PG • 43
Follow and tweet with Alden & Maine of Pusong Gala.
@richards02A
@mdeidoza03
•••
Ilang araw na din ang lumipas mula nung na discharge siya sa hospital at ilang araw na din ang lumipas mula nung huling kita nilang dalawa. Yung araw na binantayan niya si Maine ay yun din ang huling araw ng pagkikita nila. He was not able to to wait for her parents to be back dahil may emergency siyang pinuntahan kinahaponan. Labag man sa kanyang kalooban ay wala siyang nagawa.
Haaay, puro nalang goodnight and goodmorning ang narereceive ko mula sa kanya. Mas mabuti pa yung di pa kami at di pa niya ako kilala... mas may oras pa siya sakin. Bakit ganun? Napa sandal siya sa kinauupo.an niya. Seees! Wag ka nga, wag kang mag isip ng masama. Busy lang talaga yung tao.
"Huy! Andito ka lang pala. Mukhang malalim yang iniisip mo, a." Ang kuya Nico niya. Bihira lang niyang nakakasama ito pero pagnagkataon... sa kanya siya nag o-open up ng husto sa mga bagay bagay.
"Kuya, himala. Wala kang lakad ngayon?"
"Wala, e. Mabuti nga to para makapagpahinga naman ako kahit kunti." He sat beside her and he leaned his head on the wall. "Nababagot kana no? Di ka sanay na nakatunganga dito." He finally said it. Totoo naman talaga. Bagot na bagot na siya. Si Maine ang klase na babaeng ayaw na walang ginagawa kaya di siya sanay sa estado niya ngayon.
"Medyo, pero okay pa naman. Mabuti nga din to. I get to see nanay and tatay every now and then."
"Sabagay... pero may gusto ka ding makita na wala dito sa Bulacan no?" Tukso ng kuya niya.
"Kuya naman, e!" She blushed. Mula din nung huling bisita ni Alden sa kanya sa hospital ay may nakita na silang bago sa kanya. Lalo na pag si Alden Richards ang topic nilang lahat. She would engaged in the conversation kahit di naman tinatanong. Nagtataka nga ang mga ate niya kung bakit mas updated na siya kesa sa kanila na super true fan kuno. Hindi pa din kasi niya nasabi na sila na sa iniidolo nila. They wanted to tell them personally. Yung hindi na busy si Alden at may oras na siyang bisitahin sa bahay nila.
"Seees, magsinungaling ka sa unggoy! Wag sakin. Kilala kita Nicomaine."
"Haaay, fine. Oo na, miss ko na din siya."
"Huli! Hahahaha galing ko talagang mag fishing! Haha so miss mo nga talaga."
"Kuya! Ang sama mo." Hinampas niya ito ng unan gamit ang hindi niya pilay na kamay.
"O, ito naman. Halatang halata naman talaga kasi sayo na miss mo yung tao. Phone mo palang, o." Nakita pala ng kuya niya na naka open ang conversation sa messaging app nilang dalawa ni Alden.
"Nakakainis ka kuya! Umalis kana nga lang dito." Inirapan siya ni Maine.
"Yoko nga! Mas gusto kaya kitang kulitin."
"Haaay, ewan ko sayo." Kunot noo siyang humarap sa balcony kung saan ay makikita ang mga bahay bahay din sa buong subdivision.
"Kayo na no?" Biglang tanong ni Nico sa kanya. Shocks! Anong sasabihin ko? My ghad!
"P-po? Kami? Nino po?"
"Niyan." He pouted sabay tingin sa phone niya.
"Nang phone ko? Hahaha matagal na." Biro naman niya.
"Sige, magbiro ka. Pipilayin ko yang isa mong kamay. Tignan natin."
"Ang sama mo talagang kapatid!"
"Hahaha I know, haha so kayo na nga ba?" Ay talaga naman uh-oh. Binabalik na naman talaga ang tanong.
"Kuya, tantanan mo nga ako!"
"Sasagutin lang naman kasi yun ng YES or No. Dami mong sinasabi, e."
"E, sa ayaw kong sagutin, e." Mataray na sabi nito.
"Seeees, ang arte! Akala naman maganda. Hahaha if I know pinikot mo lang siya."
"Huy! Excuse me, sa ganda kong to? Pipikot lang ng lalaki? Kapal mo ha!"
"Hahahaha Lakas ng loob, a."
"Ganyan talaga! Hahaha"
Tumayo na ang kuya niya. "O sya, mukhang kayo naman na talaga. Aalis na muna ako. Kukuha ng makakain. Mag ingat ka lang sa mestisong yun. Baka saktan ka lang nun. Tsk tsk, mahirap na. Baka may kapatid na akong kalansay pagnagkataon dahil sa stress. Di kumakain ng ilang buwan na dahil nag break sila ni Famvansang Vae! Hahahaha"
Hinagisan niya ito ng unan. "Layas! Ang sama mo talaga! Di ka nakakatulong! Ugh!" Inis na pinagtabuyan niya si Nico.
Akala naman gwapo! Hindi naman. Seees, kainis talaga! Pinuntahan ba naman ako dito para kulitin? May sayad talaga tong mga kapatid ko, e. Hahai
Halos mapatalon naman siya nang biglang tumunog ang phone niya. Shocks nakakagula... shit! Si Rj, tumatawag.
Aheeerm, aheerm. Hinawi pa niya ang buhok niya. Gaga, tawag lang bes! Di kayo magkikita. Siraulo ka din ata, e.
"Hello?" Pa cute na sabi niya. First time itong tumawag siya na sila na kaya kailangan maganda ang pambungad niya.
"Hi Maine. How are you?" Leche! Ang lamig ng boses. Kabahan na ang nature spring! Charot.
"H-hi, ito okay lang." miss na miss na kita. "Ikaw?"
"Ito, ngayon lang nakauwi. Sobrang pagod na ako." Halata sa boses niya na medyo inaantok at pagod na ito.
"Kawawa ka naman. Inumaga na pala kayo. Tsk, sige. Magpahinga ka muna. Tawag ka lang ulit mamaya pag nakapag recharge kana."
"Wag! I mean, wag mo munang ibaba. Parang nagka energy ulit ako nang marinig ko yung boses mo, e."
"Hahaha, bolero nito!"
"Hindi, totoo talaga."
"Ewan ko sayo Alden Richards!"
"Hahaha, na miss ko ang mataray na MeMe ko." He said.
"Hahaha so gusto mong ibash kita ulit, ganun?"
"Hmmm? Okay lang. Kahit ano pang gawin mo... mahal pa din kita at mas mamahalin pa rin kita. Haaaay! Alam mo ba? Ikaw lang laging laman ng isip ko kahit nagtatrabaho ako. I want to see you." Pahayag ni Alden sa kanya.
Kinakagat na ni Maine ang ibabang labi niya para pigilan ang kilig.
"Maine, hindi na ako masyadong busy. Pwede ba kitang madalaw diyan sa inyo? Para pormal ko na ding makausap ang pamilya mo tungkol sa atin."
"K-kailan?"
"Mamaya. Okay lang ba?"
"H-ha? Ma-mamaya talaga?"
"Oo, bakit pa na natin patatagalin to? Tsaka, gusto na talaga kitang makita. Miss na miss na kita."
"Haaay, sige. Basta magpahinga ka muna ngayon. Okay? Tawag ka lang mamaya pag nagising kana."
"Sige. I love you Meme ko."
She chuckled. "I love you Ded... teka! Ang sagwa! Hahahaha De ko."
"Hahaha hayaan mo na. Tayo tayo lang naman nakakaalam sa tawagan natin. I love you more Me. Akin ka lang."
"Akin ka lang din, De."
"Naman! Sayong sayo lang. hahaha"
"Matulog ka na nga! Sige na. Baba mo na to."
"Okay. I love you ulit."
Dios ko! Magkaka diabetes ata ako sa ka sweetan nitong boyfriend ko, e.
•••
SeptemBER! Yay! Birth-month. 💕 Ingat everyone. God bless.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro