PG • 36
"A-alden wh-what are you talking about? Alam ba to ng mga... mga kasamahan mo? Bakit ka tumakas? Bakit ka nandito?" Hindi na alam ni Maine kung anong gagawin niya.
"Hey, hey. Chill. Chill. Di nila alam na nandito ako kaya wag mong sabihin ha? I just wanted to breath a fresh air. Can I come in?"
"H-ha? A-Alden please... mapapagalitan tayo pareho nito pag di kapa bumalik sa rehearsal mo. Bakit ka ba nandito? Bakit ka naglasing?"
"Hindi ako lasing! Ano ka ba... naka inom lang ako pero di ako lasing. I will invite myself nalang." Agad siyang pumasok sa loob ng silid. Hindi na siya napigilan ni Maine.
"Hmmm! Ang bango talaga dito sa unit mo! Ang sarap tumambay." Ibinagsak niya ang kanyang sarili sa couch. Si Maine ay hindi pa din makagalaw sa kinatatayu.an niya. Nagulat siya sa inaasta ni Alden.
"Uy? Bakit ka nandiyan? Upo ka dito. Mag usap tayo. May kaklarohin lang ako." Suminyas siya na umupo ito sa gilid niya.
"A-anong pag uusapan natin? B-bakit ka ba pumunta dito na lasing Alden?"
"Marami tayong pag uusapan kaya umupo kana dito." Ma awtoridad niyang sabi. "Kaya rin ako uminom dahil alam kong wala akong mukha na ihaharap sayo kung kalmado lang ako kaya kailangan kong uminom para magka lakas loob akong tanungin ka sa mga bagay bagay."
Napalinok si Maine. Pinipigilan niya ding umiyak dahil sa takot. "Ano ba kasi ang sadya mo dito?"
"May mga tanong lang naman ako na ikaw lang ang makakasagot." Napayukong sabi niya.
"H-ha? Si-sigurado ka bang ako talaga ang kailangan mong sumagot sa mga tanong mong yan? Alam mo Alden medyo gabi na at mukhang kanina pa may tumatawag sa phone mo. Sa susunod nalang tayo mag usa...-"
"Sino kaba talaga?" Kalmadong sabat nito.
"H-hindi kita naiintindihan. A-anong ibig mong sabihin? A-alam mo lasing ka lang talaga. Akin na yang phone mo. Ako na tatawag sa manager mo. Ipapasundo nalang kita dito." Akmang kukunin niya sana ang phone ni Alden na nasa center table nang pinigilan siya ni Alden at hinawakan niya ang kamay ni Maine ng mahigpit.
"Ano ba talaga ang totoong pangalan mo?"
"Alden, b-bitawan mo ako. Na nasasaktan ako."
"Sagutin mo kasi ako!" Medyo malakas na ang boses ni Alden.
"Tatawag ako ng security kung di mo ako bibitawan." Hindi na napigilan ni Maine ang mapaluha. Para namang nabuhusan ng kumukulong tubig si Alden nang makita niyang umiiyak na si Maine.
"I- I'm so sorry... sorry di ko sinasadya na saktan ka. S-sorry..."
Umiwas si Maine sa paghawak ni Alden sa balikat niya. "Ano bang gusto mong marinig?! Ha?! Na kung ako at yung ka chat mo na basher sa twitter ay iisa?!!! OO Alden! Ako. Ako yun. Ako yung nang bash sayo noon, ako yung gumagawagawa ng kwento sayo para pag usapan at sirain ka! Ako yung finallow mo sa twitter at minessage! Ako yung umaway sayo, yung kumukulit sayo! Ako yung naging kaibigan mo, naging sandalan mo rin sa mga panahong hindi ka okay at ako yung gusto mong makita sa darating na concert mo! Ako yung tanga na gusto kang paligyahin palagi kahit inaasar kita at binabasag ang mga sinasabi mo... ako yung... ako yung mahal ka kahit alam ko na impossibleng mahalin mo din ako." Pinahiran niya ang luha niya at huminga siya ng malalim. "O, ano? Okay na?!! Satisfy kana?! Ha?!!! Narinig mo na diba? Ano pa?!"
Halos hindi din makahinga si Alden sa mga rebelasyon ni Maine. Totoo pala talaga ang mga hinala niya.
Hindi naman mapigilan ni Maine ang nga luha niya kahit panay ang punas nito sa mata. Napa upo siya sa sahig at napansandal sa couch kung saan umuupo si Alden. "Hindi ko naman kasi talaga balak na magsinungaling sayo. Hindi ko lang alam kung paano ako magpakilala say...-"
"Pinaglaru.an mo ako." Yun lang ang nasabi ni Alden sa kanya.
"Hindi kita pinaglaru.an Alden. Nagkataon lang talaga na nagkakilala din tayo sa personal. H-hindi ko lang talaga alam kong paano ko sasabihin sayo na si M-Me sa twitter at A-ako ay iisa." Utal na sabi ni Maine.
Napasabunot naman si Alden sa ulo niya. "Siguro pinagtatawanan mo ako pag nagshe.share ako sayo ng mga problema ko no? Pag nag i.emote ako, pag kinikilig ako dahil kasama ko si Nene na di ko naman pala alam na ikaw din yun! Putangina!"
Hindi nagsalita si Maine. Hindi din nagsalita si Alden hanggng narinig nalang ni Maine ang paghikbi nito.
"Ni pangalan mo? Di mo sinabi sa akin, e. Yan ba yung hindi pinaglaru.an?" Pinahiran niya ang luha niya. "Look how pathetic my life is. Hehehe Ang daming taong nagsasabing mahal at sinusportahan ako pero yung mismong taong inisip kong kaibigan, inisip kong magkakasundo talaga kami kahit di ko pa nakikita at yung komportableng komportable ka pagkasama mo, yung taong nagka gusto kana ay niloloko ka lang pala.... kahit sa simula pa ng lahat."
"Alden..."
Tumawa siya. "No, ayaw ko ng marinig ang mga explanations mo. Okay na yun. Okay na na nalaman kong ikaw yun." Tumayo siya sa kinauupo.an niya. "I guess I have to go now."
"Alden..." napatayo din si Maine.
Nagtama ang kanilang tingin at nginiti.an siya ni Alden. "Don't worry. Marami namang ganyan sakin. Nadagdagan lang. Ikaw."
"Alden naman, e."
"Wag kang mag alala. Mahal pa din naman kita kahit nalaman ko ang katotohanang to. Magpapalamig lang ako ng ulo." At tuluyan na siyang lumabas sa silid.
Na istatwa naman si Maine. Dahil sa huling sinabi ni Alden sa kanya ay parang nabura ang lahat ng pangamba at pag aalinlangan niya. Hindi na niya namalayang nakangiti na pala siya.
Mahal niya raw ako. Kinagat niya ang ibabang labi para pigilan ang kanyang kilig. Pero alam kong medyo galit pa din siya sakin... haaay, pero gagawin ko ang lahat para maging okay kami ulit. Ako naman ang gagawa ng paraan ngayon para maging okay kami. Eeeeeih, tangina para akong tanga! Pwede pala ganito ano? Kahit galit na yung tao sayo pero pag alam mong mahal ka din niya parang okay lang ang lahat... shit! Para akong loka loka dito. Nakangiting mag isa.
She took her phone.
Maine: De, be safe. Alam kong galit kapa sakin ngayon... pero gagawin ko ang lahat para maging okay tayo ulit! I'm sure di mo din naman ako matitiis. Diba nga? Mahal mo din ako? 😜😘 goodnight.
•••
See you on Monday everyone! Mahal ko kayo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro