PG • 11
Late si Maine nakauwi sa condo niya. Exhausted from back to back seminars and tired from the heavy traffic. Inilapag niya ang laptop at bag niya sa mesa at binagsak niya ang sarili sa couch.
"Haaaay, minsan din pala maiisip mong kailangan mo ng kasama sa buhay." Bulong niya sa sarili. "Tignan mo ngayon Maine, late na pero kailangan mo pang magluto para mapakain mo ang mga bulati mo sa tiyan." Tumayo siya sa kina uupo.an. "Naaaay, sa mga panahong ganito. Ikaw ang kailangan ko." Sigaw niya. Mula nung umasenso siya sa pagiging networker niya naisip niyang bumili ng condo at manirahan na malayo sa pamilya niya. Malayo sa magugulong kapatid.
She opened her ref. Hmmm? Sana naman may natira pang pagkain dito.
Whenever her family visits her may dala kasi silang grocery at minsan... ay mali! Madalas, di din siya kumakain sa bahay niya kasi iniinvite siya ng mga kasama sa seminar pero malas lang niya sa gabing ito dahil maraming seminars pero wala ni isa ang nag aya sa kanyang kumain.
Uy! Hotdo...- Tender juicy. Okay! Alden Richards na naman. Kinuha niya ang kutsilyo. "Hihiwain ko ang tender juicy mo Alden Richards!!!! Wahahahahahaha" Sigaw niya. Haaay, epekto sa walang kain. Napatigil siya nang tumunog ang phone niya. Dagli niyang kinuha ito.
Si nanay...
"Nay!"
"Anak! Kamusta? Nakakatampo kana di ka tumatawag samin ng tatay mo."
"So...-"
"Ngayong sunday ha? Wag mong kalimutang umuwi. Magtatampo na talaga kami ng pamilya mo sayo. Itatakwil kana namin at di kana namin mamanahan ni isang kusi...-"
"Nay naman, bakit naman tayo umabot sa ganung usapan?! Opo, opo. Uuwi po ako." Takot ko lang matakwil at mawalan ng mana ano.
"Good! Excited na mga kapatid mo. May ininvite kasi kaming artista." Bigla tuloy kinabahan si Maine.
"Nay naman... bakit maypa pakulo kayo ng ganyan?"
"Pakialam mo ba? E, plano namin to. We asked about your opinion nuon pero binawela mo kami tapos ngayon aangal aangal ka diyan! Umuwi ka nga dito nang makurot kita sa singit bata ka!"
Haaaay nako! Sino naman kaya ang kinuha nila? 10th anniversary kasi ng kauna unahan nilang frinanchise na gasoline station kaya medyo mas bongga ang celebration nila. Ang buong pamilya ay naging hands on sa pag oorganize sa malaking selebrasyon nato pwera lang ni Maine na busy sa networking at kaka bash kay Alden Richards.
Napabuntong hininga siya. May magagawa pa ba ako? Tsk! Pero sino ang artis... teka!!! Fan na fan pa naman ni Alden Richards yung dalawa kong ate. Woooah! Don't tell me...
"Nay? Sino po ang artista na gue...-"
"Dami mong tanong! Makikita mo na siya sa Saturday night. As if naman you care. Wala ka namang pake sa mga ganitong usapan. Sige na bye bye anak. Mahal kita. Miss you! Labhan mo palagi yang panty mo ha? Wag itambak sa laundry basket pagkatapos mong gamitin. Hahahahaha"
"Nay naman!!" At pinutol na ng ina ang linya.
Nawalan siya ng ganang kumain niyang makausap ang nanay niya. Paano kung siya nga? Shocks! Magkikita kami. Ayoko! Di pa ako ready. Dios ko! Mababalatan ako ng buhay nito.
Maine: huy!!
Alden: what?
Maine: may schedule ka saturday night?
Alden: IDK.
Maine: ha?
Alden: i don't know.
May problema ba tong taong to? Bakit parang ang tamplay niyang mag reply. Di naman siya ganito nung mga previo...- Ah talaga ba Maine? Concern? Bakit?
Maine: ah, sabihan mo ako kung may appointment ka sa isang Party ha?
Alden: why should I? Tatay ba kita para i.update ko sa mga lakad ko?
Aba!! Ang lakas ng loob mong paandaran ako ng kaartehan ha!
Maine: kapal mo! Huy gago, wag kang ano diyan. Nagsasabi lang ako.
Alden: ah, okay.
Maine: ewan ko sayo.
Hindi na siya nagreply. Nagtaka naman si Maine kung bakit ganun ang reaction niya. She scrolled her timeline...
-Alden Richards, hindi kampante na magka LOVETEAM sa industriya.-
Baka bakla nga...
Yohooo? Looking for @MDieDoza03? Where are you? Oras mo na to, o? Pwede mo ng ibash. Akala naman kung sino. Lumalaki na ata ang ulo.
@MDieDoza03 gurl? Hinihintay namin ang kumento mo dito.
Ay? Gusto niya ata all by myself. Selfish.
Mas gusto niyang sumikat na siya lang. ano ba kayo? Yohooo @MDieDoza03 gatungan mo na bes! Oras mo na.
Napa awhang ang baba ni Maine nang mabasa niya ang mga negatibong mensahe mula sa timeline niya. Ying iba naka tag pa siya. First time magkaroon ng ganito ka raming bash si Alden, a. Why? Ngano? Baki...- at bakit naman ako nag aalala aber? Dapat lang sa kanya to. Hahahaha kaya pala bad mood.
Magpopost na sana siya para pagbigyan ang mga nag tag sa kanya pero bakit parang wala siya sa mood na mang bash? Wag ka ngang OA Maine! Gatungan mo na. Diba ito na yung gusto mo? Hahahah dahan dahan na siyang malalaos. Bwahahaha ito na, ito na yun!
Pero nadatnan niya ang sarili na nakatutok sa message icon. Wag mong gawin yan Maine! Wag na wag mong ituloy. Pagsisisihan mo talaga ya...
Maine: Huy!
3mins. After.
Alden: what?
Maine: ako lang ang may karapatang magsungit sa ating dalawa kaya shut up!
Alden: yun lang ba pakay mo? Not in my mood right now. Nga pala, inaabangan ko yung gatong tweet mo sa issue. Salamat in advance.
Para namang kumirot ang puso ni Maine. Kilala niya talaga ako na basher niya ano?
Maine: hintayin mo!! Hahaha 👹
Alden: yung tweet mo nga hinihintay ko, e. Ano na naman kaya sasabihin mo? Na selfish ako? Lumalaki na ulo kasi ayaw kong may ka loveteam? Hmmm ano pa? Dagdagan mo yung mga sinasabi nila.
Maine: tanga ka pala, e. Bakit ayaw mo namang magka loveteam? Ulol! Ayaw mo nun? Magkaka kissing at bed scene kana? Hahahaha
Alden: isali mo na din yan. Manyak ako. O, I'm giving you idea na ha? Sana masaya kana. Unti unti nang natutupad ang hangarin mong masira ako.
Sana masaya kana. Unti unti nang natutupad ang hangarin mong masira ako.
Sana masaya kana. Unti unti nang natutupad ang hangarin mong masira ako.
Sana masaya kana. Unti unti nang natutupad ang hangarin mong masira ako.
Paulit ulit na sumasagi sa isipan ni Maine ang sinabi ni Alden sa gabing yun. Hanggang naramdaman nalang niyang may basa sa pisngi niya. Saan galing to? Then another one. Bakit ako napaiyak sa sinabi niya? Bakit naman ako masasaktan kong ganun ang reaksyon niya? Totoo naman, a! Basher naman talaga ako simula't sapol pa. Bakit ikakabigat ng pakiramdam ko ang pag acknowledge niya sakin na basher niya talaga ako?
Maine wag na wag mong sabihin na lumalambot na niyang puso mo sa taong yun!!!
•••
O my!! Lalambot na ba!?? Lalambot naba ang matigas?? Na puso? Ano ba!! HAHAHA
Salamat sa lahat na sumusubaybay dito. Godbless po.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro