Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PG • 30

"Alden, ano ba ang sumagi sa isip mo at nagawa mo yun?! Nag sinungaling ka pa samin! Ang paalam mo may kukunin ka lang saglit sa condo ng kaibigan mo... Dios ko! Sumasakit ang ulo ko sayo!" Kulang na lang ay maputukan ng ugat sa galit ang manager ni Alden sa kanya nang makarating ito sa silid kung saan siya inaayusan.

"Ano ba tong alaga mo Ten! Nakaka stress masyado!" Dagdag pa nito nang makita niya si Mams Ten na nakasunod kay Alden.

Hindi na din kumibo si Alden. Alam kasi niya na kasalanan niya ang nangyari. Hindi nalang niya sasabayan ang init ng ulo ng mga tao sa silid.

Habang inaayusan siya ay panay pa din ang text niya kay Nene (Maine). Hindi kasi siya mapakali. Alam niyang natakot siya ng husto kanina dahil nanigas ito habang nakayap ng mahigpit sa kanya.

Napaigtad siya nang tinapik ng manager niya ang palikat niya. "Tignan mo tong ginawa mo!! Nag resulta na! Pinag fifiestahan na kayo sa social media."

Shit!

Agad siyang napapunta sa twitter.

OMG! Who's that girl?

Hala!! Sa Mcdo? Nagdate?? Woooah.
#AldenMayDate

Napadaan ako doon kanina. Huhu kung alam ko lang sana na nandun siya... woooah! Sana tumambay ako sa branch na yun. #AldenAtMcdo

Kunin ng endorser sa Mcdo to! Hahaha napa trend, e. @Mcdonalds . #AldenOnMcdo

Sino si ate girl? Swerte naman niya!

Sino ang ka date? Bakit nakatago ang fes?

OMG!!! Di ko na kaya to! Nag date sa Mcdo! Woooah!

Andiyan pa ba ang spoon at fork na ginamit niya? Pwede akin na lang? Ipapa frame ko sana. Hahaha

Swerte ni ateng!

That girl must be so special for him. Akalain mong nagpa disguise pa talaga siya just to be with her? Pwede na mang sa mga tagong lugar diba? Hmmm?

Pero may isang tweet ang nagpa bilis ng pintig ng puso niya.

@MDeiDoza03:
Akala ko ba single? Sinungaling!

Agad siyang nag message sa kanya.

Alden: Me?

Maine: sinungaling ka!

Alden: di naman ako nang sinungaling sayo...

Maine: ayoko ng mag message ka sakin.

Alden: Me! Bakit naman?

Maine: basta! Stop this. Wala kang mapapala sa kaka message sa akin.

Alden: okay, kung yan man ang gusto mo. Pero promise, di ako nag sinungaling sayo. Single naman talaga ako. May nangyari lang talaga kanina kaya nagka ganyan. I am really sorry.

Maine: sino ba ang babaeng yan?!

Alden: siya yung sinasabi ko sayo na crush ko. Naalala mo? Yung nakasama ko sa condo unit niya? Remember?

Maine: anong pangalan?

Alden: ha? Di mo naalala? Si Nene.

Hindi na ito nag reply. Nakakapagtaka naman... paanong di niya maalala? Hmmm. Sabahay, matagal tagal na din kaming di na mg memessage.

"Nene daw yung pangalan." Pahayag ni Shella sa dalawa niyang kaibigan.

"Sinong Nene ba yan? Kilala mo?" Tanong naman ni Karen sa kanya.

"Hindi, tsaka ano... wala namang nabanggit sa akin si Maine na Nene na babae, e."

"Besh naman... ang tange tange mo. Bakit sinabihan mo na si Alden na ihinto na ang pag memessage sa account ni Maine? Paano na natin siya makikita sa personal?! Mukhang nagkakamabutihan pa naman sila sa mga DMs nila, o.." Pahayag naman ni Aya sabay butingting sa phone ni Shella.

"Gosh! Hindi ko inakala na ganito din pala ka kulit si Alden sa personal." Naki usisa na din si Karen sa phone.

"Akin na nga yan!" Sabay hablot sa phone niya. "Kung magpapatuloy tayong magpapanggap na si Maine edi mas malaki ang chance na magkakamabutihan silang dalawa... gusto niyo yun? Maagaw niya si Alden sa atin? Mas mabuti ng ipahinto natin kesa mas lumamang siya sa atin sa atensyon kay Alden diba?" Inirapan niya ang mga ito. "Doon na tayo sa plano natin. Ano ba kayo! Nagpakahirap nga akong kunin yung reminder notes niya kung saan nakalagay lahat ng mga importanteng bagay pati na mga social media account passwords niya para mahinto natin to... gumagawa naman kayo ng sariling plano niyo."

"Fine. Okay, tapos na. Ano na gagawin natin?"

Ngumiti si Shella. Yung ngiting may gagawing kalokohan...

Sa kabilang dako naman hindi magkamayaw sa kakaring ang phone ni Maine hanggang sa nagising nalang siya dahil dito.

"Maine!!! Anong ginagawa mo sa twitter????!! Bakit ka naging basher ulit?" Pasigaw na pambungad ni Nikki sa kanya.

Napakunot naman ang noo niya. Anong pinagsasabi ni Ate?

Agad siyang nagtungo sa twitter. Nanlaki ang mata niya sa mga nakita niya.

@MDeiDoza03:
Akala ko ba single? Sinungaling!

Hala!! She's back!

OMG! MaineyMe is back!

Halaaaaaa! Paano? Diba nagka qt2 nato noon na parang pa sweet pa? Paanong binash na naman ulit!!!???
|
Nah! Baka na snob ni Alden kaya naging basher ulit! Nagpapapansin. Hahaha

Welcome back basher!!

H-hindi ako to???!!! Paano?! Anong nangyari??!!! Natulog lang ako tapos pagka gising ko may ganito na?

Agad niyang tinawagan si Nikki.

"Ateee! Na hacked ang twitter account ko!!!"

"Haaa???! Sino naman ang gumawa nun?!"

"Hindi ko alam ate!!! Wala naman akong sinabihan sa password." Halos mangiyak ngiyak na siya sa takot at bahala.

Yung conversation namin ni... ni... ALDEN!!!!

Nagpaalam siya sa ate niya at chineck niya ulit ang twitter niya. She went to through the messages...

Bakit nawala na ang conversation namin dito ni Alden????!!!!!! Saan na ba yun???! Hindi din naman karamihan ang naka DM niya sa twitter kaya mabilis lang sana yung pag scan niya sa mga pangalan.

Sinearch niya ang account ni Alden at nakasaad doon na... YOU BLOCKED THIS PERSON. What the hell!!! Hindi ko naman siya binlock!

Inonblock niya si Alden at finallow back niya ito ulit. She messaged him immediately.

Maine: De!!!

Hindi na ito nag reply sa kanya. Kung sino man ang may gawa nito mapupugutan ko talaga ng ulo!! Mga hayop!

Then she checked her messages. 35 messages received from Alden Richards!???! Gosh.
Binasa niya ito lahat. Napasapo siya sa noo nang naisip niya ang mga nangyayari sa buong araw na yun.

To: Alden Richards
Hi Alden, medyo okay na ako ngayon. Don't worry. Ikaw kamusta ka? Sorry kanina kung hindi na kita nakausap ng maayos. sobrang wala talaga ako sa sarili. Nag halu-halo na din kasi ang takot at kaba ko kanina.

From: Alden Richards
Ne, uulitin ko. Sobrang sorry talaga. Kasalanan ko talaga yun lahat kanina. Im so sorry. 😭😭

To: Alden Richards
Ang OA ng emoji ha! Iyak talaga? Wag ka na ngang mabahala. Wala namang nagyari sa akin. Ikaw pa yung nakalmot kanina ng mga fans tapos Ikaw nga din diyan, o... pinag fifiestahan kana sa twitter.

From: Alden Richards
Ikaw ang inaalala ko! Ano ka ba! 😩 nasangkot ka sa gulo ko. Tigas din kasi ng bungo ko, e. Sana hindi nalang kita pinuntahan doon.

To: Alden Richards
Hindi ka din naman pupunta doon kung di dahil sakin kaya kasalanan ko din yun. 😔 pero bakit mo nga ba ako pinuntahan doon?

Hindi na ito nagreply... busy na siguro yun. Napasandal siya sa couch. Hindi ko alam kung anong uunahin ko iresolba! Ang daming ganap ngayon. Sobrang sakit na ng ulo ko.

Tapos may nag doorbell na ikinagulat naman niya.
Sinong nandito? Baka si Shella nato. Nag text kasi ako sa kanya kanina na puntahan niya ako dito...

"She, buti at dumati...-Alden!!?"

"Hi? Diba mukhang mas magandang mag usap pag sa personal? I have some ice cream for you too. Pampatanggal ng stress." Hindi mawala ang ngiti nito habang hinawi niya ang hood na nakatakip sa ulo niya.

•••
Hahahaha God gave me you 🎶🎶
Haha

Happy Friday to all. Alam niyo na! See you on Monday guys. Happy weekend ahead! 😊
Magbabakasyon muna ako sa Bukidnon. Hehe
God bless us all. Ingat!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro