PG • 37
Maagang nagising si Maine at chineck niya agad ang phone niya kung may mensahe ba siya galing kay Alden pero laking dismaya lang niya na wala siyang natanggap galing sa kanya kahit isa.
Haaay. Wala man lang pa 'goodnight?, ingat? o di kaya kahit tuldok man lang?'
Bumangon siya sa kinahihigaan niya. Baka busy lang yun. Makapagluto na nga lang... medyo gutom na din ako. Hindi kasi siya nakakain ng haponan sa gabing yun. Sa sobrang dami ng iniisip niya nakalimutan na niyang kumain. Nagtungo siya sa kusina at hinanda niya ang mga ingredients ng gusto niyang lutu.in.
Napangiti siya ng palihim. Ganito ba talaga ang feeling pag inspired ano? Ganado ka din palang gumawa gawa at magkikikilos ng mga bagay bagay. Hahaha
Napamewang siyang tinitigan ang mga naluto niya. Adobong manok. Sumobra ata ang pagka inspired ko... naparami ang luto ko. Tsk, sino kaya ang kakain nito? Kinagat niya ang ibabang labi niya. Ay! May Idea ako! Dalhan ko nalang siya! Tama! Eeeyt! Ang galing! Maganda ka na nga ang tali talino mo pa Maine. Wew!
Tinignan niya ang orasan. May oras pa. Sa gym ko nalang siya pupuntahan. Mabilis siyang nag ayos at hinanda ang dadalhin niya.
•
"Hi po? Andiyan na po ba si Alden?" Pa cute na tanong ni Shella sa receptionist ng gym na pinapasukan ni Alden.
"Opo, nasa training na po siya. Di pwedeng istorbuhin." Mataray na sabi nito.
"Ah, ganon po ba? May ibibigay lang sana ako sa kanya."
"I.aabot ko nalang sa kanya miss. Di pa po talaga kasi pwedeng istorbuhin, e. Mahigpit nitong bilin sa aming lahat."
"Ah, okay. Pakibigay nalang to. Make sure na maibigay mo talaga ha?" Medyo na inis na ito sa inasta ng receptionist pero ibinigay nalang niya dahil mukhang wala naman talaga siyang kapit sa mga oras na yun para makapasok sa silid kung saan nag ti.training si Alden. Tinangu.an lang siya ng receptionist at binaling sa ibang bagay ang ang atensyon niya. Padabog na lumabas si Shella sa building. Sa kotse nalang niya siya maghihintay sa paglabas ni Alden.
Shit! Si Maine! Napayuko siya para di mapansin na andoon siya sa loob ng sasakyan. Ano na naman ang ginagawa niya dito? Kainis!
•
Binigyan ni Maine ng malapad na ngiti at galak niyang binati ang receptionist nang makapasok na siya sa loob ng building.
"Nako, pasensya po pero di pa po talaga pwedeng isturbuhin ang training ni Mr. Alden."
Ay?
"Ay? Talaga po? Sige maghihintay nalang ako dito." Akmang uupo na sana siya sa gilid nang nagsalita uli siya nung receptionist.
"Miss, pwede din pong ako nalang ang mag abot sa ipapabigay mo sa kanya. Isasabay ko nalang po sa mga babaeng nagpadala ng mga ano ano kanina."
Ibang babae? B-bakit may ibang baba...- Tange! Artista yang minahal mo kaya wag kang kumeme diyan.
"Di, okay nalang. Maghihintay nalang ako." Nginiti.an niya ulit ito at sabay kuha ng isang fitness magazine sa gilid para may pagkakaabalahan din siya sa umagang yon.
20mins. Later...
"Hi Jelai!" Bati nung lalaking kakalabas lang mula sa silid kung saan doon nag ti.training si Alden. Napatayo naman si Maine. Nagbabakasakali na lalabas na rin si Alden.
"Coach, may mga dala pong pagkain ang mga fans ni Alden... makikisuyo nalang po ako doon sa loob. Okay lang po ba?"
Ay? Di pa ba sila tapos? Akala ko palabas na din siya.
Napatawa naman ang lalaking kausap nito. "Hanep talaga tong Alden Richards na to. Daming fans! Sige, akin nalang. I.aabot ko nalang to sa kanya." Binigay naman ng receptionist ang isang malaking supot. "Uy, Mukhang marami rami nga. Tsk! Kami lang naman ang uubos nito. Nag agahan na kasi yun panigurado."
Hala! Tama! Bakit ba ang bobo ko. Nag bi.breakfast na pala siya sa bahay nila bago siya pumapasok sa gym.
"Ay miss, diba po may i.aabot ka din kay Alden? Isama niyo nalang din po sa kanya."
"H-ha? Ay. Oo, pero ang sabi tapos na raw siyang kumain." Tinignan ni Maine ang lalaki na may hawak nung malaking plastik. "P-pwede po bang pumasok nalang?"
Napakamot naman ng ulo ang si Jelai, the receptionist. "Bawal nga diba? Haaay."
"Sige na po. Kahit sandali lang."
"Pasensya po talaga miss pero bawal po talaga, e." Sambat naman nung lalaki.
"Sige na po, sir. Kilala naman niya ako, e. Please?"
"Nah, pasensya po ma'am pero di po talaga pwede. Kung sinasabi niyong kilala niya po kayo? sorry po talaga ma'am pero mukhang bulok na nahirit yan." Nagsitawanan naman silang dalawa. Haaay, mukhang mahirap pala talagang makalapit sa kanya.
"Sige po, paki abot nalang po to sa kanya." Mukhang wala na akong choice. Sumilip siya sa glass door kung saan focus si Alden sa pag gi gym niya. Mukhang di talaga ata magpapadisturbo.
"Yan, magagawa ko pa yan. Sige salamat miss!" Sabi naman nung lalaki at bumalik na ito sa loob.
Naghintay pa siya ulit ng halos 10mins. Nagbabakasakali na matapos na siya sa loob at magkita sila pero mukhang wala talaga. Aalis nalang ako. Wala naman na ata akong chance talaga na makita siya o makalapit ngayon. Babawi nalang ako sa susunod.
•
"Time out muna Alden!" Sabi nung lalaki na may dalang plastic.
"Okay coach. Uy, ano yan?" Usisa niya.
"Ano pa ba? Edi pagkain galing sa mga fans mo. Hahaha ang hanep! Dami mo na namang pagkain, o."
Ngumiti lang si Alden sa kanya. Iniisa isa namang nilabas nung lalaki ang mga laman ng plastic. Si Alden naman ay tinawag ang mga nasa loob ng silid para yayaing kumain muna.
"Uy! Swerte talaga natin pag andito si Alden! Daming pagkain. Hahaha"
"Sinabi mo pa." Sagot naman ng isang lalaki.
Si Alden tatawa tawa lang siya habang nakatingin sa mga taong kumakain. Hindi naman niya kasi ma uubos ang lahat kaya pinamimigay niya lang din ito sa mga kasamahan niya sa loob. Pero napakunot siya ng noo nang may mapansin siyang iba sa mga lalagyan ng pagkain. Yung iba, galing pa sa mga pamilyar na fast food chains at yung iba, mga nasa magagandang lalagyan... pero may isang nakaiba. Nakalagay sa Plastic container? Seryoso? Ilalagay talaga sa Tupperware? Ipapamigay niya la...-shit di kaya galing kay...
Kinuha niya ang phone niya mula sa bag.
From: Nene
Galing ako diyan. Alam kong tapos kanang kumain... pero sana matikman mo yang dala ko. Have a nice day! Ingat. 😘
Ps. Yung Tupperware ko! Paki dala nalang. Mahal yan. Salamat hehehehe
"O, bakit ngiti ngiti ka diyan?"
"Na familiar mo ba yung nagdala ng tupperware nato coach?" Tanong ni Alden sa trainor niya.
Tumango naman ito. "Oo, magandang dilag. Hehehe sabi nga niya kilala ka raw niya, e. Hindi naman kami naniwala. Alam mo na... baka magkagulo pa."
"Coach, next time pwede po bang papasukin niyo siya?"
"Sure. Basta ba may permiso galing sayo. So, kilala mo pala talaga siya? I should have called you para hingin ang permiso mo na makapasok siya. Kawawa naman, she asked us pa naman kanina kung pwede siyang makapasok dito to hand you that pero pinanindigan lang namin yung sabi mo na bawal magpapasok pag walang permiso mo. Actually naghintay siya sa labas kanina pero mukhang umalis na. Pasensya talaga."
"Okay lang. Nagtxt na man na siya at binilin tong dala niya. Salamat ha? Pero talaga bang nagpumilit siya na makapasok dito?"
Napatingin naman ang couch niya sa kanya. "Medyo pero di naman nangulit gaga ng iba. Hmmm? Bakit?"
"W-wala naman po." Pangiti ngiting sabi nito. Seryoso pala talaga siya sa sinabi niyang gagawin niya ang lahat para magkaayos kami. Hmmm? I guess I'm loving it. Ma try nga na ikaw naman ang sinusuyo ng mahal mo. Hahaha
"Iba ata ang hatid ng Tupperware na yan sayo, a." Palingo lingong sabi ng couch niya.
Ibang iba coach, ibang iba.
•••
Hello everyone! Happy monday! 💕
Twitter/ IG: sheeshaii021
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro