PG • 51
What the hell! Who did this??!!!
Nanginginig si Maine habang binabasa niya isa-isa ang mga naka post sa Timeline niya sa twitter.
Tangina! Siraulo pala talaga yang @mdeidoza03 na yan eh! Gumawagawa ng kwento para mapansin!
Ang haroot! Siya yung nanggulo, siya pala ang may gusto. Papansin!
Yuck! Kaya pala bash siya ng bash kasi gusto pala si Alden.
Desperada! Gagawin ba ang lahat para mapansin.
So ngayon @mdeidoza03? Masaya kana?
Gumawa ka din ng kwento na nag sex kayo ni Alden besh ha? Wahahaha leche ka! Kapal mo.
Ah, so Maine Mendoza pala ang pangalan niya? Hahaha sugurin na sa buong socmed Alden Nation! Ibitin patiwarik. Wahahaha
Labis na ang ginawa mong gulo huy! Wag na wag kang magpakita sa amin dahil kukuyudin ka talaga ng buong ADN.
"Sabing ibaba mo yan, eh! Hindi naman nakakatulong yang paglu-lurk mo diyan." Hinablot ni Mams Ten ang phone niya. Kakadating lang nila sa hotel room at nang malaman nila ang mga kaganapan sa social media agad siyang sinabihan nito na i.deactivate ang mga di niya masyadong nagagamit na sites at i.private niya lahat ng accounts niya.
"Sorry po."
"Huhupa din to. Wag na wag mo silang pansinin."
"Pero po alam na nila kung sino ako."
"Eh, ano naman ngayon? Walang mangyayari sayo hangga't walang lumalabas na statement galing sayo o kay Alden kaya kumalma ka."
She used to stay calm pagpinagfifiestahan na siya sa socmed. Kalmado siya noon dahil nakatago siya sa likod ng username niya pero iba na ngayon... nakabalandra na ang pagmumukha niya at hindi na niya alam kung anong gagawin niya.
Pinikit niya ang mga mata niya habang nilulunod siya ng mga negatibong bagay. Paano kung maapektuhan ang trabaho ko? Ang pamilya ko? Ugh! ikaw kasi eh. Tatanga tanga ka! Isipin mo kung sino ang mga sinabihan mo tungkol sa totoo mong identity.
•
"Thank you for making it possible!" She toast their glass in the air. "Akala ko ako lang ang galit sa kanya, ikaw din pala." Napangisi siya sa kaharap niya.
"Correction, hindi ako galit sa kanya no! Sadyang naiinis lang ako dahil feeling siya. Akala niya siya na lahat magaling. Duuh, kung wala ba naman kaming downline niya wala din siya. Tsaka wag ka ngang mag bunyi... baka ibaliktad kita." Joan rolled her eyes at her.
"Subukan mo lang idadamay talaga kita."
"Tangina! Bakit ba ako nakikipagkita sayo eh wala ka namang kwentang kausap. Akin na nga yang bayad mo nang makaalis na ako."
"O, lamunin mo yan! Mukha kang pera." Hinagis ni Shella ang pera sa mesa. Agad namang binuksan ni Joan ito at binilang.
"Okay, wag ka ng lumapit ha? Wag na wag mo na akong tawagan. Nasabi ko na sayo ang lahat na nalalaman ko at nasira mo na si Maine kaya tumahimik kana." At tuluyan na siyang umalis.
•
"Maine! Ghaad! Di mo alam kung paano mo ako pinakaba. Why are you not answering my calls? Hindi ako makapag concentrate dito dahil di kita ma contact." Halata sa boses ni Rj na nataranta siya.
"Hey, kalma lang. Sorry naglibot libot kasi ako dito at di ko nadala ang phone kaya di ko nasagot mga tawag mo."
"Ah, okay ka lang ba? Kamusta na pakiramdam mo? Haaay, Kung alam mo lang kung gaano ako nag aalala sayo gusto ko talagang manatili kanina pero di talaga pwede, eh. Tsaka yung sa ano... alam mo na rin ba? Kilala mo ba ang nagpalaganap ng mga pictures mo? Humanda talaga sakin yan kung sino ang naninira sayo." Halata sa boses niya ang inis.
"Huy, ano ka ba naman... para ka namang di sanay sa ganito. Wag mo ng patulan baka mas lumala pa. Hayaan nalang natin."
He sighed on the other line. "Ayoko lang talagng may gumaganito sayo. Yokong nasasaktan ka. Di mo kasi deserve ang i-ganito."
Para namang may kung anong tumusok sa puso ni Maine. Paano ba naman kasi, ganitong ganito ang mga ginawa niya kay Alden noon at para sabihan siya ni Alden na di niya deserve ang itrato ng ganito ay malaking konsensya ang namuo sa puso niya.
"D-De, can we talk later pagkatapos mo diyan? May gagawin lang ako."
"Okay sure. I love you."
Hindi na sumagot si Maine at binaba na niya ito agad. She burst into tears. Hindi niya alam kung saang sulok sa kanyang mga mata nanggaling ang mga luha niyang yun at patuloy itong dumadaloy.
Grabi, after all? After all ng ginawa kong paninira sa kanya, mga gawa-gawang kwento... mas nangingibabaw pa din ang kabaitan at pag protekta niya sa akin? Di ba niya ako sasabihan na karma ko to dahil sa mga nagawa ko sa kanya noon?
Habang naglibut-libot kasi si Maine sa buong resort... napadpad siya sa dalampasigan... napa-isip siya na karma na din sa kanya ang nangyari. Ito ang mga kabayaran sa mga ginawa niya noon kay Alden.
Sobrang bait niya tapos ngayon, wala siyang pinapakita sa akin na ikakasakit o ikinadismaya ko. Anong klaseng lalaki ba tong minahal ko? Bakit ang perpekto? Sobrang nakaka guilty tuloy.
Hinayaan niya muna ang sarili niya na umiyak habang nilalamon siya ng konsensya niya. After a few moment, she wiped her tears. Hindi na dapat ako nagmuk-mok dito at umiiyak. Babawi ako sa kanya. Deserve niyang mabuhosan... ng walang labis at walang kulang na pagmamahal at supporta. Total wala naman na akong tinatago ngayon... makikita nila ang Maine na hindi basher kundi ang ULTIMATE NUMBER ONE FAN ng nag-iisang ALDEN RICHARDS.
She went on the other room to look for Mams Ten. Nasa kabilang silid kasi ito at nagpapahinga saglit bago bumalik sa venue para pagsilbihan ulit ang alaga.
Kinausap niya ito na hihingi siya ng pass sa event guesting ni Alden. Gusto niyang pumunta doon. At first, medyo kinabahan si Mams Ten. Ayaw niya din kasing mapahamak si Maine sa gagawin niya. Maraming tao ang pupunta panigurado at malamang makikilala siya... pero dahil mapilit siya, binigyan niya ito ng ID staff ulit dahil nawala yung sa kanya sa dumog sa airport.
"Maine ha? Mag-ingat ka. Napaparanoid kasi yung alaga ko pag may nangyaring masama sa iyo."
"Opo, mag iingat po ako. Wag kayong mag-alala."
Kinagabihan, dagsaan na ang mga tao sa event. Free kasi ito kaya walang tigil ang pagbuhos ng mga tao sa event na yun.
Nang lumabas na si Alden halos mabingi na ang lahat ng nandoon dahil sa kakasigaw ng mga tao.
"Magandang gabi sa lahat!" Bati niya at kumaway pa siya sa mga tao. Then the music at the background played.
"Everytime I See You"
Life it seems, slips away
Just like any dream
All I want is all I need
Still I ask for more
"Mams, diyan lang ako sa harap ha?"
"Okay, mag-ingat ka ha! Ayusin mo yang sumbrero mo."
Inayos naman niya ito. "Okay po."
Say, say why is it so
Wait, wait don't let me know
Everytime I see you
My life turns upside down
Everytime I see you I know
Habang busy si Alden sa kakakaway kaway sa mga tao sa paligid... Naglakad naman si Maine papuntang harapan.
Love it seems, slips away
Just like any dream
I failed to see this memory
Means so much to me
Say, say why is it so
Wait, wait don't let me know
Hanggang mapansin ni Alden ang babaeng nakasumbrero at naka jacket. Siya ba to? Akala ko di siya pupunga dito?
Everytime I see you
My life turns upside down
Tried so hard to find out
How to make you come back
But even if I told you
I can't hold you again
Everytime I see you I know
All throughout the song hindi binaling ni Maine ang atensyon niya sa iba kundi kay Alden lang ito nakatitig at nangmatapos na ito... inayos niya ang nirolyong kartolina na hawak niya at iniharap niya ito para makita ni Alden.
"HI ALDEN!! For now on... I will be you BIGGEST, ULTIMATE, Zealous, KEEN, ENTHUSIASTIC #1 FAN!!!!
-Love, mo!"
Halos lumapad naman ang mukha ni Alden sa kakangiti dahil sa mensahe ni Maine sa kanya.
Cant believe this! Ang basher ko noon, ultimate fan ko na ngayon... at ang MAS matindi! Girlfriend ko pa.
•••
Hello everyone! Pasensya medyo matumal ang update. Nagkasakit ako. Haay. Oo po, mahina po talaga immune system ko. Hihihi 😂 pero I'm better now, Praise God. Si Karl nalang, sana okay na din siya. Parehas kasi kaming nagkasakit. Haaay #RelatioshipGoals talaga. hahahahah ingat everyone! Happy Sunday!
Sa mga nag order ng shirts, guys Salamat po! 😊 For updates, just message me. Sa mga gusto pa, Pwede pang imorder hihihi. Thank you.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro