PG • 40
"Nay, tay." Yun ang unang salitang nabitawan ni Maine nang magising na siya.
Agad naman siyang dinaluhan ng ama at ina niya sa kama nang marinig nila itong tinatawag sila.
"Anak, yes. Andito lang kami ng tatay mo. Kamusta? Anong masakit sayo?" Usisa ng nanay niya.
"May gusto ka bang kainin? Ipabili? Tell us. Ipagbibili ka namin anak." Sabi naman ng tatay niya habang hinahaplos ang ulo niya.
Napansin naman ni Maine na naghagikhikan ang dalawa niyang ate sa gilid kaya binigyan niya ito ng masamang tingin.
"What? Bakit ang sama sama ng tingin ng baby Maine namin?" Tukso ng ate niya. Sabi ko na nga ba! Ako yung pinagtatawanan nila. Mga walang hiyang to.
"Wag ka nga ate Niks! Umiyak ka kaya kagabi nung sumugod tayo dito." Laglag ni Leen sa kanya.
"Umiyak nga. Kasi akala ko naman kung gaano na kalala ang nangyari sa kanya. Dios ko, gasgas lang pala at pilay. Akala ko pa naman nalasoglasog na yung buto niya tapos nag blee...-"
"Nikki! Yang bibig mo ha!" Saway naman ng ina niya. "Ilagay niyo nga sa lugar yang biro niyo. Kita niyo ngang nadisgrasya na tong kapatid niyo... biro pa din kayo ng biro diyan. Bumaba nga muna kayo at bumili ng agahan natin." Utos nito sa dalawa.
Para naman silang mga tuta na sumunod sa utos ng ina. Binelatan sila ni Maine nang napatingin sila sa kanya bago lumabas. Buti nga sa inyo! Hahaha
"Anak, bakit ka ba kasi umakyat doon? Tignan mo tuloy ang nangyari sayo."
Halos matawa na si Maine sa pinapakitang reaksyon ng magulang niya. Hindi naman gaanong grabi ang nangyari sa kanya pero bini.baby siya ng mga ito.
"Nay, tay... okay lang ako. Ano ba! Hahaha gasgas lang at pilay lang to. Don't worry. I'll be fine. After 3 days pwede ko na magalaw ang kamay ko kaya chill lang kayo."
"Anong 3 days? 2 weeks mo daw di magagalaw yang kamay mo. Ano ka ba! Tsaka di mo mawawala samin ang pag aalala dahil anak ka namin. Ikaw kaya matawagan ng halos maghahating gabi na nanaaksidente ang anak mo... mag chichill ka pa ba? Kaya wag mo kaming pangunahan kung i.uuwi ka namin sa Bulacan mamaya. Walang mag aalaga sayo sa condo. Mag isa ka lang." huuuuwaaaat? Uuwi ako? Teka! Paano na ang mga seminars and lectures ko this week? Sayang naman ang mga opportunities.
"Pero tay...-"
"Wala ng pero pero, tatay mo ako kaya ako ang masusunod. Doon ka sa Bulacan magpapagaling!" Ma awtoridad na sabi ng tatay niya kaya wala siyang choice. Tumango nalang siya at di na umimik.
Haaay. 2 weeks. Sige na nga! Wala naman na akong magagawa.
Nag kwentuhan silang tatlo hanggang masagi ng usapan nila si Alden.
"Oo nga pala anak. Si Alden Reymarts yung naghatid sayo dito kagabi. Ka gwapong bata!" Hindi mapigilan ni nanay ang ngiti niya habang kinekwento niya kay Maine kung ano ang mga ginawa ni Alden sa kanya kagabi. Inumaga nga itong umuwi dahil nagbantay din siya sa kanya. Kung hindi siya tinatawagan ng daddy niya di pa sana siya uuwi. "Sabi niya samin ng tatay mo babalik siya dito maya maya. May aasikasuhin lang daw siya."
Para namang lumundag puso niya. Shit! Talaga? Babalik siya? My ghad! Baka ngayon na. Wait, saan ba ang salamin ko. Teka... how do I look like? Wooah! Shocks! Baka amoy suka ng aso na ako nito. Nakakahiya naman.
"Uhm, okay po nay, tay." Kalmado niyang sabi.
"Ansave??! Mamatey? Kalma lang? Hindi kinilig ang bumbunan?" Pambabasag ni Leen sa kanya. Timing din kasi ang pagpasok nila nung chinika ng nanay nila ang tungkol kay Alden.
"Ate naman, eeeih." Pa maktol maktol pa siya.
"Halalalala?! Wag ka nga. Para kang bata. Umamin kana kasi na kinikilig ka!" Tong mga to! Mga ate kong puro pero di mapagkakatiwalaan. Ilalaglag ka talaga kahit sa harap ng magulang. Kainis! May araw din tong mga to.
"Nanliligaw naba yun sayo anak?" Napalunok ng laway si Maine sa diritsahang tanong ng tatay niya.
"Nako tay! Kung alam niyo lang." sambat ni Nikki.
"Oo nga tay! Kung alam mo lang talaga." Dagdag ni Leen.
Uugh! Tong dalawang to! Sarap batuhin nitong mansanas! Mga adik, e. Pinapahamak ako sa harap nina nanay at tatay.
"Ako, okay lang sakin na magka boyprend kana anak para may iba kana rin pagkakaabalahan. Di lang puro seminars at lectures." Pangiting sabi ng nanay niya.
"Kung ako, wala naman kaso sakin pero sana di ka lang niya saktan. Dahil kung papaiyakin ka niya? Nako, kahit artista pa siya... sisiguraduhin kong iinom siya ng sarili niyang dugo." Pagbabanta naman ng tatay niya.
"Tay naman, mabait naman si Alden. Nakasabay na namin siya maka ilan na and sa tingin naman namin di niya lolokohin tong kapatid namin." Depensa ni Leen.
"Oo nga tay, mabait at magalang siyang tao. Maranung magpahalaga ng mga bagay at tsaka ma effort." Pigil kilig naman na sabi ni Nikki.
"O, sya. Mukhang aprobado sa lahat. Okay. Pero Nicomaine ha? Sinasab...-" napatigil ang tatay niya nang biglang may pumihit sa pinto at iniluwa ang naka cargo pants at naka hoodie at naka cap na Alden Richards. As always, kailangan niya pa ding mag disguise. Hindi na kasi gaya ng gabi na wala na masyadong tao sa paligid. Marami rami na pag umaga kaya ganun na lang ang porma niya. May bitbit din itong isang basket na puno ng prutas at sa isang kamay naman ay isang malaking bouquet.
"Good morning po sir, ma'am, ate Niks & Leen." Bati niya sa lahat. "Hi Maine." O My Gooooosh! Tinawag niya ako sa totoong pangalan ko.
"Pasok ka iho. Hali ka!" Sabi naman ng nanay niya.
"Nako Alden, ang aga mo ha? Sana nagpahinga ka man lang. Wala ka din kayang tulog tapos we know na sobrang bagod mo na." Pahayag naman ni Leen sa kanya.
"Naah, alam kong pareho lang tayong lahat no. Okay lang naman ako. Kanina, naka idlip naman ako ng kunti sa kotse kaya wag kayong mag alala. Nagpunta din ako agad dito para kayo naman ang makapagpahinga." Tugon naman ni Alden sa kanila. Hawak hawak pa din ang kaninay mga dala niya.
"Hmm, mukhang tama si Alden. Anak, sa condo mo muna kami tutuloy ha? At aayusin din ng nanay mo ang mga gamit mo para mamaya diritso uwi na tayo sa Bulacan. Iidlip din muna ako medyo sumasakit na ulo ko, e." Pahayag ng tatay niya.
"Teka, okay lang ba sayo Alden na ikaw muna ang nandito? Baka may appointment kapa or ano ha?" Tanong ni Nikki sa kanya. Alam na alam talaga nila na isa si Alden sa mga pinaka busy'ng tao sa industriya at siksikan ang schedules niya palagi.
"Don't worry ate. Wala po akong appointments ngayon. Nag hingi ako ng kunting pahinga after ng concert para naman makapag relax din tayo ng kunti." Pangiti ngiting sabi nito.
"O, sya. Sige. Ma una na muna kami." Tumayo na ang tatay ni Maine at pati na din ang nanay at mga kapatid niya.
Medyo SOBRANG awkward ng paligid nang makaalis na sila. Sila nalang dalawa ang naiwan sa loob ng silid at ito ang kauna unaahang pagkikita nila ng malapitan mula nung nagka aminan sila sa condo niya.
Dahan dahang lumapit si Alden sa kanya. "Uh, ummm. F-flowers for you. Tsa-tsaka I bought fruits din kaso mukhang nakabili din sila ate sayo. Pasensya na doble tuloy." Don't worry bibiboy! Kahit magtayo pa tayo ng prutstand dito sa loob, okeeey lang! Basta ba endeto ka! Woooah. Shit.
"Nag...nag a-abala ka pa. Salamat ha?" Utal din na sabi ni Maine.
"Kamusta na pakiramdam mo?" Tanong nito habang hinihila niya ang mono block sa gilid ni Maine para doon umupo.
"Okay na." Andito kana e, eeey! Ang nyarot nyarot mo huy! "Uhm, medyo kumikirot lang ang mga galos galos ko pero okay naman. Itong kamay ko din medyo masakit."
"Okay lang, andito naman na ako. Sabihin mo lang kung ano ang mga kailangan mo ha?"
"Salamat." Ngiti.an niya ito.
"Uhm, Maine? Sorry ha? Sorry nung gabing sumugod ako sa condo mo. Sorry din sa mga nasabi ko sayo."
"Okay lang yun. Ano ka ba. Deserve ko din naman yun kasi niloko kita... I mean ano... hindi ako ng sabi sayo ng totoo pero swear, sasabihin ko naman kasi sana kaso naghihintay pa talaga ako ng tyempo. I am really sorry."
Ngumiti din si Alden sa kanya. "So okay na tayo?" Yes uy! Like okay pa sa ALRIGHT.
"Oo naman."
"Good, uhm. Maine, alam ko naman na di pa talaga tayo gaanong nagkakilala. Nag uusap lang tayo sa twitter at bihira lang tayong magkita sa personal... pero ano, uhm.... willing naman akong mas makilala ka ng husto kasi ano... uhm, gus...-"
Bumukas ang pinto. Panira ng moment!! Kainis! Ugh!
"Good morning ma'am, si...- Aaaay! Alden Richaaaards!" Biglaw sumigaw ang nurse. He gestured to keep quiet para di mahalata at marinig ng iba na nasa loob siya ng silid. "I- I will just get her... uhm, BP po." Utal na sabi nito habang nakatingin pa din kay Alden.
Tahimik lang silang tatlo habang kinukuhanan ng nurse si Maine ng BP. Pati si Alden ay di din nagsalita.
"100/70, okay na po ma'am." Anito aabay tingin ulit kay Alden.
"Sige miss. Salamat." Sinulyapan ulit ng nurse si Alden at kumaway ito sa kanya bago isinara ang pinto.
Umayos naman sa pagkakahiga si Maine at bumalik sa pagkakaupo sa gilid niya si Alden. "Uhm, so where were we... uhm, so ayun na nga. Kahit hindi tayo nagkikita palagi, nag uusap... I will still give this sh...-"
Bumukas ulit ang pinto. Shit naman! Uh-oh!
Apat na nurse na may mapalad na ngiti sa mukha ang bumungad sa kanila. "Pwede po bang magpa picture po?" Halatang kilig na kilig na sila kay Alden. Mga lecheng to! Nagtatrabaho kayo huy!! Isturbo! Kainis!! Itong si Ate nurse na nagkuha sa BP ko talaga ang may kasalanan nito. Sarap kalbuhin!!
"Sure, sure." Mabilis na nakipag picture si Alden sa kanila. Hindi naman niya tinanggihan ang mga to.
"Ganon ka ba talaga? Hindi tumatanggi sa mga nag pipicture sayo?" Tanong ni Maine nang makalabas na ang apat na nurse sa silid.
"Hmm, medyo. I can feel them kasi. Tsaka sila naman ang dahilan kung bakit ganito ang naabot ng career ko. Utang ko sa kanilang lahat ang mga to. Kaya sino ba naman ako para ipagkait ang kunting hiling nila na makapagpa picture, maka hug, maka kiss, diba?" kiss? Tangina! Napansin naman ni Alden ang pag iba ng ekspresyon ni Maine. "Uhm, I mean, kiss sa ano... sa cheeks. Yun, yun lang naman." Depensa niya.
"Ah, okay okay."
"Pero kung ano... uhm, naiilang ka sa ganyan. Hugs at kiss pwede ko naman siguro sila na kausapin na... ano, uhm..."
"Off limits na." Si Maine na ang tumapos. "I mean, yeah. Off limits na. Kasi ano..." she sighed. Buking kana, e. Wag kanang pabebe. "Kasi uhmmm, selosa ako. Ayokong may humahawak hawak sa pag mamay-ari ko tsaka ako lang dapat ang mag kikiss sayo... I mean, yeah. Uhm. Oo na nga. Sayo!"
He chuckled. Sobrang awkward lang talaga kasi ng sitwasyon nila but Maine managed to express everything kaya nagkalakas na din siya ng loob dahil inunahan na siya ni Maine.
"If that's what you want. Off limits na tong mukha at bisig ko for hugs and kisses. Its yours na. Wala ng iba."
"Good. Buti ng nagkakaintindihan tayo. But I give considerations to kids and mga lola and lolos. Di naman talaga ako ganoon kadamot ng bagay na sakin."
"Thank you." Hindi pa din maalis ang ngiti sa mukha ni Alden.
"Uhm, yeah. Welcome." Nginiti.an niya din ito.
"So, akin ka lang din ha?"
Dios ko! "Oo naman."
"Good. Buti ng nagkakaintindihan din tayo diyan."
Nakahinga sila pareho ng maluwag. Kahit gaano man kagulo ang paligid, kahit alam nila na marami pa silang bagay na kailangan linawin... iisa lang ang sure na sure nila. HE's FOR HER & SHE's FOR HIM. At yun ang panghahawakan nila ng husto.
•••
Happy Sunday to all! 💕
Sana nagustuhan niyo to.
Busy'ng busy ang CDO kasi nga fiesta na bukas. Wahahaha pero ako, never pa talaga ako naka gala sa fiesta dito. Hahaha nakakaloka! 🤣🤣
Anyway, ingat everyone! God bless.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro