PG • 50
"Me, wake up. Andito na tayo."
"Hmmm?" Dahan dahan niyang minulat ang kanyang mga mata.
"Andito na tayo. Nasa Palawan na tayo." He beamed.
Halos mapalundag si Maine sa kinauupo-an niya. "OMG! Ang bilis! Talaga?"
"Hehehe, kalma lang. Umupo ka muna ng maayos. Lalapag na tayo in 10mins." Anito.
Halos hindi na mapakali si Maine sa excitement. Hindi pa kasi siya nakapunta sa Palawan. Surely, they had an out of town vacation with her family pero madalas sa Northern part lang ng Pilipinas. Pangarap niya talagang makapunta dito at hindi niya inakala na kasama pa niya ang isa sa mga taong mahal niya.
Nang makalapag na sila... isa-isa namang bumaba ang mga kasamahan nila.
"Nak, wag ka munang bumaba. Titignan muna natin kung marami ang nakaabang sayo sa labas... baka dudumugin kana naman." Si Mams Ten ang lumapit sa kanya.Tinignan naman niya si Maine at nginiti-an ito. "Hello, ako pala si Ten Ten. PA ni Alden."
"Oh, Hi po. Maine po." Kinamayan niya ito.
"Ang ganda mo pala talaga..."
Neke nemen... "Uh, salamat po."
"Okay, maya na kayo magchikahan diyan. Mukhang marami nga ang nakaabang sa arrival area." Si Sam naman ang nagsalita. Umakyat siya ulit para pagsabihan sila. "Mauna tayong lahat habang si Alden naman ay i.escortan ng mga bodyguards sa labas kasunod natin. Maine, suotin mo tong ID at ito na ding cap para di ka nila makilala at sumabay ka sa akin. Alden, sumunod ka sa mga bodyguards ha? Sa van ka nalang namin hihintayin ni Maine."
"Opo, basta Sam, Mams, ingatan niyo si Maine ha!"
"Oo naman. O, sige na. Ma una na kami." Sagot naman ni Sam.
"Me..." Hinawakan niya ang kamay ni Maine. "Mag-ingat ka ha? Wag kang lalayo sa kanila."
"Mamaya na kasi humarot Alden." Hinila na ni Mams T si Maine palabas.
Nang makalabas na sila sa arrival area... halos mabingi sila sa sigawan ng mga tao. Lalo na nung makita nila si Mams T.
"Lumakad ka lang ng matuwid Maine ha? Wag kang pahalata..."
"O-opo." Utal na sagot nito. Para kasing na trauma siya dahil sa nangyari sa kanila noon sa Mcdo ni Alden kaya laking kaba nalang niya nang makarinig siya ng malalakas na hiyawan lalo na... na sila pala ang tinitili-an nito.
"Mams T!!!!" Sigaw ng mga tao.
"Wooooah! Si Alden!!!!!! Andiyan na din!!!" Sigaw ng ibang fans.
Pero Isang fan ang nangahas at tinulak ang ginawa nilang barricade at agad na tumakbo papunta sa kanila.
Napahawak naman agad si Maine kay Mama Ten. "Mams Te...-" Nagulat si Maine nang natulak na siya ng mga tao. Gosh! Halos masabunutan na din siya dahil sa pagdumog ng mga tao sa kanila. Lord God! Ano to?!
"Aldeeeen!!!!!" Sigawan na sila.
"Maine! Maine!" Rinig ni Maine na may tumatawag sa kanya pero di niya alam kung sino at kung nasaan. Dinumog sila ng husto ng mga tao. May mga bodyguards din na nagsisigawan pero di nila na kokontrol ang mga tao dahil sa dami. First time din kasi ni Alden na magbisita sa lugar nila kaya sobra din ang excitement ng mga taga hanga niya na nandoon.
Ghad! Hindi ko na kaya to. Nawawalan na ako ng lakas... ang daming tao! Naninikip na ang dibdi...- she collapsed.
"Ay! May nahimatay!" Sigaw ng isang babae.
"Maaaaaaine!"
•
"Sinasabi ko na nga ba! Walang gagawing katinu-an ang artista na yan kundi ipahamak ang anak natin. Bakit ba kasi ako pumayag na isama niya si Maine doon?" Hindi na rin mapakali ang mga tatay ni Maine ng mabalitaan nila na nacollapse ito dahil sa dumog ng tao.
"Ano ka ba Teodoro! Kumalma ka nga. Nadala naman na sa hospital yung anak mo, eh kaya wala kanang dapat ikabahala. Tsaka, hindi naman kasalanan ni Alden na mangyari yun. Hindi niya kontrolado ang sitwasyon. Pasalamat ka nga at binalita niya agad sa atin at naghingi siya ng tawad."
"Kahit na!"
"Huy! Sabing pumermi ka eh! Ikaw pa nga ang nagsabi na mabait yung tao tapos ngayon na kunting problema lang... ang dami mo ng sinasabi! Malaki na yung mga yun kaya wag ka ng mag-alala."
"Hindi mo ako masisis Mary Ann. Ilang beses naba nasaktan at naaksidente ang anak natin dahil sa kanya? Oo, tinatanggap ko siya bilang boyprend ni Maine pero ibang usapan na to kapag nasasaktan na siya."
Tumayo ang asawa niya. "Alam mo? Sa totoo lang iniisip ko kung bakit bumukod si Maine... kasi siguro sa sobrang higpit natin sa kanya hindi na siya makagalaw ng maayos. Teodoro, nasa wastong edad na yang anak mo. Hayaan na natin siya kung anong desisyon niya sa buhay tsaka may mga bagay lang talaga na di natin kontrolado kaya may nangyayaring masama... pero its just a minor accident kaya kumalma ka diyan! Malakas ang anak natin kaya wag kang OA. Pag ako nakarinig na nanghihimasok ka sa lovelife ng anak mo... malalagot ka talaga sa akin!" At iniwanan niya ang asawa niya sa silid.
•
Nagising si Maine na nasa hospital na siya. She was rushed immediately in the nearest hospital pagkacollapse niya. Sa airport clinic lang sana nila ito dadalhin pero hindi pumayag si Alden. He wanted to make sure na mas mapagtutu-unan siya ng pansin kaya sa hospital nila ito dinala.
"Mams T?" Tawag nito kay Mama Ten na nakabantay sa kanya sa ER.
"O, kamusta na pakiramdam mo? Okay ka lang ba?"
"Si Alden po? Okay lang po ba siya? Hindi ba siya nasaktan?"
"Nako iha, wag mong problemahin yun. May mga nakabantay naman sa kanya kaya walang nangyaring di maganda sa kanya. Nasa rehearsal na siya ngayon at binilin ka niya sa akin. Ikaw? Anong pakiramdam mo? Gutom ka ba? Magsabi ka lang..."
"Medyo kumakalam na po ang pakiramdam ko po. Pwede na ho ba tayong umalis dito?"
Minutes later, nakalabas na sila ng hospital at nagtungo na sila sa hotel.
"Pasensya kana iha ha? Ako nalang muna ang mag-aalaga sayo. Busy pa kasi si Alden, eh. Pero wag kang mag alala... pagkatapos ng show niya mamaya... pwede na kayong magsama for the whole weekend."
She smiled. First time niya nakita si Mama Ten nakaramdam na siya ng pagka komportable nito kaya alam niyang magkasundo sila at ikakasaya naman ito ni Alden. "Okay lang po. Naiintindihan ko naman po ang trabaho niya. Wag po kayong mag-alala."
"Nako, di ka lang maganda. Mabait at understanding kapang girlfriend." Neke nemen. Ete ne nemen seye.
"Salamat po. Hehehehe"
"Pero magchichika pa din tayo ha! Alam ko kaya na ikaw si MaineyMe the Ultimate basher... kaya kailangan mong magkwento kung anyare. Bakit bumaliktad ang lahat!"
Napatawa naman si Maine at the same time nakaramdam din siya ng hiya. "Nako, hahaha sorry po talaga sa nangyari noon. Sige po ikwekwento ko po sa inyo ang lahat."
Pero lingid sa kaalaman nilang lahat... pinag fifiestahan na ulit siya ng mga tao sa social media. Di dahil sa nakilala siya na kasama siya sa Palawan trip ni Alden kundi dahil sa pinalaganap na balita.
Isang babae'ng itago natin sa pangalanng Maine Mendoza. Desperadang makakuha ng atensyon sa nag iisang pambansang bae, Alden Richards. Kahit saan man ito magpunta ay nakabuntot din ito sa kanya. Pinapalaganap din niya na sila na raw nj Alden Richards!? Woah, diba makapal ang mukha? At isa pang rebelasyon... siya din pala ang ULTIMATE BASHER ng ating Pambansang bae. No other than... MaineyMe.
She smiled as she read her own post. Tignan natin kung may mukha ka pang ihaharap sa lahat! Mang-aagaw, papansin.
•••
Tignan natin kung di ka sasabunutan ng readers ng PG. bwahahaha! Ilabas ang may sama ng loob diyan sa mga Tards, HD at bashers sa bibis natin!
Pero before that! Salamat nga pala sa mga nag DM sa akin to order shirts 😊 yay! Pinasaya niyo ako. Hihihi at dahil doon mag rerelease ulit mga 10pcs each siguro... depende sa order. Hihihi pre-oder kasi kaya bayad muna bago deliver ang peg natin 😊😊 SALAMAT PO.
Viber: 09050351881
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro