Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PG • 20

12:00 NN.

"Mga Dabarkaaaaadz! Eat Bulaga na!!!"

Napatulala naman si Maine nang makita ang bumungad sa screen. OMG! Bakit nasa Eat Bulaga siya?? Ang gwapoooo...- Heh! Ngayon appreciate na appreciate mo siya? Tumahimik ka nga.

Wala kasing appointment si Maine ngayon kaya nakatunganga lang siya sa loob ng condo niya habang nanunuod ng tv.

"Grabi ang pogi naman ng bumungad ng tanghali.an natin!" Ayun ni Ruby Rodriguez.

"Oo nga Tita Rubz! Baka marami nga ang nabilaokan sa pa welcome ng ating pambansang bae. Bumati ka naman Alden!" Sabi naman ni Miss P.

"Hello po mga Dabarkadz! Magandang tanghali po sa lahat!" Bati niya habang pa kaway kaway siya at pa talon talong sinabayan ang beat ng background music.

"Grabi! Parang guguho na ang loob ng broadway centrum dahil sa hiwayan!" Kumento ni Ryan.

"Iba din kasi tong bagong kasama natin, e. Nangyayanig ng mundo." Sumang ayon naman ang lahat ng host.

"Kamusta naman ang buhay2 natin Alden? Hahahaha ano to talk show?" Ayun naman kay Pauleen.

"Well, ito po okay naman po. Hehehehe"

"Ano ba ang pinagkakaabalahan natin sa ngayon? Hmmm, well, syempre aside sa trabaho ha?"

"Hahahaha grabi, uhm. Aside sa trabaho po, gym at bahay lang po ang kinaabalahan ko po."

"Masipag tong batang to. Tsk! Wala akong masabi!" Pahayag ni Ryan sa kanya sabay akbay.

Napaismid naman si Maine. Gym, bahay at nakikipaglandi-an po yan.

"Kamusta naman ang puso natin?" Tanong naman ni Allan K na kararating lang sa stage. Naghiyawan naman ang mga tao sa loob ng studio.

"Uhm... okay pa naman po. Tumitibok! Hahaha di, uhm... paano ba... siguro ano po, uhm... pa crush2 lang muna? Hahaha busy po talaga sa work, e. Wala pa talaga akong oras para sa ano... yan! Hahaha pero dadating tayo diyan."

Dagling mi.nessage ni Maine si Alden para asarin.

Maine: crush2?? Hahahaha ano yun? Highschool? So lame!! 😜😜😂

Alden: sama mo!

Maine: nakakaloka ka! Di ka ba nahiya sa sagot mo?

Alden: totoo naman kasi yun. Wala akong oras para paglaanan yan kaya pa Jolina Magdangal nalang muna.

Maine: ha? Anong pa Jolina Magdangal?

Alden: pasulyap sulyap lang. hahaha

Maine: aaah, ang korney! Last mo na yun.

Alden: grabi siya! Funny kaya yun.

Maine: sinong nauto mo sa joke mong yan? Babatukan ko nang mataohan.

Alden: grabi ka talaga sakin!

Maine: hahahahahaha 😜😜

Alden: kumain ka na ba?

Maine: di pa, e. Kakagising ko pa lang din kasi. I am still thinking what to eat.

Alden: huy! Ano ka ba! Wag kang magpalipas ng kain. Alam mo bang nakakasama yun?!

Maine: minsan lang naman. Ikaw din kaya siguro... malamang, nalilipasan ka din ng gutom minsan.

Alden: di, a. Kahit tadtad na ako sa trabaho... I see to it na kumakain talaga ako sa tamang oras. Health conscious ako Me.

Maine: talaga lang ha! Hahaha

Alden: oo nga kasi kaya dapat ikaw gumising ka sa tamang oras at kumain sa tamang oras. Okay?

Maine: hala? Tay? Ikaw po ba yan?

Alden: nay, wag makulit.

Maine: tse!!!

Alden: cute mong asarin. Hahaha di ko na iimagine mukha mo.

Maine: wag mo ng iimagine.

Alden: feeling ko cute ka talaga.

Maine: di rin.

Alden: cute mo kasi sa profile picture mo.

Maine: bata pa ako niyan.

Alden: 😲 teka lang... magkaliwanagan nga tayo... kung bata kapa niyan... matanda kana ngayon?

Maine: oo.

Alden: shit! Senior Citizen ganun?

Maine: tangina! hindi no.

Alden: aw. Hahaha ilang taon kana?

Maine: hmmm mga 59.

Alden: kingina!

Maine: hahahahaha yun o! Nag mumura na po si Alden Richards. Hahahaha

Alden: seryoso?

Maine: hahaha 22 pa po.

Alden: haaay! Dios ko! Akala ko totoo na. Lakas mo talagang mang trip ano?

Maine: sarap mo kasing asarin. Hahaha

Alden: masarap ba talaga? Hahahaha

Maine: tignan mo to... ang bastos!

Alden: hala. Sino kaya ang unang nagsabi ng masarap....

Maine: asarin kasi. ASARIN!

Alden: aaaah. Okay, buti nang magkaliwanagan tayo. Hahaha

Maine: ako maliwanag na. Ikaw siyan ang madumi ang utak.

Alden: hahahahaha iba ka talaga, wait. Balik stage muna ako. Nuod ka ha? Sasali ako kasama nila Bossing Vic sa panel sa JFA.

Hahahaha as if naman may choice ako? Di ko naman bet ang ibang channel. Laking EB kaya ako.

"May kasama po tayong pogi dito sa panel! Nadagdagan na po kami! Tatlong pogi!! At isang unggoy po" asar ni Bossing kay Miss AK.

Matapos ng asaran ipinabati nila ulit si Alden. "Magandang hapon po ulit sa lahat."

"Batiin mo naman pamilya at friends mo Alden."

"Ay, sige po. Hello po kina Dad at Angel na nunuod ngayon sa bahay. Pati na din kela lola at lolo at sa mga tao diyan sa bahay... sa aso kung si globie... hahahahaha" tumawa ang lahat sa biro ni Alden. "At sa ano... uhm. Hi Me. Nag enjoy ako sa backstage sa kaka ano sayo..."

"Hala! Anong anohan yan? Sino si Me?" Tanong ni Mr. Joey.

"Sarili niya. Me. Ganun." Sagot naman ni Miss AK.

"Inaano mo sarili mo Alden?!" Nanlaki ang mata ni bossing.

Tumawa naman ng husto si Alden at pati na din ang mga tao sa studio. Pero hindi nakagalaw si Maine habang nakatingin sa tv. Lokong taong to!! Binati ba naman ako sa national tv! Mamaya ka sakin.

Maine: anong kahayopan yun Alden Richaaaards!!!!!?????

Mi.nessage niya ito agad pagkatapos ng JFA segment.

Alden: hahahaha i greeted you on tv anong masama dun? Hindi naman nila alam na ikaw yun kaya okay lang.

Maine: tanginaaaa mo Alden! Tignan mo yung Trending list! Na trend yung 'Me' moo!!! Papatayin talaga kita.

Alden: Uy, top spot na. Hahahaha sikat kana Me! 👏🏻

Maine: kukulamin talaga kita!

Alden: wag ka ng magalit Me. ✌️

Maine: stop calling me that!

Alden: tawag lang, e. Cute kaya!

Maine: isa ka nalang. 😡😡😡

Alden: fine. 😔

Maine: wag kang mag inarte.

Alden: k.

Maine: wag kang snob.

Alden: fine.

Maine: OA ha! Tampo kana niyan.

Alden: ikaw naman kasi. Yun na nga lang yung tawag ko sayo kasi di kita kilala. 😔

Maine: nakakahiya kasi. Parang ano... endearment ng mag jowa.

Alden: cute kaya... malay mo ano... hahaha joke!

Maine: ewan ko sayo Alden Richards.

Alden: please?

Maine: fine. bahala ka.

Alden: yeees! Mag promise ka muna na di kana aangal...

Maine: fine.

Alden: promise?

Maine: promise.

Alden: yan. Okay na tayo Me. 💜💜

Maine: ⚰️

Alden: haaay, ang saya! Friends na tayo.

Maine: may choice pa ba ako?

Alden: yun lang. wala na. Wala ng bawi.an. Me na kita. De mo din ako. 🤗

•••
Happy Weeksary everyone 😻 Aldub you all!
May pa ranking na pala ito? Hahaha nakakatuwa naman. Salamat po sa lahat! 🤗

Ps. Di ko po to na proof read.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro