Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 27

Kabanata 27

"Congrats po," bati ko kay Iscalade. He just got his car. He's driving a Hilux, hindi ko alam bakit ganitong klaseng kotse agad ang pinili niya.

I went inside the car and sat on the shotgun seat. Magmula nang magkaroon siya ng kotse, kinausap niya si Mommy kung pwede bang siya na lang ang mag-hatid sundo sa akin at pinapaalam niya rin ako tuwing yayayain niya akong umalis. Mommy agreed without even thinking twice. Parang nakuha na nga ni Iscalade ang loob ni Mommy.

"Close na po kayo ni Mommy?" I asked Iscalade while he was driving. He grinned widely.

"Yeah, kausap ko siya tungkol sa mga pageants niya noon," sagot niya.

"Mahilig ka po sa pageants?"

"Hindi naman, pero gusto ni mother-in-law e." He chuckled which made me squint my eyes.

"Alam mo po ba inaasar ako noon ni Paulene na dapat daw kapag nag-boyfriend ako ay meron siyang kotse para hinahatid-sundo po ako..." I muttered upon realizing that Iscalade is already doing that.

"Doon din naman tayo pupunta..." he mumbled, incoherently. Agad akong napalingon sa kanya.

"Po?"

"Ako na lang maghahatid sa'yo kasi sa school din naman tayo pupunta," he gave a lopsided smile.

Bumaba kami sa isang eco park, wala kaming pasok ngayon kaya inaya ako ni Iscalade na umalis. Madalas na akong nakalalabas dahil sa kanya, lalo na ngayon na may kotse siya. Balak niya 'yata libutin ang buong Pilipinas.

May kinuha siyang mga bikes sa likod ng kotse niya. My mouth gaped upon seeing what it was. Two bikes, ang isa ay kulay yellow at may basket sa harapan.

"Philo! I brought us bikes!"

Tuwang-tuwa si Iscalade habang pinapakita sa akin 'yung bike na para sa akin. I can't help but look at him with remorse.

"Iscalade..."

"Bakit? Ayaw mo ba mag-bike?" his smile vanished, agad itong napalitan ng malungkot na ekspresyon.

"Hindi po a-ako marunong..." I started fidgeting my fingers as I look at the bike he brought for me. Sobrang ganda pa naman nung bike, tinerno niya ito sa mga hilig ko. Daisies, yellow and the vintage design of it.

"Totoo?" his lips parted. I nodded.

"I wasn't allowed to go out when I was young..."

The only entertainment I had were books. Hindi ako hinayaan maglaro sa labas. I wasn't even allowed to talk to the neighbors' kids.

"Kahit sa school?"

"Home schooled po ako no'ng elementary..." I confessed, meekly. "No'ng junior highschool lang po ako nagkaroon ng school talaga."

Agad na tumango si Iscalade. He looked at the bike, I can't help but feel bad. He was excited for the both of us, pero hindi kasi ako marunong.

"Turuan kita? Gusto mo?"

"Okay l-lang po ba?" my lips quivered. Agad na umangat ang tingin sa kanya.

He nodded, offering a kind smile.

"Bili muna tayo ng training wheels para hindi ka mabigla..."

"Thank you, Iscalade." I beamed at him, I almost hugged him but he immediately turned around.

My heart felt warmth and my insides made me feel tingles of happiness. Sobrang inggit ako noon sa mga bata na nakakapaglaro sa labas. I always wanted to try how to ride a bike too. I can't believe that Iscalade is going to teach me how to bike.

It took us a few weeks before I finally grasp the idea of riding a bike. Ilang beses pa akong muntik na sumemplang pero palagi akong sinasalo ni Iscalade. As I step on the pedals of the bike, I savoured the feeling of the wind as I kept on pedalling the bike.

"Iscalade! Paunahan po tayo!" I excitedly challenged him upon reaching the end of the trail. Sinusundan lang ako ni Iscalade, halata naman na mabagal ang pagpapaandar niya sa kanyang bike.

"Natuto ka lang, nanghahamon ka na ah..." Iscalade teased me when he finally reached my direction.

"Please po?" I pouted, even copying his puppy eyes. Agad naman siyang natigilan, he chuckled and looked upwards. Tumingin muli siya sa akin.

"Anong punishment kapag nahuli?" tumaas ang isang kilay niya.

I tried to remember what the kids used to say whenever they rode their bikes. Agad akong nakapagisip at ngumiti nang malawak kay Iscalade.

"Ang mahuli po ay pangit!" I said, feeling giddy.

"Hm? Paano 'yon? Edi lagi kang mauuna?" he smiled at me, raising his eyebrows suggestively.

The two of us would always find time to travel using our bikes. Madalas sa eco park kami at minsan naman ay niyayaya ako ni Iscalade sa ibang lugar.

He really made my childhood dreams come true. Sa simpling pagturo sa akin paano mag-bike, napunan niya ang pangungulila ko noon sa mga bagay na hindi ko magawang gawin mag-isa.

✿✿✿

"Philomena Gracia?" a girl in her college uniform asked, halos nanginginig ang tuhod.

Nasa may pintuan kami ngayon ng classroom ng HUMSS 1. May nagpapatawag daw sa akin. Wala naman akong maalala na college student na nakausap ko.

"Yes po?" I adjusted my eyeglasses. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. She looked at her portfolio before gulping.

"Can I ask for a huge favor?"

I glanced at her, she looked like she was at the brick of death. Halos magmakaawa ang kanyang mga mata. I abruptly nodded because she looked like she badly need it.

Para sa kanilang project, they needed to make a look book. Pinili nila ang mga magaganda sa bawat department para rito. Pero kulang sila ng isa sa senior highschool.

"Si Arrisea 'yan?" tanong nung kasama ni Almira, 'yung nagpatulong sa akin nang makarating kami sa isang kwarto kung saan sila nags-set up para sa isang photoshoot.

"Si Philomena Gracia. Di ko mahanap 'yung Arrisea mo. Pero maganda rin naman 'to ah," Almira said.

Napasapo sa sintido 'yung kausap niya. "Ang hinhin niya tingnan! Ang last look natin ay medyo pang-party girl..."

Nanglaki ang mga mata ko. Agad naman na bumuntong hininga si Almira at tumingin sa akin, she looked contrite.

"Sorry, Philomena. Maghahanap na lang ako ng bago..." she sighed once again. Mukha na naman siyang problemado.

I looked around, lahat sila ay mga ginagawa at halos mga aligaga sa mga inaayusan nila para sa look book nila. Sobrang hassle kung maghahanap pa siya ng bago o kung hahagilapin niya pa si Arrisea.

I gulped and nervously tugged her shirt. Napalingon siya sa direksyon ko.

"O-okay lang po sa akin. Saglit lang naman po 'di ba?" I mumbled. And she looked so grateful, halos kuminang ang kanyang mga mata.

"Akala ko mukha ka lang anghel, anghel ka pala talaga!" she acted like she wanted to hug me. Agad niya akong hinila papunta sa make up station.

Mila is fitting when it comes to this. Pero isa siyang sikat na vlogger, she'll probably decline due to her schedule.

"Philo, tatanggalin namin 'yung salamin mo. At saka magpapalit ka ng damit, okay lang ba?"

I nodded. "Pwede po bang pabigay na lang po ng damit ko saka ng salamin kay Paulene Angeles ng ABM 1 o kay Iscalade Altreano ng STEM 1?"

They agreed. I removed my glasses and everything immediately became a blur. Madalas hinuhubad ko lang ito kapag sumasakit ang ulo ko pero inabisuhan ako na huwag ko raw tatanggalin kung pwede para hindi lalong lumabo ang aking mga mata.

It took a few minutes for them to finished my make up. Medyo nanibago ako dahil masyadong makapal ito. It looked quite fierce and made my features sharper.

"Foxy eye look?" tanong muli ng nag-aayos ng make up artist. "Gaga kayo, sobrang amo nito. Sure ba kayo?"

"Sige na! Kaya mo na 'yan gawan ng paraan!" ani ng kanyang kausap. The make up artist sighed and continued her work.

They added false lashes probably to emphasized my eyes, my lips were colored with ruby red. At halos maging plantsado ang aking buhok sa sobrang unat.

When they were finally done, they made me wear a black strapless body hugging dress. My eyes widened, sobrang ikli kasi nito kumpara sa mga sinusuot ko talaga. Pero...saglit lang naman 'di ba?

"Ang flawless ng legs mo," puri ni Almira. "Hindi ka ba naglalaro no'ng bata ka? Sobrang puti, wala man lang bakas ng kahit anong peklat..."

Agad akong yumuko. Should I thank her? But I don't want to acknowledge her compliment. Nakakahiya kasi aminin na wala talaga akong experience na maglaro sa labas no'ng bata ako. I was always immured inside my play room. Hindi ko naranasan makipag-habulan man lang sa daan.

"Alam mo, ito talaga 'yung dahilan bakit hindi inaayusan ang mga nerds..." bulong ng make up artist nang makita ako.

"Nagmumukha kasing normal lang 'yung magaganda talaga." Halakhak ni Almira at agad na tumingin sa akin habang may ngiti sa kanyang labi.

I blushed because they even made me wear net stockings! Mahilig daw kasi sa ganito ang dapat na model nila na si Arrisea. They thought they could pursue her but they couldn't find her presence in her strand's building. Kaya naman ako na lang ang pinagsuot nila ng ganitong klaseng outfit.

Mabilis lang ang pangyayari. They only took a few pictures of me, sabi nila kahit daw wala na akong masyadong pose dahil mukha na raw akong isnaberang modelo. I don't even know if being called a snob is a compliment. Pero tinanggap ko na lang ito dahil mas naging madali ang proseso.

I went to the ABM building to check if my clothes and eye glasses are given to Paulene. Pero nang makapunta ako sa classroom nila ay agad na sumilip ang ilang mga kaklase ni Paulene sa akin.

"Crush 'yon ni Adren 'di ba? 'Yung mahinhin?"

"May girlfriend si Adren! Hindi 'yan 'yon. Fake news kasi kayo."

"Philo..." Paulene widened her gaze. "Hala ka, ang ganda mo!"

I immediately blushed. I don't know how to receive compliments. Lalo na kung tungkol lang naman sa itsura ko. I feel like I don't deserve it as much as others do.

"A-ano po, nasa inyo po ba 'yung d-damit ko?"

"Ha? Wala naman nabigay sa akin. Kanino mo pa ba binilin?" She shook her head.

"Baka po kay Iscalade..." I bit my lower lip and kept on pulling my dress downwards. Ang ikli kasi talaga.

"Sino 'yan? Si Philomena 'yan?" Gio, who is actually already familiar to me, opened their glass window to look at me.

"H-hello po..." bati ko sa mukhang naguguluhan na si Gio. He glanced at me, mukhang nahihiwagaan dahil sa itsura ko.

"Pakiramdam ko di makakatulog si Iscalade!" Halakhak niya. "Tangina no'n, well deserved."

Hindi ko siya naintindihan. Binalewala ko na lang ito. I decided to go towards the STEM building. This time, some approached me and even told me they could help me find my way.

"Taga-UJD din po ako..." I declined politely. Kabisado ko naman kung saan ang daan sa classroom ni Iscalade.

"Gano'n ba? Bakit ngayon lang kita nakita?" ani ng lalaking kanina pa nakasunod sa akin.

"Hindi ko rin po alam sa inyo," I answered, lalong binilisan ang paglalakad dahil gusto ko na talaga magpalit. Naiwan ang lalaki na 'yon at hindi na ako sinundan pa.

"Philo," Sachael called me. Kasama niya si Cae at mukhang paalis na sila ng kanilang classroom.

"Si Philo 'yan?" Cae asked, looking shock.

"H-hello po..." I tried to smile. "Nakita niyo po ba si Iscalade?"

"Kakaalis lang e. Dala niya 'yata 'yung uniform mo? Pinatupi niya pa 'yon sa isa naming kaklase na babae kasi ayaw niyang mahawakan..." Cae almost laugh, pinigilan lang niya gamit ng isang ngiti.

Sarathiel came in between of them, an annoyed expression plastered on his face. Napalingon siya sa akin.

"Papabasbasan pa 'yata 'yung damit mo," Sarathiel shrugged. Natawa na nang tuluyan si Sach at Cae.

"Alam niyo po ba saan pumunta?"

"May get together si Ade mamaya, baka nandoon si Iscalade. Sama ka na lang sa amin." Cae said, offering a quick smile.

"Ah, okay po..." I slowly nodded my head. Saan kaya siya pumunta?

"May nangungulit kasi sa kanyang babae. Naiara 'yata? Sa kabilang school, nagpapaturo mag-gitara kaya nasa music room sila ngayon..." Sach added.

Si Naiara pala. Hindi ko alam bakit biglang inanod ng lungkot ang puso ko. Ano namang masama na magkasama sila, Philomena? You're just his best friend. At saka, Naiara's really nice.

Pero nagpapaturo mag-gitara? I quickly frowned. She's the lead guitarist of a band...

"Hintayin ko na lang po. Kami na lang po ni Iscalade ang magsasabay..." I replied.

I decided to wait for him in the evergreen garden. Binibilang ko ang mga ibon na naliligaw sa mga damuhan. They would lay on the grass and fly away whenever there's a person approaching them.

I wonder how it feels to be a bird; to be free, to have wings, to fly away whenever someone disturbs your peace.

"Philomena?" a deep voice whispered to my ears. Napaigtad ako at agad itong nilingon.

"Kile?" I gaped at him.

"Kanina pa kita tinatawag," ngumisi lang siya sa akin. "Gumanda ka lang, di ka na napapansin? Snob ka pala e..."

My cheeks turned into beet red. Agad akong umiling at tinuro ang aking mata.

"Malabo po ang mata ko kapag walang salamin," I sighed. "Sorry po."

"Nah, joke lang." He shrugged his shoulders and tilted his head to see my face clearly. "Bakit ka pala naka-ganyan?"

"Someone used me as their model po..."

I don't really see what's the fuss all about. My hair was just straightened, the make up made my features sharper and my clothes are a bit revealing. Ako pa rin naman si Philomena Gracia. I'm not even confident with the way I look right now.

Kile kept on complimenting me, kaya naman halos maging kamatis na ang aking mukha sa sobrang hiya. Lalo lang akong inaasar ni Kile sa tuwing pinipigilan ko siyang banggitin ang mga puri niya.

Hinihila ko pababa 'yung dress ko. Napansin naman ito ni Kile kaya hinubad niya 'yung denim jacket niya para ipangpulupot ko sa aking baywang. I smiled at him with gratitude.

"Kile! Tapos na? Nakausap na ba ni Ate Sara 'yung organizer?" Naiara strides her way to our direction. Kasunod niya si Iscalade na mukhang badtrip. Parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang mukha.

"Yeah..." tango ni Kile at lumipad din ang tingin kay Iscalade.

"Lade, natulala ka na riyan?" puna ni Naiara. "Sandali mo nga lang ako tinuruan e."

"Ah, bagal mo kasi matuto." Matabang na sagot ni Iscalade, hindi tumitingin sa dako namin.

Tahimik naming tinahak ang daan paalis sa evergreen graden. Naiara and Kile bid their goodbyes to us, nakangisi pa si Kile habang kumakaway nang palayo na sila. Iscalade didn't utter a word.

"Ding dong po," I pressed his dimple when he kept on ignoring me. "Si Philo po ito."

"Ano ba..." lumingon siya sa akin, may tinatago siyang ngiti. "Parang ewan naman 'to e..."

"Bakit di niyo po ako pinapansin?"

"Magpapalit ka na ba ng damit?" he asked instead of answering. "Ang hinhin pa rin ng boses mo kahit ganiyan na itsura mo..."

"Mamaya na po siguro, after Ade's party..."

Pumunta kami sa party ni Ade. Sa isang KTV bar lang ito at may sarili kaming kwarto. Videoke at kaunting kainan lang naman daw ito dahil wala sila sa mood uminom. I actually felt like I judged Iscalade too quickly, pansin ko kasi na hindi naman talaga siya pala-inom. Madalas lang talaga siya sa isang party.

Caitlyn and Zafirah saw each other. At medyo naging awkward 'yata sa pagitan nila. Ngayon na nakumpirma ko nga na si Zafirah ito, I smiled at her to ease her tension. Honestly, hindi ko alam bakit lumipat si Cait sa school namin. I don't see her often though, ibang strands kasi kami.

Umuwi rin kami, tahimik pa rin si Iscalade. It made me feel nervous.

"People called me pretty today...." I opened up a topic. Tumingin sa akin si Iscalade, he smiled softly.

"Matagal ka namang maganda na ah?"

"Sabi nila b-bagay daw po sa akin 'yung ganito..." my cheeks flushed, pertaining to my outfit.

Kinuha niya sa bag niya 'yung salamin ko at sinuot sa akin. I look up to him, inayos niya ang pagkakalagay ng salamin ko sa aking mga mata.

"Kahit ano naman...bagay sa'yo. Palagi ka namang maganda."

I heard a lot of compliments today but my favorite one and the only compliment that matters to me came from him.

❛ ━━━━━━・❪ ❁ ❫ ・━━━━━━ ❜

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro