PG • 4
Parang siyang binuhusan ng isang trak ng semento. Hindi siya makagalaw at halos di siya makahinga sa nakita niya.
Dios ko. Siya ba talaga to? Bakit niya ako finallow? At nag message pa talaga? Baka may balak siya. Sh*t! Sh*t na malagkit talaga uh-oh.
Nanginginig siya habang dina dial ang number ni Joan.
"O? Bakit nambubulabog ka? ang aga pa Maine!"
"Joooo, may sasabihin ako. Hooo!" Pinapayan niya ang sarili niya gamit ang kanyang kamay.
"Ano yun? Sana may sense yan ha? Disturbo ka kaya sa beauty rest ko."
"Kasi ano... Uhm."
"Ano nga?"
"S-si Alden..."
"Oo, Alden Richards. Bakit na naman sa kanya? Dios ko ha! Pag ito tungkol diyan sa mga paninira mo sa kanya pipiktusin na talaga kita." Banta ni Joan sa kanya.
"Ito naman, di nga kasi... Makinig ka kasi dami mong sinasabi, e."
"So ano nga?!"
"Nag message siya sakin sa twitter!" Pasigaw na sabi ni Maine.
Natahimik sa kabilang linya.
"Jo, magsalit ka naman diyan.."
"Weh?" Yun lang ang naging reaksyon ng kaibigan.
"Oo nga sabi, e. Check mo pa."
"Maine alam ko naman na maluwag na yang turnilyo mo sa utak pero please naman... Wag kang ewan. Di naman magandang biro yan."
"Mukha mo! Di nga ako nagbibiro!"
"TangJuiceOrange! Wag kang feeling! Bakit ka naman i. Memessage nung tao aber? Ah, hindi. Baka poser yan. Dios ko! Ang daming ganyan. Naturingan kapa namang isa sa mga pinakamagaling na networker tapos nag le.lecture kapa tungkol sa mga poser poser na yan sa mga pages at iba't ibang accounts tapos ito ka? Naniniwala sa mga ka engotan? Umayos ka nga!"
"Jo, swear! Totoo to. Nag message talaga siya sakin. Tsaka Sinabi mo ng naturingan ako sa isa sa mga pinakamagaling na networker diba? Kaya nga ako nag react ng ganito kasi nga TOTOO NGA! TOTOO."
"Aheee! Ewan ko sayo! Bye na nga may gagawin pa ako."
"Jo, wag mo akong baba-" totototot. "-!an. Nakakainis naman, e." Inis niyang sabi sabay hagis ng telepono niya sa kama.
Bakit ko ba iniisip yun? E, ano ngayon kong nag message siya? Bakit kinabahan ka? Bakit nanginginig ka diyan? Diba yun nga yung gusto mo? Para mas mabanatan mo siya? Uuuuugh! Umagang umaga nangbubwesit ka!
Padabog siyang naglakad papuntang CR.
Buong araw ay di siya mapakali. Iniisip niya ang pag follow at pa message ng kinamumuhi.an niyang tayo sa balat ng lupa.
Si Shella! Tama! Matutuwa yun pag malaman niya to.
She dialed Shella's number at ilang segundo ay may sumagot na.
"Hello? Hello s-sino to?" She deleted my number?!
"Hello jume... -She!"
"Sino to?" Mukhang naglalad siya palayo doon sa malakas na tugtugan.
"She..."
"M-Maine? O, bakit napatawag ka?" She answered, coldly.
"She, may sasabihin ako."
"Ano yun?"
"Sorry."
"Yun lang ba sasabihin mo Maine? Sige bababa ko na to. May gagawin pa kasi ak.. -"
"Meron pa."
"Tell me. Medyo busy kasi ako tsaka honestly, nakakadisturbo ka." Pahayag ni Shella sa kanya.
Ouch. "Si Alden Richards kasi..."
"Look Maine, don't you dare mention his name dahil wala kang karapatan. Matapos mo siyang minura mura, nilait at imbentuhan ng chismis? May bibig ka pang i.mention siya? Kap... -" bago pa may masabing mas masakit si Shella... inunahan na niya.
"He followed me on twitter, check mo pa. T-tapos h-he messaged me." Diritsong wika niya sa kaibigan, noon.
Natahimik si Shella sa kabilang linya.
"Aya?!! Karen! Paki check niyo nga sa twitter kung sino ang last finallow ni bibi boy!?" Pasigaw nitong sabi.
Bibi boy daw! Pwe!
Mukhang lumapit ang dalawang babae kay Shella dahil may narinig nanitong mga boses sa kabilang linya.
"Si ano... O MY GOSH! Si BASHER!!! Shella! Si ex-BFF mo! Finallow ni bibi boy!" Pasigaw na sabi ng isang kaibigan ni Shella.
Oo na, ako na ang ex-bff. Grabi ha! Mashakit.
"Bi, patingin?"
"Gosh! Oo nga..." Komento ni Shella.
"So naniniwala kana?"
"Goodness! Jumega?! Bakit ka niya finallow?" So jumega na ako ngayon? Kanina Maine, Maine lang. Hahay.
"Ewan ko sa kanya. Baka naka drugs kaya nag follow ng mga bashers! Check mo daw yung ibang bago niyang finallow baka nandiyan din yung baboybakya niyang basher."
"Alam mo Maine maswerte ka pero ang sama mo pa rin. Ano bang ginawa sayo ng Alden at galit na galit ka talaga sa kanya ha??!" Dahil inilayo ka niya sakin.
"Besh, ang taong bitter ganyan forever kaya wala kanang magagawa. Hayaan mo na yang kaibigan mong basher."Rinig ni Maine na sabi ng mga kasama ni Shella. Pag ako talaga nakaharap nila... Sasabunan ko talaga yang mga bunganga nila. Sila yung nag bri.brainwash sa kaibigan ko, e.
"Bye nanga lang. Di naman pala maganda ang kahahantungan nitong usapan natin, e. Pero ito tandaan mo... Sana makilala mo si Alden ngayon na finallow ka niya at sabi mo nga... Minassage ka niya. Mabait yan. Pagsisisihan mo ang lahat ng ginawa at sinabi mo sa kanya." Sabay baba sa kabilang linya.
Ha! Ako magsisisi?! Never!
She opened her twitter app. Gago ka! Pagsisisihan mo na minassage mo ako!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro