PG • 34
Napakunot ang noo ni Alden nang makatanggap siya ng isang weird na reply message from Me.
Shit! Nakilal ako ng mga fans t, Nas Mcdo ako ngayon. Pls, hep m
Putol putol at kulang na letra... pero Nakilala? Bakit siya makikilala? Tsaka anong fans?
Agad siyang nag reply.
Alden: Me? Wrong sent?
Hindi na siya nireplayan nito. Na bother tuloy si Alden.
•
Shit ka! Bakit ka lumingon! Namukhaan ka tuloy. Alis na agad. Bilis! Hindi na niya alam kung ano ang gagawin niya.
Gaga! Kung lalabas ka... paniguradong mapaghahalataan ka talaga na ikaw yung kasama niya! Chill ka lang diyan. Na text mo na si Ate Leen diba? Dadating na din yun in any moment, she's around the area lang din naman for a meeting diba? Irerescue ka nun kaya kalma lang. Wag mong pansini...-Tangina! Bakit may mga nag pipicture???!!
Without any other thought, she quickly took her bag at tumayo na siya. Kailangan ko ng umalis dito.
Pero di paman siya nakarating sa main door ay pinagkaguluhan na siya ng mga tao.
"Miss! Miss, diba ikaw yung kasama ni Alden?"
"Miss? Pwede ba naming malaman kung sino ka? Kahit name lang, o?"
"Shit! Maganda nga... bagay!!! Woaaah!"
"Are you dating Alden?"
"Pwede pa picture?"
What the hell is happening??!!! Dios ko! Bakit ang lala ng mga to?
Good thing mabilis din ang mga security guards at na assist siya papasok sa manager's office. Hindi kasi siya makalabas dahil sa rami na din ng mga tao na nakaabang sa main door. Matapos siyang makapasok sa opisina, doon pa lang siya medyo nakahinga ng maayos. Hindi na kasi masyadong maingay at wala ng gulo. Its just her and the lady manager.
"Ma'am? Okay ka lang po ba?" Binigyan siya ng tubig nito. Tumango lang si Maine at ininum ito.
"I am really sorry ma'am kung hindi agad namin naagapan ang komusyon sa labas. Di din namin ini.expect na mangyayari yun."
"No its okay. Hindi ko din naman alam na ako pala ang pakay ng mga yun." Shit! Nasabi mo na.
"Don't worry ma'am, our talk will remain here at walang lalabas tungkol sa sinabi niyo po. I am a fan of Mr. Alden Richards too pero di po ako gaya sa kanila." As expected. Dios ko, nabibilang ko lang ata sa daliri ang ayaw sa lalaking yun. Nakakaloka! Mapabata o matanda, may ngipin o wala, lalaki o babae mukhang faney na faney talaga sa kanya. Iba talaga yung lokong yun, a.
Mabuti naman at hindi na siya inusisa pa ng manager. Binigyan lang siya ng paalala na ipapa hupa muna ang kumosyon sa labas bago siya ipapalabas sa likuran. Hindi na siya pwedeng dumaan sa harapan.
She took her phone.
Putang gala!!!!!!!! Kaya pala di pa dumadating si Ate kasi di pala sa kanya na send ang message ko. Woooah! Kay Alden!!!! At ang malala sa twitter pa! Sheeeeyt! Paano na???!!!
•
"Besh She, sure ka ba talaga na dito na branch nag gi gym si Alden? Baka ma hopia tayo ha?" Sabi ni Aya.
"Nope, sure ako. Ito yung nabasa ko sa chat2 nilang dalawa. Dito raw na branch na yun at yun din yung sabi ng tita ni Karen na nagtatrabaho dito." Pahayag naman ni Shella sa kaibigan.
"Talaga bang gagawin natin to? What if di tayo mapansin ni Alden? Edi ngangey tayo!"
"Alam mo Aya?! Kung hindi mo talaga feel ang ipush to, you're free to go naman, e. Tsaka bakit naman tayo di mapapansin ni Alden? Hello!? May angking kagandahan at kasosyalan naman tayo no. Ang nega mo masyado. Nakakasira ka ng umaga." Mataray na sabi ni Shella kay Aya. "Lets go, nasa loob na daw si Karen." Aniya.
•
"My God Maine! Anong nangyari? Bakit ang putla putla mo? Okay ka lang ba? Bakit di ka nagtxt agad?" Dinakdakan na siya ng mga tanong ni Leen pagkapasok niya sa loob ng kotse.
Hindi na napigilan ni Maine ang maiyak pagka upo niya sa kotse. "Ate, nakakatakot sila."
Kwenento niya ang lahat sa kapatid niya.
"Paano na yan? Na wrong sent kapa kay Alden. Bakit di mo kasi na check na nasa twitter ka pa rin?"
"Ikaw kaya mataranta! Hahay, di ko na talaga alam kong anong gagawin ko kanina. Ang dami nila, sinugot nila ako... mga tanong... mga ibat ibang kumento nila. Goosh! Maloloka na ata ako Ate!"
Niyakap ni Leen ang kapatid niya. Hindi niya inakala na mangyayari ito sa kapatid. "Sis... sikat kana."
"Tangina naman ate, e!" Tumawa naman si Leen ng husto at napatawa na din si Maine.
•
"O, mams? Bakit napatawag ka? Papunta pa lang ako sa gym."
"Nak! Na check mo na ba twitter mo? Si Nene!"
"Po???! Bakit po? Anong nangyari?"
"Dinumog siya sa Mcdo! Kawawa naman. Hindi niya siguro alam na may mga avid fans ka pala doong kumakain tapos na pamilyaran siya ng mga to..."
Shit. I need to go to her. Mabilis niyang pinaandar ang sasakyan at nagtungo sa deriksyon kung saan ang condo ni Maine.
Kasalanan ko talaga to, e. Nangdahil sa akin gumulo tuloy ang buhay niya... uuugh! Paano na to? Baka galit na siya sakin, baka ayaw na niya akong makita! Gago ka kasi Alden, e. Nagkagusto ka na nga... Oo na, gusto mo na nga pero ginulat mo naman ang tahimik niyang buhay. Uuugh! Gawan mo ng paraan to!
Pero biglang sumagi sa isip niya ang huling mensahe ni Me sa kanya sa twitter.
Shit! Nakilal ako ng mga fans t, Nas Mcdo ako ngayon. Pls, hep m
Kumunot ang noo niya. Nakilala daw siya ng mga fans? Fans nino? Artista ba siya? Pero kumakain siya sa Mc... wait... teka, teka lang... nasa Mcdo siya, tapos si Nene... dinubog din sa Mcdo. di kaya? Di kaya... hindi siguro! Ikaw kung ano ano nalang iniisip mo. Bilisan mo nalang para makita mo na si Nene
He washed his thoughts away at mas binilisan pa niya ang pagmaneho.
•
"See? He should be here sa mga oras na to. Bakit wala pa kahit anino ni Alden Richards ang nakikita natin dito sa loob ng gym???! Nako ha! Sayang naman ng outfit ko kung di siya dadating." Reklamo ni Aya.
"Alam mo kanina kapa reklamo ng reklamo, e. Maghintay ka nga..." inirapan naman siya ni Shella.
Lumapit naman si Karen sa kanila. "Mga besh, may bad news ako."
"Ano yun?!" Sabay na sabi ni Shella at Aya.
"Hindi raw makakarating si Alden ngayon. May emergency siyang pupuntahan. Yun ang sabi nung trainer niya."
Halos di naman maipinta sa inis ang pagmumukha nina Shella at Aya sa sinabi ni Karen sa kanila.
•
"A-Alden?! A-anong ginagawa mo dito? Diba papuntang gym ka ngayon?"
Hindi sumagot si Alden sa halip ay niyakap siya nito ng mahigpit. Nagulat naman si Maine sa ginawa ni Alden pero hinayaan niya lang itong yakapin siya. Parang nawala ang lahat ng kaba at takot na nararamdaman niya sa mga oras na yun.
"I'm sorry Ne. Sorry talaga. Kasalanan ko lahat to. Kung di dahil sa akin di mangyayari to sayo... I'm so sorry! Hayaan mo, proprotektahan kita sa abot ng aking makakaya. Hindi ko hahayaan na may mangyari sayong masama. Sorry talaga."
Hindi na din nakapagsalita si Maine. Niyakap niya din ito ng mahigpit. Ang kaninay kaba at takot na puso... ay napalitan na ng saya at bagong emosyon. Bakit ganito? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko. Shocks!
•••
Shocks talaga Ne! Woooah!
Happy Weeksary guys! 💕
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro