Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PG • 27

BREAKING NEWS:

Ngayong Hulyo! Matutuloy na ang hangad niyo!! Pasasayahin, paiindakin, pakikiligin at paiinitin tayo ng ating nag iisang Pambansang Bae!

Hulyo Tukso with Alden Richards at Ynares Center! Wag ng pagpahuli! Grab your tickets now in any ticket station nationwide!

Hulyo Tukso with Alden Richards on July 16.

"OMG!!! Jumeeega! Nakita mo yun? Matutuloy na pala talaga ang concert niya!!! Bali balita kasi na di  pa daw muna this year pero grabiiii!! Matutuloy pala talaga." Halos mangisay na si Shella sa harapan ni Maine ngayon. Nasa condo lang sila at tumatambay nang makita nila ang breaking news mula sa tv.

Hindi naman nakapagsalita si Maine... iba ang kutob nita sa concert nato. Bigla siyang kinabahan. Hala! Concert? Ghaaaaad!

"Maine? Okay ka lang ba?"

"H-ha? Uh, oo naman. Sorry. Ano nga ulit yun? Mag coconcert siya? Mabuti..."

"Sama tayo niyan ha?" Kita sa mukha ni Shella ang pagka excited.

Ilang linggo na din ang lumipas mula nung naging okay sila ulit pero di alam ni Maine kung bakit hindi siya na excite ng 'to the highest level' dahil nagkabati na sila. Masaya siya, oo pero di talaga siya gaanong nagalak sa nangyari. Minsan tinatanong niya sarili niya kung bakit siya ganun? Diba dapat sasaya na siya dahil bumalik ulit ang pagkakaibigan nila ni Shella? Pero iba, e. Parang may alinlangan na siya sa mga bagay bagay. May alinlangan siya na mag share sa kung anong totoong ganap sa buhay niya nung mga panahong nagkahilay sila... lalo na kay Alden Richards.

Mas gusto pa niya itong itago mula sa kaibigan. Hindi naman siguro masama na magkaroon ng privacy diba?

"Sure..." yun lang ang nasabi niya sa kaibigan.

"Wait lang ha? Tatawagan ko muna yung ano... uh, uhhm, si yaya. May ipapautos lang ako saglit." Pahayag naman ni Shella. Tumango lang si Maine at nanuod nf tv habang nginangatngat ang daliri.
Inalala niya ang sinabi niya kay Alden na magpapakita siya nito sa concert niya.

Agad agad talaga Lord? Wala bang preno preno to? Kakasabi ko lang sa kanya few weeks ago nun, e. Tssk!

Her phone buzzed. Message.

From: Jerald Napoles
Hi Maine! Yung pa thanksgiving party ko ha? Wag kayong mawawala. Aasahan ko talaga kayong tatalong magkakapatid. Salamat.

Oo nga pala...

Ininvite kasi sila ni Jerald sa bahay nila. May pa kunting salu-salo kasi daw. Thanksgiving party daw para doon sa success ng pelikula at isa sila sa mg kapatid niya ang bisita. Just family and friends mula sa showbiz ang nandoon.

Bigla siyang na excite. Andun kaya siya? Shit! Bakit ba tinatanong ko yan? E, ano naman kung nandoon siy...-

"Sino katext mo jumega?" Biglang sumulpot si Shella.

"H-ha? W-wala... si ate lang. Nangangamusta."

"Ah, buti naman. Akala ko si Alden Richards." May halong biro na pagkasabi ni Shella.

"Hahaha paanong si Alden Richards? W-wala akong contact sa kanya no." Utal ni Maine.

"Talaga? As in wala? Totoo ba yun?"

"Oo nga kasi..." sinungaling ka Maine... bakit di mo kayang sabihin sa kanya? Kaibigan mo yan huy! Mapagkakatiwalaan mo... tsaka alam mo naman na faney na faney yan doon sa tao. "Finallow lang ako pero di naman kami nag memessage.jan." Dagdag pa niya.

"Naku! Talaga? Pag ako siguro finallow ni Alden malamang araw araw, oras oras, minu-minuto ko siya kukulitin. Hahahaha" sabi naman ni Shella sa kanya.

"Kasi fan ka... ako hindi." Parang walang interesadong tugon ni Maine sa kaibigan. "Nga pala... bukas may lakad ako. Importante with my ate. Di kita masasamahan sa gala mo. Sorry jumega."

"Okay lang. Sa susunod nalang." Sabi naman ni Shella. "Wait lang, CR muna ako."

"CR? Phone ang dala? Haha di ka naman nagdadala ng phone sa CR, a. Nagagalit ka pa nga sakin dahil nagdadala ako ng phone sa CR." Puna ni Maine.

"Uh, hehehe nakasanayan ko na ang magdala ngayon, e. Sige na. CR muna ako. Hehehe" dagling naglakad si Shella patungog CR.

Mukhang marami na nga ang nagbago sa kanya... at sa amin.

She took her phone. Kakamustahin ko muna si Mukong.

Maine: Deeee!

Alden: hi Me!

Maine: kamustatamos?

Alden: okay lang. medyo naging busy lately pero okay naman.

Maine: pansin ko nga... ngayon lang nag tama oras natin mula nung thursday. Sunday na tayo ngayon.

Alden: oo nga Me. Pasensya na... pero infairness kay God ha! Kahit gaano pa ka busy may nilalaan talaga siyang panahon para sa dalawang  tao na nakatadhana sa isa't isa.

Maine: huy! Kilabutan ka nga sa mga pinagsasabi mo!

Alden: hahaha malay mo naman talaga... tayo ang itinadhana!

Maine: malay mo din may virtual punch sayo na tatama!

Alden: hahaha wala namang masama kung itinadhana tayo, a. Single ka naman, single din ako. Haha

Maine: sinong may sabing single ako?

Alden: teka... hindi?

Maine: secret.

Alden: ayokong maging kabit!

Maine: mas lalo naman ako.

Alden: ikaw lang kaya... nag iisa.

Maine: tigil tigilan mo nga ako Alden Richaaaards! Akala mo ha!

Alden: pikon! Hahahaha

Maine: wag ka nga! Haha lakas ng trip natin, a. Ganyan ba talaga pag mag coconcert? 😏

Alden: nakita mo na yung promotion? Haha

Maine: oo. Grabi ha! Big time kana...

Alden: di naman. Kinakabahan nga ako, e.

Maine: bakit naman? Magaling na Performer ka naman... kaya mo na yan.

Alden: seees, di rin. Trying hard nga masyado, e.

Trying hard... yun yung sabi ko sa kanya noon nung basher pa niya ako... haaay

Maine: sorry. 😔

Alden: ha? Bakit ka nag sosorry?

Maine: may mga naalala lang ako noon kaya napa sorry ako. Yung pag bash ko sayo.

Alden: seees, noon na yun. Di naman na mauulit.

Maine: hayaan mo pagmagkita na tayo... Hihingi ako ng tawad sayo personally!

Alden: okay naman na yun. Ano ka ba! Pero gusto ko yung 'pagmagkita na tayo'. Can't wait. 🤗

Maine: tignan mo to! Hahai anyway, anong cause ng concert mo? Di ba parang concert for a cause to?

Alden: hahaha change topic siya, o. Hahaha hmm, pero para to sa Kapuso foundation.

Maine: ang bait naman...

Alden: hahaha di lang naman yan yung main reason ko din para ituloy to, e.

Maine: ano pa? Naku! Wag mong sabihing magpapayaman kapa ng husto dahil alam kong ang yaman yaman mo na. 😒

Alden: huy di yan oi...

Maine: e, ano?

Alden:  basta... alam mo na yun.

Maine: na ano? Di ko alam oi.

Alden: alam mo kasi...

Maine: pasasalamat sa mga fans?

Alden: oo, part yun pero hindi.

Maine: na ano nga??!

Alden: wait lang Me, start na daw kami. Nasa magazine shoot kasi ako ngayon. Bye muna. Ingat ka ha? 😘

She put her phone down. Nakakainis! Tinatagu.an pa ako... duuh! Bahala siya. Ano ba naman kasi pake ko??! Di naman ako pupunta diyan. Gagawa ako ng alibi kay Shella. Ha!

At tumunog ulit ang phone niya...

Alden: Para makita ka!! Yun yung isang rason. Okay na? Bye na ulit. ☺️☺️😘

"Ahaaa! Nag me.message.jan pala kayong dalawa!!" Sigaw ni Shella mula sa kanyang likuran.

Hindi alam ni Maine kung magugulat ba siya dahil nabisto siya ni Shella o magugulat ba siya sa rason ni Alden.

•••
I'm back with an update. 🤗
Have a nice day everyone! God bless us.

Ps. Malapit na po. Wag mag alala.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro