Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

World 01

-ˋˏ ༻☁︎༺ ˎˊ-

"Jerald," kinalabit ko ito ng mahina.

Sa unang kalabit ay hindi ko nagawang agawin ang mata niyang nalulunod sa kawalan. Sa pangalawang kalabit naman ay nakita ko ang mahinang pagtalon ng kaniyang balikat. Sa pangatlo, doon ako sinalubong ng kaniyang nakakahalinang mata.

Magkatabi kami ngayong nakadungaw sa teresa ng maliit kong apartment. Sabi ng mga nakatatanda ay bawal daw kaming magkita ngayong gabi. We both insisted anyway. I mean, no. Jerald insisted that we should meet.

Sa ganitong karaniwang gabi, sanay na ako na katahimikan lang talaga ang bumabalot saamin. Peaceful silence filled with love is greater than lively surrounding filled with fake feelings. Sa usaping 'yun kami unang nagkasundo ni Jerald. Yeah, I can say that we're both introverts. Naalala kong marami-rami ang nagsabing opposite attract at hindi kami compatible sa isa't isa — we're too in love to care.

Hay. Siguro nga kung karaniwang gabi lang ito, hindi nag-uumapaw ang kabang nararamdaman ko ngayon. Kaso hindi lang ito simpleng "ay pumunta si Jerald kasi miss niya na ako ang sweet". More like. . . more like. . . Stop it, Mary. Unhealthy ang overthinking. Or is this even overthinking?

Natatantsa kong ilang minuto rin akong nangapa ng sagot sa mga mata niya. I tried swimming in his mysterious sea of thoughts. I paddle my arms quick enough to save myself from drowning. But I did drown anyway. The moment I saw his perplexed eyes, the constant paddling of my arms weakens. At doon, hinayaan ko nalang ang sarili kong malunod.

Umiwas man siya ng mata o hindi, both are hurtful enough to make my heart bleed. Sa huli, ako nalang ang umiwas. At hindi kagaya dati na sa tuwing hinahawakan niya ang kamay ko ay napapangiti ako, ngayon ay pwersahan kong kinagat ang aking nanginginig na labi. Nagpanggap ang mga mata kong naghahanap ng bituin sa langit para lamang magkaroon ng dahilan upang tumingin sa taas. Baka mapigilan noon ang nagbabadyang luha sa gilid ng mata ko.

Am I being too sentimental? Damn it! I have the fvckin right to be!

Humigpit ang hawak niya sa kamay ko kaya medyo kumalma ang paghinga ko. Pumikit muna ako sandali bago ibinalik ang higpit ng kapit sa kaniyang mga daliri.

"Mary. . ." He whispered my name like it was some kind of magical spell.

Dito ay unti-unting nahalina ang aking paningin na salubungin muli ang kaniyang malamlam na titig. Mukhang isa nga talaga itong gayuma. His eyes silently lure my system that he won't hurt me. Hindi ko alam, hindi pala ang titig ang makapananakit sakinkundi ang kaniyang tinig.

Our eyes locked just as the same moment he broke the remaining spell, "I have something to confess."

Shit with a smiley emoticon.

Buhol-buhol man ang isipan ko, sinubukan ko pa ring gawing magaan ang sagot sakaniya. "Confess? Eh! Just save it for your vow tomorrow. Spoiler naman nito!"

Nakahinga ako ng 0.00001 nang makita ang pag-angat ng sulok ng kaniyang labi. Ngunit bumalik rin nang mawala ito kaagad. Just before this could go into some worst case scenario, I bid good night.

Peke akong humikab at nag-inat ng kamay, "Jerald, dis oras na ng gabi. We should sleep na." Tinapik ko pa siya sa kaniyang balikat bago umalis.

I can't hear it right now, I'm not ready. And I think I would never be ready.

-ˋˏ ༻☁︎༺ ˎˊ-

"Lampa, hurry up and catch me!" Matamis na halakhak ang bumalot saaking tenga. Nakakapagtaka man ang paligid na kinaroroonan ko, ramdam ko pa rin ang saya habang nakayapak akong tumatakbo sa damuhan.

"Lampayatot, I'm here~" Napalingon ako sa isang direksyon at doon bumungad saakin ang isang batang lalake. Maliwanag ang ngiti nito na para bang isa siya sa mga namumukadkad na bulaklak sa tuwing nasisilayan ang haring araw.

"Habulin mo 'ko~" Kusang lumabas ng pakanta ang hangin sa bibig ko. Malayo man ang distansya ng hagikhik namin ay nagawa pa rin nitong lumikha ng musika.

Tinalikuran ako nito at pilyong isinayaw ang kaniyang pang-upo na tila isa siyang bubuyog. Hindi ko na inaksaya ang panahon ko at sinugod ko siya. Ilang segundo pa siguro siyang nagsasasayaw doon bago niya ako nakitang papalapit na sakaniya.

"That's cheating!" reklamo nito habang tumatakbo. Binelatan ko lang siya at mas sumaya nang mapansing lumiliit nalang ang distansya namin sa isa't isa.

"Wait, bata! I can't run anymore." Hinihingal akong sumalampak sa damuhan. Sa sobrang pagod ay ipinikit ko ang mata ko.

"Are you okay?" gulat na napamulat ang mata ko nang maramdaman ang dalawang palad niya saaking pisngi. Umayos ako ng upo ngunit nanatili ang kamay niya doon. Kyuryoso naman ang mata nito habang nakatitig saakin.

"Taya..." Wala sa sarili kong sambit at mahinang tinapik ang kaniyang balikat.

Nagsalubong ang kaniyang kilay sa ginawa ko. May sasabihin dapat siya ang kaso natabunan 'yun ng isang sigaw sa malayo.

"Baby, we're going home na! Say bye to your friend, hurry."

Sumimangot lalo ang mukha ng batang lalake. Naghihintay lang ako sa mga susunod niyang gagawin. Nang tumayo ito ay may kung anong pumitik sa loob ko.

"Lampayatot, we'll play again. Ako ang taya kaya dapat hindi ka na lampa. Okay?"

Ramdam ko ang init ng mata ko sa biglaang pagmulat. A dream. About him. Again.

Umayos ako ng upo at napalingon sa gilid ko. Walang nakahiga. Umuwi kaya siya? I thought he'll sleep beside me considering the time. . . and of course, ako 'to eh. Kailangan pa ba ng ibang dahilan para tabihan niya ako?

Imbes na mabaliw sa kakarinig sa ka-toxican ng isip ko, pumunta nalang ako sa kusina para uminom ng tubig. Baka sakaling maginhawahan ang sistema ko. Ang kaso nga lang ay halos mamatay na ako sa gulat nang may kumalabog sa isang sulok. Siguro dahil sa taranta ay natawa ako. Pero kaagad ko ring hinilamusan ng kamay ko 'yung mukha ko para magseryoso.

Teka. . . galing ang ingay sa. . . sa kwarto ni Jerald?

Without a second thought, I started marching towards there. Pinaghalong pagkagulat at pagtataka ang naramdaman ko nang makita siyang nakasalampak sa sahig na may nakayukom na kamao.

"Jerald?" Napansin kong may puting papel siyang hawak rito na agad niyang tinago nang makitang doon ako nakatingin. "Ano 'yung hawak mo? Can I see it?"

"Ito? Ah, hindi ito importante," ibinulsa niya ito, "why are you awake? It's already morni—"

"Patingin? Kahit mabilis lang. . ." I negotiated foolishly.

Nilapitan niya ako nang may lungkot sa kaniyang mga mata. Pinunasan nito ang luha saaking pisngi na hindi ko alam kung kailan nagsimulang bumuhos. "Mary, don't cry..."

Umiling ako sakaniya at nanghihinang hinawakan ang kamay niyang may hawak ng papel. Nangusap ako sakaniya gamit ang aking paningin, "Please?"

"This is just a paper."

"Really?"

"Yes."

"Then let me see it."

"Mary..."

"Jerald?" I looked at him straightly as I felt a tear escaped. This moment, his fist weakens. The paper, that turns out to be a picture, fragilely kissed the floor.

"A photograph? Of whom?" My question aired the room.

Nakaiwas ang tingin nito nang sumagot ng: "My f-first love. . ."

Siguro sa oras na ito, literal na naestatwa ako sa pinaghalu-halong isipin at pakiramdam. It was like reading three lines of subtitle below and there is another two lines above and the main scenario in the movie — hindi ko alam kung saan ako tututok. Nakakahilo. Nakakabaliw. Kaya kinailangan ko munang pindutin ang pause button at dahan-dahang huminga.

Una babasahin ko ang subtitle na nasa baba: Jerald has a picture of his first love. Pangalawa ay 'yung nasa taas: Sino ang first love niya? Pangatlo ay titignan ng mabuti ang main scenario: bakit nagagambala kami ng ganito ng first love niya?

Hinga. "Explain yourself."

"She's a girl I swore to marry exactly 20 years ago today," nanghihina man ang boses niya pero pansin ko ang bilis ng pagkakasabi niya na para bang napapaso siya rito.

Nanlamig ang buo kong katawan. "Do you love her still?"

Habang naghihintay ng sagot at para na rin malibang panandalian ang sarili sa sakit, dinampot ko ang picture sa sahig. Manhid ko itong tinignan.

"My conscience is killing me. . ." Napangiti ako habang mariing tinitignan ang larawang hawak. What a safe yet complicated answer.

Mukhang mahal na mahal ni Jerald ang babaeng nasa picture ah?

Napahikbi ako sa naisip ko. Hanggang sa napaupo ako sa sahig at humagulgol.

Dinaluhan niya ako sa pagkakasalampak ko sa sahig. Alam kong sa oras na ito ay nag-aalinlangan siyang lumapit saakin. Takot siyang nakikita akong umiiyak.

"M-Mary, stop crying please. . ." Muli nitong pinunasan ang aking mga luha. "Don't worry I'm just guilty. I love her, yes, but I love you more than her."

"N-No, Jerald..." Umiling ako sakaniya at tinulak palayo ang braso niyang umaambang yayakap. Hindi na ako nag-abalang punasan pa ang luha ko dahil tuloy-tuloy pa rin ang agos nito. Instead, I used my trembling fingers to get my necklace's pendant.

"I also have a confession to make. . ."

"What do you mean?"

"It's exactly 20 years ago where I last saw a little boy who had this sweet voice. Palagi akong dinadalaw ng memorya niya sa panaginip ko. Hindi rin sya mawala-wala sa isip ko," I exhaled deeply.

"Mary. . ." I can see the twinkling in his eyes.

"And guess what?" Ipinakita ko ang picture na nasa loob ng aking pendant. "Ako 'yung batang babae sa picure."

Itinapat ko ito sa hawak niyang litrato. It perfectly matches. Silence aired us both. We just stared at each other until he sweetly smiled at me.

"M-Mary?" Hinawi niya ang mga buhok na nakatabing sa aking mukha.

"Hmmm?" I closed my eyes as I whispered.

Then I felt his soft lips on my forehead, "Taya, lampayatot."

-ˋˏ ༻☁︎༺ ˎˊ-

"Wait!" I screamed as loud as I could for him to hear me. Busangot man ang mukha niya ay napangiti pa rin ako nang lingonin niya ang tawag ko.

"What is it bata?" Hindi ito nakalapit saakin dahil nasa pintuan na siya ng sasakyan nila.

I run towards his direction. Huminga muna ako sandali bago ko binuksan ang pendant ng kwintas ko at kinuha ang laman nito."Oh iyo nalang!"

"Gagawin ko dito?" Nagtataka niyang tanong.

Kumamot ako sa pisngi ko at nag-isip ng pwedeng isagot. Nang walang pumasok na ideya ay nagkibit balikat nalang ako. "Ewan ko sayo, bahala ka!"

"Ayoko nga nito!" Kinuha niya 'yung kamay ko at ibinalik ang picture. "Mawawala ko lang 'yan."

Humangin ng malakas kaya't nilipad ang picture papunta sa damuhan.

"Eh! Bahala ka." Tumakbo ako para pulutin ito. Binato ko ito sa mukha niya. "Sayo na nga 'yan eh!"

"Kulit nito!" Reklamo niya tsaka kinuha 'yung picture. "Osige na nga, akin na 'to. But you have to marry me after hmmm. . . ilang years ba pwede?"

"1 months!!"

"Anong 1 months?! Masyadong mabilis! Dapat 1 years!"

"1 months!!!"

"1 years!!"

"Oh, bakit kayo nag-aaway?" Sabay kaming napatigil ng batang lalake nang magsalita ang mama na nagtitinda ng lobo. "Kanina lang ay magkalaro kayo ah?"

"Siya po kasi sabi niya I will marry him after 1 years pa! Gusto ko 1 months lang!" Nagsimula akong umiyak.

"Eh ang bilis lang ng 1 months eh. Hindi pa nga kami finished mag-school n'un!"

"Nako nako. . ." Tumawa 'yung mama. "Alam niyo ba ang kasal?"

"Hindi po!" Sabay naming saad.

Natawa ulit 'yung mama na para bang may mali siyang nasabi, "Eh 'yung marry?"

"Kapag po nag-marry ako ng girl, siya na po 'yung palagi kong kasama until my hair gets white po!" Sabi n'ung batang lalake.

"I want to marry him para po hindi ako mag-isang lalaki. Tapos maglalaro kaming taya-tayaan palagi!"

"Hmm..." Kinamot nung mama 'yung ulo niyang walang buhok. "Kung ganoon ay kailangan bago niyo i-'marry' ang isa't isa ay may trabaho na kayo. Para may pambili kayo ng lobo. Siguro ay matapos ang dalawampung taon ay pwede na kayong magpakasal."

"Dalawampung taon?" Taka kong tanong. Nagsimulang magbilang ang batang lalake. Ang kaso ay bago pa siya matapos sa kaniyang pagbibilang ay hinatak na siya paloob ng kaniyang Mommy.

Dahil doon ay malungkot akong naiwang mag-isa. Ang mamang nagtitinda ng lobo ay umalis na rin. Akala ko nga ay uuwi na ako ng malungkot pero hindi.

Sumigla ang mukha ko ng makita ko ang mukha ng batang lalake na nakasiwang sa bintana ng kanilang sasakyan. Kumakaway-kaway ito para makuha ang atensyon ko.

"Twenty!" Sigaw niya. "After twenty years I will marry you!"

Sa taranta at gulat na naramdaman ko ay napatango nalang ako. "Okay!"

"Twenty years ah! Mag-aral kang mabuti... para magkatrabaho... para... pera tayo... tapos... saya..."

Hindi ko na naintindihan lahat ng sinabi niya at isa lang ang natandaan ko: "Twenty years at ime-marry niya ako."

-ˋˏ ༻☁︎༺ ˎˊ-

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro