Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PG • 3

Kakatapos lang ni Alden sa isang appointment niya. Hinihintay nalang niya si Mams T at ang manager niya sa loob ng sasakyan.

Sinandal niya ang ulo niya sa siradong bintana ng sasakyan. Sobrang tinted kasi ng sasakyan niya kaya di siya nakikita ng mga tao na halos nagwawala na sa labas ng sasakyan niya.

Tinignan niya ang mga ito. Pasensya na po talaga kayong lahat. Gusto ko man kayo yakapin isa isa,  o di kaya pasalamatan man lang pero di talaga pwede,  e. Mapapagalitan na naman ako.

Naalala niya yung nangyari sa kanya noon,  nung bago pa siyang namamayagpag sa industriya, nahila at natulak siya ng husto ng mga fans dahil sa pang gigil sa kanya. Nasugatan at nagka pasa siya sa braso at binti kaya ayon...  Medyo maingat na sila kay Richard a.k.a Alden Richards.

Tumunog ang telepono niya.

"Nak?  Okay ka lang ba diyan sa loob? Pasensya ha?  Medyo matatagalan pa kami, e.  Nagka problem lang ng kunti dito sa schedule mo. Aayusin lang namin saglit. Sasamahan ko muna tong HB mong manager."

"Ah? Okay po tsaka okay lang naman ako dito sa loob Mams,  sige. Ingat po kayo diyan."

"Wag na wag mong buksan yang sasakyan ha?  Kung ayaw mong maulit yung nangyari sayo noon."

He sighed. "Opo Mams,  sige na. Bye." At tuluyan na niyang pinatay ang linya. Haaaay, para naman akong bata neto. Daming pinagbabawal. Minsan,  kahit natatamasa mo ang lahat ng gusto natin may mga araw pa rin na gusto mo lang maging normal. Yun bang walang magkakagulo sayo pag naglalakad ka sa gilid  ng daan, yung hanggang kaway at ngiti lang ng kunti satisfy na sila... Yun bang,  Dati. HAAY!

He swiped his phone screen and he opened his twitter app. Maka post na nga lang...

As always,  nagkagulo naman ang lahat sa tweet niya. May mga kinilig,  masaya,  naging curious sa caption at syempre may walang kamatayang bashers. He scrolled down and read some  tweets and qoute tweets from his post.

He smiled. MaineyMe my consistent basher. Paniguradong ma ha.highblood na naman si Mams nito. Hahahaha

Nang gigigil na binanatan na naman ni Maine si Alden sa twitter.

Parang hindi buo ang araw niya pag di niya napapasadahan ng mga masasakit na salita ang kinaiinisin niyang tao. Gumawa talaga siya ng dalawang account para ang isa ay taga masid ng mga nangyayari habang ang isang account niya ay para pang 'bash' talaga. Pagkatapos niyang mag tweet ay pinapa private niya ang account niya para di ma view ang mga fans.

Hinding hindi talaga kita titigilan hanggat di mo ako mapapansin kumag ka!  Maghaharap pa tayo.

"Huy bruha!  Kailan ka ba titigil sa pag aaksaya niyang oras mo sa kaka tweet ni Fafa Alden!" Saway ng kasamahan ni Maine sa networking na si Joan.

"Alam mo,  wag mo na nga akong pakialaman." Inirapan niya ito.

Itong si Joan lang ang nakakaalam sa lahat ng mga kagagahan na ginagawa ni Maine.

"Pag yang identity mo malaman ng lahat?!  Nako!  Humanda ka talaga!  Bibitayin ka ng mga yan. Patiwarik!"

"Bago mangyari sakin yan nataob ko na yang Alden Richards na yan." Sagot naman ni Maine.

"Wow ha! Ang hangin,  hooo!  Ang lakas!  Tormado na nga ata to. Woah!"

"Ugok!  Tormado mo mukha mo! Tornado huy!" Koreksyon nito.

"E,  ano naman kong tormado sakin? Pake mo!? Wag ka ngang mangi.alam sakin,  di nga kita pinapaki.alaman diyan sa madilim mong adhikain, e."

"Whatever!"

"Di kita bati,  di tayo friendship!  Bye basher!" Pagiwang giwang na naglakad si Joan palayo sa kanya.

Di naman talaga kita 'friendship' . Si Shella lang naman ang tinuturing kong kaibigan. Haaaay. Na ngayon ay nawala na dahil sa...  Tinitigan niya ang mukha ni Alden Richards sa screen ng phone niya. Leching to! 

"Patulan mo na kaya yan pang one time lang!" Nang gagalaiting galit na sabi ni Mams Ten kay Alden.

"Mams,  wag na. Ano ka ba!  Hayaan na natin sila. Kinasasaya nila yan,  e. Mapapagod din sila niyan." Sagot ni Alden habang nilalaro niya ang rubix cube.

"Sumusobra na kasi. Gumagawa ng kung ano anong kwento. Tapos itong MaineyMe na to, o. Bakit di pa to napupuksa?!  Nirereport nato ng mga fans mo,  e."

"Hayaan mo na nga lang kasi Mams. Alam mo stop lurking na kasi diyan sa mga bashers na yan. Di naman nakakatulong satin niyan,  e. Sige ka,  plano pa naman ng Dios na pahabain yang buhay mo...  Kung palagi ka namang magagaalit ng ganyan?  Nako!  Baka kinabukasan Mam,  tigok kana. Heart attack!  Hahaha dahil sa bashers." Ito na naman siya. Sinusumpong na naman siya ng kakulitan niya.

"Huy!  Grabi ka naman bata ka! " hinampas niya ito sa braso. "Alam mo,  minsan kasi matuto tayong dumepensa sa mga sarili natin. Minsan lang naman... Hindi lang dahil gusto nating linisan ang mga sarili natin at mas umangat ang katutuhanan pero dahil na rin mataohan yang mga bashers na yan na di tama ang mga ginagawa nila kaya kailangan na nilang tigilan ang mga ganyan ganyan nila. Nag aaksaya lang sila ng ora... - Richard Faulkerson Jr. Bata ka!  Wag mo akong tulugan!" Hinampas niya ito ng unan sa mukha.

Humagikhik naman ng tawa si Alden. "Ang ingay mo Mams. Itulog nalang muna natin to. Mahaba haba pa ang byahe natin pauwi. Wag kang mag alala Mams. Ako na bahala sa mga yan."

"Sinabi mo yan ha?"

"Oo nga sabi..." Sagot naman nito.

6:30am Nagising na si Maine. May appointment kasi siya 8:30am kaya dapat na siyang mag handa ng mas maaga pa but befor that...  IT'S BASHING TIME.

Tsk!  Natulugan ko pala to kagabi,  di ko man lang na private ang account ko. Haaaay,  nagwa. Wild na naman ang mga fans ng kumag na yun sa tweets ko.

She opened her twitter account. May mga nag mi.message na sa kanya. Ang tanga mo talaga Maine kahit kailan. Mag fifiesta na naman ang mga asungot
yan sa account mo. Hahai tatanga tanga a kasi!

She scrolled down all the messages at halos lahat pinumura siya sa mga minsahe. Pero na istatwa siya ng may nag pop-up na nag nonotify sa kanya.

WHAT THE HELL!!!

At bigla siyang nanlamig sa susunod na nangyari.


Napalunok siya ng laway. Dios mio!




•••
Thanks for reading guys. 💓
Sorry natagalan,  nagtampisaw ako buong araw sa dagat. Hahahaha 😂

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro