PG • 22
Its Sunday at naka crop top at pajama lang si Maine. Bibisitahin daw siya ng mga kapatid niya sa hapong yun. Wala naman siyang pakialam kung di pa siya nakaligo at nakabihis. Mga kapatid lang naman niya yun.
"Malapit na kami diyan." at pinutol na ni Nikki ang koneksyon ng tawag. Haaay nako! Gutom na ako. Hindi nga ako nagluto ng tanghali.an kasi alam kong may bibit ang mga yun na mga pagkain.
Nakaupo lang siya sa sahig habang namimili ng magandang movies na pwede nilang panuorin. Aside sa kainan, nanunuod lang sila ng movies at nagchichikahan hanggang gumabi na.
*Ding dong... ding dong... ding dong... ding dong...*
Sila na to. Tumayo siya at nagtungo sa pintu.an.
"Hi!!!" Malapad na ngiti ang ipinakita ng dalawa sa kanya.
"Tagal niyo ha! Hali na. Pasok." Yaya nito.
"May kasama pa kami." Sabi ni Leen. Ha? Sino naman? Haaay. Sana di bata. Yoko na may mang gulo dito sa loob, e.
"Sino?" Tinaasan naman niya ng kilay ang mga to.
May lalaking naka hood na pumagitna sa dalawa niyang kapatid at naka shades pa. Sino ba to?
"Tadaaaa!" Bulalas ni Leen at Nikki.
Kumunot naman ang noo ni Maine. Hindi niya kasi ma pamilyaran ang lalaki hanggang isa isa nitong hinubad ang suot nitong jacket na may hood at ang shades.
Putangina!!!!! Bakit siya nandito???!!!!
Hindi makagalaw si Maine sa kinatatayu.an niya.
"We invited him to come over. Nanuod kasi kami ulit ng SPS. Hindi na namin pinaalam sayo kasi mukhang di ka naman interesado. Pwede na ba kaming pumasok?"
Tumango lang si Maine pero tulalang tulala pa din siya. Dios ko po. Bakit kasama siya dito? Ano bang nagyayari sa mundo? Nasa planet earth pa ba ako?
"Hi Ne, pasensya na ha? Niyaya kasi ako nitong dalawang magagandang kapatid mo, e. Hindi naman pwedeng kung saan saan lang kami pwedeng gumala tapos naisip nilang mas mainam na dito nalang kasi mas malapit daw."
"Uuh, y-yeah. Okay lang. P-pasok kana. A-Alden." Langyang nga to! Nakakahiya. Dios mio. Wala ba siyang ibang lakad? Mall show? Shoot? Diba ganun siya? Kahit Sunday busy pa din siya? Lord! Bigyan mo pa ako ng sapat na lakas para gayuy makaya ko pa siyang harapin. Wooooah!
"Mag bibihis lang ako." Pahayag ni Maine sa kanila. Buti nalang at malinis ang loob ng unit niya kundi mas lalo pa talaga siyang mapapahiya.
Hinila naman niya si Leen para kausapin sa kwarto habang si Nikki naman ang nag i.entertain sa bisita nila na feel na feel ang pagkaka upo sa couch.
"Tangina Ate!!? Bakit andiyan siya? Bakit niyo sinama? Wala bang appointment yan? Shoot? Mall show? Ganun? Sagutin mo naman ako" binumbahan niya na ito ng tanong.
"Paano ako sasagot, e. Ikaw yang dada ng dada diyan. Syempre wala! Sasama ba naman yan kung may lakad siyang iba?! E, alam mo naman kung gaano ka dedicated sa trabaho yan! Tsaka di naman talaga siya ang niyaya namin. Na meet na din kasi namin si Valerie at si Barbie, kami yung nag uusap uusap doon sa backstage kasama din si Jerald. Kami yung nag plano na gagala ngayong hapon... kasi daw may alam silang bagong bukas na restaurant... alam mo naman na go kami ng Ate Niks tsaka hello??! Mga artista na kaya yung nagyaya sayo, tatanggi ka pa ba?"
"Paanong si Alden lang ang nasama mo dito? Tsaka bakit naman dito ate? Pwede namang sa labas kayo kumain o di kaya tumambay." Parang batang nagmamaktol si Maine habang tinatanong si Leen.
"Patapusin mo muna kasi ako... so ayun na nga, biglang dumating si Alden. Narinig niya yung pag uusap namin. Nagtaka nga kami kung bakit sumabat siya sa usapang gala namin. E, hindi naman yun pala gala. Sama daw siya. So ayun na... okay na. Fix na yung plan namin kaso may tumawag kay Val. Parents niya susunduin daw siya. Hindi naman siya maka hindi dahil minsan lang daw niya nakakasama ang mga to. Si Barbie naman nakalimutan niyang may shoot pala siya ngayon kaya ayun... tunganga pa siya sa studio. Ito namang si Jerald, malandi. Hindi daw siya sasama kasi daw sasama si Valerie. Nakakaloka! Akala ko pag on screen lang yang ka echusan nila ni Valerie pati pala off cam. Kaya ayun, kami nalang tatlo ang nag stick sa plan."
"Tapos? Paanong napadpad kayo dito?" Usisa ulit ni Maine habang nagsusuot ng Tshirt.
"Pagkarating namin sa restaurant na yun... puno na. Alangan namang lumabas pa kami? Mahirap kaya yun baga dumugin siya. Nako! Kasalanan pa namin dahil sinama sama namin siya doon... kaya ito kami. Hahahaha"
"Saya niyo no? Hindi niyo man lang ako sinabihan na kasama siya. "
"Surprise nga, e. Hahahaha may surprise ba na sinasabi? Hahaha Basher meets the Famous. Ganon!"
"Wag ka ngang maingay! Baka marinig nila tayo. Hali ka na nga ate... labas na tayo."
"Na naka panty ka? Ano to!? Hahahahaha"
Oo nga. Shit! Bwesit! Nakakataranta kasi, e.
Nang makalabas na sila sa silid... naabutan naman nilang nagtatawanan si Alden at si Nikki.
"Uy, mukhang nagkakatuwaan kayo, a. Sali naman kami." Sambat ni Leen.
"Ay, pinakita ko lang tong mga pictures niya sa bata pa siya. Dinala niya pala to dit...- Huy! Amin na muna! Di pa namin tapos tignan yan!" Biglang hinablot ni Maine ang hawak ni Alden na photo album.
"Ate naman, e." Nakakahiyaaaaaaa...
"Okay lang naman kasi. Ang cute mo kaya." Kumento naman ni Alden na ikinamula naman ng husto ni Maine.
Tinignan naman ni Maine ang mga litrato na tinitignan nila...
Nakahinga siya ng maayos. Naka keep din kasi sa photo Album nato ang lumang picture niya na ginamit niya sa twitter aa profile picture. Muntikan na! Hooo.
"Wag nato! Nakakahiya. Manuod nalang tayo ng movie." Sabi naman ni Maine.
"Okay. Hayaan mo Alden, makikita mo din ang mga yan. Soon." Loka lokang to. Bakit naman niya makikita ang mga to soon? Hindi na no! Una at huling punta niya na dito. Itataga ko yan sa bato!!!
"Wait! Tumawag si John. Sasagutin ko lang." tumayo si Nikki at nagtungo sa kusina.
Namili naman si Leen at si Maine ng pwede nilang panuorin habang si Alden ay kumakalikot lang sa telepono niya.
"Leen! We need to go..."
"H-ha? Ate kararating lang natin. Bakit?"
"May na change daw sa mga designs ng gowns niyo. Kailangan nating puntahan! Dios ko. Nakaka stress na. Bakit ba kasi may pa suggest2 na style pa yung pinsan ni John, e. Yan tuloy nasira yung design natin. Leen! Tara na."
Tumayo naman si Alden. "Bakit ka tumayo? Hindi ka sasama. Dito ka lang. Kami lang ni Ate Nikki ang aalis. Mabilis lang naman kami. Babalik kami agad. Okay lang naman maiwan si Alden dito no? Ne?"
"H-ha? Pe... ba... paa...- Oo okay lang. Babalik naman kayo agad agad... okay lang sakin pero kay Alden? Baka ano... may lakad pa siya or ano..."
"Di, its fine with me. Dito nalang ako maghihintay sa inyo. I ordered food na din kasi sayang naman yun... marami rami pa naman yun... di kayang ubusin ni Nene mag isa."
"Okay sige. Alis muna kami. Magpakarami kayo este mag enjoy kayo... bye!" Paalam ni Nikki.
"Be gentle Alde... joke. Ne, alagaan mo tong kaibigan natin." Dagdag ni Leen.
•••
May naaamoy akong sabutahe dito! Hahaha
Good day everyone 😊 God bless. Ingat po.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro