PG • 28
"Ahaaa! Nag me.message.jan pala kayong dalawa!!" Sigaw ni Shella mula sa kanyang likuran.
Shit memeng!
"H-ha? D-di naman si Alden to. Ano ka ba!"
"Seees, nag lie ka pa. Nakita ko no!" Umupo ito sa tabi niya.
"Hindi nga siya yun..."
"Wag ka nga! Kanina pa ako sa likod mo no! Kaya pala ngiti ka ng ngiti... hmmm? Ano? Mag mamaang maangan ka pa?"
Hindi nakasagot si Maine. Naka awhang lang ang kanyang bibig. Wala kanang kawala, e.
"Fine. Oo ka chat ko nga siya." Sagot niyo.
"OMG! So friends na kayo? Close? Ano na? Chika ka naman!!!" Halos hindi mapakali si Shella sa kinauupo.an niya.
"Friends lang. Di close tsaka kumalma ka nga jumega!" Saway ni Maine sa kanya.
"Eeei, sa di ako mapakali, e. Dios ko! Kilala ka ba niya? Nag meet na kayo?"
"Yan. Yan ang wag mong sasabihin. Hindi niya ako kilala. We've met. Ika ilan na din pero di niya alam na ako yang ka chat niya." Kwenento na ni Maine ang lahat kay Shella pero hindi niya hinayag ang mga pinag uusapan nila sa chat.
"Dios ko! Kaya pala... totoo pala talaga ang hinala nami... ko! May something pala talaga sa inyo."
"Huy! Kung maka something ka naman. Wala no. Friends lang. Siya kasi yung sumalo sakin nung wala ka." Wika ni Maine sa kaibigan.
"Nako! Mukhang kailangan ko na talaga siya ma meet para naman mapasalamatan ko siya... Goooosh! Jumega!!! Alden Richards na yan, o. My goodness! Kaya pala di kana nag iingay sa twitter sa kaka bash sa kanya kasi inaamo kana pala niya ng patago!!!"
Inaamo ng patago. Anong ibig niyang sabihin?
"Inaamong patago?"
"Oo, yung sinusuyo ka niya." As if na kinikilig talaga siya ng husto.
"Ewan ko sayo! Wait lang, I'll get more snacks."
Napatawa naman ng malakas si Shella. "Pag tinutukso uma.alibi! Hahahaha"
Napalingo lingo lang si Maine sa sinabi niya at nagtungo na siya sa kusina. She's busy preparing food habang si Shella naman ay busy din sa kaka report ng mga nalaman niya.
From: Besh Shella
Girls, tama yung hinala natin. May connection na talaga tong baby boy natin sa kanya. Gooooah! Kinikilabutan ako. Usap tayo later. Bye.
Kinabukasan, sinundo si Maine ng mga ate niya para sabay na silang pumunta sa party ni Jerald.
Syempre, inaasahan na niya ang pangungulit ng mga kapatid niya tungkol sa kanila ni Alden pero binabalewala lang niya ang mga to.
"Hi guys! Buti naman at nakarating kayo. Hali kayo... doon tayo sa table namin."
Hindi naman sinabi ni Jerald na halos bisita niya dito mga artista di sana na charge ko tong phone ko para makapag selfie man lang ako sa mga hinahangaa... Uy, si Miss Jennylyn Mercad...- tsaka si Miss Nora Aunor! Dios ko!
"Hi good evening!" Bati ng mga kapatid niya sa mga magiging ka table nila sa gabing yun. Nag angat si Maine ng tingin at napa awhang ang bibig niya sa mga nakita niya. Dios ko! Di ata ako makakakain ng maayos nito. Seryoso? Kristoffer Martin? Rodjun Cruz tapos Marc Herras? Ano to!??
Binulungan naman sila ni Nikki ikalma ang sarili kahit alam na alam naman na ni Maine na sasabog na ang mga pantog ng mga kapatid niya dahil sa kilig.
"Hi! Gorgeous! Upo kayo..." Si Kristoffer talaga ang nag offer sa kanila.
"Ito talagang si Tuns pag chicks..." tukso naman ni Mark sa kanya kaya napatawa naman silang lahat.
"Feel better ladies. Wag niyong pansinin ang mga mukong nato." Sabi naman ni Rodjun
Nagpakilala ang mga ito sa kanila at ganun din sila Maine na pigil pigil naman ng kilig.
Ang sasaya nila tignan... grabi! Hindi ko inaasahan to, e. Ang swerte swerte naman namin.
"Teka, pupunta ba si Alden?" Tanong ni Tuns.
"Yun ang di natin alam. Alam niyo naman yun diba? Trabaho ang asawa nun." Sagot ni Mark.
Naging comfortable ang lahat doon. Pero kahit gaano pa kasarap ang tawanan at kwentuhan doon... hindi pa rin maiwasan ni Maine ang manghinayang dahil hindi sumipot si Alden.
Chusera ka! E, ano naman kung wala siya? Assumera ka kasi. Busy nga yung tao. Ano ka ba!
Pero biglang napatingin silang lahat sa may entrance nang may narinig silang sigaw. "Aldeen! You came!" Si Jerald pala yun. Nagbabakla baklaan habang wine welcome ang bagong dating.
Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ni Maine. Dios ko naman. Kakaisip ko lang na di ka dapat mag expect pero andito na si expectation! Woooah. Umayos siya sa pagkakaupo at inayos niya ang kanyang sarili. Lingid sa kanyang kaalaman... her sisters are beaming widely dahil dumating na ang panauhin nila, este ang panauhin ng kapatid nila.
Agad naman itong naglakad sa deriksyon nila...
"Hi guys! Sorry I'm late. May tinapos lang akong shoot." Saad nito sabay hila ng upo.an. Malayo kay Maine pero magkaharap sila sa mesa. "Uy, ate Nikks, Leen... and Ne, Hi."
"Hi Alden!" Bati ng mga kapatid niya. Halos naka glue naman ang bibig ni Maine sa kaba. Dios ko! Bakit parang habang tumatagal mas pumupogin siya sa paningin ko? Santisima!
Hindi sila gaanong nag usap ni Alden dahil siguro sa nagkakahiyaan sila. Minsan nagnanakawan lang sila ng tingin pero nag iiwas agad si Maine.
"Pare, buti at nakaabot ka. Sabi pa naman ni Jerald kanina di ka daw niya papansinin sa rehearsal pag di ka sisipot ngayon." Sumbong ni Mark sa kanya.
Tumawa naman si Alden. "Gago, ang bakla!" Napatawa naman ang lahat.
Natapos nila ang party na busog sa tawanan at kasiyahan pero di nagka chance na mag usap sina Alden at Maine. Pagkatapos nilang magpaalam ay agad na silang nagtungo sa kani kanilang sasakyan.
"N-Ne..."
Dios ko Lord.
"Hmmm? Saan ka sasabay?"
"K-kila ate lang..." napangiti naman si Maine.
"Bulacan pa ba sila uuwi?" Tanong ni Alden sa kanya.
"Hmmm, oo daw, e. Maaga pa sila bukas sa work nila."
"Hatid na kita para straight na uwi nila."
OMG!
"Oo nga Ne. Okay lang naman sa amin. Mas mabuti nga yun at di na namin kayo maaabala... este di mo kami maaabala kasi malayo pa byahe namin pauwi." Wika ni Nikki na nasa likuran namin.
Nakikinig pala ang mga to? Mga walang hiya talaga, o.
"Kung okay lang naman sayo..." medyo nahihiyang sabi ni Alden sa kanya sabay kamot ng batok.
Dahan dahan namang tumango si Maine. "Magpapaalam lang ako sa kanila."
Matapos pagsabihan ni Maine ang mga ate niya dahil sa pagpayag nito na si Alden ang maghatid sa kanya ay nagpaalam na din siya sa mga ito at nagtungo na sa sasakyan ni Alden.
"Okay ka lang ba?" Tanong naman ni Alden habang binabaybay na nila ang daan.
"Oo." Matipid naman na sagot ni Maine.
Balik tahimik ulit sila.
"Uhm, A-Ald...-"
"Yes?"
"Salamat nga pala sa paghatid. Nakakahiya tuloy."
"Nako, wag ka ngang magpasalamat. Dadaanan ko din naman ang building mo kaya nag offer na din ako." Pangiting sabi nito.
"Aah, pero kahit na. Salamat pa din."
He chuckled. "Kulit mo ano?"
"Hindi naman. Kunti lang."
Tumawa lang sila pareho at balik naman sila sa katahimikan hanggang makarating na sila sa condo ni Maine.
"Salamat ulit De...-Den. Alden." Tangina! Umayos ka.
"Okay Ne. Sa uulitin. Bye!" Kinindatan niya ito sabay taas ng salamin ng sasakyan.
•••
Muntikan na yun Ne! 😱
Anyway, hello everyone! Medyo madalas na siguro ang pa update natin araw araw. Nag rest muna ako from school. Kukuha ako ng honorable dismissal this week. Haaaayst.
Ingat po tayong lahat. God bless.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro