Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Sampu

Ano kayang pakiramdam ng mahalin ka ng taong mahal mo pabalik?

11:11, sana mahalin niya na din ako.

Nakakatawa bang isipin? Na pati sa ganyang hiling, ikaw pa din?

Wala e.

Hanggang salita lang naman kasi ako.

Sinabi kong iiwasan na kita.

Ngunit sa bawat paglayo ko..

Sa bawat paghakbang ko paalis sa kinaroroonan mo, ay siya namang paglalim ng nararamdaman ko sa'yo.

Sana mapansin mo na ako.

Kasi nandito lang naman ako e.

Handang mahalin ka ng buo.

'Yong taong hindi ka sasaktan gaya ng ginawa niya sa'yo.

Subukan mo lang naman mahal.

Subukan mo namang lumingon sa likod mo.

Kasi nando'n lang ako, hinihintay na mahalin mo rin ako.



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro