Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PG • 31

"I'm really sorry." Unang sabi ni Alden nang makaupo na siya sa couch.

"Ano ka ba?! Kanina kapa sorry ng sorry. Diba okay na? Wag mo ng isipin yun." Tugon din ni Maine.

"Nakonsensya talaga kasi ako. Sana di na kit...-"

"Hep! Okay na, okay? Nangyari na. Wala na tayong magagawa doon." Pinahinto na siya ni Maine.

"E, paano nato ngayon? Our faces are all over the social media na.  Nakakainis talaga kasi ako, e. Ang tigas tigas ng ulo." Kita sa mukha ni Alden ang frustrations niya.

Napaupo naman si Maine sa gilid niya habang hawak hawak ang baso na may lamang ice cream.  Ibinigay niya ang isang baso kay Alden at nagsimula naman siyang tikman ang kanya. "Alam mo? Wala namang mangyayari kung mag sisihan tayo ngayon. Nangyari naman na kasi. Ang dapat nating gawin at isipin ngayon kung paano natin lulusutan ang lahat na kumakalat na issues ngayon. Nakakaloka naman kasi yang mga fans mo. Dios ko!" Reklamo ni Maine na para bang naiirita.

"Pasensya talaga... paano ba to..." problemadong sabi niya.

Ang mukhang naiirita ni Maine ay napalitan ito ng ngiti at bigla itong humagikhik. "Anong nakakatawa?" Hindi ikaila ang pagkalito niya nang makita ang reaksyon ni Maine.

"Kasi... first time kitang nakitang sobrang problemado. Madalas ka kasing nakangiti, parang walang iniisip na problema, chill2 lang... ganun."

Napakamot tuloy ng ulo si Alden. "Iba to, ayoko lang talaga maka agrabyado ng tao."

"Ano ka ba... di ka nga kasi naka agrabyado. Okay lang yun. Paulit ulit? Kakasabi ko lang na di na natin to pag uusapan? Artista ka nga pero babatukan talaga kita." Hasik niya kay Alden.

Napangiti naman siya ng tuluyan. Di niya inakala na ganito ang irereact ni Nene. Akala niya susumbatan siya, sisisihin siya sa nangyari pero di pala.

"O, tatawa tawa ka diyan?" Dagdag niya.

"Hahaha nakakatakot ka kasi..."

"Ang sama mo! Pag usapan nalang natin kung anong gagawin." Sabi ni Maine sa kanya.

"Hmmm? Wala naman tayong dapat sabihin dahil kahit anong i.explain natin sa kanila may iba pa din na di naniniwala pero ang ikina aalala ko lang talaga... hinding hindi ka nila titigilan hanggang di nila malalaman kung sino ka." Bumalik ulit ang mukha niya na problemado.

Natahimik sila saglit.

"Aha!!! May Idea na ako." Bulalas ni Maine.

"Ano yun?"

"Magsinungaling tayo! Sabihin mo pinsan mo ako... ganun." Mas lalo siyang sumimangot. "Bakit? Yun lang ang paraan para tigilan nila yung issue na ano..." mag syota na nag dedate. Dios ko! Nakakapangilabot.

"Pa showbiz naman na sagot yan. Ganito, may twitter account ka ba?" Natigilan si Maine.

"H-ha? Wa...wala akong ano... y-yan."

"Kasi kung meron, pwedeng tayo dalawa ang mag e...- wait, sasagutin ko lang tong tawag." Tumayo si Alden at nagtungo sa may terrace.

Gusto namang lumundag si Maine sa kina uupo.an niya. Dios ko kakayanin ko ba to? Bakit ba ako nasangkot sa mga ganitong kalokohan!! Ikakamata...- Hala! Si Shella! Shit.

"Jumega, malapit na ako. Isang liko nalang. Ano ba kasi yang sasabihin mo at kailangan mo akong ipapunta diyan as soon as possible?"

Shit! Papunta na siya? Mag aabot silang Alden dito... paano na to? Uugh!

"Jumega, p-pwede ka bang bumili ng ano... ng sanitary pads? Yung with wings... ha? Please? Salamat." 5mins. Pa bago siya makaakyat dito. Mag isip kana Maine. Di pwedeng makita ni Shella si Alden dito.

Pagkababa niya sa tawag agad niyang pinuntahan si Alden sa terrace.

"Oo, ay hindi. Wala naman kasi siyang kasalanan doon. Ako ang pumunta sa kanya sa Mcdo. Di nga niya ala...-okay fine. Let's talk about it bukas." Binaba niya agad ang tawag nang makita niya si Maine.

"Ne, may problema ba?" Tanong nito sa dalaga. Bakas kasi sa mukha ni Maine ang pag-aalala.

"I hate to say this pero pwede bang ano... uhm? Umalis? I mean, uhm... di naman sa tinataboy kita pero yung ano ko kasi... may ano... dadating... " utal na sabi niya.

Huminga din ng malalim si Alden at nilapitan siya. "I get it. Aalis na muna ako para di madagdagan ang problema mo baka kung ano pa isipin nila. I am really sorry Ne. Hayaan mo, bukas. Huhupa nato. Gagawa ako ng paraan."

Hindi na nagsalita si Maine at tumango nalang siya. Nang makaalis na ito ay doon na siya mas nakahinga ng maayos.

Ilang saglit naman ay nakarating na si Shella.

"Jumega, okay ka lang ba?" Usisa nito sa kaibigan.

"Oo naman... okay lang ako. Don't worry."

"Ano bang nangyari kasi? Uy, Ice cream kanino galing to? Sino kasama mo dito kanina?" Kinuha niya ang lalagyan ng ice cream at binuksan ito.

"H-ha? Wala. Ako lang naman dito. Pwera nalang kung may nakikita kang ibang kasama ko. Uy, wag yan. Kunan kita ng bagong baso at spoon." Gagamitin sana kasi ni Shella ang ginamit ni Alden sa pagkain kanina. No way! Ano to? Indirect kiss? Mabilis niyang hinablot ang hawak ni Shella at nagtungo siya sa kusina para kunan ito ng bago.

Pagkabalik niya, nakita niya ang kaibigan na may hawak hawak na kung ano.

"Ano yan?"

"Ikaw nga sana dapat tanungin ko. Car key to, e. Kanino to?"

"Ha? Ak...-aki..." tange! Wala kang sasakyan.

"Naiwan yan. Ni ano... Ate Nikki."

"Naiwan ni Ate Niks? Paanong naiwan? E, kakapost lang niya sa IG story niya na nasa loob sila ng sasakyan niya with Kuya John?"

"H-ha? Ano kasi... uhm. Basta. Akin na muna yan." Itong si Alden gwapo nga shunga shunga din, e. Hahay.

Napatalon naman si Maine nang makarinig sila na may nag doorbell.

"Ako na..." sabi ni Shella.

"Wag. Ako na. Ilagay mo nalang tong pinagkainan natin sa kusina." Utos ni Maine.

"Ako na... nagpa deliver kasi ako ng pizza nung papunta pa ako dito baka yan na yung pagkain." Tumayo naman si Shella para magtungo sa may pinto. Dagli naman siyang hinarangan ni Maine.

"Jumega, wag! Ako na."

Kumunot naman ang noo ni Shella. "Okay? Sige." May pagdududa ito pero bumalik na din siya sa kinauupo.an niya. Nakahinga naman ng malalim si Maine. Malaki kasi ang tyansa na si Alden talaga ang nag doorbell.

Pagkabukas niya ay hindi naman talaga siya nagkakamali. Si Alden nga... hingal na hingal.

"Ne, I'm sorry. Naiwan ko kasi yung susi at yu...-"

"Shhh, ito na. Ito na. Sige na. Pwede ka ng umalis. Sorry talaga Alden ha? Andito kasi yung ano ko... tapos di niya alam na pumupunta ka dito kaya di ka niya pwedeng makita."

"Jumega, May naiwang license dito sa ilalim ng center table, o. Hmmm, kay ate Nikk..- Richard Faulker... O MY GOD!!!"

•••
Fan si Shella so malamang kilala niya kung sino ang may-ari. Tsk! Paano na? Hehe

Twitter & IG: sheeshaii021

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro