Walo
Ito na nga ba ang sinasabi ko.
Natuto ka na umibig.
Pero hindi sa'kin.
Kay Zia mo nalaman ang kahulugan ng pag-ibig.
Sa childhood sweetheart mo lang naman.
Ang sakit, sobra mahal.
Ang hirap lang naman kasi ng kalaban ko.
Ano namang laban ko sa kababata mo?
Walang binatbat 'yong isang taong kasama kita, kumpara naman sa mga ala-ala na binuo niyo mula pa no'ng inyong pagkabata.
Hindi na din pala tayo nakakapag-usap.
Hindi na din natin nagagawa 'yong mga bagay na ginagawa natin dati.
Ah, alam ko na.
Siguro busy ka kay Zia.
Pero okay lang 'yon mahal.
Basta kapag may kailangan ka, lagi lang akong nandito sa tabi mo.
Nandito lang ako lagi, mahal.
Hindi ako mapapagod.
Hindi ako susuko.
Patuloy pa din kitang mamahalin ng palihim.
Kahit masakit na.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro