Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PG • 41

3 days but she's still in the hospital bed. The day that she was suppose to go home nagkalagnat siya kaya napa extend ang stay nila.

Hindi siya nakakausap ng pamilya niya dahil palagi nalang siyang tulog. Ganun siya pag hindi maganda ang pakiramdam niya. Natutulog siya at mas mabuti yun para sa kanilang lahat dahil kung gising naman ito... para siyang bata na iyak ng iyak,  medyo clingy at kung ano ano nalang ang sinasabi.

Earlier,  umiyak siya when her nanay told her that she will be out for the whole day. She will be attending an important meeting with her tatay. Nakiusap siya na hindi nalang sana iwan ng nanay niya kasi ayaw niya na ibang tao ang mag aasikaso sa kanya pero kailangan talaga. She assured her naman na may magbabantay sa kanya the whole day at babalik siya agad after the meeting. Matapos niya marinig ang pahayag ng ina... hindi na niya ito kinibu.an. Tumalukbong siya ng kumot at doon umiyak ng palihim hanggang sa makatulog ulit ito.

"Nak, nak, aalis na ang nanay ha? Babalik ako agad. Promise. Someone will come here to watch over you naman, e." Hinaplos niya ang buhok nito at hinalikan niya ito sa noo.

Habang naglalakad siya sa hallway... she saw a familiar figure na papalapit sa direksyon niya. Naka hoodie ito, naka cap. Si ano to ah. Si Reymarts... ano nga ulit pangalan ng artistang to? Nakalimutan ko.

At totoo nga ang hinala niya. "Tita, good morning po." Halos pabulong na bati nito.

"Iho, good morning. Dadalawin mo ba si Maine?"

"Opo tita. Sana, if its okay with you po."

"Hindi ka ba busy ngayong araw?" He shook his head.

"I'm on leave po."

Bigla nalang ngumiti ng malapad ang nanay ni Maine. "O, thank God. You are truly a Heaven sent. Iho, pwede bang makiusap sayo?"

"Po? Opo tita, anything. Ano po yun?"

"I'll be out for the whole day kasi. Walang magbabantay kay Maine ngayon. Busy ang mga kapatid niya sa work, sasamahan din ako ng tatay niya sa meeting at yung bunsong kapatid naman niya may exam ngayon kaya wala siyang bantay. Ibinilin ko lang siya sa isang nurse diyan sa nursing station. Baka naman... pwede ko siyang mapabantayan sayo... pero kung busy ka naman, okay lang."

"Opo tita, okay lang po. Wala naman po akong gagawin buong araw. In fact, igugugol ko lang naman ang buong araw ko sa pagbabantay sa kanya. I was not able to come here yesterday and the other day kasi may inasikaso po kasi ako Kaya walang problema po sakin. Kakausapin ko nalang ang nurse na ako na ang mag aalaga sa kanya."

"Haaay Salamat! Tama nga ako. Hulog ka talaga ng langit. O, sya sige. Aali...- ay, wait, give me your number baka may nakalimutan akong sabihin sayo. Itetext nalang kita."

After the short conversation umalis na ang nanay ni Maine at pumasok na sa loob si Alden.

Napansin niyang ginagalaw galaw ni Maine ang paa niya.  She's awake.

"Maine?" Tinawag niya ito habang papalapit siya sa kama. Wala itong sagot. "Maine?" Tawag niya ulit.
"Ako ang magbabantay sayo ngayon ha?" Aniya.

Hahawakan niya sana ang kumot para icheck ang mukha niya nang biglang...

"Baaaah!"

"Ay, butiki! Gising ka pala."

Humagalpak naman sa kakatawa si Maine sa reaksyon ni Alden. Nanlaki kasi ang mata nito sa gulat. "Nagulat kita! Hahahaha"

Napakamot naman ng ulo si Alden dahil sa hiya. Gulat na gulat talaga siya sa ginawa ni Maine.

"Bakit ngayon mo lang ako vinisit?" She pouted.

"Na busy lang ako. Sorry." Hinawakan naman niya ang noo ni Maine. Mainit siya. "Wait, tatawagan ko lang ang nurse ha?"

"No!" Biglang sumigaw si Maine. Nakita naman ni Alden ang inis sa kanyang mukha.

"W-why? We need to call a nurse to check on your temperature. Mainit ka kasi."

"Hot lang talaga ako. Hahaha don't call a nurse please." She begged sabay hawak sa braso niya.

"Maine, kailangan nila malaman na mainit ka so that they can give you a med para bumaba ang lagnat mo."

"No! All the nurses who came to attend me are all girls. Magpapa cute lang sila sayo tapos magpapa picture. Yoko!" Para siyang batang  nagdadabog.

Napangiti naman si Alden. Ang cute niya. Para siyang bata na lasing na iwan. Hahaha

"Okay sige, ganito nalang. Hindi ako magpapa picture sa kanila. Mag bebehave ako. Bawal ako mag talk sa kanila unless tatatnungin ako about your condition. Okay ba yun?"

She sighed bago tumango.

He dialed the telephone beside the bed to call a nurse.

Gaya ng dati, laking gulat ng nurse nang makapasok na ito at nakita si Alden na nakaupo sa tabi ni Maine.

"Ay Dios mio. A-Alden, S-sir."

"Hi, itong pasyente ko kasi medyo mataas na naman ang lagnat. Can you check on her temperature?"

"O-oo naman po sir. S-sige." Utal na sabi ng nurse. Habang si Maine naman ay palipat lipat lang ng tingin kay Alden at sa nurse.

Habang busy si nurse sa pag kuha ng BP at tempt ni Maine, Alden took his phone to check kung may importante bang nag message sa kanya.

From: 0917*******
Hi iho, this is Maine's mother. Salamat talaga ha? Tell me kung may problema ka sa kanya. Just want to tell you din na medyo annoying yan pag nagigising lalo na kung nilalagnat pa siya. Nagdidiliryo yan at medyo extra clingy. Sana mapagtyagaan mo siya ng kunti. Thank you talaga iho. I owe you big time!

He grinned. Totoo.

Replayan niya sana ito nang tinawag siya ng nurse. "Sir, medyo mataas po talaga ang lagnat niya. Yung gamot niya po para lagnat 2 hours pa po bago siya makainom ulit. Nagbigay kasi kami kanina sa kanya sir. What we are going now is to give her first aid. Sponge bath po natin siya. Okay lang po ba?"

"Yes, yes. Okay lang."

"No!" Sambat naman ni Maine. "Ayokong ikaw mag sponge bath sa akin. Si Alden lang pwede." She pouted.

"Maine, I don't even know how to do that." Reklamo naman ni Alden. Totoo naman talaga. Narinig na niya ang 'spongebath2' na m yan pero di niya alam kung ano talaga ang gagawin.

"Its so simple! Kailangan mo lang magbasa ng sponge! Kung walang sponge you can use towel. Diba nurse?" Tumango naman ang nurse. "See? Tapos ipahid mo lang sa mga kamay ko, sa braso, sa leeg, sa... sa... okay, si nurse nalang. Sorry." Halos hindi na siya makatingin kay Alden dahil sa hiya. Hindi na niya kasi alam ang mga pinagsasabi niya dahil sa init na nararamdaman niya. Pati hangin na lumalabas sa ilong niya mainit, her eyes were red too dahil sa init.

Lumabas saglit si Alden para di ma awkwardan si Maine habang spina.sponge bath siya. After a few minutes lumabas na ang nurse mula sa silid.

"Is she okay now?"

"Sir, medyo bumaba na sa 38 yung lagnat niya."

"Hay, thank goodness. Thank you. Pagpasensyahan niyo siya ha? Ganyan daw po kasi siya pag nilalagnat, e."

"Okay lang po sir. Naiintindihan po namin." She blushed.

"Uhm, miss can you keep this. I mean, me, here. Visiting her."

"O-oo naman po sir. Its your privacy. Don't worry. Sasabihin ko din sa ibang nurse na hindi ipagsabi na nandito ka to visit your girlfriend." Pangiti ngiting sabi ng nurse.

Girlfriend. Napangiti din si Alden. "Thank you miss." 

"Hi! Kamusta pakiramdam mo?" Nilapitan niya ito.

"Im good, I feel better now." Pumupungay pungay ang mata niya. Inaantok na naman kasi siya.

"Okay, you sleep muna. Dito lang ako. Babantayan kita." Inayos niya ang kumot ni Maine.

"Uhm, may kwento ako sayo. Dito ka umupo sa tabi ko." She tap the empty side of the bed.

Mas lumapit naman si Alden at umupo sa gilid niya. "Noong unang panahon may isang babae na ang pangalan ay ano... uhm, Menggay! Hahahaha ang funny ng name no? Hehehe Menggay. Si Menggay. Itong si Menggay mag isa nalang siya sa buhay. Siya ang bumubuhay sa sarili niya sa pamamagitan ng paglalaba. Ang kasa kasama niya kada araw ay ang kanyang paboritong batya kaya kilala siya bilang si Labanderang Menggay. Isang araw habang naliligo siya sa likod ng bahay... oo naliligo na siya kasi tapos na yung labada niya. Diba ganun naman talaga? Pagkatapos maglaba maliligo na? Hahaha so ayun, habang naliligo siya may napansin siyang kabayo na papalapit sa kinatatayu.an niya... at may sakay na... uhm, uhhh. Prinsepe! Tama! Prinsepe nga. Huminto ito aa harap niya... 'Magandang umaga magandang binibini!" At nginiti.an siya ng prinsepe. Napatulala si Menggay kasi soooobrang pogi nung prinsepe. May dimple siya sa pisngi. Eeeeyt, Rj kinikilig ako sa story ko." Niyakap niya si Alden ng mahigpit. Napangiti naman si Alden ng husto.

"So continue na tayo... 'Ako pala si Prinsepe Richard.' Pakilala nung prinsepe. 'Magandang araw kamahalan! Ano po ang maipaglilingkod ko sayo?' Yumuko si Menggay kasi bawal silang makipag eye to eye sa prinsepe. 'Nakikita kong may tubig ka diyan sa batya mo. Maaari ba akong humingi niyan?' Nagulat naman si Menggay sa sinabi ng prinsepe kasi nga diba... prinsepe siya, marami siyang alalay, may mansyon siya pero nanghingi siya ng tulong kay Menggay? Ano yun? 'Uh, kamahalan, ipagpa umanhin niyo po pero bakit niyo po kailangan ng tubig mula sa aking batya? May tubig naman po ako diyan pero insakto lang po para sa pagbanlaw sa katawan ko. Hindi pa nga po ako nakapag shampoo.' Bumaba ang prinsepe mula sa kanyang kabayo. "Binibi, maawa ka sa akin. Akoy naka tae sa suot ko dahil hindi na ako nakapagpigil sa daan. Bigyan mo naman ako ng tubig para ibanlaw. Nangangamoy tae na ako.' Hahahahahah so ayun, binigyan ni Menggay ang prinsepe ng tubig dahil naawa din ito sa kanya. Pagkatapos ng nangyaring yun ay palagi nang pumupunta ang prinsepe sa likod ng bahay ni Menggay para mag banlaw. Sinabihan niya din si Menggay na wag ipag alam ito sa iba at dapat sila lang dalawa ang may alam sa maliit nilang sekreto. Hanggang sa dumaan ang mahaba habang panahon... na in love sila sa isat isa dahil lang sa araw araw na pagligo at pagbanlaw sa batya. Inalok ni prinsepe Richard si Menggay ng kasal at pumayag naman ito. And they live Happily with batya ever after!!!"

Halos mamatay matay naman si Alden sa kakatawa sa gilid niya.

"Nakakatawa ba yun?! Maganda kaya yung story ko!" Hinampas naman ni Maine si Alden sa braso.

"H-ha? Hahahahaha O-oo maganda naman kasi happy ending. Hahaha pero grabi ka kasi kung mag kwento. Hahahaha haaay. Sakit ng tiyan ko. Hahahahaha"

Inirapan lang siya ni Maine at tinalikuran.

"Hey wag kanang magtampo!"

"Tse, bahala ka diyan. Akala ko ba gusto mo ako, dapat kung gusto mo ako... gusto mo din ang story ko." Nanginginig na ang boses niya. Naiiyak na naman kasi siya.

"Anong gusto? Di naman kita gusto, a. Sino bang nagsabi na gusto kita?" Biglang sumeryoso si Alden.

Napatingin naman si Maine sa kanya. "Ha? D-di mo ako gusto?" Tumulo ang luha niya. "Akala ko ba gusto mo ako?" She pouted.

"Hindi, a! Sino ba ang may sabi niyan?! Imbento."

Tinuro siya ni Maine. "Lumayas ka sa harap ko! Tangina! Anong ginagawa mo dito kung di mo pala ako gusto???! Maypa 'akin ka din, akin ka din lang' ka pang nalalaman tapos di mo pala ako gusto!! Umalis ka sa harap ko gago ka!" Patuloy pa ring bumubuhos ang mga luha sa mata ni Maine. Leche! Ang sakit sakit! Akala ko okay na ang lahat!  Yun pala naghigante lang siya sakin para quits na kami sa sinasabi niyang panloloko ko sa kanya. "LUMAYAS KA NA!!!!" She screamed.

Dahan dahan lumapit si Alden sa kanya.

"Potangina! Wag kang lumapit! Magwawala ako kung lalapi...-"

"HINDI NAMAN TALAGA KITA GUSTO KASI MAHAL KITA!!! MAHAL NA MAHAL KITA! Will you be my girlfriend?!"

"...pit sa ak...-Ha?"

"Ang sabi ko di kita gusto kasi Mahal kita!"

Napa awhang lang ang bibig ni Maine.

"Hulog na hulog na ako sayo Maine. Hindi ko na alam kung paano pa bumangon. Di ko nga din alam kung bakit ganito ang tama ko sayo gayu'y di pa tayo masyado magkakilala. Wala din ito sa mga plano ko. Pero wala na, e. Nangyari na. I want to pursue you! Please give me a chance. Mahal kita."

"Per... bak... hala..."

"Will you give me a chance? To prove myself na deserving din ang kagaya ko para sayo?"

Parang huminto saglit ang paghinga ni Maine. Walang salita ang lumalabas sa kanyang bibig dahil wala naman talaga siyang masabi sa narinig niya mula kay Alden.

"Ano? Magsalita ka naman Maine? Grabi dalawang araw ka ng bumabagabag sa isip ko! Hindi ako maka function ng maayos. Please, sagutin mo yung tanong ko."

Napapikit si Maine at napahugot ng mas malalim pa nahininga.

"Leche ka! Tinakot mo ako! Akala ko di mo talaga gusto. Akala ko magmumukha akong tanga! Lumapit ka nga dito ng mahampas kita ng husto! Oo na! Mahal din kita, siraulo ka!"

Lumapit si Alden at niyakap niya ito ng mahigpit. "Thank you Maine. Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya ngayon. I love you."

"I love you too Rj."

Biglang bumukas ang pinto. "Kanina pa po kasi namin naririnig ang sigawa..." napahinto silang lahat. "Wan... ay wala pala dito. Baka sa kabilang silid. Tara po sa kabila kuya guard!" Agad na sinara ng nurse ang pinto at umalis na.

•••
Sana magustuhan niyo ang update nato. 😂 love you all. 💕

Pls. Share me your thoughts. Thank you po. 😻

Trivia: HINDI PO TALAGA AKO NAG MUMURA SA PERSONAL! HAHAHA Isa sa mga rason kung bakit ko ginawa ang kwentong to na may halong pagmumura ay dahil sa mga bashers. Hahaha dito ko nilalabas ang inis ko sa kanila! Pasensya po kung medyo malulutong. Hehehe I warned you already sa first update ko palang (see NOTE)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro