Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PG • 32

Shoutout to DeiJay members na nagbabasa nitong PG lalo na kay Ate Raxx & Ate Lhotte
Thank you guys 😍 love you all.

•••

"Jumega, May naiwang license dito sa ilalim ng center table, o. Hmmm, kay ate Nikk..- Richard Faulker... O MY GOD!!!"

Agad na sinara ni Maine ang pinto at nanlaki ang kanyang mata. "Akin na yan!"

Hindi binitawan ni Shella ang hawak hawak niyang lisensya ng aktor. "Bakit nasayo to?" Usisa niya. "Bakit nandito to?"

"Uh, eeh. Basta akin na yan!" Akmang aagawin niya ulit ang hawak nito nang mas mabilis pa niyang itinaas ang kamay niya.

"Andito siya no? Saan mo siya tinago?"

"W-wala siya. Fa-fake yan! Akin na yan. Laru.an kasi yan. Aki...- Shella! Waaaaag!"

Huli na ang lahat nang mabuksan ni Shella ang pinto. Nabitawan naman niya ang hawak nito at napahawak ng bibig. Para siyang nakakita ng multo nang makita niya kung sino ang nasa labas ng pwerta.

Napasapo naman si Maine ng noo.

"H-hi?" Yun lang ang nasabi ni Alden sa kaibigan ni Maine.

Dinampot ni Maine ang lisensya ni Alden at ininigay niya ito kasama ang susi ng sasakyan. "Go now!" Utos nito sa kanya.

"Pero...-"

"Sige na, please. Mag usap nalang tayo some other time." Bakas sa mukha ni Maine ang kaba at takot habang tinutulak niya si Alden palayo.

Hindi naman niya talaga gustong ipag tabuyan si Alden pero sa sitwasyon na to na diskumpyado pa siya sa bawat asal ng kaibigan at may issue pa silang hinaharap ngayon mukhang wrong timing talaga.

Agad na isinara ni Maine ang pinto habang shock na shock pa din si Shella sa kinatatayu.an niya.

"Okay? Huminga kana!"

Binaba ni Shella ang kamay niya at napakurap siya. "What the hell was that??! Nananaginip ba ako?" Yun ang mga unang kataga niya.

"I wish I could say yes but you are not."

"S-si A...Alden ba talaga yun?"

Tumango lang si Maine at ibinagsak ang katawan sa couch.

"Bakit siya nandito? Bakit kasama mo siya dito sa condo mo?"

"He's my unexpected visitor earlier."

"Teka! Bakit mo siya pinaalis??! Hindi ko man lang siya nakamayan? Shit! Nasa baba pa siguro siya... I can still catch him."

"Wag mong... wag mong gawin yan."

"Why? Bwesit. Maine! Alden Richards na yun! I was so shocked when I saw him kaya di talaga ako naka galaw tapos you shut him out!??! Bakit mo siya pinaalis? Hindi ko man lang siya nakamayan!"

"She... please... stop this muna."

"No, Si Alden yun! Ano ka ba!"

"Shit! Stop it nga sabi, e.!!! Oo, siya yun. Oo, galing siya dito. Siya yung nagdala ng ice cream na nilantakan mo, sa kanya yung mga naiwang susi ng sasakyan at lisensya kanina, siya yung nakita mo sa pinto at siya yung iniidolo mo, yung pinakamamahal niyong Alden Richards... pero please naman... can you stop muna yung pag fafangirling mo ngayon?! I asked you to come here para may karamay ako ngayon hindi yung sisigaw sigawan mo ako dahil pinaalis ko yung tao."

"Chance ko na yun na naka face to face ko siya, e. Alam mo naman kung gaano ko kagusto na makita siya! What the hell Maine! Hindi ka pa rin nagbabago. Ang selfish selfish mo pa din! Gusto mo lang yung sarili mo ang palaging iniisip ng mga tao na nasa paligid mo! Kaya nakakasawa kang kasama, e. Tangina!"

Kinuha niya ang bag niya at umalis. Hindi naman siya pinigilan ni Maine at hinayaan niya lang itong umalis. Wala na siyang panahon at pagod na pagod na siya para dagdagan pa ang sagutan nilang dalawa.

Umupo ulit si Maine sa couch at napasapo ng noo niya. Hindi na niya mabigilan ang sarili na mapaiyak. Gulong gulo na talaga ang isip niya sa mga nangyayari ngayon.

Lord, naniniwala na talaga ako na ito ang kabayaran sa lahat ng kalokohan na nagawa ko. Pero Lord, tama na. Di ko na kaya. Wala akong karamay at wala akong masandalan. Pinagsisihan ko na po ang mga nagawa ko po. Please Lord, maawa kana sakin. Itatama ko na po ang lahat.

At sa mga oras na yun, isa lang ang taong naisip niya...

Siya pa rin.

She took her phone.

Maine: Hi De, kamusta ka na? I followed you back. Sorry sa nangyari. Maniwala ka man o hindi pero di talaga ako yun. Na hack yung account ko. Di ko alam kung sino ang may gawa. 😩😩 De, Kahit di mo na ako replyan sana mabasa mo pa rin to. Kailangan kasi talaga kita ngayon. Alam mo naman na ikaw ang naging sandalan ko sa mga panahong down na down na talaga ako. Kahit inaaway kita noon... pero you stayed. 😭 De, sana magka chance na mabasa mo pa rin to.

She prepared herself for bed at cheneck niya ulit ang message niya sa twitter. Wala pa rin.

Maine: De, sana mabasa mo to bago ka matulog. Nakapag decide na ako na makipagkita sayo.

Matutulog na sana siya pero tumunog ang phone niya. Halos mapatalon naman siya sa tuwa nang mabasa niya kung sino..

Alden: Me!!! Sabi ko na nga ba! Na miss mo ako! Hehehe na miss din kita! Sorry sobrang busy lang talaga akoately. Anyway, sabi mo yan ha! Magkikita na tayo! 🤗

Maine: kainis ka naman, e! Sa lahat ba naman ng ka dramahan ko sa messages ko sayo... yung pagkikita talaga natin ang mas na spottan mo?! di mo man lang ba ako kakamustahin?

Alden: haaay, Me. Di na kita kailangan kumustahin. Alam ko naman na okay kana dahil nagtext na ako sayo. 😜

Maine: ang kapal! Uugh! Pinagsisihan ko na ata tuloy na nag message ako sayo.

Alden: grabi ka naman! Tinatarayan mo na ako agad? Hahai

Maine: haaay. Ikaw kasi ang kulit kulit mo. Kakabalik lang nga natin, e.

Alden: kakabalik? Haha eeeyt bakit? Naghiwalay ba talaga tayo at may balikan na naganap? Haha

Maine: Huy! Totoo na to. Pinagsisihan ko na ata ang pangako ko sa Dios na itatama ko na ang mga mali ko.

Alden: joke lang naman kasi. Ikaw talaga. Binibiro lang kita mukhang medyo malungkot ka kasi, e. Base sa pa unang messages mo.

Maine: yan! Yan dapat ang pansinin mo, di yung pinaglololoko mo ako.

Alden: wag ka! If I know na miss mo din yang kalokohan at mga the moves ko. Hahaha

Maine: ang hyper mo! Matutulog na nga lang ako.

Alden: uy, wag. Kakabalikan nga palang natin diba? Hehehe

Maine: isa ka nalang...

Alden: hahaha joke lang! Sige magseseryoso na ako.

Maine: good.

Alden: I miss you!

Maine: seryoso nga sabi, e!

Alden: seryoso naman talaga ako.

Maine: edi seryoso! I miss you too!

•••
Wag po kayong mag alala papatayi... este aalisin ko na SOONEST si Shella. Hahaha Awayin niyo lang siya. Sa kanya niyo nalang ibuhos ang sama ng loob niyo. Hehehe lalo na sa mga BASHERS AT HANASH sa twitter. 😂 salamat po.

Sorry late update ko. May nangyari kasi kanina. Hehehe ✌🏻Ingat everyone! God bless.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro