PG • 48
"This is all insane!" Binagsak niya ang phone na hawak niya sa mesa.
"What the hell, Shella! Phone ko yan!" Agad na chineck ni Karen ang phone niya. "Ano bang problema mo? Ha?!"
"Anong, anong problema?! Tignan mo nga yang pinakita mo sa akin! Isang scooper tungkol sa dinedate ni Alden?! Ghaaaad!"
"O, tapos? Everyone is talking about that naman." Kalmadong sabi ni Aya.
"Yun na nga! Everyone is talking about it! Tapos ano?! Malalaman nila kung sino talaga yang Mcdo girl o mystery girl tapos sisikat na siya! Goodness."
"Kung sisikat siya, edi sisikat siya. Ano naman sayo yun? Tsaka kung totoong dinedate siya ni Alden at tinatago niya lang ito... wala na tayo doon. I'm so done with it Shella! At kung may mga plinaplano ka naman wag mo akong isali. Ayoko ng gumawa ng kalokohan." Irita na sabi ni Karen.
"Anong hindi sasali? Why am I left behind here? Noon kayo ang tumutulak sa akin na na gumagawa ng bagay para masira si Maine kay Alden tapos ngayon? Nanlilinis kayo ng kamay? Eh, mga gaga pala kayo, eh." Inis na sabi ni Shella sa kanila.
"Ako din. Yoko na. Baka malaman to ng mother sa fandom natin ma kick out pa tayo. Ayoko ng ganun." Kalmado pa ring sabi ni Aya.
Huminga ng malalim si Shella at tumayo. "Kung ayaw niyo edi wag! Mga wala naman kayong kwenta, eh. Ako nalang ang gagawa. Pag ako magtagumpay... who you talaga kayo sa akin." Then she went out of the room.
Napalingo lingo naman si Karen habang si Aya naman ay tahimik lang at parang walang pakialam sa mga nangyari sa paligid.
•
Alden: good morning my love.
Maine: wow! Ngiting tagos hanggang bone marrow. Good morning too De ❤️
Alden: naka yellow ako for you.
Maine: eeeyt! Kinilig naman ako.
Alden: selfie ka naman diyan hihihihi
Maine: sige wait lang...
Alden: O my God!! Ang gandaaaaaa 😍😍
Alden: ginagawang lockscreen ang mga ganitong ganda 👇🏼
Maine: agad agad? Hahaha
Alden: oo oi! Ganda mo kaya. 😍
Maine: thank you 😍hehehe
Alden: haaaay! 😍😍😍😍
Maine: ano yan?
Alden: ganda mo lang kasi. Ang swerte ko!
Maine: chusero ka!
Alden: di rin. Anyway, bakit ang aga mo ata?
Maine: may 7:30am seminar kasi tapos traffic pa kaya kailangan maaga para di ma late. Ikaw? Gym kana?
Alden: yuppy! 😊
Maine: naks naman! Macho papa.
Alden: you like?
Maine: ha?
Alden: hahahaha wala. Busy ka this week Me?
Maine: hmm? Di naman. Until wednesday lang yung lectures ko, eh. Bakit?
Alden: so free kana ng thursday hanggang sunday?
Maine: oo. Why nga?
Alden: ah? Wala naman. Tinanong ko lang. 😊
Maine: ah, akala ko ano na.
Akala ko may out of town siya tapos isasama niya ako. Tssss, asa kapa Maine.
•
"Hello po?"
"Sino to?"
"Tito, si Alden po to."
"O, iho? Napatawag ka? May problema ba?"
"Ha? Wala naman pong problema. May ihihingi sana ako ng permiso tungkol kay Maine kaya po ako napatawag."
"Ah, syempre kay Maine naman talaga. Alangan naman sa mga ate niya. So ano yun?"
"Ahehehe, ikaw talaga tito. Uhm, isasama ko sana siya sa out of to...-"
"Isasama mo anak ko?! Bakit? Saan? Kailan? May mga kasama ba kayo? Sumagot ka Alden!"
"O...-opo. Sasagutin ko po. Uhm, ano po kasi... uh, monthsary po namin ni Maine sa... uhmm, sa friday po tapos ano po... uhm, sosorpresahin ko sana po siya kaso po may put of town trip po kaya di ako celebrate with her... unless uhm...-"
"Bakit ka ba uhm ng uhm? Tsaka ano ba yang sinasabing monthsalary niyo ni Maine na yan?"
"Monthsary po tito."
"Ha?! Ano ba yan? May iba na bang term sa month salary ngayon?"
"Monthsary po, yung ano... uhm, monthly celebration ng mag boyfriend at girlfriend po." He sighed.
"Ah, heh! Ewan ko ba sa inyong mga kabataan ngayon. Kung ano ano nalang naiisip na salita tsaka ang OA naman ng pa monthrosar... aheee basta yan! Pero teka mabalik tayo.... Saan mo dadalhin anak ko? Tsaka sino sino ang mga kasama mo? Pagsasabihin mong kayo lang... nah! Wag kang mag expect na ipapasama ko siya sayo."
"O-opo tito. Alam ko po yun at inexpect ko din pi na baka di niyo po talaga ako payagan pero humihingi pa din po ako ng permiso bilang respeto ko po sa sa inyo dahil ama kayo ng babae'ng mahal ko." Natahimik bigla sa kabilang linya. Halos maihi naman si Rj sa kaba.
Hanggang makarinig siya ng tikhim. "Okay."
"P-po?"
"Okay nga sabi. Payag na ako."
"Talaga po?"
"Edi sige, di nalang."
"Tito naman, wag po. S-salamat po tito. Aasahan niyo pong aalagaan ko si Maine." Agad na sabi niya.
"Ilang araw ba kayo doon sa pupuntahan niyo? Baka itatanan mo na ang anak ko ha!"
"H-hindi po tito. Siguro naman di ako tatawag sayo ngayon kung itatanan ko diba? Tsaka mahal ko at nirerespeto ko po si Maine kaya hinding hindi ko po gagawin yun sa kanya. Uhm, 4 days po kami sa Pal-Palawan po."
"PALAWAN???! Dios ko!"
"Sa Palawan Pawnshop lang po. Hihihi"
"Ha?! Hindi ako nakikipagbiro-an Alden!"
"Ay, sorry po. Sorry." Ang tanga mo! Paano kung bawiin niya ang desisyon niya? Edi nganga ka! Haaay nako!
"Haaay nako. Okay, sige. Basta ha? Bawal magtabi matulog, bawal kayo kung saan saan magpunta para iwas issue. Itong tandaan mo Alde... Rj ha, ayokong makita ang anak ko na pinagfifiestahan at pinagsasabihan ng mga masasamang salita dahil di ko sila minulat na ginaganyan. Ni lamok di ko pinadadapu-an yan dahil ayaw kong masaktan yan."
"Opo tito. Naiintindihan po kita... kaya nga po napag desisyonan namin pareho na itago muna sa ngayon ang relasyon namin para maprotektahan ko siya mula sa magulong mundo na ginagalawan ko."
"Aasahan ko yan sayo ha? Mabait ka namang bata kaya alam kong susundin mo ang lahat na sinasabi ko. Ingatan mo lang ang anak ko dahil ako talaga ang kakatay sayo pag nasaktan mo siya. Isaksak mo yan sa baga mo."
"Opo." Maute ba tong tatay ng girlfriend ko? Ang brutal mag banta, eh. Haaaay.
•••
Woaaah! Iba talaga ang mga tatay, eh. Hahaha
Haaay, Ganito kasi tatay ko ka strict. Wahaha 😂 yung feeling na halos di na ngumunguya at puro lunok nalang si Karl nung first meeting nila ni tatay. Hahahaha Edi LBM ang kalabasan wahahaha
PS. Let us keep holding on! Isang pamilya tayo remember? Please. Kapit lang tayo guys. Ipakita natin na nangingibabaw ang pagmamahal natin sa kay A&M at sa isa't-isa. God bless us all po.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro