"Hmmm, oo. Pero nakaya ko naman."

"Bakit mo naisipan na magpa ganyan?"

"Trip lang?"

"So pagtrip pala kailangan saktan ang sarili?"

Nako! Mukhang ayaw nga niya. "G-galit ka ba?" Kabadong tanong nito sa kanya.

"Ha? Hindi naman. Nagtatanong lang. Anyway, ready na yung yacht. Tara na?"

"Okay. Kunin ko lang ang dadalhin kong bag." Hinintay naman siya ni Rj at sabay silang nagtungo sa yacht.

Masaya silang nag sightseeing habang nasa kalagitnaan sila ng dagat. They enjoyed watching the skies na paiba iba ang formation ng clouds, mga ibon na nagsisiliparan sa himpapawid and they also enjoyed the food and the wine that was served for them.

"Cheers to more months!"

"Cheers!"

"Thank you for letting me experience this... with you." Wika ni Maine sa kanya.

"Anything for you my love. Thank you din at andito ka kasama ko. Hinding hindi ko din to ma-iisip kung wala ka sa buhay ko.."

"Talaga ba?"

"Oo naman. Kung di dahil sayo di ko maisip na mag stay pa dito at magrelax pa ng kunti."

"Grabi ka naman. Kahit naman siguro wala ako dapat may panahon ka ding mag ganito... mag relax, mag unwind, magpunta sa mga lugar na wala masyadong tao at ma experience ang maging normal man lang kahit ilang araw."

"Hahaha, maging normal? Grabi ka naman Me. Abnormal ba tingin mo sakin?"

"Uy, di ah. What I mean is yung pagiging artista mo. Yung makapagpahinga ka man lang mula sa mga sigawan, yakap at mga pa selfies ng mga tao na nakakasalamuha mo araw-araw. Ito naman. Hahaha"

"Aw, hahaha di, syempre gusto ko din naman na may time ako na ganun... pero may kasabihan tayo diba na 'strike, while the iron is hot.' I live with that kasabihan kasi."

"You already have everything naman na. Bakit kailangan mo pa ding mag ala kayod kalabaw?"

"Hmmm? Sabihin nalang nating mga opportunities at mga panalangin yun kaya bawal tanggihan." He smiled.

"Sabagay. Tama ka naman pero sana you will set a time for yourself din. Have a time for your friends, family..." at sa akin, charot! Naisingit lang.

"Hmmm, okay sige."

"Really, gagawin mo ha?"

"For you, I'll do it."

"Eeih, don't do it dahil sabi ko. Do it for yourself. Paano nalang pag wala ako? Edi balik kana naman sa puro trabaho?"

Umiba naman ang ekspresyon ng mukha niya. Parang may lungkot sa mga mata niya. "B-bakit ka naman mawawala? Are you going to leave me Maine?"

"H-ha? Di ah! Example lang yun. Syempre di ako aalis no. Di kita iiwan. Hello! Number one fan here... remember?"

Nawala ang pangamba ni Maine nang makita niya ulit itong ngumiti at hinawakan ang magkabilang kamay nito. "I love you Maine. I really do. Kahit magkaiba man ang mundo na ginagalawan natin... asahan mong gagawin ko ang lahat para protektahan ka at itong relasyon natin."

"Thank you Rj. Sa totoo lang di ko talaga lubos maisip kung paano tayo pinagtagpo ng Dios dahil alam mo naman kung ano tayo noon, kung ano ka sa akin noon. Pero ganun eh, He works in mysterious ways. Pinagtagpo pa din niya tayo sa gitna at binura niya ang lahat ng masama at masakit na pangyayari sa buhay ko at pinalitan niya ito ng pagmamahal... sayo."

Niyakap siya ni Rj. "I love you Maine. Di mo alam kung paano mo ako pinasaya ngayon."

"Pinasaya mo din naman ako Rj. Soobra! Kaya salamat. I love you too."

"Thank you for loving me too." He kissed her temple.

•••
Hello! Sorry medyo late ang update! 😊
Happy Monday to all.

Tshirts are still available. Just PM me.
Team Abroad (USA) na sa online nag order, 15 days bago niyo makuha ang Tshirts ha? Salamat po sa paghihintay.  God bless us all.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro