Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Pursuing Anagapesism


P u r s u i n g
A n a g a p e s i s m

“I had to cancel the gig, I’m so sorry. . .” Manager Rhi apologized. Lumingon kaming apat sa kan’ya, she bit her lower lip and her eyes were slowly forming tears.

Nasa backstage kami ngayon at hinihintay na lang ang tawag mula sa harapan pero halos magi-isang oras na ang nakalipas, hindi pa rin tinatawag ang banda namin. This was a small gig from a local resto, hindi rin naman pang-hardcore ang tugtugan kaya pinatos na naming apat. We’re too bored to not accept it. Pero mukhang nagkaroon ng problema dahil ang manager namin ngayon ay halos nanginginig na sa pag-iyak.

Sumilip muna ako sa harapan at nakitang may banda na ngang tumutugtog, mukhang hanggang mamayang closing time na rin sila. I removed my mask and fixed my white shirt. I opened a few buttons because it was hot.

“Hala ate, huwag ka umiyak. . .” panga-alo ko sa kan’ya. Wala naman talaga kaming habol dito kundi ang tumugtog ulit.

“Nai, hindi naman porke’t sinabihan mo siya na huwag iiyak ay titigil na ang luha n’ya.” Enoch frowned at me, slowly getting up from his seat. Siguro ay tanggap na rin na hindi kami tutugtog ngayong gabi. He was wearing his usual checkered shirt with a white shirt underneath it. Ang magulo n’yang kulot na buhok ay lalo lamang nagpapakita ng pagiging gwapo n’ya. Hawak-hawak n’ya ang drumsticks n’ya, he’s playing with it boredly.

If he wasn’t a big playboy, I’ll probably admit it in his face that he’s indeed one of the good looking friends that I have. 

Enoch dramatically sighed. “Stop, tears. This isn't you. . .”

“Loko!” I hissed at Enoch. Nagawa pa n’ya talagang magbiro sa harap ng umiiyak naming manager.

“May banda na kasi na nauna sa inyo, akala ko ay kayo pa rin ang kinuha kaya. . .” hiyang-hiya ang tono ni Rhi habang patuloy ang pag-iyak.

Napabungtonghininga naman ako. Pakiramdam n’ya siguro ay magagalit kaming apat dahil nasayang ang oras namin. Time is gold, totoo naman. Pero hindi naman ‘yon rason para magalit kami sa gan’yan lalo na ngayon na nagkaroon lang naman ng hindi pagkakaintindi.

“Rhi! Okay lang ‘yon! May susunod pa naman,” North said, our vocalist. Lumapit ito kay Rhi at inabutan siya ng bottled water. “Sa susunod na lang siguro, hindi rin naman kami atat na atat na mag-perform ulit.”

Dumagdag siguro sa pressure sa kan’ya ang ilang setbacks na nangyari sa banda. Marami rin kasi ang nangyari sa amin nitong mga nakaraang buwan kaya baka akala ni Rhi na sisihin namin siya sa nangyari na ito.

“I’ll announce it in our page, sana lang ay hindi masyadong magalit ang mga manonood dapat sa inyo.” Rhi sighed and took her phone out from her pocket. Balisa siya habang nagtitipa sa kan’yang cellphone.

Kinabahan kami nang mapansin ang pamumutla ni Rhi matapos mag-type sa kan’yang phone. From her face, ramdam na namin na may nabasa siyang hindi kaaya-aya. Hindi ko naman sinasadya na maging tsismosa pero tiningnan ko kung ano na ang nangyayari sa page.

My eyes widened upon seeing the backlash. Mukhang gustong-gusto na kaming makita o makausap man lang ng mga fans namin. Inaatake nila ang page dahil paasa raw ang mga ito. Some of them were even threatening to report the page much to my dismay. Halata na ang iba sa mga tigahanga namin ay bata pa.

ILABAS NYO ANG ANAG

PAASA! Tagal-tagal naming hinintay ang anag!

Grabe matatapos na ang taon pero tinatago n’yo pa rin ang Anag sa amin!

Napangiwi naman ako. Sometimes people don’t really think when they post mean comments like this, basta-basta na lang silang naglalagay ng mga opinyon na baka makapanakit ng kapwa nila. Sinipat ko ang manager namin na nanginginig na dahil siguro sa mga nabasang komento.

“H-hindi ko alam ang gagawin. . .” Rhi sobbed quietly. It was probably making her feel nervous since some of our fans know that she handles the page and the gigs. Nakakatakot nga naman kung siya ang masisisi.

“Damage control na lang ba gagawin?” Enoch asked.

“P’wede naman siguro magkaroon ng gig sa susunod na linggo,” ani North na nakakunot na rin ang noo. “Hayaan mo na ‘yan, Rhi. Kami na gagawa ng paraan. . .”

“We can have a meet and greet, para pambawi?”

“Atat na nga sila. You can’t blame them, it was a month's preparation. . .” Enoch reasoned out, humilig siya sa isang pader bago pinaikot-ikot ang isang drumstick gamit ng kan’yang mga daliri. He jutted out his lips.

Lalong naging lugmok ang mukha ng manager namin. Rhi understands that she was partly at fault, pero may mababago pa ba kung sisisihin namin siya? Wala rin naman. Sayang lang sa oras kapag gano’n. We should focus on how to get the solution instead of the problem.

“Don’t worry, there’s a way to interact with them, virtually though.” Kile finally spoke and patted Rhi on her back. “Tahan na, kami na bahala rito. Di ba, Enoch?”

Kile is the bassist of the band. He was wearing a black shirt and tattered pants, marami rin siyang piercings ngayon dahil sa pagkakaalam ko ay kapapalagay n’ya lang ng bago no’ng isang araw. It meant something to him so we don’t really force him to tell us something about it. Hinahayaan lang namin siya kung saan siya magiging masaya.

Si Enoch naman ay nabigla, he was caught off guard yet he cleared his throat. “Yeah sure. Gagamit na lang kami ng kumu.”

“Ng ano?” North urged Enoch to repeat it. Kahit ako ay medyo kumunot ang noo nang may banggitin siya na pamilyar naman sa akin pero alam ko na hindi ko pa nasusubukan.

“It’s a live streaming app,” Enoch explained smoothly. “I use it often to watch some of my friends. P’wede tayo roon bumawi para sa kanila. They can download it on the app store so it won’t be a hassle on their side.”

He was right. Kung app nga naman na matatagpuan lang sa app store, hindi na nila kailangan pang mag-travel para makausap kami o mapanood kami. In that way, we’ll be able to still interact even if it’s virtually.

“Although we have to move to a place where we can live stream in peace.”

“P’wede ba sa bahay n’yo, Enoch?” I asked. Si Enoch din kasi ang may pinakamalaking bahay sa aming apat. Enoch shrugged off and looked at Kile who was furrowing his brows.

“What?” tanong ni Kile.

“Sa bahay n’yo na lang? Mas maganda kasi kung tahimik ang paligid.”

Kile contemplated answering yet in the end, he sighed and nodded. “Let’s just be quick.”

Napangisi naman si Enoch at nagyaya na siya na ang magiging driver patungo sa mansion nila. Although we can stay in his pad, mas tahimik mismo ang mansion ng mga Conjuanco dahil hindi naman madalas na nandoon ang buong pamilya. He’s from a political family, sana nga hindi maging dinastiya dahil hindi ko nakikita si Kile na tatakbo bilang public servant. Although his career path is connected to it, sana lang ay hindi siya sumunod sa ama n’ya.

His father is mostly visiting different places. Probably the reason why Kile doesn’t like staying there. Ang lungkot din kasi na ang laki-laki ng bahay n’yo pero hindi naman nagkikita-kita ang mga tao roon. It really feels lonely to live in a huge mansion.

Traveling there wasn’t that long, nagpa-iwan na si Rhi upang makausap ang organizer sa kung ano ang nangyari sa gig at kung bakit ito naudlot. Nakatulog din ako sa biyahe kaya pagkagising ko ay nasa harap na agad kami ng gate at nilakad na lang namin ang papunta sa bulwagan ng mansion.

“Sir. . .” a helper immediately went Kile's way. Sinalubong kami nito ng isang tipid na ngiti.

“Saglit lang kami,” Kile answered in a bored tone. “Juice na lang saka?”

Lumingon sa amin si Kile, probably urging us to tell him if we want to eat anything. Umiling ako at sumunod naman ang dalawa kong kasama. We already ate in the resto earlier. Gagawin lang  namin ang live stream at hindi rin naman magtatagal dito.

I could feel the loneliness in each corner. Kahit malaki at malawak ang bahay nila Kile, it feels empty and sorrow can be felt in the walls. Kaya siguro hindi masyado nagku-kuwento si Kile tungkol sa pamilya n’ya dahil bukod sa mukhang hindi sila close, para rin talagang wala siyang makukuwento na masaya tungkol dito.

“Nagtataka nga rin ako bakit sa resto kanina ‘yong gig?” Kumunot ang noo ni Enoch. “Gano’n na ba tayo ka-in need?”

“No, it was probably because Rhi didn’t want us to feel pressured to perform. Ilang buwan din tayo tumigil, ‘di ba?” sagot ko kay Enoch. We had to stop performing for various reasons. Hindi rin naman talaga seryoso ang pagbabanda sa amin.

It’s a breather from the chaos coming from within ourselves. Pakiramdam namin kapag nasa banda kami, hindi kami ‘yong mga taong may kan’ya-kan’yang bubog sa puso na hindi magawang matanggal dahil takot kami na baka hindi namin kayanin. We were so accustomed to the pain that we can’t imagine how it feels without it.

Bago kami umakyat ay namataan ko ang bunsong kapatid ni Kile na nakatanaw sa amin. He was playing with his lips while staring at us. Nang mahuli n’ya ako na nakatitig sa kanya, Kiran’s lip formed a quick smirk.

“Hi po, Ate Naiara. . .” he greeted me and made the other members look at him. “Hello po, Kuya North, Kuya Enoch at Kuya Kile. . .”

Enoch stifled a laugh. “Hello po. Ang galang mo naman po parang kahapon lang nakita kitang nakikipag-ano ah. . .” Enoch finally laughed.

“Kumain ka na po, Kuya Kile?” may malokong ngiti si Kiran. “Nag-bake po ako ng cookies.”

“Pfft,” North coughed to suppress his laughter. “Sana all po, baker. . .”

“Hilig ko rin po maging biker!” Kiran cheerfully said. Nanglaki ang mata o bago tuluyan pinakawalan ang tawa sa aking bibig. Ngayon ko lang nakuha ang mga references ni Kiran! No wonder he was acting nice! He was imitating someone from Kile’s past.  . .

Iritadong umakyat si Kile habang kami naman ay nagpipigil ng tawa na sumunod sa kan’ya. We had to because if Kile is pissed off, talo kaming tatlo sa kan’ya pagdating sa asaran. Mas pikon kaming tatlo kumpara kay Kile.

Enoch set up the livestream inside the available room that we’re currently in. Siya ang mas nakakaalam ng mga pasikot-sikot sa live stream app. Hindi ko nga lang alam kung bakit ako ang binoto nilang host para sa mismong live stream. Sinuot ko ang mask ko at huminga nang malalim bago tuluyan binuksan ang aking camera.

“Hello guys!” I gleefully greeted them through the screen, medyo nanginginig pa. Mabuti na lang na sa page na-announce na sa kumu na lamang kami magkikita-kita, kaya mas madali kaming nahanap ng mga fans namin. Some of them were sending virtual gifts and it made us feel overwhelmed. Halos hindi ko na maaninag ang screen dahil sa kung anu-ano ang lumalabas sa mismong harap namin. It was flattering to read comments of wanting us to perform.

Wow.

This seems to be fun.

“Para saan ‘yong pulang kabayo?” North asked in confusion. Dahil sa sinabi n’ya ay mas lalong dumagsa ang ganitong klaseng virtual gift. Namula naman si North at umiling-iling.

“Grabe naman kayo sa amin? Thank you sa pag-welcome!” I said, trying to change the pitch of my voice.

“Song request? Kakanta ba tayo?” Kile frowned upon seeing a song request appearing on our screen. Natatawa lang sa amin si Enoch dahil halatang bago lang kami sa mismong app.

I cleared my throat. Grabe, wala pa nga kaming ginagawa pero pinapaulanan na kami masyado ng mga regalo. It made us feel so welcome in this app. I fixed my disguise and smiled at the camera. “We’re so grateful for your time and your gifts! Before we perform a quick song session, we’ll be answering some of your questions! Tingnan nga natin kung ano ang pinakagusto n’yong malaman. . .”

I peered at the comment section and saw kilenation’s name.

KILENATION: KILE KWENTO MO NAMAN PAANO KA NA-IN LOVE SA AKIN

I laughed. This girl, really! Kilala ko siya dahil madalas siyang tambay sa mga social media namin upang suportahan kami. Although she definitely had a favorite among us, hindi naman namin ramdam na solo stan siya.

“So, we’ll be talking about our love lives, huh?” I chuckled, almost evilly. Kita ko ang pamumutla ng tatlong kasama ko. Their faces turned as white as a sheet of paper. Mas marami kasi silang tinatago sa akin kaya naman dapat lang na mas matakot sila!

“Syempre, mauuna si North! Mag-kwento ka naman tungkol sa lovelife mo,” I urged North, nudging him on the side. Magkakatabi lang naman kaming apat. P’wede naman kaming maghiwa-hiwalay ng camera pero mas gusto naming nagsisiksikan kami.

“Tulad ng?” ani North, napalunok na lang at halatang takot na baka may mabunyag siyang hindi dapat.

“Past relationship? Advice?”

North shifted his weight before looking at the camera. “Ah, kasi. . . galing ako sa isang mahabang relasyon. Naniniwala kasi ako na ang unang pag-ibig ko na ang magiging huli ko. Gusto kong binibigay ang lahat sa una ko para walang rason para hindi na siya ang maging huli. . .”

Sumipol si Enoch. “Sakit mo naman.”

Nanantiling nakatingin si Kile kay North, binabantayan siguro kung hanggang saan ang kayang ikwento ni North sa mga nanonood.

Bigla akong napaiwas ng tingin. Ah, wrong move. Hindi ko na pala dapat natanong pero mahihirapan naman akong bawiin. I bit my lower lip. Sabi ko na nga ba hindi ako magaling na host!

“Pero hindi talaga siguro lahat ng unang pag-ibig ay nagtatagal. . . kung magtagal man, huwag na lang siguro tayo umasa na ito na rin ang magiging huli. Ayun lang siguro ang makukuwento ko tungkol sa akin? Ayoko magbitaw ng pangalan dahil alam ko naman na masaya na siya na wala ako.” Ngumiti si North bago yumuko at kinuha ang isang bottled water upang uminom.

“Ako naman!” agaw ni Enoch sa camera. “Shout out sa ex ko na si Caitlyn! Saka si ano! Minahal ko naman kayo pero naniniwala rin kasi ako na the best love is self love!”

“Huy bawal ‘yan!” I laughed.

Enoch chuckled lazily in return. “I have a lot of exes and most of us end up as friends. Huwag lang siguro matakot umibig ulit? I believe exploring when it comes to love numbs you from feeling pain because of it.”

Umiling-iling naman ako. Enoch really doesn't take relationships seriously. Hindi na rin ako nagtaka sa sagot n’ya sa akin. Sumunod naman si Kile at umiling. Napanguso naman ako dahil ang damot talaga kahit kailan.

“Kile! Dali na! Kahit kaunti lang,” I urged him. Lalong nag-ingay ang mga nasa comment section.

Tumikhim si Kile. “May crush ako dati kasi. . . inaalagaan n’ya ‘yong stray cat sa harap ng school namin. Pero hindi ko nakuha pangalan n’ya. First crush ko ‘yon. . .”

“Kile, what if ako ‘yon?” I teased him. Kumunot naman ang noo ni Kile sa akin. I laughed and shook my head. “Kidding! Takot ako noon sa pusa dahil mahilig ako sa siopao! Kung sino man ang nagpakalat ng masamang tsismis na ‘yon noon, dahil sa ‘yo kaya hindi ako ang first crush ni Kile.”

“Huy, N!” Halakhak ni Enoch. My eyes widened because I realized that I was being out of character.

“So, ako naman. . . I had a few relationships too. Masaya naman ang iba kahit nasaktan din ako! Pero gano’n naman talaga sa pag-ibig, minsan kailangan natin masaktan para matuto tayo. Kaya hindi dapat tayo nawawalan ng pag-ibig dahil isa ito sa rason bakit patuloy tayong natututo kahit patuloy din tayong nasasaktan ng iba’t ibang aspekto ng buhay.”

We sang a few of their song requests after answering some questions. Mabuti na lang na may instruments si Kile sa loob ng mansion nila. Nang mapagod na kami ay pumili lang kami ng isang aakyat para kahit papaano ay may makausap talaga kaming fan. I picked randomly and saw a weird username.

KileFanMOAQ

“Okay user, KileFanMOAQ, welcome!” I encouraged the fan to join us. Nagulat lang ako dahil isang pamilyar na mukha ang sumalubong sa akin.

A guy with a cheeky grin appeared on our screen. Hawak-hawak n’ya pa ang kan’yang labi na tila ba nagpipigil ng tili. Natauhan lang siya nang mapansin siguro na naka-open cam siya. Sanay naman na kami na may mga fanboys din kami pero. . .  shocks, crush ko ‘to dati e.

“Hi po. . .” Iscalade chuckled awkwardly. “Bakit naman open cam. . .”

Agad na sumabog sa kakatawa ang dalawang loko-loko. Si Kile naman ay nanglalaki ang mga mata dahil kay Iscalade na hindi alam kung saan titingin. He probably didn’t know that joining will open his cam. Kitang-kita tuloy namin siya na mukhang naiyak pa dahil napili.

“Fan ka pala ni Kile. . .” Enoch chuckled and playfully leaned on Kile’s shoulder. “May kaagaw pala ako sa pagiging number one fan ni Kile.”

“Shut up,” Kile blushed. Hindi alam kung saan titingin dahil mukhang nahihiya rin siya kay Iscalade na ngayon ay mukhang tutang naliligaw.

“May message ka ba kay Kile? May request ka ba?” tanong ko kay Iscalade. “Bago ko i-end ang live stream na ito?” I laughed.

“Uh, may tanong lang ako. . .” Iscalade drew a deep breath. “Sino’ng mas pogi sa atin dalawa, Kile? At bakit ako ‘yon?”

Bumunghalit ang tawanan namin. Kile grimaced and he pretended like he wanted to vomit. Umiling-iling naman si Kile. “Alam mo, huwag ka masyadong natutulog dahil nananaginip ka lang ng gising.”

Napatingin si Iscalade sa itaas bago ngumiti muli sa kan’yang screen. “Pa-followback naman sa social media accounts ko.”

Ngumiwi si Kile at umiling.

“Okay guys! It’s a wrap, we truly enjoyed our stream! Babalik kami rito sa kumu, don’t worry!” I said and waved my hand in front of the screen.

I ended the live stream after that. Napahiga ako sa kama habang mga kasama ko ay tinatawanan ako. Nakita ko si Kile na nakakunot ang noo habang nagtitipa sa cellphone. Tsismosa ako kaya naman sinilip ko kung sino ang kausap n’ya.

I saw Iscalade’s name and Kile was replying to his message. Hindi ko tuloy maiwasan na tingnan ang mga chat conversation nila, hinayaan naman ako ni Kile na sumilip.

Iscalade:
I can explain. Old username na talaga ito. I am not A FAN.

Kile:
gege lungs.

Iscalade:
Pero ang galing mo talaga hehe. 😵🥳

Kile:
aw talaga ba? :( tenks lods, wag ka magbabago.

Iscalade:
TALAGA <3 Gaya ng pagmamahal ni Philo sa akin na hindi nagbabago 😁

Kile:
loh pangit ng ugali.
screenshot ko to
isend ko kay philo

Iscalade:
JOKE LANG PO.
Ily philo <3 Pasama sa ss if ever 😘

Kile:
anuba gusto mo ba ako
bakit mo ako chinat

Iscalade:
Hindi mo na ba talaga crush si philo???? Kasi ayoko naman may lods ako na may feelings sa loml ko 🥺😔

Kile:
ang dami mong alam, tumahimik lang ndi.
pero uu nga, wala na nga.
I don’t really like lingering on the happiness of others.

Iscalade:
HUHU Love you, lods. The best ka talaga 🥺 Hindi na ako mat-torn.

Kile:
Iscalade, kabahan ka na baka mas kinikilig ka na sa akin kaysa kay Philo :////

Iscalade:
NO, Philo forever and ever ako! 🤬🤛

Kile:
Ingatan mo ‘yan ah. Not everyone finds the correct love. Sa dami ng maling pag-ibig sa mundo, panghawakan mo ang pag-ibig na alam mong totoo sa ‘yo.

Iscalade:
HUY SERYOSO MO NAMAN, pero ito na talaga! Last naaa

Kile:
?????

Iscalade:
PhilosophyOfKile.docx
written by ISCALADE ALTREANO :D di mo kinaya, talo ka na sa akin. Pogi na, poetic pa. Iingatan ko talaga kay Philo! Ikaw rin! Magi-ingat ka sa mamahalin mo! Support support <3

(:̲̅:̲̅:̲̅[̲̅:♡:]̲̅:̲̅:̲̅:̲̅)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro