PG • 18
"Je..." tinawag ni Alden si Jerald matapos ang rehearsal nila sa SPS.
"Hmm?"
"Close ba talaga kayo nung ano... sino ba yun? Sina Nikki?"
"Hmm? Sina Nikki ba talaga o yung bunso nila?"
"Sira! Malamang silang tatlo."
"Aw, sabi ko nga... hmmm? Actually, Barkada ng mom ko ang mom nila kaya kami nagkakilala kami. Bakit mo natanong?" Tanong naman ni Jerald habang pinupunasan niya ang sarili niya ng tuwalya.
"Wala lang..."
"Eseee, wala lang? Talaga ba?"
"Oo." Pa inosente niyang sagot.
"Tunay?"
"Oo nga sabi, e. Palalamon ko kaya yang ginamit mong boxers sayo?! Kulit nito."
"Wow? Hahaha naninibago lang kasi ako. Hindi ka naman nagtatanong tungkol sa mga fans mo sakin. Ako pa nga yung nag shi.share sayo tapos ngayon... ganyan..."
"Ngayon ka lang din naman kasi nagdala ng mga tao na humahanga kuno sakin kaya ngayon lang ako nagtanong. Tong to! Napaka malisyoso mo."
Napatawa naman si Jerald sa kanya. "Aheem! Defensive!"
"Anong defensive?! Nag iexplain lang uy! Ang weird lang kasi... nung ano. Sino nga yung...-"
"Si Nene?"
"Oo siya. Medyo tahimik lang kasi siya tsaka siya yung madistansya sa tatlo."
"Kasi nga di mo siya fan. Hahahaha sinamahan lang niya yung mga kapatid niya nun at siya din yung contact ko kaya wala talaga siyang choice."
Aaaaah? Kaya pala. "Ah? Okay."
"May itatanong ka pa ba ginoong Alden Richards?"
"Wala na. Uwi na ako brod. Salamat sayo."
Hindi naman gumugulo pero nagpapapansin kasi minsan ang larawang hindi masyadong kakupas kupas sa isipan ni Alden... ang mukha ng isang babae na itago natin sa pangalang 'Nene'. Hindi niya alam pero parang gusto niya itong kilalanin ngunit sa kasamaang palad... hindi siya nireplayan ng babae. Aaah? Ayaw niya pala sakin... kaya pala di nagreply.
"O? Bakit ang tahimik mo yata?" Bulalas ni Mams T sa kanya. Nasa sasakyan na sila ngayon pauwi sa kanila.
"P-po? Wala lang. May iniisip lang."
"Alam mo nakakakaba ka ha? Ang weird ng mga kilos mo lately. Nag da drugs ka ba anak na di ko alam?"
Napatingin naman si Alden sa kanya. "Huy! Mamsy! Maghunos dili ka nga. Sa tingin mo ba sa mukhang to makakapag drugs pa ako? E, ang gwapo gwapo ko nga ngay...-"
"Oo na, oo na. Di ka nag da.drugs! May hangin lang talaga yang utak." Inirapan siya nito bago ito pumikit para umidlip.
Pangiti ngiting umupo ng maayos si Alden sa kinauupo.an niya at ibinaling ang atensyon sa phone. Gising pa kaya siya?
Alden: hi?
Maine: hello.
Gising pa nga.
Alden: kamusta?
Maine: wow? May pa ganito na? Hahaha
Alden: oo, friends na tayo diba?
Maine: hmmm? Yup!
Alden: so ganun naman talaga ang mag friends diba? Nagkakamustahan?
Maine: siguro? Hahaha
Alden: so kamusta?
Maine: okay lang naman. Ikaw?
Alden: yay! Friends na nga tayo kasi nangangamusta ka na din. 😊
Maine: OA naman hahaha so kamusta nga?
Alden: ito, pagod. Haha pero pauwi na.
Maine: di uso pahinga sayo ano? Pansin ko lang.
Alden: oo, e.
Maine: pero ang yaman yaman mo na.
Alden: grabi siya! Di naman. May pinag lalaanan tong lahat ng ipon nato.
Maine: talaga ba? Bakit naka buntis ka? Hahaha
Alden: hahaha napangiti ako doon, a. Basta ba may pinaglalaanan nakabuntis agad? Haha di ba pwedeng sa pamilya muna?
Maine: wow! Mabait na anak.
Alden: di naman. Tumatanaw lang sa kahirapan. 😊
Maine: hahaha pa humble!
Alden: tignan mo to. Pagsasabihan na 'maliit na bagay' sasagutin akong 'mahangin' pag 'tumatanaw sa kahirapan' sasabihan ka namang 'pa humble' hahaha ano ba talaga ang dapat kong isagot? Naleyleytow ako.
Maine: hahahahaha ito naman parang di na nasasanay na pinilosopo ko.
Alden: i'm expecting something better kasi.
Maine: ha? Anong something better?
Alden: kasi nga diba friends na tayo? So malamang wala na yang pagsagot sagot mo na parang ayaw mo pa din sa akin. Kaya something better. Ganun.
Maine: at umasa ka talaga ano? Hahaha wag kang mag expect ng something better walang ganun.
Alden: something best kaya? Hahaha
Maine: ewan ko sayo Alden Richaaaaards!
Alden: hahahaha Rj nalang.
Maine: ha?
Alden: call me Rj. That is my real nickname.
Maine: talaga? Bakit Rj?
Alden: Rj kasi Junior ako.
Maine: ganun ba yun? Diba dapat JayR?
Alden: ay? Hahaha tanong mo yan sa tatay ko.
Maine: hala! Hahahaha yoko. Anyway, ano nga yung real name mo?
Alden: ako ano... Richard. Richard Faulkerson Jr.
Maine: ang layo naman sa screen name mo. Hahaha pero infairness ang totyal ng apelyido. Amoy dollar hahaha
Alden: hahaha grabi ka sakin.
Maine: totoo naman. May lahi ba kayong americano?
Alden: lolo ko. Hahaha ikaw ba? Ano pangalan mo?
Maine: Julie Ann San Jose. 😆
Alden: hahahahaha yoko na. Tawang tawa na ako dito.
Maine: eeyt! Kinilig.
Alden: di rin. Hahaha may boyprend na yun oi. Ikaw talaga.
Maine: ay? Totoo pala talaga yun? Akala ko publicity stunt lang.
Alden: hahaha yup. Totoo.
Maine: yay! May insider na ako. Salamat sayo.
Alden: iniiba mo usapan. Ano nga pangalan mo?
Maine: Kang Soo Yot
Alden: grabi ka! Sakit na ng tiyan ko sa kakatawa.
Maine: bakit? Malay mo korean ako na tumira dito sa Pilipinas. Masama ba yun?
Alden: di naman. Hahaha pero alam ko binibiro mo lang ako.
Maine: di nga. Paano kung totoo?
Alden: sige pag di mo ako sasagutin ng maayos ako gagawa ng pangalan mo.
Maine: sige nga! Gawan mo nga ako. 😝
Alden: Maine.
Maine: HAAAAA????!!!!
Alden: Maine ipapangalan ko sayo. Bakit nahulaan ko ba? 😉
Maine: di, a.
Alden: aaaw. Alangan namang 'Me' itatawag ko sayo...
Maine: saan mo ba nahahanap yang pangalan ko oi.
Alden: MaineyMe nga kasi username mo dito diba? So malamang 'Maine' or 'Me' ang pangalan mo. Hahaha
Maine: alam mo? Imbento ka! Hahahaha
Alden: sige, 'Mainey' nalang 🐭
Maine: di ako daga!!
Alden: so Maine na nga lang kasi!! Alangan namang 'Me' itawag ko sayo? Aw. Pwede din naman... tapos 'De' itawag mo sakin. Hahaha o diba ang iksi?
Maine: di rin. Mag mukha tayong mag jowa niyan. 'Me' at 'De'. Ang sagwa!
Alden: hahahaha hala siya! Parang ayaw mo kasi yung Rj na pangalan ko kaya ayan nalang.
Maine: cute kaya yun.
Alden: talaga ba?
Maine: ewan ko sayo...
Alden: so ano na? Hahaha Me?
Maine: shut up! 🙉
Alden: hahahaha yan nalang kasi. Maikli na... unique pa! 😆😂
Maine: dami mong sinasabi!
Alden: hahahaha ganun talaga. 😉
Maine: ewan ko sayo! Makatulog na nga.
Alden: hahahaha okay, good night Me. Sleep well.
Maine: goodnight too. Ingat, De. 😜😝😛
"Tangina! Rj! Bakit ka naninipa?! Kitang natutulog yung tao, e." Reklamo ni Mams T nang aksidenteng natamaan ni Rj ang paa niya nang mabasa nito ang reply ni 'Me'.
•••
❤️❤️❤️
Once a day po ang update natin dito mga palangga pag di ako busy. Nagpapa galing pa kasi ako ngayon kaya may oras akong magsulat. Absent sa klase, e. Hehehe Ingat everyone. God bless.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro