Dalawampu't Anim
Mahal.
Naiintindihan ko na.
Siguro masyado lang akong praning sa mga pangyayari.
Naging busy ka at unti-unting nawalan ng time sa'kin.
Pero na-appreciate ko naman nitong mga nakaraang araw kung gaano mo 'ko kamahal.
At heto nga.
Okay naman tayong dalawa 'di ba?
Ano na naman ang nangyari?
Bakit biglang wala ka na namang paramdam?
Parang no'ng gabi lang, nagtatawagan pa tayong dalawa, magkausap sa cellphone.
Dahil ba 'to sa sinabi ng mga magulang mo?
Sa sinabi ni tita na 'wag ka masyadong magfocus sa'kin?
Na 'wag ka munang magseryoso sa"kin?
Na dapat enjoy'in muna natin ang pagiging bata?
Mahal.
Sabihin mo naman sa'kin.
Hindi naman ako maghuhula na malaman kung ano na ba talaga ang nangyayari sa'tin.
Ang sakit lang kasi mahal.
Pakiramdam ko, parang ang unfair mo naman.
Ang unfair mo para ipagkait sa'kin na parang may mali.
Hindi ka na masyadong nagpaparamdam.
Ni kamusta nga sa'kin wala e.
Samantalang ako?
Heto di ko napigilan na kamustahin ka.
Pero anong sinabi mo?
"Ok lang po. Sorry if kung naging ganito. Wala kang kasalanan dito po love."
Bakit ganyan naman mahal?
Naguguluhan na ako.
Paraan mo ba 'to para bumitiw ako nang hindi mo sinasabi?
Paraan mo ba 'to para umiwas ka sa'kin? Sa pagpapaiwas ng magulang mo sa'yo sa akin?
Sana kung 'yan man ang balak mo, sabihin mo naman.
Kasi sabi ko nga, ako na mismo ang didistansya.
Ako na mismo ang lalayo sa'yo.
So sige.
Kung ito ang gusto mo, ito ang gagawin ko.
Lalayuan kita gaya ng pag iwas mo sa'kin.
Kasi sa totoo lang.
Pagod na ako.
Ang sakit na din kasi e.
Sakit sakit na.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro