Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 25

Kabanata 25

"The pictures turned out nice," I commented, as my cheeks burned in heat.

Kile took pictures of me, ang ilan sa mga ito ay mga candid. He asked if he could take some pictures and I agreed. Balak niya raw gamitin bilang cover sa ilang solo tracks na ire-release niya.

"Baka akalain nila worship song ito," Kile teased me. Ayaw niya talaga tantanan na may hawig ako sa isang santa. I only frowned at him.

"I told you po, I look awkward in pictures."

Tumingin lang siya sa akin, his eyes raked over me and shrugged. Pinilig niya pa ang kanyang ulo, I can't help but admire how his hair looked glorious despite it being long.

"You just look better in real life, hindi ka naman awkward sa pictures mo."

Hindi ko inakala na malaki ang magiging epekto ng isang litrato ko. It wasn't even my full face, kalahati lang ng mukha ko ang kita. My mouth was slightly parted because I was surprised when he took it. Magulo pa nga ang buhok ko dahil sa hangin at halos wala akong ayos pero nag-mukhang maganda dahil sa pagkuha niya ng litrato.

Nagpaalam naman siya sa akin na baka i-post niya sa social media. I just didn't expect him to changed his whole Instagram just for one picture of me. Lahat ng mga post niya noon na puro black and white ay nawala. Ang tanging natira ay 'yung larawan ko.

245,412 likes
justkileme philosophy of grace.

Philosophy of grace? My eyebrows knitted because that's a weird caption. I never thought their songs will have titles such as this one.

I thought that it would end just like that, pero umabot pa ito sa Twitter kung saan nagkaroon ng trending topic sa parehong caption na nilagay niya. Nangunguna pa ang hashtag na ito kaya lalong dumiin ang pagkagat ko sa aking labi.

# PhilosophyOfGrace

Kile's @KileGF
Is this a new era? 🤔😍 #PhilosophyOfGrace

Hilaga @tanginghilaga
Bakit ang weird na si Kile lang nagpalit ng theme sa instagram niya? Is this more personal for him? #PhilosophyOfGrace

/kiː/ @KileNation
nays papi kile may pa jowa reveal 😚 # PhilosophyOfGrace

/kiː/ @KileNation
hellu! in case na jowa nga to ni kile, pls refrain from harrassing/ bashing/ basta pangaaway sa kanya, ib-bitch slap ko up and down kapag may nabasa ako ha. 😡

Should I respond to that? I'm pretty sure that everyone's just confuse. Kahit ako ay nagulat nang i-delete ni Kile ang mga pictures niya at tinira ang iisang litrato ko.

I scrolled down and notice a tweet from Iscalade.

Isca @Ladegetslaid
Sino ka? 😃❓para kang kabute, bigla ka na lang sumusulpot.

Ade @fatherdeus
Replying to @Ladegetslaid
Fan ka no'n di ba? HAHAHA pinaka-gusto mo nga 'yon sa anagapesism 🤣 yieee Kile is life.

Sach @SachLL
Replying to @fatherdeus
Parang gusto ko mag-backread sa GC tapos ilabas lahat ng fanboy moments niya. 😭 minsan lang mainis tropa natin, sagarin na natin.

Isca @Ladegetslaid
Replying to @fatherdeus and @SachLL
tigil-tigilan niyo ako, napipikon ako. 😀 HAHAHAHA

A notification appeared on the screen of my phone. Nakita ko na naka-tag ako sa MyDay ni Iscalade. He posted a lot of pictures of me, at meron itong iba't ibang caption. Gumawa na naman siya ng powerpoint sa MyDay niya na puro mukha ko na kinuhanan niya.

There was a picture of me, smiling while wearing Lola Sunshine's dress.

Kukuha ka na nga lang ng magandang picture, side view pa. 🙄

Sumunod naman sa Instagram ni Iscalade, may isang picture na kasama ko si Issie. Buhat ko si Issie habang nakasuksok ang mukha niya sa aking leeg. The caption was:

okay lang naman sa'kin 😛 tanong mo sa aso ko kung okay lang sa kanya 😙 parang hindi kasi e. 😌

The replies didn't also help me figure out what's going on. Lahat kasi ay halos inaasar lang si Iscalade.

@fatherdeus: pati aso dinamay HAHAHAHA ISCALADE SELOSO

@sathrcs: hindi porke't mukha kang aso, idadaan mo na sa gan'yan.

@Giorgiyo: Huwag niyo ako pansinin, naghihintay lang ako ng online suntukan <3333

Okay lang ang alin? This day really confuses me. Iscalade is acting weird, Kile posted a photo of me in a peculiar way, at hindi ko alam bakit parang ako ang pinupuntirya nila.

May ginawa ba akong mali sa kanila? I don't even get the whole 'philosophy of grace' trend. Maybe I should ask Kile to take it down if it bothers Iscalade. Pwede pa naman siya gumamit ng ibang pictures na mas maganda. I think my face isn't even worthy of being a track cover.

I went to his Instagram account to kindly ask him, namilog ang mga mata ko nang makita na may isa na siyang fina-follow. I got curious and check who it is — nalaglag ang panga ko nang makita na account ko ito.

I checked my notifications.

@justkileme started following you.

Halos kumalabog ang puso ko sa sobrang kaba, lahat 'yata ng social media accounts ko ay dinumog ng mga tagahanga nila. I got so nervous because people were following me and my pictures are only personal remnants. I immediately turned all of my accounts to private.

/kiː/ @KileNation
ang ganda ni philogracia 🥺 salamat sa pag-alaga sa kile namin 💗 we luv you, @philogracia

Philo @phiIogracia
hindi na ako si trina, tawagin niyo na lang ako philogracia o ano man tunay niyang pangalan. 😭 swerte mo ghorL!!!

Philo @phiIogracia
jejem0n man si koya kile magtype, sweet lover naman yan. 😫

Ih-nok @enochbbboyy
pighati sa mga umaasa kay kile 🤣 requirement pala maging mukhang santa pagdating sa kanya. #PhilosophyOfGrace

Namula ang aking mga pisngi. Wala akong nabasang negatibong bagay pero kinakabahan ako sa mga reaksyon ng mga tao. I went to Kile's account in Twitter, pareho lang naman kasi ang mga username nila.

I saw his latest tweet, I bit my lip because I can't imagine Kile being affectionate. Masyado siyang masungit sa totoong buhay kaya naman naninibago ako.

Kīłē @justkileme
Di ko 'yon jowa pero parang gusto ko sambahin ><

Kīłē @justkileme
iyakin mo naman, bestie :p

✿✿✿

"Nakilala mo siya dahil sa akin?" Iscalade asked, nanglalaki ang mga mata.

"Remember the guitar? I personally went to one of their gigs so I can get it signed..." sinusundot ko ang dimples ni Iscalade. Kanina pa kasi siya nakasimangot. Hindi ko alam kung bakit at sino ba ang umaway sa kanya.

I feel guilty because it might be about Kile.

He look pissed. Pero tinatawanan lang siya ng mga kaibigan niya. At mukhang lalo lang siyang naiinis.

"Ayan kasi, Ade. Nag-manifest tuloy 'yung sinabi mo," Cae chuckled. "College student nga talaga."

"Mas mukha naman akong matino roon 'di ba?" Iscalade asked, pursing his lips.

Biglang tumahimik ang mga kaibigan niya. Sumipol lang si Ade at umubo naman si Sach. Ayaw 'yata nilang sagutin ang tanong ni Iscalade.

"Uy, sagutin mo. Kaibigan mo 'yan 'di ba?" Ade nudged Sarathiel who only frowned. Lumingon ito kay Iscalade.

"Paano ko ba sasabihin ang totoo nang hindi ka masasaktan?" Sarathiel deadpanned.

Iscalade groans and rested his head on my shoulders. Patuloy pa rin ang pag-asim ng kanyang mukha. Sirang-sira 'yata ang araw ni Iscalade ngayon.

"Gusto mo po ba ng sugar cookies? I'll bake, para di ka na po malungkot..."

"Philo..." Iscalade puffed his cheeks, umangat ang tingin sa akin. "Ako pa rin naman ang best friend mo 'di ba?"

"Of course, you'll always be my bestest friend..." I kept on touching his dimples, hanggang sa lumubog ang mga daliri ko. I watched him slowly displaying a smile on his face.

"Can it be more than that?" mahinang saad niya. It made my heart skip a beat.

Natigilan ako sa pagsundot sa kanyang pisngi. My heart beat started racing, lumingon ako kay Iscalade pero iniwas na niya ang kanyang tingin.

Its cliché to fall for your best friend; but what's more cliché is the reality that best friends aren't meant to be more than that. Ang hirap i-sugal ng isang bagay na maaaring magtagal kung hindi mo lang gagawing malalim. That's exactly how I feel towards Iscalade.

I choose to ignore it. Kahit halos magkabuhol-buhol na ang aking bituka sa sinabi niya. Maybe, if only, and the what ifs haunts me the most. Kaya naman pilit kong pinigilan ang sarili ko na isipin 'yon.

We will be having our dinner at Tita Harlena's house and as usual, she wanted everything to be grand. Halos puro chandelier ang kisame ng kanilang bahay nang pumasok kami. She even prepared a buffet for her guests. Sobrang magara talaga si Tita Harlena pagdating sa mga ganito.

I straightened my posture, I was wearing a cream colored flowy midi dress, may terno itong mga kwintas at hikaw na maliliit lang ang bato. I had to apply light make up because Mom insisted. Nakalugay din an buhok ko, meron lang dalawang maliit na braid na pinagsama ko para kahit papaano ay hindi magmukhang buhaghag.

"Your daughter looks like a young Olivia Hussey, Priscilla."

Pinuri ako ng isang kilalang congressman habang binibigyan ako ng isang malawak na ngiti. Hawak-hawak niya sa kanyang kamay ang isang champagne glass na kalahati lang ang laman.

I beg to differ though, Mommy's the one who looks like Olivia Hussey. I was more on the asian side because of Daddy. Pero magkamukha raw kami ni Mommy, that's why he said those praises.

"Hindi mo ba ito isasabak sa mga pageants? Sayang ang ganda..." aniya.

My Mom formed a bitter smile. Sumulyap siya sa akin bago magbigay ng kanyang tugon.

"She's busy in her school activities, ayoko naman ipilit."

"Well, I heard Arlene can do both. Bakit hindi mo lang subukan? Your daughter has the potential..."

I gulped, I started rubbing my palms secretly because I'm scared that my Mom will scream at him. Agad akong tumingin kay Mommy, nawala na ang ngiti sa kanyang labi. Her face contorted in annoyance.

"Mom, tawag ka po 'yata sa kabilang table." I said, pointing towards Tita Juana's direction. Agad naman na nagtaas si Tita Juana upang kumaway.

Naghiwalay kami ng landas, sa totoo lang ay tumakas lang ako sa panenermon niya. I didn't want to spoil her night, kaya umalis ako at pumunta sa mga halaman.

"Fuck this, Kile." A girl groaned, she sounded mad. Nagulat naman ako dahil pamilyar siya sa akin. I can see her silhouette from here. Pamilyar ang kanyang tindig.

"Try to breathe," that deep voice brought chills over me. Ang lamig kasi nito. "Your anger is valid, but try to calm down first."

I didn't want to snoop around but I clearly knew the both of them. Si Arlene 'yung babae at si Kile naman 'yung kausap niya. Kile was leaning against the fences, may hawak siyang bulaklak habang pinipitas niya ang bawat talulot.

"Hindi ko kasi siya maintindihan." Arlene sighed exasperatedly. "Lahat ng gusto niya sinusunod ko. My career, my friends, and she knows everything that happens in my life. Bakit pati kung sino ang mamahalin ko?"

"Ginusto mo naman siyang sundin..."

"I just wanted to repay her for giving me this life, Kile." Arlene sobbed, ang boses niya'y tila ba namamalat ang kanyang lalamunan.

"Pero tangina, hanggang kailan ko ba babayaran 'yung utang na loob ko sa kanya?"

Sinipat ni Kile ang pwesto ko. His cat-like eyes pierce through me when he notice that I was watching them. He lifted his eyebrows at me, like he caught me red handed. Dahil sa biglang pananahimik ni Kile, napalingon sa direksyon ko si Arlene. Her lips parted and she immediately looked guilty.

"Philomena," Arlene almost stuttered but she remained her poise.

"Uh, p-pasok na lang po ulit ako sa loob. S-sorry po," I recoiled, slowly stepping back. "Magsigawan na p-po ulit kayo..."

Natigalgal si Kile at Arlene, sabay silang tumawa. Arlene shook her head. Lumapit ako sa kanila. They were both dressed up for the event too. Arlene was wearing a red bodycon dress while Kile sported a long sleeve polo and his hair was tied. Mas malinis siyang tingnan at mas maaliwalas ang kanyang mukha; mukha pa nga siyang maamo.

"I'm sorry to disturb the night for you." Arlene apologized, offering me a quick smile. "I just had a really bad night."

"Okay lang po 'yon," I tried smiling, as I fidget my fingers. "I think, it's better to vent than keeping everything to yourself po."

"Philo, mabait ka pala talaga..." Arlene praised. "I thought you're being forced to act like that because your Mom wants you to."

"H-hindi naman po."

"Parents sucks," Arlene snorted, rolling her eyes. "Sinunod mo na nga sila, pero kahit kailan hindi pa rin naging sapat. They always want more from you — when they can't even give the same ounce of respect you have for them. Palagi na lang sila ang tama, nasusunod at kahit kailan ay wala kang karapatan na tumayo para sa sarili mo."

Rinig na rinig ko ang galit sa kanyang tono. Her wrath was ablaze as she clenched her fists. Mas nakakapaso ang bawat bitaw niya ng kanyang salita.

"My parents aren't perfect too..." tumikhim ako at tumingin nang diretso kay Arlene. "But I'm also aware that they're just humans and they're capable of doing mistakes..."

"Pero Philomena," sumabat si Kile. Napalingon ako sa kanya, the darkness in his eyes are captivating. Parang matatalo ka kapag nakipagpustahan ka nang walang kukurap.

"Hindi naman din tayo anak lang, tao rin naman tayo tulad nila. Bakit kapag sila, pwede magkamali? Tayo na anak ay hindi? What makes us different from them?" he coldly asked.

I wasn't able to answer it. Kile stared at me, waiting for me to refute his claim. Pero walang lumabas sa bibig ko. The truth is— I also agree with him. Bakit kapag magulang, maraming dahilan kung bakit pupwede silang magkamali? Pero kapag anak na ang may mali, awtomatikong isa na siyang suwail na anak.

Pero parang mali. I wanted to be on their side, but there's a part of me that wants to understand the side of our parents. Lahat ng ginagawa nila ay para rin naman sa amin. That's what my Mom says.

"M-maybe because, gano'n d-din po sila pinalaki..."

"Kung alam naman pala nila 'yung hirap noon, bakit nila ipaparanas sa atin?" Kile lazily stated. Nagawa niya pang ngumuso nang makita ang itsura ko na nanglalaki ang mga mata.

"Mahal po nila tayo kaya —"

"Kaya okay lang na masaktan tayo dahil sa huli ay para rin naman sa atin 'yung mga desisyon nila? Do they have to say hurtful words, be over protective, and harm us both physically and emotionally just for them to show that they care?"

My mouth was shut tightly, I bit my lip in frustration. Kumakabog ang dibdib ko sa hindi ko malaman na dahilan. Hindi ko mapagtanggol si Mommy. I want to, because she's my Mother. She gave me this life. Walang magmamahal sa'yo nang mas higit pa sa mga magulang mo. That's how I was raised. That's how I think.

"You should be proud of your parents po..." I said, even if my eyes are starting to get misty, I feel like crying. "Your parents brought you in this wonderful world and they provide your needs..."

"Why would I be proud of my parent, Philo?" Kile squinted his eyes, naniningkit na naman ang mala-pusang mata niya.

"Yey, corrupt ang tatay ko." Kile cheered, without any enthusiasm. Tinaas niya pa ang magkabilaang kamay niya.

My heart hurts, parang minamartilyo ito sa sobrang sakit. I was about to apologized because I judged them too quickly. Maybe they had it worse than me. Kaya hindi nila magawang mapatawad ang kanilang mga magulang.

"I'm sorry."

Natigilan ako nang marinig ko ang malalim na boses ni Kile. I was taken aback when Kile gently remove the tears in my cheeks. He smell like flowers, dahil siguro sa mga pinitas niyang talulot.

"You're too kind hearted..." bumuntonghininga siya. "Some parents are just shitty, Philo. At walang excuse ang pagiging shitty nila sa mga anak nila."

"I'm sorry din po..." I held his hand that touched my cheeks. "I was insensitive, but I still believe that your parents love you..."

"Sir Kile."

Napalingon kami sa tumawag. It was a group of men, parang mga escorts. Kile's lips parted and he grunted, plastering a look of disbelief in his face. Agad siyang umiwas ng tingin.

"Pinapasundo po kayo ng Papa niyo po, si Senator Conjuanco."

Senator? My eyes widened and It flew towards him. Anak si Kile ni Senator Conjuanco?

❛ ━━━━━━・❪ ❁ ❫ ・━━━━━━ ❜

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro