Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Labing Apat

Naramdaman kong unti-unting may pagbabagong nagaganap.

Sa t'wing magkachat tayo, bakit nalilihis ang usapan sa bestfriend kong babae na nalilink sa'yo?

Hindi ko tuloy alam kung ano ng lugar ko.

Para kasing ako 'yong naiipit sa sitwasyon.

Masakit man aminin, pero bakit ako pa yata ang nagiging tulay para magkaroon kayo ng relasyon?

Paano naman 'tong puso ko mahal?

Patuloy nalang ba 'tong mawawasak nang dahil sa'yo?

Gusto ko ng bumitaw.

Gusto ko nalang sumuko.

Pero hindi.

Hindi ko gagawin 'yon.

Siguro naman baka may pag asa pa 'di ba?

May pag-asa pa naman siguro ako sa'yo.

May pag-asa pa naman siguro na maging tayo.

At mananalig ako sa katiting na pag-asa na 'yon.

Kahit ang sakit na.







Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro