PG • 49
"PALAWAN???!!! Hoomaaaayghaaad! De? Seryoso? Is-isasama mo ako?"
"Uhmm. Kung papayag ka syempre." Anito habang nakangiti.
"Oo naman! Sasama ako! Bakit itatanong mo pa yan? Dios ko!" She excitedly said pero bigla siyang natigilan nang maalala ang magulang niya. "Pero baka di rin ako makasama."
"At bakit naman?"
"Kasi pagagalitan tayo nina nanay at tatay panigurado." She pouted.
"Ganun ba yun? Strict ba sina nanay at tatay?"
"Wow, naki nanay at tatay nadin ha? Hahahaha"
"Eh, sa dun na din naman tayo papunta. Practice, practice na lang... pero di nga, sasama ka talaga sa akin. Period."
"Paano sina nanay at tatay? Kakatayin tayo nun pag nalaman nilang sumama ako sayo doon. Ayokong mangyari yun. Kakasimula pa lang natin tapo...-"
"They're fine with it."
"...os ayaw kong maghihiwa...- Teka, what?!"
"Pinagpaalam na kita sa kanila and they said okay kaya wala ka ng iisipin pa. You only have 3 more days to prepare bago tayo bumyahe pa Palawan kaya ihanda mo na ang mga dadalhin at ang sarili mo para sa buong weekend mo. We will spend our whole weekend there."
"Pero...-"
"No buts, love. Wala ka ng poproblemahin doon. I only have one night show there tapos we will own the whole weekend na."
Omg! Kami lang ba?
"Ipapa meet din kita kay Mams Ten at sa mga kasamahan ko sa trabaho. I am so excited for you to meet them na."
Ahhh, akala ko kami lang. Saya...- Charot! Joke lang. hahaha
Halos di makatulog si Maine sa buong magdamag matapos ang tawagan nilang dalawa ni Rj sa gabing yun. Omg! Makakapunta na talaga ako sa Palawan!! Nasa bucketlist ko to, eh. Yaaaay! Pero di ko inaasahan na pupunta ako kasama ang mahal ko. Woooah kaya sobrang double excitement din ang nararamdaman ko.
Shocks! Bibili ako ng mga bikinis. Yes, with letter 's' hahahaha nakakahiya naman kung iuulit-ulit ko pa yung bikini ko. Dios ko, tsaka 2nd year college pa ako nun. Hahaha kaya bibili ako. Tatlong araw din yun kaya bibili ako ng tatlo. Flavor of the day kung baga. Wahahahah
•
Time flies so fast. Its already Friday at kailangan nilang pumunta sa Palawan through private plane ng alas singko ng umaga pero sa kasamaang palad naabutan sila ng alas sais dahil natagalan si Maine ng gising. Rj offered to fetched her pero dinecline niya ito. Nakakahiya na din kasi... malapit lang naman ang port kaya di na siya magpapahatid at doon nalang sila magkikita.
Halos patakbo siya papasok sa port kung saan naghihintay si Rj sa kanya buti nalang at wala masyadong tao doon... wala masyadong nakapansin kay Rj na naghihintay.
"De, sorry. Sorry talaga. Sobrang sorry talaga. Trinaydor ako ng alarm clock ko. Akala ko AM yung na set ko, PM pala. Huhuhu"
"Hey, kalma. Okay lang. Tara na. Naghihintay na sila sa atin sa loob ng eroplano."
Sila? Marami ba?
Pag akyat ni Maine sa eroplano... halos matunaw siya sa hiya dahil marami pala talaga ang mga nandoon. Wala ni isa sa kanila ang nakangiti.
"Guys! Sorry medyo natagalan pero she's here na."
"Pasensya na po kung nataga...-" hindi natapos ni Maine ang sinabi niya dahil may sumabat.
"Hay salamat! Okay na. Taralets na! Late na tayo, eh." Usal ng isa nasa gilid nila.
Rj took her hand and guided her to their seats. Nahiya naman ng sobra si Maine dahil siya pala ang dahilan kung bakit na delay ang flight nila.
"De, sorry."
"Kanina kapa ha. Stop saying sorry. Papunta naman na tayo doon kaya wag kang mag-alala." Nginiti-an naman siya ni Rj. Assuring her that everything is fine pero iba pa din ang nararamdaman niya sa paligid parang nainis ang lahat sa kanya dahil late siya.
Habang nasa himpapawid na sila lumapit si Sam sa kanya. Ang handler niya. "Den, since medyo na delay tayo sa exact arrival time natin doon... we need to stretch your schedule. Tapusin mo nalang ang araw na to ha bago ka magpahinga. After breakfast kailangan mo na kasing mag rehearsal agad. Okay lang ba? Dalawang kanta at isang sayaw lang naman."
"Okay Sam. Salamat sa pag-ayos."
"Walang ano man." At binalingan niya ng tingin si Maine. "Hi May. May ang name niya diba?"
"Maine, Maine Mendoza. Me, meet my handler. Siya si Samuel Siangco. Call him Sam."
"H-hello Sam."
"Hello Maine. Nice to meet you. Finally, na meet na din namin ang palaging bukang bibig ng Alden Richards na to."
"Hihi, ganun po ba? Nako. My pleasure po."
"O, siya sige. Balik muna ako doon sa kinauupo-an ko. Tapos na din namin na book ang hotel na sti.stayhan ni Maine. We will give her ID nalang para masama siya sa mga staffs. Okay ba yun?"
Tumango naman si Rj. "Salamat Sam. Maasahan ko talaga kayo."
"Walang ano man. O, alis muna ako. Bye Maine. Nice to meet you ulit." Kinawayan niya ito at umalis na.
Nang makaalis na si Sam napansin naman ni Rj na tahimik at seryoso ang mukha ni Maine. "May problema ba Maine?"
"H-ha? W-wala. Na konsesnya lang talaga kasi ako. Yan tuloy, dahil sa akin di kana makakakapagpahinga pagkadating natin doon. Sasabak ka agad sa rehearsal."
"Ano ka ba, wag mo ng isipin yun. May mga bagay lang talaga na hindi natin hawak. Hindi mo naman sinasadyang ma late kaya okay lang yun. Ganito naman talaga kasi madalas pag nag a-out of town ako... hindi na makakapag enjoy at nakakapagpahinga... pero iba na ngayon. I will be spending my whole weekend with you at walang makakapigil sa atin." He grinned at her widely.
"Masaya akong makasama ka ngayong weekend De."
"Ako din, Me. Tsaka, i.cecelebrate pa natin ang 1st monthsary natin diba? Sa Saturday na yan..."
"Oo nga, na i.excite na ako." She giggled.
"Ako din nama...-"
"Aheeem, Can I interrupt you for awhile lovebirds?" Si Loida, ang manager ni Alden.
"Aw? Ate Loids, nako... akala ko wala kayo ngayon. Di kita napansin pagkapasok kanina." Niyakap niya ito. Ganito siya ka sweet sa mga kasamahan niya. Tinuturing niya ang mga to na parang totoo niyang mga kapatid. "Ate, si Maine po. Maine Mendoza, girlfriend ko po. Maine, siya si Ate Loida ko. She's my manager."
"Hello po." She shyly said.
"Hello. Call me ate Loids." Kinamayan niya si Maine.
"H-ha? Okay po ate Loids."
"Okay, can I borrow Alden for awhile? May pag-uusapan lang kami." Tumango naman si Maine at ibinaling nalang ang atensyon sa ipad niya hanggang sa nakaramdam siya ng antok. Then she dozed off.
After the talk, Rj walked towards the lavatory.
"Tignan niyo... hindi natuloy tayo makapag gala ng mahaba-haba mamaya dahil magiging busy na agad tayo."
"Haaay, sinabi mo pa. Kainis! Nasira tuloy ang itinerary natin dahil sa kanya. May time pa naman sana tayong gumala bago ang trabaho pero mukhang wala na mamaya dahil sa kulang na oras."
"Siya kasi... pa importante masyado."
"Nako, true ka diyan. Hindi naman masyadong kagandahan. Pansin mo ba ang feslak niya? Medyo malaki bunganga, eh."
"Talaga ba? Di ko masyadong napansin ang mukha, eh. Hahaha ano bang nakita ni Alden sa kanya no?"
"Abay ewan k...- ALDEN! K-kanina kapa ba diyan?" Halos mamutla na ang bakla nang makita niya si Alden sa harapan nila.
"Medyo. Kaya rinig ko lahat ng mga sinabi niyo."
"D-Den, so-sorry."
"Palalampasin ko tong mga narinig ko ngayon... pero the next time na marinig ko kayong sinisiraan niyo si Maine hindi ako magdadalawang isip na tanggalin ko kayo kahit matagal na tayong nagsasama... mahal ko siya kaya matuto din kayong mahalin siya gaya ng pagmamahal niyo sa akin."
He left them dumbfounded.
•••
How's this parang TRUE TO LIFE din ang peg ni PG Alden Richards? Hehehe
Happy Tuesday to all! :)
PROMOTION:
(Pero 5 nalang po ngayon.)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro