7 : The vulture
7
The Vulture
Kleya
Nakabibingi ang iyakan ng lahat. Kaliwa't-kanan wala akong ibang mga nakikita kundi mga wretched na nagwawala't nag-iiyakan at mga crowned na labis ang gimbal dahil sa nangyari. Pilit kaming pinapaalis nina Lauren at Shaun, pinapabalik na nila kami sa sarili naming mga silid. Nagsialisan na ang karamihan sa mga crowned at bilang nalang ang natitira, pero ni isang wretched ay walang umalis.
Halos isang oras na ang lumipas pero hindi parin kami umaalis sa harap ng salamin. Nanatili lamang ako sa kinatatayuan samantalang sina Miller at ang iba pa ay pilit paring kinakalampag ang salamin—kahit huli na ang lahat, sinusubukan parin nilang basagin at pasukin ito.
"Kasalanan ko 'to! Ako dapat yung nasa loob! Hindi dapat nangyari 'to sa kanya!" iyak nang iyak si Vivian na nakaupo na sa sahig at paulit-ulit na kinakalampag ang salamin. Pulang-pula na ang mga kamay niya pero hind siya humihinto sa ginagawa kaya panay ang pag-comfort sa kanya ni Ledory at ng iba pang mga wretched.
Nilibot ko ang paningin upang hanapin si Cara ngunit hindi ko siya nakita, hindi na siguro kinaya ang ginawa ng boyfriend niya.
Napabuntong-hininga na lamang ako at nagsimulang maglakad paalis. Nakakapanlumong makita ang bangkay ni Baldwin na nagkahandusay at halos nagkalasog-lasog na kaya wala nang saysay pa kung mananatili ako rito gaya nila. Napakaraming tanong na naglalaro sa isipan ko pero gusto ko nalang munang magpahinga.
"Kleya, sandali!" narinig kong sumigaw si Ledory at nang mapalingon ako ay itinuro niya si Vivian na iyak parin nang iyak. Kahit hindi niya sabihin, alam ko ang tinutukoy niya... at alam ko narin anong gagawin.
Lumapit ako sa kanila at hinila patayo si Vivian na mukhang wala nang lakas at hinang-hina na kaiiyak, ni hindi niya magawang tingnan ako o alisin man lang ang tingin niya sa bangkay ni Baldwin. She's blaming herself for Baldwin's death. I can't blame her because she actually has a point; I mean siya ang dapat lumaban at nachugi at hindi si Kalbo—not that I want her to die or anything.
"A slight sorry for this," bulong ko at agad siyang sinuntok sa mukha dahilan para umalingawngaw ang sigaw ni Ledory at iba pang nakakita sa ginawa ko. hindi nahimatay si Vivian sa suntok ko, nahilo lang siya at natumba pero mabuti nalang at nasa likuran niya si Ledory—mabilis man ang naging pagbagsak niya kay Ledory, hindi naman basta-bastang natumba si Ledory sa sahig dahil kahit papaano ay naibalanse niya ang sarili niya. Mabilis rin namang umalalay ang mga lalakeng crowned na nakatayo malapit sa amin. Alam kong crowned sila kasi naka-white shirt sila—itim kasi sa aming wretched.
"Ba't mo ginawa yon?!" sigaw ng isa sa mga crowned na umalalay. I recognize his babyface, siya yung crowned na tumulong sa akin na makatayo matapos akong matamaan ng bola, I punched him back then too.
"Just carry the damn girl," iritado kong sambit sa kanya.
****
"Thanks babyface and not babyface," sabi ko sa dalawang crowned matapos nilang maihiga si Vivian sa kama niya. Bakas ang gulat sa mukha nila dahil sa sinabi ko. teka, akala ba talaga nila masama ang ugali ko? Hindi naman masama ang ugali ko, realistic lang naman ako at mas gumagana ang kamao ko kesa sa puso ko. Knuckles over heart, yes naman!
"T-teka sandali," pigil ko sa kanila nang papalabas na sila sa kwarto namin.
"Bakit?" tanong ni not babyface.
"May tanong ako tungkol kay Harold. May away ba sila ni Baldwin o warfreak—" hindi na ako pinatapos pa ni babyface na magsalita.
"Wretched man o crowned, kasundo ni Baldwin ang lahat. Siya pa nga ang tumulong kay Harold na mapasagot si Cara. Mag-iisang taon ko nang kilala si Harold at ni minsan ay hindi ko inakalang kaya niyang gawin iyon, lalo na kay Baldwin," giit ni Babyface na para bang naiiyak na. Siguro friends sila.
Nang tuluyang makaalis ang dalawa at kami nalang ni Vivian ang nasa kwarto, kinumutan ko na lamang siya.
Matapos ayusin ang kama ko, hinubad ko ang jacket ko at nahiga na sa kama. Tinatamad na akong magbihis at isa pa komportable naman akong matulog kahit nakasuot ako ng pantalon dahil nakasuot naman ako ng komportableng black sleeveless shirt. Sinusubukan ko na sanang matulog nang marinig ko ang mumunting hikbi ni Vivian. Wala na sigurong epekto ang suntok ko sa kanya, suntukin ko kaya ulit? Ay 'wag na, magagalit lang si Sister Margie.... O si Baldwin. Ayaw na ayaw nilang may sinusuntok ako.
"You survived once, don't let another death beat you to the ground," sabi ko na lamang habang nakatitig sa blankong kisame.
"How can you be like that? Naging kaibigan mo rin naman si Baldwin diba? Ayaw mo lang aminin kasi nagfi-feeling astig ka?" umiiyak na sambit ni Vivian na gaya ko'y nakatitig lang din sa kisame.
"If you won't shut up now, my knuckles will land on your face again," napasinghal na lamang ako sa inis. Isa nalang at mukha na naman niya magiging destinasyon ng kamao ko.
"Ba't ko ba kasi hinayaan si Baldwin na palitan ako? Dapat ako yung nasa loob eh, ako dapat yung namatay! Wala akong silbi sa wretched, pero si Baldwin," muli kong narinig na humagulgol si Vivian. Tumagilid siya at humarap sa dingding, iyak siya nang iyak. "Baldwin is the wretched's anchor, ano nang mangyayari sa atin ngayon?"
"We'll live and survive. Easiest math equation ever. Now shut up and let me sleep, or you won't survive this night," sabi ko na lamang.
Sinubukan kong matulog. Kung ano-ano na ang naging pwesto ko, ngunit kahit anong gawin ko, kahit na anong gawin kong pikit, hindi ko parin magawang makatulog dahil paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang pagkamatay ni Baldwin at ang kabutihang ipinakita niya sa akin. Nakakainis! Bakit ba kasi ang bait bait niya sa akin?!
Naupo at napatingin sa orasan. Mabuti pa si Vivian tulog na tulog na. Napabuntong-hininga na lamang ako nang mapagtantong alas dos na ng madaling araw at dalawang oras na akong hirap makatulog. Isang solusyon lamang ang pumasok sa isipan ko at nasa kusina ito—Bacon.
Pinulot ko ang denim jacket sa sahig at sinuot ito. Wala namang curfew o rules tungkol sa midnight snacks kaya kaswal akong lumabas mula sa kwarto at nagtungo sa kusina. Ngunit habang naglalakad sa tahimik na pasilyo, bigla kong nakita si Miller na dumaan sukbit ang backpack sa kanyang likuran at tila ba nagmamadali. Ni hindi niya ako nakita sa sobrang pagmamadali niya.
Isinilid ko ang mga bulsa sa pantalon ko at kaswal na sinundan ang daang tinahak niya. Mabilis man ang paglalakad, pinagaan ko ang mga yapak upang 'wag niya akong mahalata. Nagulat ako nang bigla kong marating ang isang dead end at wala akong Miller na nadatnan, tanging isang painting lang ng isang batang babaeng natutulog.
Naalala kong may mga secret passage dito gaya ng pinakita ni Baldwin kaya sinubukan kong tanggalin ang painting ngunit nang hilahin ko ito pataas ay laking gulat ko nang biglang bumungad sa akin ang isang lagusan—para bang isang malaking air vent?
Nilibot ko muna ang paningin, siniguradong walang ibang nakakita sa akin. dahil hindi ito masyadong mataas, nagawa kong mabuhat ang sarili ko paakyat at papasok sa loob nito. Gaya ng inaasahan, medyo masikip ang airvent kaya kinailangan ko pang gumapang.
Medyo nakakalito ang daan, maraming paliko-liko pero nakakapagtaka kasi hindi masyadong madilim.
"Ba't mo ako sinusundan?" muntik akong mapasigaw sa gulat nang bigla na lamang sumulpot si Miller sa daang lilikuan ko sana. Sa sobrang gulat ay muntik akong mapatayo kaya nauntog ako nang wala sa oras.
"Ara—" natigil ako sa pagsasalita nang biglang sumenyas si Miller na 'wag akong maingay. Mabilis akong kausap kaya tumango na lamang ako sabay hawak sa ulo kong masakit. Kaya pala maliwanag sa air vent, may dala palang flashlight si Miller.
"What are you doing here?" pabulong ko na lamang na sambit.
Pulang-pula ang mga mata ni Miller at mukhang balisa parin siya dahil sa nangyari kay Baldwin. "Bumalik ka na sa kwarto mo," giit niya. Malayong-malayo sa Miller na palabiro at medyo gago.
"Sinusubukan mo bang tumakas?" bulong ko na lamang ulit. "Dude, Baldwin wouldn't want you to do this. He wants you to stay," paalala ko. Alam ko kasi minsan narin 'tong kinwento ni Baldwin sa akin kahit wala naman akong pake. Sabi ni Baldwin lagi raw nagp-plano si Miller na tumakas pero lagi lamang itong nananatiling plano.
"And he's dead so it doesn't matter," giit naman niya at mukhang buo na ang pasya upang umalis.
"What makes you think na makakaalis ka? This place is designed to keep us in and to keep others out," giit ko naman.
"There's always a way out," pagmamatigas niya at nagpatuloy sa pag gapang. "Alam kong ayaw mo din sa lugar na'to kaya kung ako sa'yo, makipagtulungan ka sa akin," aniya pa. Gusto kong mangatwiran pero 'wag nalang, nakakasira rin naman kasi ng image kung ipangalandakan ko sa lahat na ayokong umalis dahil laging may bacon sa lugar na'to... o dahil lagi akong may pagkakataong manapak ng tao dahil sa araw-araw na combat lessons.
Gusto kong pigilan si Miller dahil siguradong ito ang gusto ni Baldwin pero napaka-pakialamera ko naman kung pipigilan ko si Miller. Ayokong pinapakialaman ako kaya ba't ako makikialam sa gustong gawin ng iba?
"Do you have a plan?" tanong ko.
"Plano kong umalis dito," seryoso niyang sambit kaya napangiwi na lamang ako.
"Pamunuan mo sila" Sa isang iglap bigla na lamang bumalik sa isipan ko ang huling sandali ng buhay ni Baldwin. Naluluha ang mga mata niyang nagmamakaawa, namimilipit na siya dahil sa labis na sakit dulot ng bawat saksak na kanyang tinatamo pero ang mga wretched parin ang nasa isip niya.
Gagong kalbo, sabing ayokong maging leader! Iwas na iwas nga akong maging leader sa group reports noon tapos ngayon gusto niyang maging leader ako ng mga survivors?! Ba't di nalang si Vivian o kaya si—May naisip na ako!
"Miller, with Baldwin gone, sino na ang mamumuno sa mga wretched?" tanong ko ngunit nagsimula lamang si Miller sa paggapang dahilan para sundan ko siya. "Look, hindi kita pipigilan na umalis o pipiliting manatili—ang sa akin lang, paano na ang mga wretched kung mawawala ka rin? Miller gago ka pero gago rin naman si Baldwin kaya siguradong perpekto ka para maging leader," giit ko.
Nilingon niya ako. Tiningnan niya ako na para bang nababaliw na ako.
"Wala na akong pakialam, ang gusto ko lang ay makaalis sa lugar na'to," aniya kaya napabuntong-hininga na lamang ako. Pero sa kabila ng pagtanggi niya, hindi ako tumigil sa paggapang, hindi ako tumigil sa pagsunod sa kanya.
"Magiging leader ka o sasapakin kita?" sinubukan kong magbanta.
"Akala mo ba talaga matatakot ako sa mga ganyan mo?" aniya. Well, at least I tried!
"Think about it for a second okay, hindi naman sa—" natigil ako sa pagsasalita nang biglang bumigay ang kinaroroonan ni Miller dahilan para malaglag siya. Dali-dali akong gumapang patungo sa kinalaglagan niya , at nakita ko siyang bagsak sa sahig ng isang silid. Nasa kanya parin ang flashlight kaya kahit nakapatay ang mga ilaw ng silid, nakikita ko parin si Miller na sumisinghap dahil sa sakit ng katawan.
"Broke some bones?" tanong ko pero napaungol lamang si Miller at pilit na gumapang hanggang sa makatayo. Pinulot niya ang kanyang flashlight at nahagip ng liwanag nito ang isang whiteboard na tadtad ng litrato, bagay na agad kong napansin. Nakakapagtaka, pero parang mga kakaiba sa mga litratong ito. Gusto ko itong makita nang malapitan.
"Wait, I'm coming down," sabi ko at pilipit na pinauna ang mga paa ko upang makababa ng maayos.
"Bakit? 'wag na—" hindi ko na pinatapos pa si miller sa kanyang sinasabi. I dangled myself down the ceiling and then jumped, hiding the intense pain in my ankles as I landed. Nakalimutan kong napalo nga pala ako ni Wolfgang kanina.
"okay ka lang?" tanong niya sa akin kaya tumango na lamang ako. Masakit ang mga paa at kasu-kasuhan ko pero di hamak naman na mas masakit ang kay miller kasi nahulog talaga siya mula sa air vent na nasa ceiling , tapos heto siya at tinatanong kung okay lang ako.
"let me borrow that," sabi ko sabay agaw sa flashlight niya at ako na mismo ang nagtutok ng flashlight sa direksyon ng whiteboard.
Kapwa kami napatulala at napatitig sa whiteboard nang mapagtantong mga litrato namin ang naririto, kapwa wretched at crowned. Bigla akong kinilabutan nang mapansin kong may guhit na bilog at ekis ang ilan sa mga litrato at nang titigan ko ito nang malapitan ay napagtanto kong litrato ito nina apple, Harold, at Baldwin.
"t-totoo 'tong nakikita ko diba? Nakikita mo rin 'to diba?" parang nagkabuhol-buhol ang utak at dila ko. malisyosa ba ako kung iisipin kong isang murder board ang nakikita ko? I mean, binulugan at naka-ekis ang mga litrato nila—para bang may nagta-tally ng mga ito. Oh shit! What if connected ang lahat?!
Biglang inagaw ni miller ang flashlight mula sa akin at sinuyod niya ang dingding na para bang naghahanap ng light switch. Nang mahanap, lumiwanag ang buong paligid at nakita kong maliit lang pala ang silid na kinaroroonan namin. bilang lang ang mga gamit na nakikita ko—ang whiteboard, isang mesa, isang upuan at bulto-bultong mga dyaryo sa sahig. Ni wala akong nakikitang cabinet, picture frame, carpet, bintana o kahit pinto!
"This can't be a coincidence right?" tanong ko sabay turo sa board na tadtad ng mga litrato. Wala akong ibang nakikita sa mukha ni miller kundi gulat at gimbal.
"Teka sandali—" muling lumapit si Miller sa board at itinuro ang litrato ni Cara nasa pinakailalim. Di gaya ng mga litrato ni Baldwin, binilugan lamang ang litrato ni Cara pero wala itong ekis.
"Oh shit! Cara's next!" Nanlaki ang mga mata ko at hindi ko napigilang sumigaw. Kaya bilog kasi siya na ang target, wala pang ekis kasi hindi pa siya namamatay!
"kailangang mabalaan ang lahat! Kailangang mabalaan si Cara!" bulalas ni miller at dali-daling kinuha ang mga litrato nina Baldwin, Harold, apple at Cara. Mabilis na hinila ni miller ang mesa patungo sa air vent na nilusutan namin at umakyat sa pamamagitan nito.
Sasama sana ako kay miller upang mabalaan ang lahat ngunit nang akmang aakyat na ako sa mesa, bigla kong napansin ang mga dyaryong nakalatag sa sahig at ang lahat ng mga ito ay classified ads mula sa iba't-ibang araw. Napatingala ako at nakita ko si Miller na gumagapang na paalis.
Imbes na sundan siya, ibinaling ko ang buong atensyon ko sa mga classified ads. May dapat akong makita rito, sigurado ako. I mean, walang tangang mango-ngolekta ng ganito karaming dyaryo at classified ads? What the hell! Nakakulong kaming lahat sa lugar na'to kaya ba't naman kami maghahanap ng trabaho sa labas?! May dapat akong makita rito, may rason kung bakit ito nandito.
"Think, kleya, think!" napahampas ako sa magkabilang sentido. Paulit-ulit kong pinasadahan ng tingin ang mga classified ads sa iba't-ibang diyaryong nakalatag. Gusto kong basahin ito isa-isa pero hindi ko magawa, masyado akong natataranta, hind ako maka-focus, hindi ako makapag-isip ng deretso.
"Teka!" hindi ko napigilang mapasigaw nang mapansin ang pagkakapareho ng mga classified ads—sa hulihang bahagi ng bawat pahina ay may drawing ng isang agila, logo para sa isang companyang nagngangalang Muerte Sanitarium. May nakalagay na isang quote sa ilalim nito:
"The vulture strikes the Kangaroo"
Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig sabihin nito o kung bakit may ganito rito kaya sinuri ko ang ibang newspaper mula sa ibang araw at nagtaka ako nang makitang nag-iba bigla ang quotation:
"The vulture strikes the cattle"
"The vulture strikes the snitch of Amspec"
Hindi ko maintindihan ang ibig sabihin nito nang tiningnan ko ang newspaper kahapon, tila ba may tambol na dumagundong sa puso ko nang mapagtanto ang pinapahiwatig ng mensahe.
"The vulture strikes the bald boy"
"Baldwin," napasinghap ako nang maalala ko siya sa salitang ito. Apat na quotation patungkol sa isang vulture na umaatake—maari kayang sina Baldwin, Apple, Harold at Cara ang tinutukoy ng mga ito?
Hindi ako matalino pero alam ko kung ano ang ginagawa ng Vulture—A vulture is a bird, a scavenger who eats dead animals and even dead humans! And since we are considered dead in the outside world, we could be a vulture's prey!
Dali-dali akong pumatong sa ibabaw ng mesa at umakyat sa air vent. Wala sa akin ang flashlight at hindi ko na alam saan dumaan si Miller, litong-lito akong paggapang-gapang at paliko-liko sa kung saan-saan. Nakakainis! Sobrang lakas parin ng tibok ng puso ko at parang naglalagablab ang adrenaline ko.
Habang paggapang-gapang sa kung saan, napansin ko ang isang maliit na liwanag kaya agad ko itong sinundan hanggang sa natagpuan ko ang sarili ko sa gym. Madali lamang matanggal ang takip ng mga air vents kaya mabilis akong nakalabas mula rito.
***
Paglabas ng gym ay agad kong napansin ang mga cctv sa kisame kaya agad kong kinuha ang pansin nito sa pamamagitan ng pagtalon-talon at pagkaway. "Call Python! I have to talk to Python! We're in trouble! Call python!" sigaw ako nang sigaw at napansin kong tila ba nag zoom-in sa mukha ko ang cctv camera.
Sisigawan ko sana ito nang bigla kong marinig ang isang malakas na kalabog na tila ba nanggaling sa hindi kalayuan.
"Call python!" sigaw kong muli sa cctv at agad na nagtatakbo upang sundan ang pinanggagalingan ng ingay.
Natigil lamang ako sa pagtakbo nang bigla kong makita ang isang katawang nakahandusay malapit sa bintana. Para akong may nakikitang dugo sa sahig kaya naman nilapitan ko agad ito ngunit laking gulat ko nang mapagtantong katawan ito ng isang wretched at wala na itong ulo! Napatingin ako sa bintana at napatulala ako nang makita ang pugot na ulo ni Cara na nakatuhog sa bawat matutulis na rehas ng bintana.
END OF CHAPTER 7!
THANKS FOR READING!
VOTE AND COMMENT <3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro