Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PG • 46

Dahil birthday ko bukas mag uupdate ako sa NES, YAMH2 at PG... 💕 abangan! Hihi Pasasalamat ko sa patuloy niyong pagsama sa akin dito. 😊🙏🏻

•••

"Hello beautiful!"

"Hello sino to?"

"Nako naman... nag hingi ako ng 15mins break para makausap ka tapos sasabihan mo lang ako ng ganynan? Me naman." Reklamo ni Rj sa kabilang linya. Agad namang napalundag si Maine mula sa kama.

"De!? De, sorry. Nakatulog kasi ako tapos nagising lang ako sa tunog ng phone. Pasensya di ko nabasa ang pangalan mo sa screen."

Tumawa naman si Rj. "Hehehe, okay lang Me. Kamusta ka naman diyan? Mukhang di ka ata busy ngayon, a.?"

"Oo, e. Na cancel kasi yung dalawang lectures namin ngayon ni Joan kaya ito ako ngayon nagmumukmok sa condo. Ikaw? Di ka pa ba tapos diyan?"

He sighed. "Hindi pa nga, e. Parang wala pa nga kami sa kalahati. Medyo inaantok na nga ako."

"Sana tinulog mo nalang yang 15mins mo."

"Yoko! Di naman nakaka boost ng energy yan, e. Ikaw, ikaw ang nakakapag energize sakin. Boses mo pa lang. Sapat na."

"Seees, chusero ka talaga! Hahaha korni mo."

"Di, a. Totoo naman talaga kasi yan!" Pagtama ni Rj.

"Fine. Hahaha anyway, pupunta kaba dito sa condo later?"

"H-ha? Baka kasi tumatawa na naman si tito tapos mananaginip na naman siya. Yoko na. Baka totoong masapak na ako nun pag nagkataon."

"Hahahahaha takot ka pala kay tatay!"

"Oo no. Sino ba naman ang hindi? Baka isako ako ng tatay mo. Mahirap na." Tumawa si Maine sa kabilang linya.

"Haaay, i miss you Maine." Bigla tuloy natahimik si Maine sa seryosong sabi ni Rj.

She sighed. "Miss din kita."

"Pasensya ka na ha? Medyo busy lang ako. Hayaan mo Maine hahanap ako ng paraan para ma lessen ang schedule ko sa weekend."

She smiled. Hindi niya lubos maisip na si Rj pa talaga ang mag aadjust para sa kanilang dalawa. Naiintindihan naman niya ang trabaho nito but this is kinda thing na hindi niya ineexpect. Akala kasi niya na siya ang mas mag aadjust for Rj pero mali siya. Si Rj pa talaga ang humahanap ng oras para makausap siya despite of his busy schedule. Yan ang mga napansin niya mula nung naging official na sila.

"Okay lang. I understand you naman. Maghihintay lang ako kung kailan maluwag schedule mo." She said. Ayaw na din kasi niya dagdagan ang mga iniisip nito lalo na ngayon na uumagahin na naman siya dahil sa shooting.

"Yokong masanay tayo sa ganitong set-up lang. Kahit busy tayo dapat may oras pa din tayo para sa isa't isa. Lalo na ngayon na malapit na ang monthsary natin."

Parang may kung anong kumakakalikot sa tiyan ni Maine nang marinig niya ang sinabi ni Rj.
Ay baklang pato. Talagang naalala niya. Nakakakilig!

"Oo nga, ang bilis no? Parang kailan lang... inaaway pa kita. Hahahaha"

"Hahahaha oo nga. Naalala ko yun, honestly nahirapan talaga ako sayo. Hindi ko alam kung paano ka paaamuhin, e."

"Ano ako? Aso?!"

"Hahaha Me, not that. Ano ka ba! Syempre, kung paano kita ma coconvince na hindi totoo yung mga sinasabi mo."

"Naks, hahaha pero sa totoo lang talaga mahirap din kaya mag-isip ng mga gawa gawang kwento para may masabi lang tungkol sayo. Hahaha"

"Pero iba ka ding basher ano? Humahatak ka talaga at di nagpapatinag."

"Naman! Palaban kaya to." Sabi naman ni Maine.

"Halata nga... hahaha pero ngayon... eheeem, akalain mo? Ako na nagmamay-ari ng puso mo?"

Shit! Yung matres ko mga bhebs. Nag-uusok na.

"Ako na din nga ang nag mamay-ari sa puso mo, eh." Hindi naman nagpatalo si Maine.

"Naman! Sayo'ng sayo. Buong buo."

"Haaay, okay. Stop it! Kainis ka! Kinikilig na ako."

"Dapat lang. Ang hirap kayang magpa cute sayo simula't sapol tapos di ka pa din kikiligin? Nah!"

She giggled on the other line. Hindi niya akalain na ganito pala ka sweet si Rj sa totoong buhay. Sabagay, hindi pa man din niya ito nakita na sweet sa ibang tao... at di pa ata siya handa para doon.

"Alden? Can I have you in a minute?" Sabat ng manager niya. Narinig naman yun ni Maine kaya nagpaalam na din siya kay Rj para makapagtrabaho na ito ulit.

He sat across his manager. "Alden, next week na ipapakilala ang ka loveteam mo kaya be ready."

"Ho? Agad agad? Akala ko po tatapusin pa natin tong taong to na solo po muna ako? Hindi na po ba talaga yan makakapaghintay?"

"Hey, nag-usap na tayo dito ah. You said yes to this tapos ngayon ipapa delay mo? Ano bang nangyayari sayo lately Alden? Sumasakit ang ulo ko sayo ha! Hindi ka naman ganito, eh."

"I am just protecting her." Kailangan niyang sabihin ito ng buong katapatan.

"You, what?"

"Si Maine po, girlfriend ko. I am protecting her."

"Goodness! Alden Richards bakit di ko alam to?! Kailan pa? Shocks! Mahihimatay ata ako sayo bata ka!" Ginawa niyang pamaypay ang kamay niya.

"I'm sorry po kung tinago ko sa inyo. Pasensya na po pero simula ngayon... gusto ko na  medyo may filtering na tayo sa mga bagay bagay. I just don't want Maine to get affected on this. Kakasimula lang namin at ayaw ko din siyang mabigla."

Tumayo ang manager niya habang hinihilot ang sentido niya. "Alden, this is too much... Akala ko tango mo lang ang makukuha ko sayo pero mukhang papatayin mo ata ako sa nerbyos. Hooo, mag uusap nalang tayo sa susunod tungkol dito. Pag-iisipan ko pa ang mga sinabi mo."

"Okay po. Sana maiintindihan niyo ako. You've been with me from the start at alam niyo na po ang pasikot-sikot sakin... but to this new thing about me... sana po magawan niyo po ng paraan."

"Alam mo Alden nanggigigil ako sayo. Sarap mo kurutin sa singit! Uuugh. Pasalamat ka mahal kita." 

"Thank you ate Loids. Alam mo naman na mahal din kita." He smiled at her.

Totoo, She's with him throughout his journey sa industriyang ito. Nakita niya ang lahat ng hirap at pagod ni Alden at alam din niya ang mga sakripisyo nito simula't sapol... wala siyang naririnig na reklamo nito at puro tango lang ito sa kanya but to see this new side of him parang nanibago din siya but to sum up everything... she still love her alaga & she wants him to be happy lalo na ngayon na may bago na itong nagpapasaya sa kanya. Why not give him his request diba?

•••
Please Manager Loids! No loveteam2 for Alden! Woooah. 😂 Charot!

Haha I write this kasi naisip ko lang kung paano prinaprioritize ni Alden si Maine. Marami na tayong narinig tungkol sa mga na dinrop ni Alden na mga opportinities just to consider Maine.... haaay, yun palang abot langit na ang ngiti ko dahil sa kilig. 😂

Hello everyone! Na miss ko ang mga PG friends ko dito. Hehehe I'M BACk! Yay! 😊 God bless us all.

Happy 5 & 5 months kagid21 . 💕#MayForeveSa21

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro