PG • 25
2 weeks nang nagbabatuhan ng messages si Maine at si Alden sa twitter at sa mga araw na yun ay mas nakilala nila ang isa't isa.
Nagkukulitan, nag aasarahan at madalas na iinisan sila sa maliit na mundo nila. Mas nakilala ni Maine si Alden ng husto at mas naintindihan din ni Alden si Maine pag nag dadrama at nagsusungit ito sa kanya. Malamang naalala naman niya ang ex-bff niyang si Shella. He offered help pero ayaw naman ni Maine. Baka din naman sabihin ni Alden na ginamit lang siya ni Maine para magkabati silang magkaibigan.
Alden: Me, naisip mo na rin ba kahit minsan na magpakita sa akin?
Maine: hmmm? Hindi.
Alden: ang sama mo naman. Ako kasi gusto na kitang makita. Mahigit isang buwan na din kasi natin kilala ang isa't isa.
Maine: De, may tamang panahon para diyan. Hahaha tsaka ayaw mo nito? Unique yung pagkakaibigan natin? Hahaha
Alden: para kasi tayong mga adik, e. Iko.consider ko sana kung nasa ibang bansa ka pero Me naman... nasa iisang lupa lang tayo tumatapak, parehong oras... baka naman...
Maine: hindi mo din naman nanaisin na makita ako.
Alden: at bakit naman?
Maine: hahahaha kasi wala lang...
Alden: pangit naman ng rason mo. Magkita na kaya tayo?
Maine: yoko nga! Baka syota.in mo ako!
Alden: hahahaha natawa ako sa 'syota.in'
Maine: matawa ka nalang. Ayaw ko kayang pag fiestahan ng mga fan girls sa daan.
Alden: ayaw mo? E, sikat ka na nga dahil sa pambabash mo sakin, e.
Maine: sikat nga di naman kilala kaya mas okay yun. Hahaha tsaka kung magkikita ba tayo ano ng mangyayari? Nako... wala ng excitement sa friendship natin. Kaya okay nato.
Alden: ang daya naman...
Maine: wag mag inarte. Hindi bagay!
Alden: fine. Nga pala, taga saan ka?
Maine: taga dito lang sa Earth. Duuuh, wag ka nga tanong ng tanong sa personal information ko. Di ka naman biodata.
Alden: ang unfair. Ikaw, alam mo na halos lahat sakin pero ikaw wala kang sinasabi...
Maine: wag na kasing mag reklamo! Tsaka huy! Kung maka 'daya' ka naman... syempre alam ko personal info mo kasi artista ka dong! Open ang buhay mo sa madla.
Alden: galing mo talaga sa reasoning ano?
Maine: naman! Hahaha
Alden: haaaay. Okay, bahala ka. Ito nalang, ilang taon kana?
Maine: yan, masasagot ko yan. 22 pa. Ikaw?
Alden: ang bata mo pa pala hahaha 25 na ako.
Maine: ang tanda mo na pala. Hahaha kuya Alden.
Alden: Bunso...
Maine: eeeew.
Alden: hahaha eeeyt ayaw magpatawag ng bunso. Hahaha may pagnanasa...
Maine: ang kapal ng mukha!
Alden: hahaha 🤣
Maine: matanda kana pala... bakit di ka pa nag gigirlfriend?
Alden: ewan ko din, e.
Maine: hala siya... tsk! Bakla ka siguro talaga ano? Hahaha
Alden: bakit mo naman nasabi yan?
Maine: kasi diba? Sa mga ganitong edad may mga plano na sa buhay tapos nakahanap na ng mapapartner in life. Ganun...
Alden: sila yun, ako hindi ko pa alam, e. Di pa kasi nasagi sa isip ko yan.
Maine: hala siya... iba ka rin ano? Sige ganito nalang. Ilang taon mo ba nakikita sarili mo na mag sesettle down na?
Alden: 5 years from now? I guess...
Maine: buti naman at naisip mo na yan... hahaha ako siguro mga 28 years old siguro ako. Nakikita ko na sarili ko na may bitbit ng anak.
Alden: hala siya... 28 ka? Di kaya maaga pa?
Maine: walang maaga aga pag lumalantod na Mr. Alden Richards hahaha I tell you, pag ikaw ma in love ng husto? Hindi mo na nanaising mghintay ng 5 years para ikasal. Ura urada na.
Alden: talaga lang ha? Hahahaha nahiya naman ako sa nag fefeeling expert sa usapang in love... akala may lovelife. Hahahaha
Maine: sige, pagtawanan mo lang ako ngayon. Ipapalamun ko talaga yung lahat na mga sinabi ko sayo soon pag nahanap mo na siya.
Alden: hahahaha okay! Sabi mo, e.
"Rj, start kana daw." Nasa isang magazine shoot pala ngayon si Alden. Nag paalam muna siya saglit ni Maine at kumayod na.
Madaling araw na din nang natapos ang shoot kaya parang sabog na sabog na din si Alden at ang team niya sa mga oras na yun dahil sa pagos... pero hindi mawala sa isipan ni Alden an mga sinabi ni Maine sa kanya.
Bakit di pa daw ako nag gigirlfriend? E, ang tanda ko na daw? Napailing siya at napangiti. Ibang klase siya...
"O, ano na naman nginingiti ngiti mo diyan?" Napatanong si Mams T sa kanya.
"Mams, napag iwanan na ba ako ng mundo?"
"Ha? Anong klaseng tanong ba yan?"
"Sabi kasi sakin ni Me na bakit di pa daw ako nag gigirlfriend... e, ang tanda tanda ko na daw." Yes, kilala ni Mams T si Me dahil kinikwento ito ni Alden sa kanya.
"Nako, wag ka ngang ma bother sa mga ganyang usapan! E, ano naman kung wala pa? Haaay nako Rj... tigilan mo na nga yang kaka chat chat mo sa Me na yan... nilalason utak mo."
"Grabi ka naman ma... hindi naman sa nilalason. Parang sinasampal nga ako ng katotohanan, e" depensa ni Alden.
"E, ano bang magagawa mo? Pinili mo din naman na unahin muna ang pamilya bago lumandi..."
Napatawa si Alden. "In love ma, hindi landi."
"Pareho na din yan. Pag na iinlove kana... lumalandi kana."
"Hahaha haaay ewan ko sayo ma..." he took his phone.
"O, mag memessage kana naman sa basher mo?"
"Mams, di ko na siya sabi basher, e. Kaibigan ko na siya."
"Nako Rj ha? Naniniwala ka sa mga yan? Sa panahon ngayon marami ng mang gagami..."
Hindi na pinatapos ni Alden si Mams T. "Mams... iba si Me. Sa kanya lang ako nakakapag express ng nararamdaman ko. Komportable ako sa kanya, nakakawala siya ng pagod at higit sa lahat masaya ako pag ka message ko siya."
Napalingo lingo naman si Mams T. "Yang mga ganyang depensahan? Tsk! May something na yan. Hindi mo pa nakikita ang babae'ng yan ha? Paalala ko lang sayo."
"Mams naman..."
"Winawarningan lang kita Rj."
Hindi na kumibo si Alden.
May something daw sa pag depensa ko sa kanya... Bakit kaya ganito nararamdaman ko? Tama ba to? Masaya ka sa taong hindi mo pa nakikita maliban sa picture niya na na nakawacky? Yung parang kompleto araw mo pagka chat mo siya? Haaay. Rj mukang delekado nato, a.
•••
Mapapaaga kaya ang paglabon ni De sa sinabi ni Me? Hahaha Abangan po natin. Salamat po sa lahat.
IG/Twitter: sheeshaii021
FB: Probinsyanang Manunulat
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro