PG • 24
Alden: Me! Gising ka pa? Pauwi na ako. Woooaaah!
Maine: ang bakla mo! Hahaha
Alden: grabi ka! Kinilig lang. bakit ba? Bawal? Hahaha
Maine: hindi naman. Hahaha nakakatuwa lang kasi na ang naturingang pambansang bae kinikilig!
Alden: ganyan naman talaga ang totoong lalaki. Kinikilig!
Maine: talaga ba? Imbento ka rin ano?
Alden: hahahaha basta! Ang saya ko.
Maine: edi wow!
Alden: ikaw ba? May boyprend ka na? Haha
Maine: pag aaksayahan ba kita ng oras kung meron? Duuh! Ipapa salvage ka siguro ng boyprend ko kung nagkataon
Alden: hahaha ang harsh! Buti naman at wala.
Maine: at bakit naman mabuti?
Alden: kasi ayaw ko pang ma salvage. Hahahaha
Maine: sira!
Alden: pero mabalik tayo sa kanya... grabi, tinitigan ko siya kanina ang ganda ng mukha niya. Yung mata niya! Graaaaaabi!
Maine: huy! Lokong to. Umayos ka nga.
Alden: totoo naman kasi tapos ang sexy niya Me! Sobrang sexy
Maine: manyak! 😡
Alden: grabi ka naman. Inappreciate ko lang naman.
Maine: kamanyakan pa rin.
Alden: okay fine. Sorry. Hahai pero palalampasin ko tong pambabara mo sakin ngayon. Good vibes ako ngayon, e.
Maine: char naman!
Alden: bisitahin ko kaya siya ulit minsan ano? Dalhan ko ng pagkain...
Maine: hala! Kailan?
Alden: hahaha pag di na busy? Haha sana okay lang.
Maine: okay naman siguro sa kanya. Wala namang boyfriend yun.
Alden: hala? Manghuhula? Alam?
Tanga mo talaga Maine!
Maine: babae ako De, kaya alam ko din ang mga galawang ganyan. Papabayag ba yun na maiwan kang mag isa sa unit niya na kayo lang dalawa kung may boyfriend yun?
Alden: sabagay. May point ka dun Me.
Maine: ako pa ba?
Alden: hahahaha edi ikaw na nga!
Maine: naman! Anyway, pauwi ka palang so nag da drive ka? Bakit message ka ng message? Agoi ha! Ma disgrasya ka... Kargo konsensya ko pa.
Alden: hahaha wag naman sana. Nagpasundo ako sa driver ko kaya okay lang na mag message sayo.
Maine: sige nga. Nyelpie ka nga kung totoong di ka nag dadrive.
Alden: eeeyt! Paraparaan ka din ha! Hahaha gusto mo lang akong makita, e.
Maine: ay nag fifeeling. Wag nalang.
Alden: hahaha grabi talaga siya, o. Joke lang naman kasi yun. Anong ginagawa mo ngayon?
Maine: ito, kakatapos lang ng mga rituals. Ready for bed na.
Alden: ano ka, mangkukulam may rituals? Haha
Ang sama talaga nito. Kanina tinanong ako kung albularya... ngayon naman mangkukulam! Totohanin ko kayang ipakulam ka... damuhong to!
Maine: paano kung oo tapos kukulamin kita? Ayos ba?
Alden: uy wag naman... hahaha pero seryoso? Sa anong ritual yan?
Maine: ritual ng mga babae! Siraulong to. Maghilamos, mag cream, mag lotion, mag jelly... ganun!
Alden: aaaah? Nag gaganyan din kaya ako.
Maine: edi babae ka! Hahaha
Alden: gulo mo! Hahaha
Maine: ewan ko sayo!
Alden: hahaha ikaw talaga...
His text message notification beeped...
Shit! Si Nene...
From: Nene
Thank you for coming and sa food. Sobrang nabusog kami. 😊
To: Nene
Welcome! Sa uulitin. Heheheh 😊
From: Nene
Sure sure. Nag enjoy kami. Salamat sayo!
To: Nene
Next week ulit?
"Anong sabi girl?" Usisa ni Leen sa kanya. Naki sleepover na din kasi sila ni Nikki sa unit ni Maine dahil gabi na din masyado para iuwi sa Bulacan.
"Next week daw ulit?" Sagot naman ni Maine. Napatili ang dalawang kapatid niya. "OA niyo. Busy ako next week."
"Ay? Ano ba yan! Paglaanan mo naman ng panahon ang tigang mong ano..."
"Ano!!!??"
"Puso. Ito naman ang dumi dumi ng utak. Tigang na puso. Ganun." Depensa ni Nikki.
"Mapuso o ano pa yan di nakaka unlad sakin yan sa ngayon kaya wag niyo akong usisain at wag niyo akong pilitin na paglaanan ng oras yang Alden na yan." Pahayag ni Maine sa kanya.
"Alam mo mas OA ka! Ikaw na nga tong tinutulungan ikaw pa tong aayaw. Alden Richards na yan o?! Dios ko! Kung ibang babae pa niyan? Malamang nag wala na. Hininatay, na coma... blaaaag tigok! Paak."
"Sila yun! E, di naman ako sila kaya lakumpake!" Maarteng saad nito.
"Ewan ko sayo..." inirapan naman siya ni Leen. Itxt ko nalang baby boy ko. Total di naman ako pareha sa iba diyan na tigang.
"Ako din, puso ko di tigang! Ano ko malapit na madiligan. Hahahaha" tumalikod din si Nikki at tinawagan ang boyfriend niya.
Nasa gitna naman si Maine sa kanilang dalawa...
Haaaay tong mga kapatid ko talaga uh-oh.
Alden: Me, I'm home!
Maine: mabuti naman at nakauwi ka ng buhay.
Alden: oo. Wait, shower muna ako saglit. Balikan kita.
20mins after di pa din nakatulog si Maine. Marami kasing sumasagi sa isipan niya at isa na itong si Alden Richards.
Bakit ba parang naaaliw na ako sa mukong to? Tsk! Di pwede to. Ako ang babaeng may isang salita at gawa. Dapat kung ayaw mo... dapat ayaw talaga! Paanong naging kaibigan ko to!? Di naman ako naantig sa kapogi.an niya...
Sa kabilang parte naman ng utak niya...
Weh? Di nga ba? Wag mo ngang pigilan ang sarili mo. Makipagkaibigan ka sa kanya. Mukhang mabait naman talaga yung tao.
Alden: Me? Sleep kana?
Maine: gising pa.
Alden: late na, a. Sleep kana.
Maine: di ako makatulog, e.
Alden: bakit naman?
Maine: may mga iniisip lang.
Alden: ano naman yun?
Maine: mga bagay bagay...
Alden: wag mo ng isipin yan. Matulog ka muna. May bukas pa naman para niyan.
Maine: hahaha sabagay tama ka nga naman.
Alden: hayaan mo muna yan. Di ka naman presidente ng isang bansa para isipin ang maraming bagay at halos di na matutulog para mag isip ng solusyon nito.
Maine: ay grabi siya, o. Pambansang usapan na siya. Hahaha pero may point ka naman, pambansang bae.
Alden: hahaha Goodnight Me...
Maine: pwede isang request muna?
Alden: ano yun?
Maine: nyelpie hahahaha
Alden: ah, talagang gusto mo ha! Hahaha eeeyt
Maine: wag na nga lang.
Alden: hahaha ito naman. Wait, sendan kita. Pambaon mo sa pag tulog Me.
Maine: wag na nga lang sabi! Joke lang yun.
Alden: seees, idaan pa sa joke. Haha ito na Me. Wait for it.
Leche! Nagpa cute!
Alden: kita mo na? Haha goodnight Me. Sleep well.
Maine: hahahahaha tangina! Nagpa cute. Hahaha salamat. 😘
Shit! Maling emoji nalagay mo Maine!
Alden: sarap naman may pa kiss! Goodnight 😘
Wooooaaah!
At sa gabing iyon isang Nicomaine Mendoza ang di dinalaw ng antok hanggang mag umaga dahil sa halong kilig, hiya at kaba kay Pambansang bae.
Gaga ka Maine. Isa kang super mega ultra giga GAGA!
•••
Twitter: sheeshaii021
Salamat sa inyong lahat. Akala ko di na to sasali sa mga rankings. Hahaha may pa sobrang pa top #3 pa kayo sa Fanfic category ha? Salamat po. God bless us all
Bukas ulit mga loves. 😍
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro