Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PG • 19

Hinihilot ni Maine ang sintido niya. Kakatapos lang kasi ng seminar na hinandle niya. Kakapagod! Sarap na tuloy umuwi at matulog.

Biglang umunog phone niya. Si ate Leen? Ano na naman ba kailangan nito? Malamang makiki chika na naman to. Haaay tong mga kapatid ko talaga uh-oh.

"Te, o? Napatawag ka?"

"Girl, samahan mo naman ako please..."

"Samahan saan? Kakatapos lang ng seminar namin at paguda ang feslak ko."

"Be alive, be alert, be enthusiastic! Charot! Di, mall lang tayo. Bibili ako ng new magazine ni Alden tapos ipapa perma ko sa kanya soon pagmagkita kami ulit." Napairap naman si Maine sa kabilang linya nang marinig niya ang sinabi ng kapatid. Tong to, wala ng inisip kundi mag fangirling.

"Huy, andiyan ka pa ba?!" Sigaw ni Leen sa kabilang linya.

"Te pass muna ako. Si ate Nikki nalang muna isama mo. Sobrang drain ko talaga today. Gusto ko nang umuwi para makapagpahinga."

"Ganon? Hmm? Sige ganito. Ililibre kita. Magpapa massage tayo. Samahan mo lang ako. Please? Pretty please? Busy na kasi si ate Nikki ngayon, e. Alam mo na, malapit na kasal." Oo nga pala...

Humugot ng hininga si Maine. "Fine. Sige na. BGC nalang tayo magkita. Text mo ako kung malapit kana."

"Yeeees!!! Thank you sis! Thank you talaga. Ganda mo! Bye."

Nag ayos na si Maine at nagpaalam na kay Joan. Nang makarating na siya sa BGC nag text siya sa ate niya na nasa isang coffee shop lang siya.

Busy siya sa kaka scan ng phone niya nang may narinig siyang mga maiingay na babae na papasok sa coffee shop.

"Beeesh, sige na. Ibakante mo na yang duty mo sa sunday. Manuod na tayo." Sabi nung isang babae. Hindi lumingon si Maine pero alam niyang umupo ang mga ito sa bandang likuran niya.

"Besh naman... pero sige, try ko magpa swap ha? Baka makalusot. Hehehe excited na din ako." Isang pamilyar na boses ang narinig ni Maine. Kinikilig at tumawa pa. Si Shella to.

"Yes! Sabi mo yan ha? Aasahan ka namin sa sunday. Dapat full force tayo sa SPS. Sana magka chance tayo na makalapit kay Alden ano?" Sabi pa nung isa.

"Haaay, oo nga. Buti pa ang ibang tao diyan. Bash lang ng bash napansin na. Tayo na matagal ng sumusupporta... nganey!" Teka? Alam ba nila na andito ako? Ako ba pinariringgan ng mga to.

"Ay, sinabi mo pa besh. Baka nilandi ng husto kaya napansin. Hahahaha" Kumalma ka Maine! Hindi mo sila dapat patulan. Inggit lang ang mga yan...

Hindi niya nalang ito pinansin. She plugged her earphone at nilakasan ang volume ng music niya. Ayaw na niyang makarinig ng masasakit na salita galing sa ibang tao lalo na kung galing ito sa taong itinuring na niyang kapatid noon pa man.

Hindi naglaon ay dumating na yung kapatid niya at agad na hinila ni Maine si Leen para umalis na sila sa lugar na yun. Napansin naman niyang umismid si Shella sa kanya.

"What the hell! Is that Shella?" Paabulong na sabi ni Leen habang naglalakad sila palayo sa shop.

Tumango lang si Maine na para bang wala sa sarili.

"So may new group of friends na pala siya..." Tumango ulit si Maine. Ayaw na niyang mag kumento tungkol doon.

"Huy, cheer up! Wag mong dibdibin ang mga yun. Marami ka pang makakaibigang iba... ang totoong kaibigang kasi Maine di nang iiwan kahit gaano pa ka sama ang nagawa mo." Tinapik niya ito sa balikat. "Kaya let's go. Kailangan maka una na ako doon sa new magazine ni Alden para mapa permahan ko na yun."

Nagpahila lang si Maine sa kapatid. Naging tahimik ito hanggang sa pagpapa massage nila at kahit sa paghatid ni Leen sa kanya sa condo. Nagpaalam siya nang maayos kay Leen at umakyat na sa condo niya.

Wala na siyang planong kumain. Gusto nalang niyang matulog at kalimutan ang nakakapagod a nangyari sa buong araw pero tumunog ulit ang phone niya.

"Hello?" Sinagot niya ito na hindi man lang tinignan ang tumawag sa kanya.

"Hi Ne!" Ne? Sinong Ne?! Agad na tinignan niya ang pangalan sa phone. Napatayo siya nang makita ang pangalan na tumawag sa kanya. Si Jerald.

"Je?! Bakit napatawag ka?" Ang ingay naman ng paligid. Asan ba tong taong to?

"Ne, hahahah ang cute ng pangalan mo. Di naman talaga Nene ang pangalan mo diba? Hahaha Maine diba? Maine. Nicomaine." Ha???! Ghad! Lasing ba to?

"Je? Asan ka? Hello? Lasing ka ba? Huy! Umuwi kana oi."

"Hindi ako lashing. Nagkakashiyahan lang kami dito. Nag truth or der kashi kami dito sha ano... saan nga ulit tayo paps? Hahahaha tapos ang dare tumawag daw ng magandang babae. Hahaha e, ikaw ang nasa contacts ko na maganda kaya ikaw na tinawagan ko. Hahahaha"

"H-ha? S-sino kasama mo?"

"Shi Alden, shi kristoffer... ang mga gwapo kong kaibigan! Hahaha pero syempre pangalawa lang shila sa akin tapos ano mga chicks! Maraming chicks." At naputol na ang linya.

What the hell! Bakit pati ako na tripan? Nakakainis naman! Sirang sira na nga ang araw ko... dumagdag pa ang mga to. Bahala sila!

Humiga siya ulit pero kahit anong pilit niyang matulog ay hindi siya dinadalaw ng tulog. Bakit ka ba nag aalala sa mga yun?! Malalaki na yun tsaka ano naman ang matutulong mo pag ano... pag pupuntahan mo sila? Wala diba? Kaya matulog ka nalang...

Pero later that night... she found herself texting Alden.

From: Maine
Hi, Alden. Si Nene to. Kung naalala mo. Asan kayo? Napatawag sa akin si Jerald. Mukhang lasing.

From: Alden
Hi Ne, nagkayayaan lang.. Di naman ako masyadong uminom. Ako na bahala sa mga to. Pasensya na isturbo ka nila.

From: Maine
Okay. Sige. Nagulat lang talaga ako. No problem.

From: Alden
Pasensya talaga.

Hindi na din nag reply si Maine sa kanya pero di pa din siya makatulog. Kinuha niya ulit ang phone sa side table. Uy, nag message pala 3 hours ago ang mukong.

Alden: Me. 😉

Maine: tigilan mo nga ako!!!

Alden: gising ka pa pala...

Maine: oo, may nang isturbo, e.

Uuugh! Kung alam mo lang na kayo ang nang isturbo sakin.

Alden: nako! Sino naman ang nang isturbo sa kaibigan ko? Upakan natin. Hahaha joke

Maine: san ka ba?

Alden: pauwi na.

Maine: saan ka galing?

Alden: eeeyt. May pa tanong tanong kana ha!

Maine: tang... bahala ka nga.

Alden: hahaha joke, nagkatuwaan lang with friends. Haaay hirap tanggihan, e. Nananakot.

Nananakot? Hahaha sabagay, nakakatakot din minsan mukha ni Jerald. Hahaha joke lang po.

Maine: matatakutin ka pala. 😜

Alden: di naman. May nabasa kasi sila na message ko kanina tapos ayun... tinakot ako na sila daw ang magsasabi sa i.memessage ko sana. Syempre nakakahiya naman kaya ayun sinunod ko kondisyon nila.

Maine: message na?

Alden: sa message ka talaga na curious? Hindi sa kondisyon?

Maine: pake mo? E, sa yun ang gusto kong itanong.

Alden: fine. May kaibigan kasi si Je... nasabihan ko kasi na babawi ako sa kanya. May ginagawa kasing kalokohan tong mga kasamahan ko sa trabaho kaya ayun... nahiya yung kaibigan ni Je. Kasalanan ko kaya siya nagka uncomfortable kaya i.tretreat ko lang sana siya. Pambawi. Dinner. Ganun.

Maine: anong name ni girl?

Alden: bakit mo nasabi na girl? Wala kaya akong binanggit na babae siya.

Maine: alangan namang lalaki ang yayayain mo ng ganyan? Hmmm unless... hahaha 😉

Alden: wag ka nga! Di ako ano... hahaha Pero atin atin lang ha? Nene yung name ng girl.

Maine: baduy naman ng pangalan! Hahahaha

Alden: huy! Grabi ka. Di rin. Maganda kaya siya.

Maine: aaah? So crush mo?

Alden: pag nagagandahan crush agad?!

Maine: oo, attracted ka, e.

Alden: ganun ba yun?

Maine: eeyt. So crush mo nga?

Alden: siguro. Ewan. Maganda, e.

Maine: hahahaha haaay mga lalaki talaga.

Alden: nakauwi na ako Me.

Maine: tigil tigilan mo nga ako Rj!!! 😤

Alden: ay umuusok na! Hahahaha cute kaya kasi. Hayaan mo na lang ako na tawagin kang Me.

Maine: bahala ka sa buhay mo.

Alden: you're free to call me De din naman. Short for Alden.

Maine: ay talaga ha? Nailusot mo talaga ano?

Alden: naman! Hahaha please? Cute kaya.

Maine: kulit mo no?

Alden: yes. Kung alam mo lang.

Maine: sakit ka sa ulo.

Alden: eeeyt. Iniisip ako.

Maine: matulog na nga tayo.

Alden: magkatabi?

Maine: wag ka nga!!

Alden: bahay bahayan tayo. Ako daddy, ikaw naman si mommy. Kaya De at Me.

Maine: last kana lang. kulit mo.

Alden: sige na nga. Matutulog na ako. Goodnight Me.

Maine: goodnight din sayo Rj.

Alden: dapat De.

Maine: Rj.

Alden: De nga sabi, e.

Maine: Rj nga.

Alden: De. Kukulitin talaga kita.

Maine: fine. Nangmatahimik na yang kaluluwa mo. Goodnight De.

Alden: yan! Pambaong kilig bago matulog.

Maine: ewan ko sayo. Hang landi mo.

Alden: sayo lang. sige na. Bye na Me. 😚

Leche! Bakit ang landi landi??!! Maypanguso!!

•••
COMMENT & TWEET 🤗
Nakaka GV kayo, e.
Twitter: @sheeshaii021

Trip ng dalawang to... ug-oh. Hahaha
Happy Wednesday everyone. Sana makapasok na ako ngayon. Dami ko ng absent. Haaay, hirap din naman kasing pumasok tapos para kang kalabaw na hinahangos. Saklap!

Ingat tayong lahat! Godbless.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro