Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 24

Kabanata 24

"Gusto mo bang masabihan ng malandi? Bakit palagi kang sumasama sa mga lalaki?" naiiritang tanong ni Mommy.

"Bakit naman po ako naging malandi?"

"You always hung out with guys. Dapat sa babae ka lang sumasama. At minsan gabi ka pa umuuwi! Ano na lang sa tingin mo ang iisipin ng tao?"

My Mommy frustratedly sigh. Agad naman akong ngumuso, I didn't know that being a flirt can be classified just by knowing who you hang out with or the time you went home.

Pero kahit papaano ay naibsan ang tampo ko sa kanila. Hindi naman ako mapagtanim at medyo naging maluwag siya sa curfew ko. Even Dad was surprised I was able to travel alone without any drivers or helpers with me. Palagi lang nila akong binibigyan ng paalala na tumawag sa kanila at kailangan nasa bahay na ako ng alas sais ng gabi at pinaka-late na ang alas otso sakaling hindi kaya ng alas sais.

I became busy the following days, ang dami kasi naming binabasa tapos halos araw-araw ay meron kaming recitation. Walang araw na hindi 'yata ako natawag, madalas tuloy ay hindi ko maiwasan matakot na baka matuod na naman ako tulad noon.

I was still building my confidence. Ang hirap lang dahil napapalibutan ako ng mga tao na magagaling magsalita. Lalo na nalipat na sa section namin si Icarus.

Icarus is literally the only person who can debate with our teacher without blinking an eye; siya 'yung tipong kinukwestiyon talaga 'yung guro at walang takot na nagbibigay ng opinyon niya.

"Ubos na ubos na vocabulary ko, baka naman pwedeng awat muna," reklamo ng kaklase ko.

"Kailangan daw may rason bakit titigil. Prepare an essay to justify your answer. Make sure it's Arial, 12 ang size ng font, at 2.5 ang margin —" biro ng kausap niya.

Nagunat-unat naman ako matapos ko gawin ang isang activity para sa PhilGov. Diretso na Practical Research II ang subject namin pagkatapos nito.

Matapos ang madugong recitation sa PPG o Philippine Politics and Governance ay kailangan namin agad bumalik sa wisyo para naman sa PracRe. Napabuntong hininga na lamang ako.

"Stand if you want to be a leader," anunsyo ng guro namin.

Tumayo agad si Icarus, sumunod naman ang ilan sa kanya. A total of ten groups are concluded in the end.

Hindi ako tumayo, I know pracre can really be hectic — hindi maiwasan ang mapagalitan ang kagrupo mo. I don't have the heart to do that because I don't know how to scold someone without knowing their circumstances.

"Pick your group mates. Icarus," tawag ng guro namin. Agad na lumipad ang tingin ni Icarus sa akin.

"Valderama," Icarus adjusted his eyeglasses. Agad naman na nagreklamo ang mga kaklase ko.

"Sir! Hindi 'yon pwede!"

"Mas madaya pa 'to sa 1986 snap election!"

"Hindi pwedeng magsama 'yang dalawa, Sir!"

"Class, quiet down. Next group, continue."

Mayabang na nagkibit balikat si Icarus. Hanggang sa napansin ko na kinukuha niya lahat ng magagaling sa classroom namin. He even choose Mila, at nang magkaroon kami ng meeting ay sinabi niya kung bakit niya kami pinili.

He choose me because I was easy to talk to. Wala raw akong reklamo sa mga pinapagawa. Si Mila naman ay magaling manghatak ng mga tao, para siguro sa mga respondents. At halos lahat ng pinili niya ay may kanya-kanyang toka na.

"Huwag niyo ako i-layo kay Philo," nagtatampong saad ni Iscalade. Kunot ang noo habang pilit siyang hinahatak ni Sach.

"May gagawin pa tayo," Sach muttered.

"Di naman ako mabubuhay ng research na 'yan," umismid si Iscalade.

"Di ka nga mabubuhay pero papatayin tayo nito kapag pinabayaan natin." Sach hissed.

"Philo..." Iscalade looked at me, like a puppy wiggling its tail.

"It's okay, Iscalade. Unahin mo muna po research niyo," I smiled at him awkwardly. Ayaw ko sana na isipin niyang ayoko siyang kasama pero mas importante nga ang research kumpara sa samahan niya ako.

I was heading to the library to gather research topics when someone messaged me. Akala ko si Iscalade ito pero hindi pala.

Kile:

hoy

may bibigay ako sa'yo

Philomena:

Sige po. Ano po ba 'yon?

Kile:

same cafe na lang.

I decided to meet up with Kile. Nakita ko siya sa dati naming pwesto, kinakalikot ang kanyang phone. Umakyat ang tingin niya sa akin nang maupo ako sa kanyang harapan.

He really looked edgy. Agad niyang inabot sa akin ang mga folder na hawak niya kanina.

"Here's the syllabus for Educ," banayad niyang saad. "Tingnan mo nga, baka magustuhan mo."

"Ah, thank you po!" I smiled at him and reached for the files he collected for me.

Tahimik lang ako habang nagsusulat ng mga research topics. Kile was just watching me intently. Hindi ko rin alam bakit di pa siya umaalis, but I appreciate his company.

"Wala na akong maisip," I dawdled, almost sighing. "May mga naiisip ka po bang research topic?"

He lifted both of his eyebrows, and he shrugged off. He slouched on his chair and pursed his lips.

"Bakit bilog ang lemonsquare?"

"Seryoso po kasi," sumimangot ako.

"Seryoso naman ako sa'yo, ah."

I huffed and immediately wrote that down. Agad naman siyang bumunghalit ng tawa nang makita ang ginawa ko. Napatingin ako sa kanya, it's a sight to see him laughing. Para kasing palagi siyang mukhang masungit o kaya'y sarkastiko.

"Hala gago, sinulat nga." He laughed, he was covering his lips. Ang mga mata niya lang na nangliliit ang nakikita ko.

I wonder how he looks like when he smiles. Parang ang ganda kasi ng hugis ng kanyang mga mata tuwing umaabot ang kanyang ngiti rito. Although it is chinky, it is full of depth and his dark orbs makes him more mysterious.

Si Iscalade kasi, madaling mabasa dahil sa mga mata niya. He's very expressive. Kaya naman kahit sa mata pa lang ay alam mo na agad ang gusto niya ipahiwatig. He's very transparent.

Matagal kong pinagisipan kung anu-ano ang mga research topics na ipapasa ko kay Icarus.

"Binilhan mo po ako?" I asked when he returned with a tray containing an ice latte and caramel coated cake.

"Kanina ka pa nag-iisip. Pracre ba 'yan?" tanong niya. I nodded.

"Kumain ka muna, ako na muna riyan." Inagaw niya sa akin 'yung papel ko.

"Huwag na po..." nahihiyang turan ko.

"Titingnan ko lang kung may kwenta ba mga pinagsusulat mo. Minsan kasi topic pa lang, ligwak na."

Tama naman siya. I decided to eat first as he scribbled down notes. Seryoso niyang binabasa 'yung papel ko, kinakabahan ako kapag nangliliit 'yung mga mata niya. Medyo singkit na nga siya tapos lalo pa itong sumisingkit.

"Philomena," tawag niya sa akin. "Tingnan mo ito."

Pinabasa niya sa akin 'yung mga sinulat niya. I was left feeling awe because of how neat he wrote down the topics, nilagyan pa niya ng mga possible SOPs. At meron na rin siyang nilagay na mga bilog upang makita ang mga butas sa mga naunang naisip ko.

"Marami ka naman pagpipiliin dahil nasa HUMSS ka, mas malawak 'yung mga pwede niyo kuhanan ng research topics. Pero ilan 'yan sa mga madadali at kailangan talaga..." he briefly stated.

"Thank you po talaga." I beamed, "Ano po pala full name niyo? I should at least give you the credits for the ideas..."

Umiling siya. "Not needed. Kile is just fine."

Napatingin siya sa tag ng bag ko. Natawa siya pero pilit niyang pinigilan. I frowned at him.

"Buti hindi trolley bag mo?" he lifted an eyebrow, bigla siyang ngumisi. "Philomena Gracia Valderama."

This bag belongs to Philomena Gracia Valderama. Namula naman ako dahil mukha ngang pambata. Pero binigay kasi ito no'ng pinsan ko na nasa kindergarden. She wanted us to have matching bag tags.

"Cute naman po 'di ba?" I pouted, referring to the design of the bag tag.

"Yeah..." he slowly said, parang nagpipigil ng ngiti. "Cute naman."

✿✿✿

@bnaiara started following you.

When Naiara followed me, I decided to follow her back and also the rest of the members in anagapesism.

@damenorte started following you.

@enochknock started following you.

Si Kile lang ang hindi nag-follow back sa akin. Well, he isn't even following his bandmates. Naka-0 ang followings niya pero ang dami niyang followers.

Medyo naisipan ko na i-stalk sila no'ng nagkaroon ako ng free time. At nakakapagtaka ang pagkakaiba nila sa isa't-isa.

North has the most numbers of followers, siya rin ang may pinakamaraming pictures. Most of his pictures are from gigs and with celebrities. Akala ko noon si Iscalade na ang may pinaka maraming likers na kakilala ko. Pero umaabot ng ilang libo ang isang post ni North, even a hundred thousand.

Enoch has minimalistic posts at mas kakaunti kumpara kay North. Most of his pictures contains him and his bandmates. Madalas mukha siyang nagmumuni-muni.

Naiara probably has the most lowkey profile among them. Parang normal lang, at hindi mo makikita ni isang bakas ni N sa kanya. Rainbow is prevalent in her profile though. Mahilig siya siguro sa gano'ng kulay.

I wasn't expecting Kile's profile to be really gloomy. Pero dahil siguro puro black and white lang ang pictures niya, minsan ay distorted pa — parang medyo blurred. But his captions are either one liners or poetic lines. Pero tulad ng kay North, inaabot ito ng mahilig ilang daang libong hearts. Walang kakulay-kulay 'yung profile niya.

I got a direct message from him.

@justkileme
philomena, legit 'to?

@philogracia
Yes po. Hello po! ☺

@justkileme
wala kang pictures???

huling picture mo

field trip???

potangina HAHAHAHAHHAHAHAHAHHAHA

@philogracia
Di naman po kasi ako photogenic 😣 and I only post pictures with my friends and family. Minsan, my fave pages in books.

That's kind of mean though. Di ko nga po tinanong bakit black and white lahat ng pictures mo. 😕

@justkileme
wala lang

gusto mo ba kulayan natin?

@philogracia
I don't know po. Bagay sa inyo 'yung b&w filters pero ang cool din siguro kapag may kulay. Kung saan ka po masaya, doon na lang din po ako. Hehe ☺

@justkileme

:((( bakit ka ba ganyan

✿✿✿

"Swerte ng magiging boyfriend ni Philomena," Ade commented after chewing the cookies I gave them.

I decided to bake some chocolate chips cookies for them, lalo na para kay Iscalade. He look stressed these days, siguro ay naninibago sa mga subjects nila.

"Thanks," Iscalade acted flattered as he chuckled and ate another cookie.

"Tanga, ikaw ba?" Sach sneered.

"Philomena, kapag nag-boyfriend ka dapat college na." suhestiyon ni Ade sabay tingin sa mga kaibigan niya.

"Oo, para matured na saka alam namin na seryoso sa'yo." Tumango pa si Cae. Tumawa si Sarathiel at ngumisi.

Agad naman na umawang ang labi ni Iscalade. Nilapag niya 'yung natirang cookie at ngumuso.

"College na ako next year..." he mumbled, incoherently.

"Next year pa 'yon. Dapat 'yung college na ngayon," halakhak ni Ade at nagtaas-baba ng kilay.

"Kaibigan ko ba talaga kayo?" reklamo ni Iscalade at kumunot ang noo. He sound offended as he bit the insides of his cheeks. "May GC ba kayo na wala ako?"

Bumunghalit ng tawanan dahil sa kanya. Agad naman siyang nilambing ng mga kaibigan niya. I laughed too, ang bilis kasi suyuin ni Iscalade.

"Oy, kaibigan mo kami ah. Tinutulungan nga namin si Philomena na maging maayos sa pagpili," sagot ni Ade sabay tawa.

"Choose wisely, choose me." Halakhak ni Iscalade. Tumingin naman siya sa akin at nginitian ako.

Of course, I'll choose Iscalade over any potential boyfriend. He's my best friend, at walang makakatalo roon. Kahit magkaroon pa ako ng boyfriend sa hinaharap— but I never really thought of it, having a boyfriend...

"But, it will always be up to you though. Ikaw lang naman makakapagsabi kung sino ba talaga magugustuhan mo..." Iscalade coughed. "Pero sana..."

Hindi ko narinig ang dinugtong niya dahil may text galing kay Kile. Sinilip ko kung anong sinabi niya.

Kile:

musta research

Philomena:

Approved po lahat! Thank you! 😊 ang dami ko po tuloy free time kasi hindi na kami uulit.

Pero, don't worry po! Sinabi ko naman po na sa inyo galing 'yung mga ideya.

Pinasa ko ang binigay ni Kile na mga research topics, lahat ay halos approved at sinabihan pa kami ng Prof namin na kung sakaling may mga mahirapan sa pagpili ng topics; i-offer na lang daw namin ang mga hindi namin mapipili. That's how good the topics he gave us, walang palya ito sa guro namin.

Philomena:

May bibigay po pala ako sa inyo. ☺ may practice po kayo mamaya 'di ba?

Kile:

sigi fo.

I wanted to repay his kindness. Kaya naman ginawan ko sila ng cinnamon churros at may regalo ako para sa kanya. Since Iscalade was busy with his school affairs, ako na lang mag-isa pumunta sa practice area ng anagapesism.

Ngumuso ako sa panghihinayang. He would have loved to watch them! He was a fan. Balang araw ay sabay kami makakanood ng gig nila.

"What's this?" masungit na batid ni Kile nang kuhanin ko ang kamay niya.

I opened the handcream I bought for him and decided to rubbed it gently on his hand. His lips parted as he furrowed his eyebrows while watching me.

"Remember when you helped me crossed the street? I noticed your hands needed some care," I told him, it had calluses probably because of how rough he plays his bass guitar.

Hinayaan niya lang ako lagyan 'yung kamay niya. I beamed at him after I finished tending his hands. Binigay ko sa kanya 'yung handcream.

I glanced at him and he was looking at it with his skeptic eyes, naniningkit na naman. Para talaga siyang pusa, always so cautious.

"Start taking care of yourself more po." I whispered to him. Sayang, maganda pa naman ang mga kamay niya.

"Philomena! Meron ka pa bang ginawa? This is so good!" dighay ni Naiara. "Gusto ko pa!"

"Philomena, may boyfriend ka ba?" North asked, also savoring the churros I made. Kumuha siya ng tissue upang punasan ang kamay niya na may cinnamon powder.

Tamad na lumingon si Kile sa kanya at tumaas ang kanyang gitnang daliri para kay North.

"Chill! Nagtanong lang," halakhak ni North. "Di ko kasi maisip kung bakit wala."

I started fidgeting my fingers. Honestly, I couldn't see myself hanging out with the opposite gender. Hindi ako hiyang makipagusap sa mga lalaki, but Iscalade made me realized that I can actually talk with other guys without acting too awkward.

"Philomena, huwag ka na mag-boyfriend!" Naiara yelled, even if her mouth was full of churros. "Ako na lang! Gawin mo na lang akong girlfriend! You're so precious, walang lalaki ang babagay sa'yo. Kaya tayo na lang."

"Akala ko ba crush mo 'yung bestfriend nito ni Philomena?" Enoch lifted an eyebrow. Binaba niya ang drumsticks niya upang uminom ng tubig.

"Who needs Iscalade when I can have Philomena?" Halakhak ni Naiara. "Kidding! Syempre crush pa rin! Ang ganda ng taste ni Iscalade sa mga kaibigan niya."

Naiara likes Iscalade...

Para talagang pinipiga ang puso ko kapag naririnig 'yon. I don't mind Iscalade having girlfriends but if that happens...

Paano na ako?

Syempre, magiging priority niya ang girlfriend niya. At baka nga, iwan na niya ako mag-isa. I'll understand if that day comes. I'll always be wanting what makes him happy...

Pero huwag naman sana ngayon. Sobrang sanay na ako sa presensya niya, imagining him trying to leave me behind is already shattering me.

Napatingin ako kay Kile na malalim din ang iniisip habang nakatingin sa akin. He probably notice the shift of my mood.

"Paano 'yan magkaka-boyfriend? Titingin ka pa nga lang sa kanya, parang kasalanan na?" Ngumisi si Kile at agad naman akong ngumuso.

"Akala ko kasalan na..." North guffawed and Kile only scoffed.

❛ ━━━━━━・❪ ❁ ❫ ・━━━━━━ ❜

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro