Labing Siyam
Pag uwi kong bahay, hindi mapawi sa labi ang mga ngiti ko.
Hanggang sa hindi ko na kayang itago at napatili na lamang ako dahil sa kilig.
Ang saya saya ko!
Ganito pala ang pakiramdam na nasuklian 'yong pagmamahal mo.
Ang bilis ng tibok ng puso ko.
Pero agad namang napawi 'yon.
Naisip ko kasi paano ang mararamdaman niya 'pag sinabi ko ito sa kanya?
Atsaka, ano na lamang ang sasabihin ng ibang tao?
Na ako 'yong pasimuno sa pag-aasaran nilang dalawa, tapos 'yon naman pala ako ang may gusto.
Kinuwento ko ang lahat kay Jarie.
Siya lang naman lahat ang nakakaalam mula simula pa lang.
Masaya siya para sa'kin.
At siyempre, masaya din ako para sa sarili ko.
Sobrang saya.
Pero nagdadalawang isip pa din ako.
Hays, bahala na nga.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro