PG • 35
This update is dedicate to my one & only sister 💕 Ching Ching! I love you so much! Alam mo yan. Happy 19th birthday my bibi girl. ❤️
•••
Shit! Nakilal ako ng mga fans t, Nas Mcdo ako ngayon. Pls, hep m
Na bother talaga ako sa message nato. May something, e. Hindi na din siya nagreply sakin buong araw...
A-Alden?! A-anong ginagawa mo dito? Diba papuntang gym ka ngayon?
Ito din, e. Binaliwala ko lang to kanina pero paano niya nalaman na nasa gym ako? Di naman ako nag kwekwento kay Nene na nag gi.gym ako maliban kay... Eeeeeesh. Di naman kasi pwede tong iniisip mo Rj. Sa dami ba naman ng tao sa buong mundo at sa buong Kamaynilaan iisang tao lang talaga ang naiisip mo? Ang lala ha! Iniisip mo lang siguro yan kasi may gusto ka sa kanya... KANYA... kay Nene o kay Me?
Uugh! Nakakainis naman uh-oh. Sumasakit lang lalo tong isip ko. Totoo nga ang sabi nila... pag di ka nakakatulog maraming ka wierdohan na mga bagay na pumapasok sa isipan. Hahai
Pero diba? Parang ang weird lang naman talaga. Hahay, fine fine. Baka nagkataon lang na pareho silang nasa Mcdo. Di dapat ako nagpadalos dalos ng iniisip.
Time flies so fast. 3 days na lang bago ang Concert niya but still, sobrang nalilito talaga siya sa mga pangyayari. Lalo na ngayon na hindi na nagpaparamdam si Me sa kanya sa twitter.
"Nak? May mga fans lang daw na magpapa picture sayo."
"Okay mams. Papasukin mo nalang sila." Aniya, habang nagpupunas ng pawis. Kakatapos lang kasi ng pag gi.gym niya. Nagpahinga siya saglit bago siya sasabak sa mga rehearsal niya.
"Hi Alden!" Bati ng mga ito sa kanya nang makapasok na siya.
"Hell...- uy! Familiar ka sakin." Tinuro niya ang isang babae na nasa bandang likuran.
"Uh, eh. Ano... uhm.. ako yung friend ni Maine." Utal na sagot naman nito.
Maine? "Saan nga tayo nagkita?" Tanong niya habang pinepermahan ang mga hawak hawak nilang magazines. Pero bago pa ito nakasagot binulungan na siya ni Mams T na kailangan na nilang umalis.
"Okay, tapos na. Salamat sa inyo." Kinamayan ni Alden ang tatlong babae at nagpaalam na sa kanila.
"Alden! Alden! Sa condo tayo ni Maine nagkita." Pahabol naman nung babae bago siya nakapasok sa loob ng sasakyan niya.
Condo ni Maine
Condo ni Maine
Condo ni Mai...- sino si Maine?
•
"Ugok ka din besh ano?! Bakit mo sinabi na sa condo kayo ni Maine nagkita?" Inirapan siya ni Karen.
"Tange! Syempre para maalala talaga ako nung tao. Eeeeeeih! Mag selfie na ako sa kanya." Kilig na kilig na sabi ni Shella.
Tinaasan naman siya ng kilay ni Aya. "Ang selfish mo naman. Para maalala ka? Ikaw lang? Paano naman kami na kaka meet lang namin?"
"Edi... hmmm edi wow din kayo. Ano ba kayo... di niyo naman kailangan mainis sakin. Kasalanan ko ba yun kung pinagkaloob talaga sakin ng Dios ang pagkakataon na ma meet ko siya nung una. Atleast ngayon na meet niyo na din siya. Tsaka don't call me selfish nga! Pag Maine level lang ang ugaling yan." Mataray na tugon nito.
Inirapan lang siya ng dalawa at nag walkout.
•
Maine.
Maine.
He took his phone.
Maine. Mainey. MaineyMe?
Napahilot siya sa sentido niya.
•
"Hmm? O, bakit ka tulaley diyan? Kainin mo na yang pagkain mo. Tinanghali kana nagising. Nakakaloka kang babaita ka."
"Ate, bakit ang aga aga mo dito? Tsaka napapadalas ata dalaw niyo ni Ate Leen sakin?"
"Kasi po nag-aalala kami sayo baka ma pano ka dito o di kaya sususgurin kapa ng mga kung sino sino. Kaya ito kami... to the rescue na kahit wala pang kababalaghan."
Napatingin tuloy si Maine sa ate niya at napangiti. "Kung maka 'kababalaghan' naman kayo akala naman kung ano nang nagyayari sakin. Hahahaha dinumog lang naman."
"Huy wag ka! Alam naming na trauma ka sa nangyari sayo. Hindi ka nga makalabas dito sa condo unit mo dahil sa takot."
Napasimangot tuloy si Maine. Tama. Hahay nakakatakot din naman kasi.
"Anyway, nag titext pa ba si Alden sayo? Papanagutan ka ba raw niya?"
"Ate, huy! Hahaha" tinapunan niya ito ng tissue.
"Bakit? Siya kaya yung dahilan kaya ka nagkaganito. Lagot talaga siya kay nanay at tatay. Nalaman pa naman nila ang nangyari. Nag aalala yung dalawa sayo pero di pa sila makauwi dahil nasa business trip nila kasama si Nico."
"OA mo naman. Nag usap na kami nila nanay at tatay no. Pinahayag ko na sa kanila ang totoong nangyari. Panagutan ka diyan." Buti nalang talaga at andiyan ang mga dalawang ate niya kundi baka nasiraan na siya ng bait sa mga panahon nato.
She tried to contact Shella too pero di ito sumasagot kaya wala talaga diyang karamay.
"Maiba tayo... alam na ba ni Alden na ikaw din yung ano niya?"
"Ano?"
"Yung ano... basher niya noon."
"Yun na nga ate... isa din yan sa mga iniisip ko ngayon. Di ko alam kong paano ko sasabihin sa kanya. Ni hindi ko nga siya magawang kontakin sa twitter kasi natatakot ako na malaman niya kung sino ako. Siguro, di ko nalang siya kokontakin no? Okay na siguro. Makakalimutan naman niya siguro ako bilang ano.. Me, niya."
"Tangina, Me tawag niya sayo sa twitter? Ghad Nicomaine! Tapos sa personal Ne??!" Napanguso lang si Maine at tumango. "Shit! Masisiraan din ata ako ng bait sa mga pinag gagagawa mo, e." Napahilot tuloy siya sa sentido niya.
"Pero ate, hindi ko naman inasahan na magkaka meet din kami sa personal, e. Hindi ko din alam na mangyayari to samin."
"Tapusin mo na tong kasinungalingan mo Maine ha? Alam mo bang parang pinaglalaru.an mo lang yung tao? Sa mga kinikwento mo samin parang na attach pa naman ng husto sayo si Alden sa twitter... pati na din ata sa personal. End this Maine before its too late. Nakakaloka ka! Hooo." Napapaypay siya gamit ang kamay niya.
Tama si Ate... para ko na rin talaga siyang pinaglaru.an sa ginawa ko. Haaay, paano ko ba to tatapusin ang kahibangang to?
Kinahaponan... magaang nagpaalam ang Ate niya dahil may pupuntahan daw ito na importante babalik nalang daw ito kinabukasan kasama si Ate Leen niya. Naiwan na naman siyang mag isa.
Her phone beeped. Alden?
From: Alden Richards
Pakibuksan mo ako. Paakyat na ako sa unit mo.
Napatalon tuloy sa Maine sa kinauupo.an niya. Bakit siya nandito? Diba may rehearsal siya ngayon? Tsaka di naman siya ganito magtext, a.
Mas kinabahan siya ng husto ng makarinig siya ng doorbell. Gosh.
Pagcheck niya. Si Alden nga... Binuksan niya ang pinto.
"Hi!" Pangiti ngiting bati nito sa kanya. Bakit iba ang amoy niy...-shit. Naka inom to.
"W-wala ka bang rehearsal?" Utal na tanong ni Maine sa kanya. "Bakit ka nandito?"
Ngumiti siya ulit. "Meron. Tumakas ako. Kailangan kasi kitang puntahan."
"B-bakit ka tu-tumakas? Mapapa g-galitan ka niyan! Bu-bumalik kana doon Alden."
"Hahaha... Alden." Anong nakakatawa sa pagtawag ko sa pangalan niya?
"A-Alden naman..."
"Alden nalang pala ako ngayon... akala ko ba Rj. Hahahaha ay mali mali. Akala ko...
De."
•••
OMG!!
Share me your wildest thoughts hahaha (literal) 🤣 at twitter: @sheeshaii021
Hahaha 💕 happy weekend! Wag niyo akong hanapan ng followup update please. 🙏🏻 😂
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro