PG • 29
Nakahinga na ng malalim si Maine ng makapasok siya sa unit niya. Ang tanga tanga mo! Muntikan ka ng mabisto! Uugh. Gusto niyang sabunotan ang sarili niya. Possible ba yun?
She took her phone para itext ang mga kapatid niya na nakauwi na siya. Binilin kasi nila yun pero iba ang umappear na pangalan sa notification niya.
From: Alden Richards
Hi Ne, thank you for the night. 😊
To: Alden Richards
Nah, ako dapat mag thank you sayo!
From: Alden Richards
Di nga pwede magthank you! Baka di na maulit.
To: Alden Richards
Ikaw din dapat. Hindi kana sana nag 'thank you for the night' sige ka baka di na din maulit heheheh
From: Alden Richards
Ang kulit mo. Hahahah
To: Alden Richards
Ikaw din. Hahahaha pero Huy! Nagmamaneho kapa diba? Bakit ka txt ng txt huy!
From: Alden Richards
May binili lang ako saglit kaya pwede pang magtxt pero paalis na ako.
To: Alden Richards
Okay. Ingat!
Bumulabog ang tunog ng telepono ni Maine kaya nagising siya.
"Hello?"
"Bruha! Ano na nangyari kagabi? Magchika kana." Ramdam ni Maine ang kilig ng kapatid.
"Ang aga aga pa ate, eeeiih!"
"Anong maaga? Mag aalas dose na huy! Wag kanang matulog. Sige ka, di kana gigisingin ni Lord" panakot ni Nikki sa kanya.
"Ang sama mo! Wala naman kasing nangyari! Hinatid lang ako nung tao. Yun lang. tapos!" Inis na sabi ni Maine sa ate niya. Medyo nainis ito dahil nabulabog ang mahimbing niyang tulog.
"Dios ko! Seryoso? Wala?! Di man lang kayo nag kape? Nag muni muni man lang sa dilim? Star gazing man lang? Uwi agad?"
"Oo nga sabi...."
"E, kiss? Or hug? I'm sure kahit beso may ganun."
"Wala rin."
"Tsk! Ang slow naman ng manok namin. Nakakainis!" Mahinang sabi ni Nikki pero narinig pa rin ito ni Maine.
"Tumigil nga kayo ate. Wala namang gusto yung tao sakin bakit ba pinagpipilitan niyo? Tsaka nakakahiya ha! Yan tuloy, naapektuhan din kami. Lalo na ako, di ako makatingin sa kanya ng maayos dahil sa hiya." Reklamo ni Maine sa kapatid.
"Anong wala?! Halata kaya sa kanya na type ka niya tsaka panay raw tanong niya kay Jerald kung kamusta kana..." Ikinamula naman niya ito.
"Ate, wag ka ngang assuming."
"Totoo naman kasi..."
"Ewan ko sa inyo!" Pero napangiti naman si Maine. Hindi na niya ito napigilan. Kinilig din kaya siya. What if totoo nga? Nako!!
"Ma iba ako, bakit may post na naman kayo ni Shella na magkasama? Akala ko ba friendship over na?"
"Ate, okay na pala kami. Nakalimutan kong ikwento sa inyo. Hehehe sorry."
"Nako, mag ingat ka ha! Baka kinaibigan ka lang niyan dahil nakaamoy siya na magkakilala na kayo ni Alden. Alam kong faney na faney din yun. Naah! Baka ginagamit ka lang niyan."
"Hindi naman siguro ate. Alam din naman niya ang totoo and she promised me to keep it as a secret too." Depensa ni Maine sa kaibigan.
"Hmmp, fine. Pero di parin ako kampante sa babaeng yan. Mag ingat ka lang."
"Haaay, ewan ko sayo te. Sige na. Matutulog muna ulit ako... disturbo ka, e." Reklamo ulit ni Maine sa kapatid.
Nagpaalam na din ito at bumalik siya sa pagkakahiga. Nakakainis! Di na tuloy ako makatulog. Uuuugh!!!
Kinuha niya ang phone niya and she read all the messages that she received that morning.
Halos mapatalon siya sa kama nang mabasa niya ang isa sa mga nag message sa kanya. Ang aga niya nagising!
From: Alden Richards
Good morning Ne! ☀️
5:30am? Seryoso? E, mag aala una na yun ata nakauwi sa madaling araw, a. Grabi siya!
To: Alden Richards
Hi! Good morning din. Kakagising ko lang. Ang aga mo namang nagising hehehehe
From: Alden Richards
Ikaw, ang tagal mong nagising! Hahaha
To: Alden Richards
Nah, nagising ako. Tumawag kasi si ate, e.
From: Alden Richards
Kawawa naman. Hahaha anyway, naka lunch kana?
To: Alden Richards
Di p nga, e. Hehehe
From: Alden Richards
Gusto mo dalhan kita? Ano gusto mo?
Whaaaaaaaaaat????!!! Halos mapunit na ang bibig ni Maine sa ka awhang nang mabasa niya ang tanong nito.
To: Alden Richards
Hala! Wag na. Nakakahiya naman.
From: Alden Richards
Sure? Malapit lang din kasi ako, e. May shoot ako 5 blocks away from your building.
To: Alden Richards
Ah. No EB guesting today?
From: Alden Richards
Wala, e. Sa susunod ulit. Hehehe may tatapusin lang akong mga commitments. So ano? Dadalhan kita or dadalhan kita? Hahaha
To: Alden Richards
Ang kulit mo talaga! Hahaha okay lang sabi, e. Hehe bababa naman na ako ngayon. Kakain na.
From: Alden Richards
Saan? Pwede sumabay? Hihihihi kung okay lang naman sana.
To: Alden Richards
Nako! Baka pagkaguluhan ka pa. Wag na.
From: Alden Richards
Aray ko! Lahat nalang decline. Sakit ha... huhuhu
Gutom na din kaya ako.
To: Alden Richards
Uy, di naman. Inaalala ko lang kapakanan mo. Baka dumugin ka. Hahaha nagpapa konsensya ka ha!
From: Alden Richards
Hahaha halata ba? Joke. Pero okay, sige. Hahaha Saan ka ba mag lulunch?
To: Alden Richards
Dito lang sa fast food malapit sa condo. Hehehe Mcdo.
Hindi na nagreply si Alden sa kanya. Busy na siguro yun... pero di man lang nagpasabi ano? Tsk.
She took her order and umupo na sa isang bakanteng table. Medyo nagsidatingan na din ang mga tao doon dahil pa lunch na din naman yun.
Habang kumakain siya nararamdaman niya na parang may tumitingin sa kanya. Ang taong nasa kabilang table na naka shades at naka face mask at naka jacket pa na black. Hindi niya maaninag ang mukha ng maayos pero nararamdaman niya talaga na pinagmamasdan siya nung tao sa kaya binilisan nalang niya ang pag kain para makaalis na siya.
Bakit ba siya tingin ng tingin? Naka face mask? OMG! Baka totoo nga yung balibalita na may gumagala sa mga matataong lugar tapos bigla bigla nalang may mag i.inject sayo... tapos magkaka HIV kana kinalaunan! Wooooah! Wag naman san...- huy! Bakit siya lumalapit dito sa kina uupo.an ko?
Dagli niyang hinawakan ang food tray na nasa gilid ng table niya. Sige! Subukan mong lumapit at kausapin ako!!! Tangina! Ihahampas ko talaga to sa pagmumukha mo.
Umatras ng kaunti si Mai para maka bwelo siya ng tayo at mahampas niya ng maayos ang lalaki sa ulo pero bago pa niya ito mahampas may biglang sumagi sa isipan niya. OMG!!! Di pwede.. Dios mio!
"Ne..." doon palang, alam na ni Maine kung sino ito at bigla siyang kinabahan.
"Huy! Anong ginagawa mo dito?" Halos pabulong na sabi ni Maine.
"Sabi ko naman kasi sayo na gutom ako, e."
"Ang kulit mo talaga! Bakit di ka nalang nagpabili sa mga kasama mo? Dios ko! Mapapahamak ka sa ginagawa mo."
"Shhhh, kung di ka magpapahalata at mag iiingay diyan di ako mapapahamak." Tugon naman ni Alden sa kanya.
"Ewan ko sayo! Sige, dito ka lang ha? Oorder lang ako ng pagkain mo. Wag mong iwan tong bag ko dito... treat ko na to sayo. Hinatid mo ako kagabi, e. Tsaka wag kanang pumalag! Sisigaw ako dito ng Alden Richards... sige ka!"
Hindi nalang kumibo si Alden at hinayaan nalang niya si Maine na umorder. Napangiti naman siya ng palahim. Hindi niya kasi akalain na magagawa niyang mag disguise para samahan lang kumain ang babaeng di naman niya gaanong kilala at di naman sila gaanong close pero bakit parang komportable siya sa kanya at feel niya matagal na niya itong kilala.
"O, kain kana." Sabi naman ni Maine sa kanya pagkabalik niya sa kinauupo.an nila.
"Salamat Ne ha?" Dahil na rin siguro sa gutom... wala sa isip na hinubad ni Alden ang face mask niya at sumupo na din siya.
Si Maine naman hindi makagalaw sa kinauupo.an niya habang tinitignan si Alden na sumusubo. Hindi pa rin kasi siya makapaniwala na si Alden Richards... Richards Alden... ang pambansang bae!!! Nasa harap niya at kumakain kasama siya sa isang publikong luga...
"Hala!!!!!! Si Alden Richaaaaards!!!!" Sigaw ng isang babaeng di naman kalayu.an sa kanila.
"O my God!!!!! Aldeeeeen!!!!!!"
Agad na napahinto si Alden sa pag kain at nagtinginan sila ni Maine. Agad na napayuko si Maine para itago ang mukha at tumayo naman si Alden. Ang mga tao sa paligid ay nagsisisigaw na sa loob habang panay ang pag pipicture nila sa aktor.
Hinila niya si Maine at tinakpan nito ang mukha gamit ang jacket niya.
"Woooah Alden!! Pa picture naman!"
"Kuya Alden!! May anak ako pa picture naman!"
"Alden! Aldeeeeen!!!!"
Hindi sila makaalis sa pwesto nila. Wala na silang madaanan dahil sa mga tao na nakapalibot na sa kanila.
"Alden, ano na gagawin natin?" Nanginginig na sabi ni Maine. Natakot siya bigla. Hindi niya kasi inaasahan na ganito sila dudumugin ng tao.
"Wag mong ipakita ang mukha mo. Yumuko ka lang at magtago. Ako bahala sayo." Kahit nahirapan siya... he took his phone from his pocket and he called someone.
Kahit may mga security guards na nagsidatingan... hindi pa din sila makadaan papunta sa pwesto ng dalawa dahil na din sa dami ng tao.
Kinuha na niya ang shades niya at itinaas ang kamay. "Hello po sa lahat! Sorry nabulabog ko po yung tanghali.an natin! Pwede po ba tayong kumalma kahit saglit?" Wala pa ring nangyari... kinuha niya ang shades niya at ang face mask at pinasuot ito kay Maine.
"Gamitin mo to Ne! Wag mong tanggalin. Sorry ha? Nadamay ka tuloy. Sana di na talaga ako pumunta dito. Sorry talaga."
Ilang saglit... may dumating na mga police. Doon pa lang kumalma ang mga tao at pinadaan ang mga ito papunta sa pwesto nina Alden at Maine.
Hindi pa din hiniwalay ni Alden si Maine. Niyakap pa din niya ito hanggang sa paglabas ng building at pagpasok sa van.
"Ne? Okay ka lang?" Hinaplos ni Alden ang braso niya. "Ne? Sorry talaga ha? Sorry talaga..."
Halu-halong emosyon ang naramdaman ni Maine. Takot at kaba kaya hindi niya mapigilan ang umiyak. Niyakap siya ng husto ni Alden hanggang sa kumalma siya. Panay pa din ang sorry ni Alden sa kanya.
As much as he wanted to stay at samahan si Maine sa condo niya dahil sobra siyang nag worry ay hindi pwede dahil may tatapusin pa silang shoot.
"Okay na ako. Don't worry. Wala ng problema. Aakyat na ako." Pahayag ni Maine sa kanya ng makababa na siya sa van.
"Sure ka? Txt mo ako ha? Please..." yun naman ang sabi ni Alden.
Ngiti.an lang siya ni Maine at napatango ito sa kanya. "Bye Alden."
Nang makaakyat na si Maine agad siyang sumampa sa kama at hinayaan ang sarili na makatulog. Hindi pa talaga niya kasi alam kung ano ang gagawin at iisipin niya sa mga oras na yun.
Lingid naman sa kaalaman niya... pinag fifiestahan na pala sila sa social media.
Trending list.
#AldenOnMcDo
#AldenMaydate
#Aldensobranggwapo
At nagsilipana ang mga pictures nilang dalawa. Alden na mukhang nag aalala habang yakap si Maine na nakatago sa loob ng jacket niya.
•••
Wooah! Breaking News ito. Hahaha 😂
Wala tayong update kahapon kaya medyo hinabaan ko to. Na busy po kasi ako sa school. Ngayon, HINDI NA!! I'm free now. Para akong nabunutan ng tinik. Hehehe
Ingat everyone! God bless. 😍
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro