Kabanata 28
Kabanata 28
Maybe it took a while for me to realize what I feel for him isn't just for friendship anymore. Pero ngayon na nakikita ko siyang tumatawa na para bang kahit kailan ay hindi siya dinatnan ng problema — I feel like he's a precious treasure that this world bestowed to me; for all the hardships I had to encounter myself, he was the result of my perseverance.
Ang ganda naman ng regalo ng langit sa akin. Iscalade Jance Altreano, a gift that I will forever cherished.
And I don't want to lose him. Ever. Kahit pa ibig sabihin no'n ay makuntento na ako sa kung anong meron sa amin. This friendship that I'm holding into that hopefully lasts for a lifetime.
Dumaan lang si Iscalade sa classroom namin dahil pareho kami ng subject teacher sa susunod na klase. Ang ilan sa mga kaklase ko ay kinilig dahil si Sarathiel at Iscalade ang nautusan ni Ma'am Cher na samahan siya.
When Iscalade saw me, he gave a small smile and waved his hand a little. I did the same, agad na napukaw ito ng mga kaklase ko.
May mga umismid at nairita dahil alam din nila ang tungkol sa pag-follow sa akin ni Kile. I don't mind though, wala naman akong masamang ginawa sa kanila kaya hindi ko alam kung dapat ba akong mag-sorry. I hope they could just tell me if I did something, para naman makapag-sorry na lang ako kung sakali man.
"Philomena? Tapos ka na ba?" tanong ni Jeremy dahil siya ang nangongolekta ng mga papel para sa isang activity namin kung saan gagawa kaming resume.
Nalulungkot ako habang binabasa ang gawa ko. I can't decide what profession I should write. Hindi ko maiwasan na isipin kung 'yon ba talaga ang magiging trabaho ko sa hinaharap.
Do I really want to be a lawyer? Am I really fit to be one? Paano kapag nautal ako habang may pinagtatanggol? The constant questioning in my mind made my heart colored in blue.
"Ma'am Cher," tawag ko sa aking guro. She immediately turned her attention to me.
"Yes, Philo?"
"Pwede po bang leave it blank na lang po sa college course..."
"Hm, resume ang ginagawa mo anak e. Kailangan sa resume kung ano ang natapos mo..." she sighed and gave a small smile.
"Nahihirapan po kasi ako..." I admit, slowly losing my confidence — kung meron man ako no'n.
"Write something that you can see yourself doing in the future, Philo..." Ma'am Cher suggested.
But what if I write something that might disappoint my parents?
"Hindi ko po kasi..." I also sighed and decided to go back to my seat. Hindi pa naman ito totoo, I'll just write education. Si Ma'am Cher lang naman ang makababasa nito.
Sa tuwing magkasama kami ni Iscalade, nagtatahip-tahip ang aking puso. Pero paano ko ba ito hindi na papansinin? His perfume never leaves my nostrils. Hindi masakit sa ilong. Ang kan'yang ngiti na kusa kang bibigyan ng rason upang ngumiti rin. The way he would leave the door ajar when someone's going inside next. Simple gestures. Small details. Pero nasa kan'ya lahat ng atensyon ko.
But he's my bestfriend...
And friends don't like each other this way. Feelings are confusing. Paano kung ako lang pala ang may gusto sa kan'ya? He'll probably feel awkward. Baka iwasan niya pa ako. That's how some friendship drifted apart.
And what if both of us feels the same way? Saan kami dadalhin ng damdamin namin? I don't have the courage to have a boyfriend yet. Kahit si Iscalade pa, I feel like I need my parent's permission first.
Kile invited me to one of their gigs, pero hindi ako nakapunta dahil gabi na ito. I suggested that I'll just treat him to the cafe that we went to. Pumayag naman siya sa alok ko.
"Kile..." my gaze went down as I started playing with my braids. "Sorry, may mga assignment po kasi ako..."
I'm not the type to strike a conversation. Si Iscalade palagi ang unang gumagawa ng paguusapan namin. Kile doesn't even move his lips, panay lang ang titig niya sa akin. He shrugged upon realizing that I meant he have to create a topic for the both of us.
"What's the last book you've read?" he asked, para lang siguro may mapagusapan kami.
"Para Kay B po...." sagot ko sabay tumigil sa pagsusulat sa aking kwaderno. "ni Ricky Lee."
"Nabasa ko 'yan no'ng nasa senior highschool pa ako. Ginamit namin para sa isang book review..."
"May quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig ay isa lang ang magiging maligaya," I qouted from the book. Ito ang linya na pinakatumatak sa akin.
"Nagustuhan mo ba 'yung libro?"
"Hindi ako fan ng hindi happy endings..." umamin ako, maganda at simple ang paglahad ng librong 'yon pero may iniiwan na sakit sa bawat pahinang nililipat ko.
"Happy ending naman 'yon, ah?"
"Hindi po lahat sila ay nakatuluyan 'yung mga mahal nila..." I puffed my cheeks.
Muntik na akong umiyak dahil sa librong 'yon kaso kasama ko sina Mommy no'ng binabasa ko 'yung Para Kay B kaya naman pigil ang bawat hikbi ko noon.
"Hindi naman lahat ng happy ending dapat magkatuluyan 'yung mga bida..." he retorts, nonchalantly.
"I have my own version of the qouta," pagi-iba niya ng topic. He pinched the bridge of his nose before smirking.
"The qouta? Ano naman po 'yon?"
"Sa bawat dalawang taong nagmamahalan, may isang taong nasasaktan."
"That's..." I couldn't find the right words to say — because most of the time, that's true.
"Often, they are seen as the antagonist. Pero madalas, sila lang naman ang nagmamahal nang hindi kayang suklian, sila ang naiiwan at sila ang masasaktan dahil sa pagmamahalan ng dalawang bida..." aniya habang pinaglalaruan ang tasa ng kape sa kanyang harapan.
"That's inevitable; to hurt someone because you love someone else..." Kile's deep voice falters. "Kapag nagmahal ka, piliin mo 'yung hindi mo kayang makitang masaktan. Dahil sa huli, may masasaktan naman talaga. You just have to choose someone you don't want to see getting hurt."
Tahimik ang paligid, the sound of the coffee machine and even the smell of the brewed coffee cannot wake the atmosphere. Agad akong tumikhim.
"What makes words powerful?" I asked Kile to divert the topic.
May tanong sa amin sa Creative Writing; if words are so powerful — what makes them omnipotent? Bakit lubusan na lamang ang pagiingat ng tao sa mga ginagamit nilang salita?
Kile shrugged off. Kumuha siya ng tissue at hiniram ang ballpen sa kamay ko. Agad na kumunot ang noo niya nang makita ang design nito.
"B-bigay po 'yan ni Paulene..." I blushed because the pen's design has a cute duck on the top of it.
May sinulat siya sa tissue. At agad niya itong pinabasa sa akin.
I love you.
Tinatangi kita.
"Imagine these words being said to you by someone you love..." malumanay niyang sabi. At agad na bumilis ang bawat pintig ng aking puso dahil si Iscalade agad ang pumasok sa isip ko.
If Iscalade said those words to me...
Anong sasabihin ko?
What will make him stay? If I cannot say it back in an instance?
I love him, maybe even more as a friend. But I cannot guarantee that we're worth the risk of hurting because of love. Masaya na ako sa kung anong meron sa amin. I'm already contented with this friendship.
"Parang binuo ang mundo mo, hindi ba? Mga salita lang sila, pero parang ginawan ka ng sariling mundo kung saan palagi kang masaya..." Ngumisi siya sa akin bago kinuha muli ang tissue at may dinagdag.
It is true, para akong ginawan ng sariling mundo kung saan hindi ako kailanman masasaktan. A world where love only exists and pain isn't part of it. No cruelty, only kindness. No storms, only fields of flowers. A world where I can freely say I love Iscalade —
He pushed the tissue to my direction. Binasa ko muli ang kanyang sinulat. My heart shattered. The world he built for me by saying those words crumbled. Unti-unting nawala ang iniisip kong mundo para sa amin.
I loved you.
Tinatanggi kita.
Isang letra lang naman ang dinagdag ni Kile, pero bakit ang sakit? Bakit parang tinusok-tusok ng karayom ang aking puso? I felt an excruciating pain on my chest.
"Imagine those words being said again by the person you love," his eyes met mine, a piercing look made me look down at the hem of my cardigan.
I cannot imagine Iscalade saying that to me. My heart can't take it. Pinigilan kong mamuo ang mga luha sa aking mga mata. No, Iscalade will never say that. Friends are forever. I will never risk our friendship for a love that isn't sure.
Hindi siya magsasawa sa akin kapag mag-kaibigan lang kami. Hindi ako masasaktan nang sobra kapag mag-kaibigan lang kami. We won't experience complicated situations if we're only friends...
"Words are powerful, Philo. Dahil kada isang letra ay nagbibigay ng kahulugan. All it takes is one letter for those beautiful words to get ugly," he sighed. "At agad na nawarak ang mundo'ng binubuo mo."
✿✿✿
I attended a party with Iscalade. Umaga naman ito at halos tapos na rin ako sa mga gawain para sa school. I was holding a soda on my hand, nalulunod na si Iscalade sa dami ng kumakausap sa kanya. He's being bombarded by his friends.
"Philo," malambing niyang tawag. "Okay ka lang ba? Gusto mo na ba umuwi?"
"I'm okay..." I smiled at him, memorizing his face because I know that I have to love him secretly from now on. "Ikaw po ba?"
"I'm okay!" he laughed. "Naguusapan lang kami dahil palapit na nang palapit ang sembreak..."
"Oo nga po..."
"Hindi ka naman na lilipat ng school 'di ba?" he asked, mas naging kalmante ang boses.
"Hindi na po 'yata..."
"Pre-law pa rin ba ang kukunin mo? PolSci ba?" tanong niya. I nodded.
"Maybe?" I sipped on my soda. I'm also not sure about it. Depende talaga kay Mommy o Daddy.
"Ayaw mo talaga ng education? Mas bagay ka roon," he smiled.
"Bagay ka maging teacher kasi tinuruan mo akong magmahal."
My heart skipped a beat, seryoso ang tingin sa akin ni Iscalade. Although he had a smile on his face. Napakagat ako sa straw ng soda na iniinom ko. I was about to respond back despite my cheeks being flushed in red when —
"Ulol!" isang malakas na halakhak sabay hampas ang natamo ni Iscalade galing kay Gio.
"Tangina mo ka, kaya ka ginagawang bestfriend lang kasi 'yung mga banat mo! Tinuruan mo ako magmahal? Ano 'yon?! Di ka ba naturuan magmahal sa bahay niyo?" panga-alaska ni Gio kay Iscalade.
The two of them bickered with each other and I laughed. That's right. Kuntento na ako rito. Bilang kaibigan lang.
❛ ━━━━━━・❪ ❁ ❫ ・━━━━━━ ❜
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro