PTL (Parang Tanga Lang) [One Shot]
Dedicated kay Beng Bunso, wihehe! Ayan na. Sensya naman sa title, wala akong maisip eh.
PTL 'tong one shot na 'to, haha!
=========
Nakakinis talaga ang Ivan na 'yon! Hmmp! Lagi na lang akong inaasar! Ba! Hindi pwedeng matapos ang isang araw ng hindi niya ako inaasar! Pambihira!
Pero napaka-PTL ko kasi kahit lagi niya akong inaasar eh gusto ko pa rin siya.
K, ako na ang abnormal.
Campus hearthrob siya, ako wala lang. Average kumbagaman. Hindi pansinin, isang simpleng estudyante lang na may simpleng high school life. Yayaman ba ako ng bonggang-bongga kung sisikat ako sa campus? Hindi naman 'di ba? Aywan nga ba sa ibang estudyante at mga gustong sumikat.
Dahil nga ako ay imbyerna sa Ivan na 'yon ay naupo ako dito sa ilalim ng puno sa may field. Papalamig lang ng konti. Pasalamat ang Ivan na 'yon at gusto ko siya kundi nabasag ko na ang pagmumukha no'n.
Ayaw ko nang umasa na magkakagusto pa siya sa'kin. Sapat na sa'kin 'yong lagi niya akong inaasar kasi kahit papaano nabibigyan niya ako ng atensyon. Masaya na ako ro'n. 'Yon naman kasi ang hirap sa tao, umaasa pa rin sila sa bagay na alam nilang hindi naman mangyayari, sinasaktan lang nila ang sarili nila.
Woot, may pinanghuhugutan?
Napabuntong-hininga ako kasabay ng pagpikit ko pero naramdaman kong may parang humalik sa pisngi ko kaya napalingon ako sa tabi ko.
Nanlaki ang mata ko. S-si Ivan!
"Ang ganda-ganda talaga ng taong mahal ko." Nakangiti nitong sabi.
HANUDAW?
"Ang cute mo mag-blush." Sabi ni Ivan tapos pinisil ang pisngi ko.
ENEBEYYYY. AKO'Y KINIKILIG!
"YAH! Nang-aasar ka na naman eh!" Sigaw ko sa kanya.
"Manhid talaga nito, hindi mo ba ramdam na mahal kita?" Sabi ni Ivan na seryosong nakatingin sa'kin.
Napaiwas naman ako ng tingin. Pulang-pula na talaga ako! PRAMIS! PTL eh!
"E-ewan ko sa'yo." Sabi ko saka dali-daling tumakbo. Gah! Natataranta na kasi ako sa sobrang kilig!
"Hoy Rachel! Teka hindi pa ako tapos! Hahalikan pa kita sa labi!" Sigaw ni Ivan.
Nagsigawan tuloy ng YIIIIIII~ 'yong mga nakarinig. Eh sinong hindi makakarinig eh isigaw ba naman?
"Che! PTL!" Sigaw ko sa kanya. Nakita ko namang tumawa siya.
"Rachel! Mahal kita!"
"Sira-ulo! Kailangang isigaw? I love you too!"
END.
======
I already warned you. Parang tanga lang, 'di ba? Haha!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro