PG • 23
Alden: Me!
Alden: Me!
Alden: uy Me? Busy ka? May sasabihin ako sayo.
Alden: Me!!!!
Alden: Nasa bahay ako ni Nene! Naalala mo? Yung kinekwento ko sayo?
Alden: Meeeeee!!!!!!! Naiwan kaming dalawa dito sa bahaaaaay niya! Huuuuy! Busy ka?
Omg!!! Omg!! Shit ka Alden! Shiiiit!. Halos mangisayngisay na si Maine sa kusina habang nagtitimpla siya ng juice para sa bisita niya. Talagang nag message ka ha! At ngayon pa talaga!!
"Ne? Kailangan mo ng tulong sa juice?"
"Di, okay lang. Feel at home ka lang diyan. Upo ka lang." Tugon naman ni Maine kay Alden. Hindi naman kasi kalayu.an ang kusina niya sa sala kaya di din naman kalayu.an ang pagkakita ni Alden sa kanya pag gagagalaw habang binabasa ang mensahe ni Alden sa phone.
Maine: De, sorry late reply. Medyo na busy ako. Kamusta?
Alden: okay lang. andito pa din ako sa bahay niya. Kung magtatanong ka kung paano... mahabang kwento. Present nalang muna i.uupdate ko sayo. Kinakabahan ako,e.
Maine: ano ka ba! Wag kang kabahan diyan.
Ako lang to.
Alden: parang naiilang siya sakin, e. Gusto ko pa naman makipagkaibigan sa kanya. Ano gagawin ko?
Mabilis na dinala ni Maine ang tinimpla niyang juice at umupo siya sa harapan na couch na kinauupo.an ni Alden.
Maine: kwento kwentuhan mo lang, go!
Alden: sige. Try ko. Wait lang....
Nilapag ni Maine ang phone niya sa couch at pinagsilbihan niya ang bisita.
"Alden, juice o. Wag kang mahiya." Inabutan siya ni Maine ng baso.
"Salamat..." Pangiting sabi naman ni Alden sa kanya.
Shit Maine! Wag mong titigan! Mapaghahalataan ka niyan.
"Uh, Maine, I heard nakatapos kana pala..."
Aba! Inapply nga. Hahaha "Yes, Nursing natapos ko." Pahayag ni Maine. "Ikaw?" Nakita naman niya ang pagkahilaw ng ngiti ni Alden nang tinanong niya ito. Ang tanga mo! Ayan, nagpahalata ka tuloy na di ka faney dahil di mo alam yung educational status niya. "I... I mean, uhm. Ikaw? Uuuh, ano nga ulit kinuha mo?"
"Uhm, BSBA ako pero alam mo na. Di ko pa natapos." Tugon nito sabay kuha ulit niya sa phone.
"Aaaah, okay." Magmemessage sakin to sa twitter...
Alden: Me, nawawalan ako ng topic! Tulong naman.
Maine: gatungan mo lang yung mga sinasabi niya! Ito naman parang di sanay makipag usap ng mga tao. Umayos ka nga!
"So saang hospital ka nagtatrabaho ngayon?" Magiliw na sabi nito.
"Hmm, wala ako sa hospital nagtatrabaho, e. Dito lang ako."
"Aah, stay in nurse ganun?"
"Hindi rin."
"Ha? Ano? Albularya?" Tangina mo Alden. Anong albularya??!!
Hindi naman mapigilan ni Maine ang tumawa sa sinabi nito sa kanya. "Hindi, a. Grabi ka sakin. I am a networker. Hindi ko masyadong inapply yung pagka nurse ko pero nagagamit ko naman yun sa mga seminars at lectures ko."
Napa awhang naman ang bibig ni Alden. Grabi! Galing! Marunong sa buhay. Open minded pala to.
"Wow! Galing naman. Mabuti yun at hawak mo lang yung oras mo."
"Oo nga, e. Ito din ang isa sa mga nagustuhan ko sa pagiging networker ko. Ako lang may hawak sa oras. Di gaya ng ibang imployees sa mga offices, hospitals at iba pa may sinusunod ka talagang oras mula sa management."
"Ay, tama ka diyan. Medyo mahirap nga..."
"Pero ikaw? Sobrang sikat mo na. Malamang pwede kang umu.o o di kaya humindi sa mga offers nila sayo." Sabi ni Maine.
"Yes, at some point pero kasi tinitignan nila ang ikinabubuti daw para sa career ng isang artista kaya madalas din sila yung nasusunod para sakin. Hinahayaan ko lang sila. Basta ba nagpapasaya ako ng tao at kumikita ako para sa pamilya ko."
Tumawa ulit si Maine. Nagulat naman si Alden. "Sorry, napatawa lang ako. Kung makapag salita ka na 'kumikita para sa pamilya' parang di milyon milyon ang natatanggap mo, a. Hahahaha" pahayag ni Maine.
"Grabi siya, o. Ganun naman talaga kasi. Kaya nga ako pumasok sa industriya ng showbiz para sa pamilya ko." Depensa ni Alden.
"Sabagay... yun nga yung sabi mo sa mga interviews mo." Sabi naman ni Maine.
Ininum naman ni Alden ng basong may lamang juice at si Maine naman ay nag busy busyhan ulit sa phone.
Alden: Me!
Maine: o, De? Kamusta?
Alden: pinatimpla niya ako ng juice!
Maine: wow! Ang sweet naman.
Alden: oo nga, e. Sweet nga siya pero yung juice niya... lasaw 😬
Agad namang napakuha si Maine ng baso at tinikman ang gawang juice. Nakakahiya! Oo nga.
"Hala Alden! Akin na muna tong juice. Nako naman! Bakit walang lasa? Bakit di ka nagreklamo?!"
Napatawa si Alden. "Okay lang naman kasi. Ikaw naman."
Anong okay lang? Nagreklamo ka nga sa twitter tapos okay lang?? Sapakin kita diyan, e.
Tumayo si Maine at tinimplahan niya ng maayos ang juice. Pagkabalik niya... halos mabitawan na niya ang phone niya nang makita itong tinitignan ulit ang isang photo album niya. Shit!
"Alden!! Wag yan. Dios ko! Nakakahiya!"
"Hindi, a. Cute mo nga dito, e."
"Ako nalang titigan mo! Wag na yang mga nakaraan kong mukha! Nakakaloka ka!" Mas nakakaloka ka Maine. Sabihan mo ba naman na titigan ka nalang?
"Titigan ka?" He laughed.
"Ay, di. Joke lang! Basta akin na yan!"
"Ako na muna. Ito naman, ang cute cute mo nga nung highschool ka pa, tapos yung... ang ikli ng buhok mo..." tininuro ni Alden ang photo.
Shit! Malapit na siya dun sa profile picture ko sa twitter.
"Akin na nga yan! Ikaw talaga Alden Richards na payb years old. Hindi ka ba tinuru.an ng mama mo na wag galawin ang mga bagay bagay na di sayo?" Birong sabi ni Maine kay Alden habang hinahakot niya lahat ng photo Album mula sa ilalim ng mesa. Dadalhin niya muna ito sa kwarto. Mahirap ma. Baka ma bisto sa di oras.
Lingid sa kaalaman ni Maine... nakita na pala ni Alden yung picture na kinatatakutan niyang makita nito. But it turns out to be like this...
Kaya nabaliwala lang ito ni Alden and he flipped the other part of the photo album.
Alden: Me!
Maine: yes?
Alden: anong ginagawa mo?
Maine: ito may inaayos. Bakit message ka ba ng message? Mag kwentuhan nga kasi kayo.
Alden: may inayos lang siya sa silid.
Maine: aaah.
Alden: Me!!!
Maine: ano ba?!!
Alden: crush ko na ata talaga siya... 😍
Ay kabayo! Shit sakit ha! Sabay hilod niya sa ulo na na tama sa cabinet na pinaglagyan niya ng photo album.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro