Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Dalawampu

Gano'n pala talaga kapag mahal mo ang isang tao.

Wala ka nalang pakialam sa sasabihin ng iba.

At 'yon nga ang ginawa ko.

Pinalipas ko muna ang mga araw at naging tayo na.

Oo, wala ng ligaw ligaw.

Tayo na agad.

Dahilan? Dahil hindi ka marunong manligaw.

Kaya 'yon na nga ang nangyari.

Naging tayo na walang ligaw na naganap.

Kasi sa tingin ko naman, hindi naman na siguro kailangan 'yon dahil kilala na kita.

Kilala ko na ang buong pagkatao mo kaya walang na lamang silbi kung magliligawan pa.

Masaya.

Nakakakilig.

Sobrang napapangiti mo ako.

Nagsimula na tayong magpalitan ng mahal kita sa isa't isa.

Lumalabas na din tayo, gumagala na tayo lang na dalawa- date ba kumbaga.

May mga pagkakataong sweet tayo.

May mga pagkakataon namang nagtatampo ako sa'yo, pero agad naman nating naayos ang lahat.

Pero hindi naman lahat ng pinagdaanan natin ay puro saya lang.

Dumating sa point na nagkaroon tayo ng matinding pag-aaway, 'yong tipong para na tayong maghihiwalay.

Mga simpleng bagay, atin pa nating pinapalaki.

Mga bagay na hindi natin kayang bigyan ng pag-iintindi.

Ang selos, na madalas nating pagtalunan.

Dumating pa sa puntong ang babaeng aking pinagseselosan ay iyo namang nilayuan.

Habang ako naman, ang lalaki na pinagselosan mo ay 'di ko man lang magawa na iwasan.

Patawad mahal dahil isa siya sa mga kaibigan ko. Hindi ko lang talaga kaya na hindi siya sagutin sa t'wing kinakausap niya ako.

Patawad kung hindi ko alam na nasasaktan ka na pala na hindi ko man lang namamalayan.

Patawad kung ang unfair ko at kung nakakainis na ako.

Lahat ay gagawin ko manatili ka lang sa'kin.

Nagseselos ka sa kanya? Lalayuan ko siya para sa'yo. Hindi dahil napipilitan ako o sinabi mo, pagkat mahal na mahal na mahal kita.

Mahal na mahal kita, higit pa sa iniisip mo mahal.

Alam kong nagseselos ka lang dahil takot kang mawala ako, gano'n din naman ako sa'yo.

Sa ating pagtatapos at pagtuntong sa panibagong pagsubok- ang senior high, hiling ko lang mahal na manatili tayong matatag.

Na kahit magkakalayo na tayo, meron pa ring ikaw at ako sa pagitan natin.

Na kahit isa sa mga kalaban natin ay oras, 'wag tayong susuko.

Na kahit may mga pagkakataon na nakakapagod na ang relasyon na meron tayo, isipin mo lahat ng mga araw na kasama mo ako.

Mga tawanan.

Kilig.

Mga lugar na napuntahan mo kasama ako.

Mga karanasan na hindi natin malilimutan.

Lahat.

Magbalik tanaw ka lang mahal.

Dahil 'yon ang gagawin ko.

Hindi ako susuko.

Hindi ako mapapagod.

Dahil ang tunay na nagmamahal, hindi kailanman mapapagod.

Ang pagmamahal ay marunong umunawa.

Ang pagmamahal ay marunong magtiis.

At habang may pagmamahal sa ating puso, makakayanan natin ang lahat ng ito.

Dahil mahal natin ang isa't isa.

Manatili sana ang pag-iibigan nating isinulat na natin mula pa umpisa.

Dahil alam mo mahal, ikaw lang ang gusto kong makasama sa bawat pahina.

Ikaw lang ang gusto kong kasamang magsulat ng ala-ala sa aking pluma.

Ikaw lang at wala ng iba.

Raymond, mahal na mahal kita.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro